Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

DALAWA

[Feya's POV]

"Feya! Nandito na ang mga kaibigan mo!" rinig kong sigaw ni Nanay Fe habang tinatapos ko ang pagba-bun ng aking buhok sa harapan ng salamin.

Nagsuot lang ako ng pink t-shirt na may maliit na embroidered unicorm sa upper left. Pinarisan ko ito ng fitted denim jeans at black rubber shoes.

"Opo pababa na po!" Tinignan ko ulit nang saglitan ang aking sarili sa salamin, pagkatapos ay dali-dali ko nang kinuha ang aking bagpack at bumaba.

Naabutan ko sila sa sala, nakaupo sofa at nagkwekwentuhan.

Napangiti ako dahil mukhang excited na sila.

"OMG tara na! I'm so excited!" EJ wiggled his body because of excitement.

I giggled.

Ang presko tignan ni EJ dahil sa floral polo shirt at peach short niyang suot na pinarisan niya ng white slip on shoes.

Nalipat ang tingin ko kay Adrian na nakasimangot na naman habang nag-iingay kay EJ. Mukhang gutom na naman ang isang 'to.

"Napakalakas naman ng iyong boses, EJ. 'Wag ka na lang kayang sumama?" bulong ni Adrian.

Naka-plain black shirt, jeans at white rubber shoes si Adrian.

Nag-pout si EJ habang nakatingin kay Adrian. "Awe ba't ka ganyan Adrian, 'di mo na ba ako mahal?" panlalambing niya.

Nagsitawanan sila dahil alam na alam talaga nila kung paano pa asarin lalo si Adrian.

"Mahal ba kita?" masungit na tanong ni Adrian sa kaniya.

"Burn!" natatawang sabi ni Kael na nasa tabi ni Adrian.

As usual kahit hindi ko pa nalalapitan si Kael ay mukha na naman itong mabango. Nakasuot siya ng green hoodie at pinarisan niya ng kaniyang black sweatpants and rubber shoes.

"Oh!" kantsaw ni Josh dahil sa sinabi ni Adrian.

Naiiling akong nagpatuloy bumaba nang makitang magkaterno na naman sila ng damit ni Clara.

Naka-denim dress si Clara at pinarisan niya iyon ng kaniyang heeled sneakers. Nakaayos ang nakalugay na buhok ni Clara dahil sa may hairpin itong nakaipit, at may kaunting make up rin ang kaniyang mukha. Ang boyfriend niya namang si Josh ay naka denim jacket at jeans, pareho sila ng kulay ng sneakers ng kaniyang girlfriend— white.

"Oh paano na 'yan EJ, wala man lang panlaban!?" pangsusulsol ni Hera kay EJ para sumagot sa sinabi ni Adrian.

Naka-ponytail ngayon ang curly hair ni Hera. Nakasuot siya ng red fitted crop top, black high-waisted shorts at peach rubber shoes.

Sinamaan na lang ng tingin ni EJ si Hera dahil kumampi pa talaga siya sa mga nang-aasar sa kaniya.

"Oh, tama na 'yan tara na." natatawa kong sabi sa kanila.

Lumabas na kami ng bahay. Naroon na si Tito Jose na kagagaling pa sa probinsya para sunduin kami rito— siya rin ang makakasama namin sa mansion.

Habang nagpapaalam kami kay Nanay Fe—dahil maiiwan muna siya rito— ay pinalagay na namin ang aming mga maleta at iba pang gamit sa likod ng aming sasakyan.

"Doña Felicita! Here we go!" sigaw ni EJ habang nasa bungad ng van.

Iyon ang pangalan ng aming lugar sa probinsiya.

"Maaari bang pumasok ka na lamang EJ? Baka maitulak pa kita riyan kakasigaw mo." natatawa sabi ni Adrian.

"Subukan mo!" pagbabanta ni EJ. Nang makapasok na si EJ at uupo na sana ay tinulak nga talaga siya ni Adrian kaya napasubsob ito roon.

"Bwesit ka talaga Adrian!" rinig kong sigaw ni EJ.

"Ayie! The more you hate the more you love!" pang-aasar ni Hera tsaka sunod na pumasok.

"Wait, lemme check the attendance." seryosong sabi ni Kael.

"Parang tanga itong si Kael, may nalalaman pang gano'n." reklamo ni EJ.

Hindi siya pinansin ni Kael at tinignan lang kami.

"Feya Marquez?"

"Present!" masaya kong sagot.

"Clara Marie Fructoso?"

"I'm here!"

"Joshua Martin Falcon?"

"Bro."

"Hera Zamora?"

"Nandito na."

"Adrian Alfonso?"

"Ako'y narito na."

"Francis Kael Vitales?" natawa siya sa pagbanggit niya ng kaniyang pangalan. "Of course, that's me." Nginitian niya kami. "Tara na, kompleto na tayo."

"Hoy! Ba't 'di ako natawag!?" pagproprotesta ni EJ habang nasa loob na siya ng van.

"Ayan kasi!" panggagatong ni Hera.

Sinilip siya ni Kael. "Emmanuel John Ford, nagrereklamo ka kanina 'di ba?" Hindi niya hinintay ang sagot ni EJ. "Hindi ka kasama, bumaba ka na r'yan."

Sumimangot siya. "Emmanuel John Ford?" pagtatawag niya rin sa sarili niyang pangalan. "I'm already here!" masungit niyang sabi para lang hindi siya mapag-iwanan sa attendance.

Nginisihan siya ni Kael. "Reklamo ka pa ha?" pang-aasar niya.

Nang nakapasok na si Clara at susunod na si Josh ay nakuha pa nitong magpabebe sa nobya niya. "Baby, tabi tayo."

"Of course, babe." rinig kong sabi ni Clara mula sa loob ng van.

"Lagi naman kayong magtatabi kahit kailan 'wag na kayong maglandian sa harapan ko." masungit na sabi ni Hera.

Pumasok na rin sila Adrian at Kael. Ako naman ay roon sa harapan pumwesto. 



Matapos ang mahabang byahe na puro kwentuhan, kantahan at bangayan sa loob ng van ay nakarating na kami sa aming probinsya.

"Doña Felicita, nandito na ang inyong reyna!" sigaw ni EJ pagkababa ng van sabay pamewang ng isa niyang kamay at iwinagayway ang isa pang kamay na parang pang Miss Universe.

"Feya, may mga pogi ba dito?" tanong ni Hera sa'kin.

Natawa ako bago ko siya sagutin.

"Meron marami..."

Parang kuminang ang kaniyang mga mata nang marinig niya iyon. "Ilakad mo naman ako!" pagmamakaawa niya sa akin.

"Wow, magka-boyfy ba ang goals mo ngayong sembreak?" sarkastikong sabi ni EJ.

"Oo, bakit? " pagsusungit naman ni Hera sa kaniya.

Kapagkuwan ay pumunta rin sa kabilang banda ko si EJ.

Nag-pout siya. "Ako rin Feya ilakad mo 'ko." Isa ring gusto ng gwapo.

I giggled.

"Alam niyo, may film pa tayong gagawin 'di ba? Wala pa tayong script." mahinahon kong pagpapaliwanag sa kanilang dalawa. "Kayo pa naman naka-assign na gagawa no'n." dagdag ko.

Nalungkot ang mukha ni EJ. "May Kael ka lang, ih!" pang-aasar ni EJ.

Ayan nang-asar na rin tuloy pati 'yong iba. Hay nako.

Napailing nalang ako dahil sa kanilang panunukso.

"Tara na nga sa loob." pagwawala ko ng topic.

Sumunod sila sa akin habang hawak namin ang sari-sarili naming mga maleta.

Maaliwalas ang paligid dahil malinis ito. Mukhang bagong trim din ang mga damo sa gilid ng pathway. Ang mga bulaklak sa paso na nakapatong sa aming veranda ay buhay na buhay tignan. Mukhang inaalagaan talaga nila ang bahay na ito.

Dalawang taon na rin no'ng huli akong bumisita rito. Nakaka-miss.

Malaking lupain ang sakop ng aming bakuran. Hindi rin gano'n kalapit ang mga ibang bahay rito sa amin kaya't tahimik ang paligid at maaari kaming mag-ingay kung sakali.

"Woah." rinig kong sabi ni EJ pagkapasok namin sa bahay. "Ang luwang..." he sounded like he was really amaze. "Parang gusto ko na lang dito tumira."

"Sige, para wala ng maingay pagbalik namin" sabi ni Adrian.

"Oh! Basag ka na naman EJ?" pangsusulsol ni Hera.

"Bwesit talaga kayo." sagot ni EJ sa kanila.

Inilagay muna namin sa isang gilid ang aming mga maleta.

"Gusto niyo bang maglakad tayo sa dalampasigan mamaya?" nananatya kong tanong sa kanila nang maupo sila sa sofa. "Maganda ang sunset doon." dagdag ko.

Gusto ko kasing pumunta mamaya.

"May dagat here!?" Bumaling ang tingin ko kay Clara. Her eyes were twinkling she seemed excited "Pwede bang mag-swimming!?" Nakangiti niyang tanong.

Natawa ako. "Oo naman!"

"Parang gusto ko nang pumunta!" masayang sabi ni Hera.

"Ang init pa, later na lang ayokong ma-damage ang aking skin. Ayoko ring umitim, haler!" maarteng reklamo ni EJ.

"Anong ayokong ma-damage?" Kunot noong tanong sa kaniya ni Hera. "FYI damaged na talaga skin mo matagal na, lalo na sa face!" sabay tawa ni Hera.

Isang hampas tuloy ang natanggap niya mula kay EJ.

"Feya." rinig kong tawag sa akin ni Tito Jose.

Lumingon ako.

"Sabihin niyo lang kapag may kailangan kayo, ha?" nakangiti nitong sabi.

Ngumiti ako at tumango. "Sige po. Thank you po."

Nilingon niya naman ang mga kaibigan ko. "Feel at home mga bata!" masaya niyang sabi. "Maraming pagkain sa ref, baka nagugutom kayo. Pwede kayong kumuha roon." Iyon ang paraan niya para i-welcome ang aking mga kaibigan.

"Thank you po!" sabay-sabay nilang sagot na parang mga bata.

Natuwa ata sila sa narinig nilang pagkain.

Umalis si Tito Jose sa harapan namin at dumiretso muna sa kusina.

"Feya pwedeng umikot-ikot?" tanong ni Clara. "Gandang mag-picture here, ih." Mukha pa siyang nahihiyang magsabi sa akin.

"Sure! Pwedeng-pwede. Feel at home!" Tsaka ko sila nginitian ni Josh.

Nag-thank you sila at mabilis na umalis at nagpunta sa kung saan habang may ngiti sa kanilang labi.

Ang iba naman ay naisipang pumunta sa kusina at sinubukang maghanap ng gusto nilang kainin sa ref.

Mukhang natutuwa sila. Mabuti naman.

Pumunta muna ako sa aming veranda.

Umupo ako sa isang bench at dinamdam ang sariwang simoy ng hangin. Ang ganda talaga dito sa probinsya.

Ipinikit ko ang aking mata at sumandal. Napakatahimik— tunog ng mga dahon ng puno ang aking naririnig dahil sa pagsabay nito sa ihip ng hangin.

Nakaramdam ako na may tumabi sa akin at nakiupo. Iminulat ko nang bahagya ang aking mata— si Adrian. Pumikit ako ulit.

"Ba't ka nag-iisa rito?" tanong niya.

"Wala naman, nais ko lang damhin ang hangin ng probinsya." casual kong sagot.

"Napakamata mo naman." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

Iminulat ko ang aking mata.

"Nakuha ko 'yan sa'yo. Remember the first time we met?"

Umayos ako ng upo at humarap sa kaniya. "Binibini maari bang makahingi ng papel mo?" panggagaya ko sa sinabi niya sa akin dati.

Natawa siya dahil sa ginawa ko at natawa din ako nang makita ko siyang tumawa.

Napakaganda talaga ng kaniyang mga mata. Hindi na ako magtataka kung bakit niya naagaw ang pansin ko.

I had a crush on him since the day I saw his eyes— the time we met and first time to talk. Para ngang nag-slow motion ang paligid nang magtama ang aming mga mata. Nahumaling ako sa kagandahan nito at idagdag mo pa ang pagtama ng sinag ng araw. Wow as in wow.

But I think we're just going to be friends.

"Tinawag mo pa nga akong Jose Rizal dati dahil sa kung paano ako magsalita." natatawa niyang sabi.

Paano ba namang hindi? Napakamakata.

Natawa ako habang patuloy naming pinag-uusapan ang mga bagay.

"Ba't parang ang tagal nating hindi nag-usap at binabalikan natin ang mga nakaraan?" wala sa sarili kong tanong.

Nagkibit balikat siya at natawa.

"Medyo nabawasan na ata ang pagkamakata mo." puna ko sa kaniya.

Umiling siya.

"Katulad pa rin ako ng dati binibini, ngunit akin lamang iniiwasan sapagkat nawewerduhan ang mga tao sa aking pananalita, kung iyong nais ay magiging ganito ako para sa iyong ikaliligaya, binibini."

Napatawa ako sa kilig dahil sa kung paano niya sabihin ang salitang 'yon. Parang nanlalambot ang puso ko, lalo na kapag tinatawag niya akong binibini. Ewan ko ba ba't ako kinikilig kapag ginagawa niya 'yon. Ba't pa pala ako nagtataka— isa yun sa mga dahilan kung bakit mas nagustuhan ko pa siya.

"Namumula na iyong pisngi." He giggled.

Medyo nahiya ako dahil sa sinabi niya kaya bigla akong napatigil at itinaas ang aking kamay para matakpan ang aking pisngi hanggang bibig.



Sumapit ang dapit-hapon at pumunta na kami sa dalampasigan para panoorin ang paglubog ng araw.

"Napakaganda." rinig kong sabi ni Adrian na nasa aking tabi.

Tinignan ko siya.

Nahuli ko ang ang mabilis niyang pag-iwas ng tingin sa akin at tumingin sa mismong araw.

"Madalas ka bang bumisita rito?" tanong ni Hera sa akin nang makalapit siya.

"Hindi, ngayon nga lang ulit." malungkot kong sagot.

"Bakit naman?" pagtataka ni EJ. "Ako nga ayaw ko nang umalis dito, ih."

"Ang bilis naman ma-attach?" pambabasag sa kaniya ni Hera.

"So, hindi ka na papasok?" pamimilosopo rin ni Kael kay EJ.

"Alam ko namang mami-miss mo ako Kael!" Akmang yayakapin ni EJ si Kael nang tumakbo ito palayo.

Naiiling akong napatawa habang inaasar ni EJ si Kael.

Kapagkuwan ay nagtanong muli si Hera. "Pero rito ka nag-i-stay kapag bakasyon?"

Umiling ako. "Hindi."

"Bakit naman?" tanong ni Hera.

"Wala naman na sila mama at papa, nalulungkot lang ako kapag dito. Naaalala ko sila." Nginitian ko sila nang pilit.

Katahimikan ang bumalot sa amin pagkatapos noon.

Alam naman na nila ang disgrasyang nangyari sa amin noon.

Nakakalungkot, sobra.

Naglakad-lakad muna ang iba naming mga kaibigan sa dalampasigan at kumuha ng mga litrato habang kaming dalawa ni Kael ay narito nakaupo sa buhangin at pinagmamasdan sila.

"You okay?" mahinahon niyang tanong.

Nilingon ko siya. Tumango ako at ngumiti.

He smiled and it gave me comfort. "They miss you too..." pagtutukoy niya sa aking mga magulang.

Huminga ako nang malalim at nginitian din siya. Kapagkuwan ay niyakap ko ang aking mga tuhod at tumingin sa dagat.

"I really miss them, Kael." malungkot kong sabi sa kabila ng aking mga ngiti.

He caressed my hair.

Whenever I need comfort, Kael is always there.

My attention was diverted towards him since he confessed— but I still have some space for Adrian in my heart.



Bumalik na kami sa bahay dahil nagdilim na.

Pagkarating namin ay hinananap namin kaagad sina Clara at Josh dahil hindi namin sila kasabay umuwi. Akala kasi namin ay nauna na sila.

"Nasaan na ba kasi naglandian ang dalawang 'yon?" nakasimangot na sabi ni Hera habang dina-dial ang number nila.

"Guys!"

Sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan at nakita namin silang dalawa— hingal na hingal. Tagaktak ang pawis nilang dalawa at parang kagagaling sa mahabang takbuhan dahil sa itsura nila.

Gulat na gulat sila.

Ano bang ginawa nila? Ba't mukha silang ewan?

"Saan ba kayo pumunta?" galit na tanong ni Hera sa kanilang dalawa. "Kanina pa namin kayo tinatawagan, 'di niyo naman sinasagot."

Mabigat ang paghinga ni Josh nang sagutin niya si Hera. "Bi-bigla kaming nawala. Hi-hindi nga namin alam kung saan kami napunta." Yumuko siya at umiling. "Paikot-ikot, 'di namin alam kung saan ang tamang daan."

Napakunot ang noo ko.

"Bigyan niyo nga muna sila ng tubig." mahinang sabi ni EJ.

Pumunta kaming lahat sa kusina at doon na rin umupo sa harap ng mahabang lamesa.

Inabutan sila ng tubig.

Agad na uminom si Josh.

Ang isang kamay ni Clara ay nakapulupot sa braso ni Josh at ang isa naman niyang kamay ay nanginginig na kinuha ang baso.

"Ano bang nangyari? Mukhang takot na takot kayo?" nananantya kong tanong sa kanila.

"Magkwento kayo." maawtoridad na sabi ni Hera.

"Girl, 'wag mo naman silang madaliin, mukhang 'di pa nga sila mapalagay." malumanay na sita ni EJ kay Hera.

Sinamaan lang ng tingin ni Hera si EJ.

"Lumayo lang kami saglit para mag-picture, pero maya't maya'y napansin naming wala na kayo sa paligid. Hindi namin alam kung paano kami napunta sa mga kakahuyan." He still looked shock. "Kaya nagpaikot-ikot kami."

Bumaling ang aming tingin kay Clara nang magsalita siya. "Then there was this man, we didn't know where he came from, but ugh." Mukha siyang nandidiri. "Ang lansa ng amoy niya." She looked at us. "Amoy dugo."

She wiggled her body out of disgust.

Lumunok pa si Clara bago ito magsalitang muli. "Binalaan niya pa kami na huwag na kaming babalik pa roon. 'Di nga namin alam kung paano kami nakapunta roon."

Napasabunot si Josh sa kaniyang buhok. "Ang OA pakinggan pero para kaming nasa horror movie kanina." Tinignan niya kami isa-isa. "Alam niyo 'yong mga ganap sa paligid kapag darating na 'yong multo or something?" Tumingin siya sa paligid. "Malamig, mahangin, madilim." Binalik niya ang tingin niya sa amin. "Gano'n 'yong pakiramda." He was trying to convince us.

"Clara, Josh." Napalingon kaming lahat at nakita namin si Tito Jose. Kunot ang noo nito, mukhang galit.

Pinapunta niya kami sa sala at doon niya pinagalitan sina Clara at Josh dahil sa kung saan-saan sila nagpupupunta.

Huminga nang malalim si Tito Jose. Kalmado na siya. "Baka si Paeng 'yong nakasalubong ninyo. Palaboy-laboy lang 'yon dito. Sa palengke kasi 'yon tumatabay at natutulog. Tsaka malimit lang din 'yon maligo."

Tinignan niya sina Clara at Josh. Pinandilatan niya sila ng kaniyang mata. "Next time, 'wag na kayong magsususuot kung saan-saan, lalo pa't hindi kayo taga rito." Binalingan niya rin kami ng tingin. "Kayo rin."

"Opo." sagot namin.

"Lagi kayong mag-iingat." paalala ni Tito Jose.

Malungkot ang mukha ni Clara dahil napagalitan silang dalawa ni Josh.

Bumuntong hininga si Tito Jose. "Sige na kumain na muna kayo, nakapagluto na ako kaninang tanghali ng makakain natin, hindi naman kayo maarte sa pagkain 'di ba?" Nginitian niya kami. Hindi na siya galit. "Baka ayaw niyong kumain ng natira natin kanina?" mapagbirong sabi ni Tito Jose.

"Nako Tito Jose! Okay lang po 'yon, 'no! Ang sarap niyo kayang magluto!" Nag-thumbs up si EJ kay Tito habang nakangiti nang malapad.

"Talaga ba?" Tito Jose asked suspiciously. Ayaw niya pang maniwala.

"Oo naman po!" sabay-sabay naming sagot pero sina Clara at Josh ay tahimik pa rin at parang nagre-recover pa sila sa nangyari sa kanila.

Pumunta na muna si Tito Jose sa kusina para maghanda.

Hinarap ni Hera ang dalawa. Humalukipkip ito at pinanliitan sila ng kaniyang mata. "Oh. Kayong dalawa 'wag na kasi kayong mag-solo flight, okay?" Tumango sila kay Hera. "Para hindi kayo nawawala! Okay lang naman na maglandian kayo sa harapan namin keysa sa mawala kayo ulit diyan!" masungit niyang sabi sa dalawa.

"Weh!?" singit ni EJ.

Sinamaan ng tingin ni Hera si EJ.

"Sabi mo nga 'di ba 'wag silang maglandian sa harapan mo." pagpapaalala ni EJ sa kaniya.

Inirapan siya ni Hera. "Ewan ko sa'yo!"

Bineletan ni EJ si Hera, kapagkuwan at tinignan niya si Josh at Clara. "Oh, narinig niyo ang sabi niya. Pwede na kayong maglandian sa harapan niya, kaya galingan niyo, okay?" masaya niyang sabi para inisin si Hera.

Napailing na lang si Josh habang natatawa. Si Clara naman ay tinawanan ang itsura ni Hera na bwesit na kay EJ.

[Third person's POV]

Sa gilid ng gate nila Feya ay maaaninag mo hanggang dito sa labas ang mga tao na nasa loob ng mansion dahil sa bukas nitong mga bintana at pinto.

Masaya silang nagkwekwentuhan habang may isang babaeng nakatayo sa gilid neto at pinapanood sila, nakatalukbong ng itim na capa.

Nag-angat ito ng tingin kaya natamaan ng liwanag ng buwan ang kaniyang makinis na balat.

Gumuhit sa mapupula niyang labi ang mapaglarong ngiti at kapagkuwan ay napangisi ito habang pinagmamasdan ang mga bata sa loob ng mansion.

"Hindi ko alam na matutuwa ako nang ganito dahil nag-abala ka pa talaga ng regalo para sa akin, Feya. 'Wag kang mag-alala, pagsasaluhan natin ang iyong mga dinala."

Mahina itong tumawa na animo'y may masamang balak.

"Enjoy." masaya nitong sabi bago umalis. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro