APAT
[Feya's POV]
Dumating si Tito Jose at muli kaming nag-usap tungkol kay EJ. Naging okay na rin ang pakiramdam ko at hindi na ako masyadong naiinis sa kaniya.
"Tito Jose, ano po ang ating uulamin ngayong gabi?" tanong ni Adrian nang mapansin niyang may hawak na plastic si Tito Jose— may lamang karne.
Napangiti ako sa aking sarili. Gutom na siguro 'to.
Itinaas ni Tito Jose ang platic. "Magluluto akong adobo" nakangiting sagot niya.
Hindi natuwa si Adrian natanggap niyang sagot.
Ngumiwi siya. "Ahm maggugulay po ba tayo? Nais ko po sanang mag-ulam ng gulay." nahihiya niyang sabi.
Tumingin sa ibang direksyon si Tito Jose na parang may inalala.
Ngumiti siya sa amin. "Meron namang gulay sa ref. Magluluto na lang din ako."
Akala ko ay tapos na si Adrian pero humirit pa siya. "Maaari ho bang maggulay na lang po muna kami?" Tumingin siya sa akin. "Napag-usapan po kasi namin kanina na hindi muna kami kakain ng karne rito sa probinsya dahil nais ho sana naming masusustansiyang pagkain muna." magalang niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. Wala naman kaming napag-usapang gano'n.
Tinignan ko ang iba naming kaibigan pero nagtinginan lang din kami sa sinabi ni Adrian— walang kumomtra sa kaniyang sinabi.
Nagulat si Tito Jose. Natatawa niya kaming tinanong. "Sigurado kayong 'di niyo gusto ng karne?"
Lumipat ang tingin ko kay Adrian na nakatingin nang seryoso sa akin. Pinanlakihan niya ako ng kaniyang mata— parang bang sinasabi niya na sumakay na lang ako sa kaniyang trip.
Tumawa si Josh. "Nako Tito Jose parang 'di ka makapaniwala sa amin!" panloloko niya "Syempre naman po gusto namin ng karne, pero maggugulay na lang po muna kami." Nag-thumbs siya. "The best po ang gulay rito!"
Napataas ang aking kilay habang pinagmamasdan ko siya.
Si Josh? Himala ata. Hindi naman 'to mahilig sa mga gulay.
Lumipat ang tingin ko kay Clara.
"Wow! Nahahawa ka na ata sa akin, baby!" masaya niyang sabi.
Si Clara, oo. Mahilig siyang kumain ng gulay dahil nais niyang mapanatili ang kaniyang magandang pangangatawan.
"O sige, gulay na ang ihahain ko sa inyo." nakangiting sabi ni Tito Jose.
"Ahm wait Tito Jose!" pagpigil sa kaniya ni Clara. "Pwede po bang kami na lang ang magluto? I wanna try to cook for them." Ngumiti siya nang malapad.
Napakurap ako. Wow. Himala?
Pinisil ni Josh ang pisngi ni Clara. "Awe baby!"
Tito Jose motioned his hand to say no. "Nako huwag na kayong mag-abala. Ako na lang, mag-relax na muna kayo riyan dahil alam kong pagod kayo."
Itinagilid ko ang aking ulo habang sinusuri ang sitwasyon.
It felt like something was happening. May umuudyok din sa akin na makisama na lang sa trip ng aking mga kaibigan.
Tumikhim ako. "Tito Jose kami na lang po ang bahala."
Nilingon niya ako.
Napahinto siya dahil sa aking sinabi.
Natahimik siya.
Okay? So what should we do now?
Biglang siyang ngumiti. "O sige." Tumango siya.
Kapagkuwan ay kinuha ni Josh ang plastic na hawak ni Tito Jose at nagpaalam na muna siya sa amin na ipapasok niya muna sa garahe ang sasakyan.
"Tara na luto na tayo!" pagbabasag ni Josh ng katahimikan magmula nang makaalis si Tito jose.
Nauna siyang maglakad at sumunod si Clara.
Naramdaman ko na may humawak sa aking likuran kaya napaigtad ako at agad na lumingon.
"Hey." masuyong sabi ni Kael. Nag-aalala ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. "Are you okay?"
I pursed my lips and nodded. "Yes." I smiled.
"Parang ang weird ng atmosphere." rinig kong sabi ni Hera nang magtungo rin siya sa kusina. "Anong meron?" dagdag niya.
Narinig ko ang pagtawa ni Josh. "Kami ng baby ko— merong kami." Inakbayan niya si Clara.
Napangisi na lang ako sa kanila.
Na-bitter na naman si Hera. "Edi wow!"
"Sunod ka na muna sa kanila." mahinang sabi ni Kael. Tinignan ko siya. "Maliligo muna ako. Ang init ih." Nalukot ang mukha niya dahil sa kaniyang iritang nararamdaman.
Tumango ako. "Dalian mo maligo."
Pinanliitan niya ako ng kaniyang mata. "Miss mo ako kaagad?"
Umirap ako at tinulak siya palayo. "Maligo ka na lang." masungit kong sabi tsaka naglakad patungo sa kusina.
Kapagkuwan ay napangiti ako nang marinig ko ang pagngisi niya.
Umupo ako sa harap ng dining table habang pinapanood sina Clara at Josh na naghihiwa ng mga iluluto sa may counter.
"Baby, dahan-dahan lang ha?" paalala ni Josh kay Clara.
Clara giggled. "It's fine. Tinuruan mo na akong maghiwa rati kaya alam ko na 'to." Sinulyapan niya si Josh at binigyan ito ng matamis na ngiti.
"Hoy, baka sobrang tamis ng ulam natin ha?" pagpaparinig ni Hera sa kanila, pero hindi nila siya pinansin.
Nagpatuloy si Clara sa paghihiwa. Kinalikot ni Hera ang kaniyang phone at nagpatugtog.
Bumaling ang tingin ko kay Adrian na nakaupo rin at nakatunganga— lalim nang iniisip.
Aagawin ko sana ang kaniyang atensyon nang may naramdaman akong kakaiba. Nagpalinga-linga ako sa paligid at tinignan ang malapit na bintana sa amin. Kumunot ang noo ko. Pakiramdam ko ay may nagmamasid sa amin kanina.
"Guys." pagtatawag sa amin ni Clara. "I think it's better if we stayed in the same room later." casual niyang sabi. She smiled at us— weird smile.
May something talagang nangyayari. Hindi ko alam kung ano, pero ramdam ko.
"Oh gahd!" sigaw ni Clara nang masugatan siya sa kutsilyo.
Mabilis pa sa alas-kwatro si Josh nang lapitan niya ang kaniyang nobya.
Maingat niyang kinuha ang kamay ni Clara at tinignan ito. "Baby naman, mag-ingat ka naman please..." nag-aalala niyang sabi.
Sinipsip ni Josh ang daliri ni Clara.
She gave a grimace face because of pain. "Babe." mahinang niyang tawag para patigilin si Josh.
Huminto si Josh at hinalikan ang daliri niya. "Sorry baby, masakit ba?"
Ngumiwi si Clara. "A bit." mahina niyang sabi.
"May first aid kit diyan sa cabinet." Tinuro ko ang hanging cabinet na nasa likuran nila.
Agad na binuksan ni Josh at kinuha 'yon para gamutin si Clara.
Naabutan ni Kael na ganoon ang sitwasyon kaya nagtanong siya.
"Anong nangyari?" pagtataka niya habang nakatingin siya kina Josh.
Hindi man siya gano'n kalapit sa akin ay naamoy ko na kaagad ang shampoo-ng ginamit niya, pati na rin ang kaniyang pabango.
"Nasugat." matipid kong sagot.
Tinignan niya ako saglit at binaling ang tingin sa kanila. Lumapit siya roon at tinignan ang mga nagkalat na gulay sa counter.
"Ako na lang muna magluluto para matikman ninyo ang makalimot pangalan kong gawa." Nginitian niya kami.
Tumawa si Clara. "Siguraduhin mo lang."
Napaatras si Kael. He dramatically held his hand on his chest. "Wow, grabe ka sa akin." Kapagkuwan ay ngumisi siya. "Magaling akong magluto." pagmamayabang niya.
"Ng ano? Egg, canton, noodles?" pang-aasar ni Josh.
Habang nagtatawanan kami ay napatingin ako kay Adrian. Hindi siya natatawa pero nakikisabay lang siya.
Maya't maya'y nagsalita si Adrian, "Josh, tara muna at samahan mo akong magsara ng mga bintana at pintuan."
Akala ko ay magrereklamo si Josh pero tinignan niya si Clara at nagpaalam.
Umupo sa tabi namin si Clara habang si Kael ay nagsimula nang magluto.
Nagtanong si Hera. "Ba't parang masyado ata kayong conscious sa paligid?" Nagtataka rin siya gaya ko. "Ang weird niyo ah." puna niya.
Walang nagsalita. Tanging phone ni Hera na tumutugtog at ingay nang paggigisa ng sibuyas at bawang ni Kael ang nagpanatili ng ingay sa kusina.
[Adrian's POV]
"Naamoy ko." bulong na sabi ni Josh habang aming sinasarado ang mga bintana at binababa ang mga kurtina rito sa sala.
Hindi ako kaagad sumagot kaya nagsalita siyang muli. "I know you know what I'm referring to. I know what you are and you too know what I am. So I guess you can understand me, right?"
Lumingon ako sa kaniyang gawi at tinanguan siya sa kaniyang sinabi.
Siya ay nagpalinga-linga sa paligid para suriin kung may makakarinig sa susunod niyang sasabihin.
Lumapit siya at bumulong. "Sa tingin mo alam ni Feya ang mga nangyayari?"
Umiling ako. "Tingin ko ay wala siyang alam sa nangyayari."
Bumuntong hininga siya.
Napayuko siya at napasabunot sa kaniyang buhok. "The meat a while ago. Its blood, that's not a fcking blood of an animal." Pinilit niyang babaan pa lalo ang kaniyang boses upang hindi kami marinig ng iba naming kaibigan. "That's..." Umiling siya at bumuga ng hangin. Hindi niya tinuloy ang kaniyang sasabihin.
Huminga siya nang malalim at tinignan ako. "What did you see inside the plastic?"
"Gusto mo talagang malaman?" Natatawa kong tanong sa kaniya.
Seryoso siyang tumango at tumingin.
Saglit ko siyang pinakatitigan baka sakaling bawiin niya ang kaniyang sagot, pero hindi.
Napatango ako at ngumisi. Sige sasabihin ko na.
Itinuro ko ang aking mga daliri sa kamay hanggang siko at tinuro ko ang aking mga daliri sa paa.
Nanlaki ang kaniyang mga mata. "What!?" pigil niyang sigaw. Nandiri ang mukha niya.
Sinenyasan ko siyang isara ang pinto maging ang iba pang bintana.
Lumapit ako sa katabing bintana na kaniyang isinasara at binaba na ang mga kurtina.
Nagsalita siya. "Sa pagkakaalam ko hindi naman gano'n ang pinapakain sa atin ni Tito Jose no'ng mga nakaraang araw dahil kapag nagluluto siya ng mga karne ay naamoy ko pa ang kaunting dugo ng baboy." Sinulyapan ko siya. Nakatingin siya sa kurtina at tinagilid ang kaniyang ulo na parang ako 'yon na kaniyang kinakausap. "I mean, how can I say it..." Iritable ang kaniyang mukha dahil hindi niya masabi ang nais niyang iparating na kaisipan.
Inismiran niya ang kurtina. "Basta it feels like nag-iba si Tito Jose, like he's not Tito Jose—" pinutol ko ang kaniyang sinasabi.
"Tama ang iyong nadadama, hindi nga siya iyon."
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin habang gulat ang mata at nakanganga.
"And who the fck was that?"
Ako'y nagkibit-balikat. "I don't know dude. A blur it was that I saw a while ago when I tried to look his real face."
Napakurap siya nang ilang beses. "Adrian, I know you're good in English and have an American accent but stop speaking in English, you're giving me goosebumps." Niyakap niya ang kaniyang sarili at hinaplos ang kaniyang braso. "I'm not used to it, stick with being a Jose Rizal just like what Feya said." Nakasimangot niyang sabi.
Napatawa ako at inasar pa siya lalo. "I'm gonna make you used to it."
Nagtawanan kaming dalawa, kapagkwan ay nagseryoso siya.
"Pero kailan natin 'to sasabihin kay Feya. Wala siyang kaalam-alam kung anong nangyayari. Maybe we should let her know, also Kael and Hera— they don't know anything about this. Kailangan nilang malaman para maging alerto sila sa paligid."
"Alam ko, ngunit paano?"
"Later, kailangan na nating masabi 'to sa kanila, or else baka mapahamak pa sila."
Tumango ako sa kaniya bilang pagsang-ayon.
Umakyat kami sa itaas at aming inilagay ang mga gamit namin sa kwarto kung saan natutulog sila Feya sapagkat maluwang doon— upang magkakasama kami mamaya.
Ang mga unan, kumot at foam ay inilipat na rin namin.
Nang ibaba ko ang mga unan sa kama ay nagtanong si Josh dahil sa kaniyang kuryusidad. "Adrian, sabi mo hindi talaga siya 'yon. Kailan mo pa nalamang hindi siya 'yon?" pagtutukoy niya kay Tito Jose.
Hinarap ko siya. "Si Tito Jose ang nakasama at nakausap natin noong isang araw, sapagkat maliwanag pa sa araw na nakikita ko ang kaniyang pagmumukha, ngunit kanina ay hindi na. Hindi na siya 'yon—"
Napahinto ako.
Kumunot ang kaniyang noo nang makita akong nagulat.
"Josh." tawag ko sa kaniya nang maisip ko si EJ.
Nagkatitigan kami nang ilang segundo at nakuha niya kaagad ang nais kong iparating sa kaniya.
"EJ." sabay naming sabi.
Napalunok ako ng aking laway.
"Where the hell is Ej!?" natataranta niyang tanong.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro