Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ANIM

[Feya's POV]

Nagising ako dahil sa init ng sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Kinusot-kusot ko ang aking mata.

Nang nagmulat ako ay nakita ko ang mga dahon ng mga puno, nakikisayaw ito sa pag-ihip ng hangin.

Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga nang mapagtantong wala ako sa mansion. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid— puro kakahuyan.

"Nasaan ako?" wala sa sarili kong tanong.

Nananaginip pa ba ako?

Umiling ako para magising ang aking diwa. Pinisil ang aking pisngi.

Tatayo na sana ako nang makita ang aking kamay na duguan.

Napasinghap ako at inilayo ito sa akin.

"What the fck is this!?" nagugulumihanan kong tanong, iniisip kung saan ito nanggaling.

Lumipat ang tingin ko sa aking damit ay may bahid din ito ng dugo.

Napamura ako.

Parang sasabog ang aking puso sa takot.

Palinga-linga ako para suriin kung may tao sa paligid, kinakabahan na baka may makakita sa kain at kung ano ang isipin nila.

Saan ako nanggaling? Anong nangyari? Anong ginawa ko ba't ako nagkaganito?


[Adrian's POV]

Lahat kami ay nag-aalala.

"Hindi ko rin mahanap si Feya." kinakabahan kong sabi nang matunton ko ang sala kung saan naroon na rin ang iba naming mga kaibigan.

Napahilamos ang aking kamay sa mukha ko.

Nasaan na ba siya?

Alas otso na ng umaga at nawawala si Feya.

Paggising namin ay wala na siya sa kwarto, akala namin ay maaga siyang bumangon pero nang siya ay aming hanapin, hindi namin nakita maski ang kaniyang anino.

"Baka may kumuha sa kaniya no'ng natutulog tayo?" hindi siguradong sabi ni Josh.

Mabilis na umiling si Clara. "I doubt. That's impossible." hindi niya pagsang-ayon. "I've already put a barrier around the house. No one can enter here— except for us of course and those who are normal human beings— if ever there were creatures, like anma or something, they will not get through the doorway unless we invite them to come in." dagdag niya.

"Then maybe she left on her own." hinuha ni Josh.

Hera tsked. Nakaupo siya sa sofa na tipong hindi alintana ang nangyayari. "Sabi ko naman, baka kasabwat talaga siya ni ITJ." Tinaasan niya kami ng kaniyang kilay. "Kagabi nga hindi niya magawang patayin ang halimaw na 'yon." Umiling siya kapagkuwan ay ngumisi. Tinignan niya ako. "No'ng pinatay ni Adrian si ITJ, nakita ko ang galit sa mga mata niya dahil doon." Bumuntong hininga siya at kinausap ang hangin. "Tinulak niya pa nga si Adrian." pagpaparinig niya.

"Hera pwede ba, nawawala na nga si Feya tapos ganyan ka pa magsalita, bakit ba parang laging si Feya ang napag-iinitan mo?" nagtitimping tanong ni Clara.

Matalim niyang tinignan si Clara para sagutin. "Yan kasi ang hirap sa inyo, porket mas matapang at mas madami akong nakakaaway dahil sa pagiging prangka ko keysa kay Feya, tingin niyo lagi ako na ang masama at kailan man ay hindi naging tama."

Hindi ko mawari kung ano na naman ang dahilan ni Hera para kamuhian niya si Feya.

"You're always blaming her." seryosong sabi ni Kael habang walang ekspresyon ang kaniyang mukhang nakatingin kay Hera. Tumingin siya sa ibang direksyon at bumulong pero sapat na 'yon para aming marinig. "You're just jealous of her."

Napaawang ang bibig ni Hera at napangisi. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig.

"Wow." 'Yon lamang ang kaniyang nasabi.

Nilingon siya ni Kael. "Am I wrong?" naghahamon niyang tanong.

Nagsukatan sila ng tingin. Walang nakisabat sa kanilang pag-uusap.

"You can't say anything 'coz I'm right." matapang niyang sabi, siguradong-sigurado siya. "From the start, you're always envious on anything she has. When she proved herself to be the top one in our class that's the time you became jealous of her." Tinagilid niya ang kaniyang ulo habang patuloy niya pa ring tinitignan si Hera para maintimida ito. "You once bullied her, remember?"

"You did?" 'di makapaniwalang tanong ni Clara.

"Yes, she did." sagot ni Kael nang hindi niya pa rin inaalis ang kaniyang tingin kay Hera— nanunubig na ang kaniyang mga mata dahil sa mga pinagsasasabi ni Kael.

"But when you noticed that they were taking her side, you started to be nice to her, 'coz even your friends started to stand by her side." Nagkibit balikat siya. "So you befriend her, for you not to be totally hate by the others. You got close to her to have the shine, 'coz she's the star that shines so bright." Umiling si Kael. "You didn't befriend her because you want to be friends, you did that because you want to steal the spotlight, sneakily." 

Hindi nakapagsalita si Hera. Nag-iwas siya ng tingin kay Kael at nagsimulang tumulo ang luha sa kaniyang pisngi.

Walang sumuway sa mga sinabi ni Kael. Walang umimik.

Maliliit na patak ng ulan ang aming narinig. Kumulog at kapagkuwan ay bumuhos ang malakas na ulan.


[Feya's POV]

Naglakad ako papasok sa aming bahay na basang-basa.

Hindi ko alintana ang kulog na aking naririnig habang bumabagsak ang malalaking butil ng ulan sa aking katawan.

Hindi pa rin mawala sa aking isipan kung paano ako napunta sa kakahuyan. Paulit-ulit kong inaalala ang nangyari pero wala talaga.

Natulog ako kasama sila— pagkagising ko naroon na ako.

"Feya!" rinig kong sigaw nila mula sa mansion na siyang nagpabalik ng aking wisyu sa realidad.

Hinila ako kaagad ni Kael papasok ng bahay.

Aligagang umakyat si Clara para kumuha ng tuwalya.

"Saan ka ba galing?" Nag-aalala ang mga mata ni Kael habang sinusuri ang aking mukha.

Narinig ko ang mga yabag mula sa hagdan. Mabilis na bumaba roon si Clara at hawak ang puting tuwalya.

"Bakit 'di ka nagpaalam sa amin? Alalang-alala na kami rito." May galit ang kaniyang boses dahil sa pag-aalala nang ipatong niya ang tuwalya sa aking balikat.

Inayos ni Kael ang tuwalya at pinunasan ang aking mukha. "Saan ka galing ba't basang-basa ka?"

Tumikhim ako bago sumagot sa kanila. "Pupunta lang sana ako saglit sa bayan para bumili ng pagkain natin pero umulan kaya agad na akong bumalik." kalmado kong sabi.

Hindi ko alam kung bakit pa ako nagsinungaling.

Nagsalita kaagad si Adrian. Kunot ang kaniyang noo. "Sabi ko naman 'di ba na huwag tayo dapat umaalis nang mag-isa." He was so worried. "Tapos hindi ka man lang nagpaalam sa amin." dagdag niya pa.

"She always wants attention." pagpaparinig ni Hera.

Lumingon kami sa kaniya na nakaupo sa sofa.

Tinaasan niya ako ng kaniyang kilay. "Masyado kang paimportante, Feya. Sana inisip mo rin ang mga tao na iniwan mo rito." Umirap siya. "Papansin masyado."

Hindi nakapagtimpi si Kael at sinigawan niya ito. "Ano ba Hera!?"

Dumagundong ang kaniyang sigaw.

Nakita kong napaigtad si Clara dahil sa gulat. Maski rin naman ako ay nagulat.

Nang magsasalita si Kael ay hinawakan ko ang kaniyang braso para pahintuan siya.

Tinignan ko siya Hera. "Sorry, hindi ko sinasadya." mahina kong sabi.

"Sorry?" Ngumisi siya kapagkuwan ay nagseryoso siya. "May magagawa ba 'yang sorry mo. Masyado ka kasing pabida. Gusto mo nasa sa'yo lahat."

"Hera, can you stop?" walang ganang sabi ni Clara dahil napipikon na rin ito.

Tinignan niya si Clara. "Why would I stop?" Sunod siyang tumingin sa akin. "Siya kaya patigilin niyo sa paggawa ng mga katangahan."

Kumuyom ang kamay ko. Hindi ko napigilan ang inis na rumagasa sa aking puso. Sumusobra na talaga siya.

Mabilis akong lumapit sa kaniya at hindi ko pinansin kung sino man ang nabunggo ko sa kanila.

Matapang siyang tumayo para malditahan ako pero bago pa niya mabukas muli ang kaniyang bibig ay napatingin siya sa kaniyang kaliwa nang sampalin ko ang pagmumukha niya.

"Napakapangit talaga ng ugali mo, Hera." mariin kong sabi. "Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita?" Ramdam ko ang init ng aking tenga dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko.

Nilingon niya ako at tumawa. Tinignan niya ang iba naming kaibigan. "Oh see. 'Yan ang Feya." pagpapaalam niya sa kanila.

Taas noo niyang binalik ang tingin sa akin. "Kala mo mabait pero ang totoo may tinatagong kasamaan."

Napairap ako sa kaniyang sinabi. "Hindi ka ba nakikinig sa mga lessons natin?" Tinaasan ko siya ng aking kilay. "Ah malamang, kaya nga napakadali kitang nalamangan." panunukso ko sa kaniya.

Hindi ako nabigo na makita ang galit sa kaniyang mga mata dahil sa sinabi ko.

Alam ko namang may tinatago siyang sama ng loob dahil doon.

Nagpatuloy ako. "Lahat ng tao may kasamaan at kabutihan." Humalukipkip ako. "Naalala mo, yin-yang?"

Nanggagalaitin ang kaniyang mga mata nang bitawan niya ang mga salita. "Hindi ka tao, Feya. Halimaw ka—" mahina niyang sabi.

"Hera!" Ang boses naman ngayon ni Adrian ang dumagundong sa loob ng bahay dahil sa lakas nito.

Naistatwa ako, unang beses ko siyang marinig na sumigaw dahil sa galit.

"Magsama-sama kayo!" sigaw sa amin ni Hera bago siya padabog na lumabas ng bahay at tumakbo sa gitna ng napakalakas na ulan.

Sumunod sila sa may pintuan at tinawag ang kaniyang pangalan para pabalikin siya.

Sumulong sa ulan si Clara para habulin siya.

Sino ba talaga ang may gusto ng atensyon, ako ba talaga?

Naiiling akong tumalikod. Umakyat ako at pumasok sa kwarto.



Nakaligo at nakapagpalit na ako.

Yakap ko ang unan habang nakaupo sa aking kama nang may kumatok.

Bumaling ang tingin ko sa pinto.

"Pasok." casual kong sabi.

Bumukas ang pinto. Nakita ko si Adrian— nag-aalala pa rin ang kaniyang mga mata.

Isinarado na niya ang pinto. Lumapit siya sa akin at umupo sa gilid ng kama.

Tinignan niya ako. "Anong nangyari? Bakit hindi ka nagpaalam?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Pumunta ako ng bayan, sinabi ko naman na kanina 'di ba?" Ayokong magsinungaling habang nakikita ko ang mga mata niya, nakakakonsensiya.

"You're lying..." mahina niyang sabi.

Nang lingunin ko siya ay nagtama ang aming mga mata.

Hindi ko nilihis ang aking tingin. Lumapit siya lalo at hinawakan ang aking kamay.

"Maaari bang sabihin mo sa akin ang totoong nangyari?" Nag-aalala ang kaniyang boses na parang nagmamakaawa.

Nanatili akong kalmado. "Adrian, 'yon nga ang totoo."

Nanatili siyang nakatitig sa akin, hindi pa rin siya naniniwala. Alam niyang may tinatago ako.

Habang nandito ako sa loob ng kwarto kanina ay may mga naalala ako.

Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o isa lamang panaginip.

Hindi ko alam kung nasaan ako pero napapalibutan ako ng mga selda.

Nanatili akong nakatayo habang may isang babae— nakatalikod siya sa akin— naaninag ko ang kaniyang sungay, maganda ang kaniyang kulot na buhok na hanggang bewang niya.

Nang humarap siya sa'kin ay isang magandang babae ang nasilayan ko— mapula ang labi at maputi—kahit pa may sungay siya, pero bigla itong nagbago at lumabas ang mga itim na ugat gaya ng kay ITJ sa kaniyang makinis na mukha.

Pinilit kong igalaw ang mga paa ko pero hindi ko magawa.

Nginisihan niya ako.

Bumigat ang aking paghinga dahil sa takot. Nanginig ako nang makarinig ako ng mga sigaw— mga taong humihingi ng tulong mula sa selda.

Sinundan ko siya ng tingin nang pumasok siya sa isang kulungan. Hinila niya ang isang babaeng naroon, palabas.

Nakagapos ang kaniyang mga kamay at may takip ang kaniyang bibig habang umiiyak.

Nagtama ang mga mata naming dalawa— nangungusap ang kaniyang tingin para humingi ng tulong sa akin.

Huminto sila sa harapan ko at pabagsak niyang binitawan ang biktima.

Yumuko ang anma para makalapit sa tenga ng babae.

"Sshhh..." pagpapatahimik niya. Mahigpit niyang hinawakan ang bibig ng babae at pinaharap ang mukha nito sa kaniya. "Matatapos na ang paghihirap mo." bulong niya.

Ramdam ko ang takot ng babae.

Gusto kong magsalita at gumalaw pero hindi ko talaga magawa— tanging panoorin ang mga nangyayari ang nagagawa ko.

Pumunta ang anma sa isang giild. Nanlaki ang mata ko nang kunin niya ang itak na naroon.

Paulit-ulit ang pag-iling ng babae. Lumakas ang kaniyang sigaw sa kabila ng nakatakip nitong bibig.

Humarap ang anma at tinignan ang babae. Natuwa siya nang makita ang takot sa mga mata nito.

Humagulgol ang babae habang nagmamakaawang umiiling sa anma na huwag ituloy ang gagawin nito sa kaniya.

Nalipat ang tingin ko sa itak nang binuwelo niya ito sa ere.

Napapikit ako kaagad nang may tumalsik na likido sa aking mukha. Umingay ang paligid dahil sa biglaang pagsigaw ng mga ibang tao na nasa selda— pero ang iyak na mula sa babae ay tumigil.

Pagmulat ko ay nahati na sa dalawa ang ulo ng taong 'yon.

Nanginig ang aking labi. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata.

Hindi pa siya nakuntento at pinagtataga niya pa ang babae habang may ngiti sa kaniyang labi, nag-i-enjoy siya.

Tumigil siya. Nanatili ang aking tingin sa kaniya para sa susunod niyang gagawin.

Yumuko siya at kinuha ang isang mata ng babae.

She giggled.

Sinubo niya 'yon na para bang isang masarap na pagkain.

Napaiyak ako. Ayoko na rito.

Ngumiya siya at tumingin sa akin. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. "Maligayang pagdating!" pagbati niya.

What!?

Lalong lumakas ang kabog ng aking puso nang maglakad siya papalapit sa akin.

Isusunod niya na ba ako!?

Gusto kong iiwas ang aking tingin sa kaniya pero hindi ko magawa. Hindi rin ako makapikit nang matagal.

Ano na bang nangyayari!? Ayoko na!

Isang ruler na lang ang pagitan sa aming dalawa nang huminto siya. Hinawakan niya ang kamay ko papaakyat sa balikat patungo sa leeg. Hinaplos niya ang aking buhok pati na rin ang aking pisngi.

Kinikilabutan ako. Mabibigat ang aking paghinga. Ayoko na. Ayoko na.

Dumampi ang kaniyang daliri sa aking labi.

Tumawa siya habang nakatitig doon.

Sinubukan kong isarado ang aking bibig para hindi malasahan ang dugo sa kaniyang dalari, pero imbis na magsara ay parang may sariling pag-iisip ang aking bibig at bumukas ito.

Tinignan niya ako sa mata. Tumango siya. "Tama 'yan Feya." pagpuri niya.

Gusto kong magwala dahil sa ginagawa niya sa akin!

Ayoko na!

Tumawa siya siya lalo. Nang maipasok niya ang kaniyang daliring nababalot ng dugo ay awtomatikong nagsara ang bibig ko.

Hinila niya palabas ang kaniyang daliri. Nalasahan ko ang dugo.

Humagulgol ako sa iyak nang hindi ko alam ang dahilan kung bakit ko linunok ang dugo at nasarapan dito.

"Feya?" pagatatawag ni Adrian sa akin. Napansin niyang lumipad ang aking isipan.

Titig na titig siya sa aking mga mata, nag-aalala siya.

"Adrian..." Hindi ko alam kung para saan ba ang pagtawag ko sa kaniyang pangalan.

Mas humigpit ang hawak niya sa aking kamay.

Unti-unti akong lumapit sa kaniya dahil may kung anong nag-uudyok sa akin. Napahawak ako sa kaniyang balikat para suportahan ang katawan ko nang hindi ako mawalan ng balanse.

I closed my eyes and inhaled.

Lumapit ako sa kaniyang tenga at bumulong, "Gusto ko ng laman ng tao."

Napasinghap ako.

Kaagad kong minulat ang mga mata ko at itinulak siya palayo.

Bakit ko 'yon sinabi!?

Gulat ang kaniyang mukha. Ang mga magaganda niyang mata ay nanunubig.

Kinalma niya ang kaniyang sarili. Sinubukan niya akong lapitan pero umatras ako.

Bumukas ang pinto at sabay kaming napatingin ni Adrian doon. Pumasok si Clara.

Napahinto siya nang makita kami.

Hindi siya umalis.

"I'm sorry to interrupt, but can I talk to Feya?" seryoso niyang tanong.

Tinignan niya ang aking katabi para iparating sa kaniyang umalis na muna siya.

Tumango sa kaniya si Adrian at naglakad patungo sa may pintuan.

"Adrian..." tawag ko bago siya lumabas.

Nang lumingon siya ay agad kong iniwas ang aking mga mata.

"I'm sorry hindi ko sinasadya..." Nahihiya ako sa nagawa ko.

Bakit ko ba 'yon sinabi sa kaniya? Ano na bang nangyayari sa akin?

"Naiintindihan ko." mahinahon niyang sagot.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin hanggang sa makalabas siya.

Nakita ko sa aking peripheral view ang paglapit ni Clara sa akin.

"Tara dito Feya." tawag niya sa akin. Tinapik niya ang kama para sabihing tumabi sa kaniya.

Lumapit ako. Hinawakan niya ang aking kamay, pero hindi ko siya tinignan at nanatiling nakayuko.

"Feya...I know what you are..."

Nagulat ako sa kaniyang sinabi kaya mabilis ko siyang nilingon.

Nataranta siya. "But wait, okay? I don't hate you. I know you didn't want that also." paliwanag niya para pakalmahin ako.

"Anong sinasabi mo?" pagtataka ko.

"Feya alam ko na, okay? 'Wag ka nang magmaang-maangan diyan." Bahagya siyang tumawa para pagaanin ang aura ng paligid.

Nagtaka ako sa kaniyang sinabi, hindi ko alam ang kaniyang tinutukoy.

"Clara I don't get it. Diretsahin mo na lang ako."

May alam ba siya sa nangyayari sa akin?

Huminga siya nang malalim. "Kagaya mo si ITJ."

Napatayo ako sa gulat. "Clara anong pinagsasasabi mo? I'm not a monster!" defensive kong sagot sa kaniya.

Tumayo siya at inabot ang aking kamay.

"I know you are not... but you're cursed Feya."

"I'm what? Cursed? Paano? Kelan?" sunod-sunod kong tanong.

"No'ng isang araw. Habang sinasabi ko ang mga pangalan natin. Ayaw sumang-ayon ng spell ko sa'yo para lagyan ng barrier ang bahay niyo sa mga katulad ni ITJ. Ayaw gumana ng spell, na hindi makakapasok ang sino mang kauri ni ITJ, na tanging tayo lang ang makakapasok rito kung hindi natin sila papayagang makapasok." She took a deep breath. "Hindi 'yon gumana dahil isa ka sa mga kauri ni ITJ. Kaya pinalitan ko ang spell para makapaglagay ng barrier."

Nakatunganga ako habang patuloy siya sa pagpapaliwanag niya. Hindi nagsi-sink in sa utak ko ang kaniyang mga sinasabi.

Hunter ako, paano ako magiging anma?

"And I remembered before, the story about the cursed hunter. Akala ko rati ay hindi 'yon totoo dahil wala namang nakakapagpatunay— pero ito ka. Ikaw pala."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Bakit hindi ko 'to alam—"

Napahinto ako dahil saglit akong napaisip. May naalala ako, may isang papel akong nabasa rati.

"Clara..." Tinignan ko siya.

Sinabi ko sa kaniya ang nangyari rati pati na rin ang aking nabasa.

Ito ang aking paghihiganti. Ang kadiliman sa loob ng isang kalaban. Ang paghihirap ay mararanasan. Kamatayan ng iyong mga minamahal ay iyong magiging kasalanan. Naglaho ang isang halimaw na inyong tawagin, kapalit nito'y buhay na aking magiging alipin.

Kailangan nang kapalit nang nawala— ito ang aking sumpa.

Nagmamadali niya akong kinausap. "Si Nanay Fe. Tawagan mo siya, ngayon din."



Tinawagan namin siya.

Inamin niya sa akin ang buong pangyayari, at pati na rin ang tungkol sa aking nabasa.

Napaiyak ako.

"Feya..." masuyo niyang sabi. Niyakap ako ni Clara at hinaplos ang aking likod.

"Clara kailangan niyo 'kong ikulong dahil sa tingin ko ay nagiging halimaw na ako."

"Sshhh shhhh hindi..." Humiwalay siya sa akin at pinunasan ang aking luha. Hinawakan niya ang aking balikat. "Hindi ka magiging ganon..." Ngumiti siya. "I believe in your heart."

Umiling ako. "Hindi ko alam."

Ikwenento ko sa kaniya ang mga alaala ko— na hindi ko alam kung panaginip ba or katotohanan.

Napaisip si Clara nang matapos kong sabihin sa kaniya.

"I think that was Barbara," komento niya.

"Sino si Barbara?"

"Base sa mga sinabi mong pisikal na kaanyuan niya, siya lang naman ang may ganoong kagandang buhok na alam ko." Humarap siya sa akin at tinignan ako. "Si Barbara, siya ang witch na tinalikuran ang angkan namin para lang sa lalaking mahal niya. Isang anma ang lalaking 'yon."

Napakunot ang aking noo.

"Sabi nila mayroong kadiliman sa puso ni Barbara kaya hindi na siya nahirapang magdesisyon na sumama sa lalaking 'yon." Bumuntong hininga siya bago ulit magsalita. "At dahil sa nawala ang kaniyang pinakamamahal na asawa. Ikaw ang naging kabayaran para sa pagkakapatay ng mga magulang mo sa kaniyang minamahal."

Napapikit ako dahil sa stress.

Minulat ko ang mga mata ko at tumingin nang diretso sa kaniya.

"Clara if something happens. Don't hesitate to kill me..." I pleaded.

Nanlaki ang mata niya at agad na hinawakan ang kamay ko. Umiling siya. "No! Hindi!" She disagreed. "Feya, it won't happen." pangungumbinsi niya sa akin habang nanubig ang kaniyang mga mata.

Napangiti ako nang mapakla. "How can you be so sure?"



Habang nasa hapagkainan kami at kumakain ng tanghalian ay nag-uusap sila Josh at Clara ng kung ano-ano. Dinadaldal nila kami pero ako ay tahimik lang at nakikitawa na lang sa kanila.

Hindi namin kasabay kumain si Hera dahil naroon siya sa guestroom at nagkukulong. 

Bago ko isubo ang pagkain ko ay may naalala ulit ako bigla.

Napahinto ako at napatulala sa kawalan.

Sa isang selda.

Sa isang selda, nakita ko si EJ na duguan at humihingi ng tulong sa akin. Iyak siya nang iyak.

Nagtama ang mga mata namin. Lumapit siya sa railings ng kaniyang selda at pilit akong kinakausap— kahit na hindi ko maintindihan ang kaniyang sinasabi dahil sa duct tape na nakatakip sa kaniyang bibig, alam kong humihingi siya ng tulong.

Hindi ako makagalaw. Tanging pag-iyak lang ang aking nagagawa habang patuloy siyng tinitignan.

"Feya wala lang 'yan. Hindi na siya mahalaga sa'yo..." nakaka-hypnotize ang boses ng anma na babae.

"Ito Feya kumain ka pa." Habang nakatayo pa rin ako sa aking pwesto ay sinubuhan niya ako ng dila ng tao.

Kahit ayokong kainin, parang may sariling pag-iisip ang aking bibig at tinanggap pa rin iyon— hindi ko maitatangging sobrang sarap.

Tumawa siya. "Gusto mo na bang tikman ang kaibigan mo o hintayin pa natin ang iba mong kaibigan para mas marami?"

Tinignan ko si EJ na panay ang iling at iyak.

Pasigaw niya akong kinakausap pero hindi ko 'yon maintindihan.

Nagulat ako sa narinig kong mga salita mula sa akin.

"Siguro, mas maganda kapag mas marami tayong pagsasaluhan." Gumuhit ang ngiti sa aking labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro