4
Nanlalaki ang mga mata ko. Hindi ako makagalaw sa sobrang... takot? Pagkabigla?
Ewan ko. Basta ang alam ko, sumisigaw na ako sa isip. Humihingi ng tulong para kay Raisa. Kasi kilabut na kilabot ako sa nakikitang pagsipa-sipa ng paa n'ya habang nasa ere. Hanggang maging pangingisay yun.
Hindi ko magawang tumingala para tingnan ang mukha n'ya. Kasi nakita ko na...teka?
Parang nakita ko na ito sa ibang pagkakataon. Hindi lang ang paa n'ya kundi ang mismong mukha n'ya. Tapos napatingin ako sa sahig, para kasing may tumulo o nahulog.
Brown na likido? Napatitig ako nang mabuti sa ilang mga patak na yun sa marmol na sahig. Napakurap. Uod ba ang nakikita kong maliliit na puting yun?
Bahagya akong napaigtad dahil may mas malaking nahulog sa sahig. Naramdaman ko pa nga ang pagtama nun sa rubber shoes ko. Nahabol ng mata ko kung ano yun.
Bilog. Puti na parang... mata?
Bago ko pa makumpirma, narinig ko ang pagbukas ng pinto kasunod ang isang pamilyar na tili.
Paglingon ko, ayun si Lucy. Nakasiksik sa hamba ng pintuan at humahagulgol habang nakatakip ang dalawang palad sa mukha. Saka ko nakita ang sarili ko na dinaluhan s'ya.
Bakit ako naroon kay Lucy habang alam kong narito naman ako sa loob ng kuwarto ni Raisa. Nakaangat sa hangin.
Nakaangat sa hangin?!
Napatingin ako sa mga paa ko. Nabubulok ang mga yun. May lumalabas na brownish fluid... at uod.
Nakikita ko ang sarili ko nang araw na yun! Pero ang isang ako ay si Raisa! Ang nabubulok na si Raisa!
At nagtama ang mga mata namin pagtingala nang isang ako.
Napabalikwas ako ng bangon pero di natuloy. May brasong nakayakap sa bewang ko. Umungot ang may-ari nun at hinapit ako sa kanya. Tapos umunan sa dibdib ko.
Mariin akong napapikit at ilang beses na huminga nang malalim. Mabilis pa rin kasi ang pintig ng puso ko. Yung panaginip ko, kumbaga sa palabas sa sine, naka—HD. Sobrang linaw at parang totoo.
"Hey..." antok na sabi ni Ethan. "What's wrong?"
Umiling lang ako.
"Are you sure?"
Tumango ako at hinaplos siya sa pisngi. Sumiksik s'ya sa leeg ko na parang bata. Parang sira na sininghut-singhot ako dun.
"Hon...?"
"Hmm?"
"Ang tigas oh. Gawan mo nga ng paraan," ang bulong sabay kiskis nung 'ano' n'ya sa hubad kong balakang.
Pinalo ko nga sa braso.
"Ang harot mo," natatawa kong sagot.
"Isang mabilis lang. Sige na," ungot nito.
"Di pwede. Nakadalawa ka na kagabi."
"Iba yung ngayong umaga," ang pangungulit tapos nangangagat sa leeg at tenga ko.
Maryosep! Eh nagtatayuan na ang mga balahibo ko sa braso at hita. Alam na alam n'ya kung paano ako mapapayag. Gaya kagabi sa kabila ng tensyon sa usapin na naungkat ko.
"E-ethan... s-si Raisa... m-may kinalaman ka ba?"
Tinitigan n'ya ako nang seryoso bago, "What do you think, Joy?"
Nahigit ko ang hininga sabay dako ng mata ko sa likuran n'ya. Aabutan ako ni Ethan kung tatangkain kong tumakbo papalabas dahil nai-lock ko ang deadbolt ng pinto, pati ang chain. Nakagawian ko na kasi yun sa amin pa lang. Mahigpit na bilin ni Mama mula ng mamatay si Papa. Pangalawa, dahil nagsisiguro ako na walang basta makakapasok dito since patago ang relasyon namin.
Bumalik ang tingin ko kay Ethan nang marahan s'yang humugot nang malalim ng buntunghininga. Kumibut-kibot ang labi n'ya sa tinitimping hinanakit at luha.
"E-ethan..."
Ayun na nga, tumulo na ang mga luha n'ya kasabay nang marahan n'yang pag-iling. Nanginginig ang mga daliri ko na pinunasan ang mga yun. Naiyak na rin ako lalo't hinuli n'ya ang mga kamay ko at pinasapo sa mukha n'ya para mahalikan ang mga palad ko.
Otomatikong tumayo ako para kumandong sa kanya.
"I'm sorry, hon," ang sabi ko. "I'm sorry kung pinagdudahan kita."
"Huwag ikaw, Joy," pigil na pigil n'ya ang mapasigok. "Pagdudahan na ako kahit nina Mommy at Daddy, basta huwag ikaw."
Iniyakap ko na paikot sa leeg n'ya ang mga braso ko, tapos s'ya naman sa bewang ko.
"I'm sorry talaga. H-hindi na mauulit, hon."
Ganun kami umiiyak nang sabay. Hindi ko alam kung gaano katagal. Basta ang alam ko, basa ang leeg n'ya ng luha at sipon ko. Ganun din ang leeg ko sa kanya.
"Joy, honey..."
"Hmmm...?"
"Mahal kita. Mahal na mahal."
Ayan naiyak uli ako. Dama ko yung sinseridad sa sinabi n'ya. Tagos hanggang buto.
"I love you, too, Ethan... very much," sagot ko na pinagdikit ang mga noo namin.
"Hindi ko alam kung ipinagtatampo mo na hindi kita inilalabas noon. Pero totoo ang lahat nang mga sinabi ko sa iyo. Hindi ka third party sa amin ni Raisa. We both know she has been cheating on me. And I was mad not because I love her. It's just that my ego couldn't take it. Until you came. I didn't care about my ego. Alam mo yun, hon. Alam mo na I already called it quits but she kept on telling everyone that we were okay. And with the threat she made, ikaw ang inaalala ko. Masyad--"
"Ssshh..." ipinatong ko ang isang daliri sa labi n'ya. "Alam ko. Hindi mo kailangang magpaliwanag."
Matipid s'yang ngumiti, "Kakausapin ko si Tita Carmen. Ayokong tumagal na bad shot ako sa kanya."
"Okay."
"Pero bukas na, hon. Gusto pa kitang masolo muna. It's been more than two months since you avoided me... since I last held you," tapos hinalikan ako nang magaan sa labi. " ... kissed you... I miss you..."
Sa una ay magaan lang hanggang ako na mismo ang magpalalim. Oo, miss na miss ko na si Ethan. Di na nga ako nangimi na ako na mismo ang mag-alis sa pagkakabutones ng polo n'ya kahit ninanamnam namin ang labi at dila nang isa't-isa.
Kahit pinigilan ko ang sarili na makita si Ethan, kasama na roon ang itulak s'ya palayo nang mga nakalipas na buwan, pero hindi ako nahihiyang aminin sa sarili na mahal na mahal ko ang lalaking ito.
Napahinga nang malalim si Ethan nang damhin ko ang hubad n'yang dibdib at laruin ang manipis na balahibo doon, pababa sa tiyan ... sa puson...
Bigla kong naibalik ang mga braso ko paikot sa leeg niya kasi binuhat na niya ako na tila bago kaming kasal.
Napasinghap ako nung magaan n'yang kagatin ang tenga ko sabay bulong... "Our chair misses us, hon..."
Napakagat-labi ako sa excitement lalo na nang makapasok na kami sa kuwarto namin, at ilapag n'ya ako sa puting S-shaped leather love chair na binili n'ya noon online.
"Hon, kailangan nating umuwi kay Mama. Sabi mo kakausapin mo s'ya. Lampas tanghali na tayo makakarating sa bahay."
Di s'ya sumagot. Basta sumiksik lang lalo sa leeg ko. Tapos, nilalaru-laro na yung boobs ko. Parang sira lang.
"Ethan, isa!"
"Tsk!" parang batang pagmamaktol nito pero bumangon na.
"Ano 'kamo?" tanong ko kasi bumubulung-bulong.
"Wala. Miss na miss lang kita tapos ... tsk!" sabay asar na kinamot-kuskos ang likod ng ulo.
Para sa iba, childish na arte nang isang lalaki. Pero para sa akin, cute na cute ako kay Ethan kapag ganyang nagmamaktol ito tapos uusli ang nguso. Basta bumangon itong hubad at naglakad papalabas ng kuwarto.
Halata ang pigil na pagdadabog n'ya pagpasok sa nag-iisang banyo nitong unit na nasa pagitan ng bedrooms at kusina.
Napapiling na lang ako pero nakangiti. Kumuha ako nang tag-isang tuwalya namin bago ako sumunod kay Ethan sa banyo.
Inabutan ko s'yang nagsha-shampoo. Tumalikod pa nga nung makita akong pumasok. Nagpapalambing ito. Alam ko ang ganyang n'yang arte.
Agad kong isinabit yung mga tuwalya sa likod ng pinto at sumalo kay Ethan sa ilalim ng shower. Nagsasabon na ito ng katawan.
"Ako na, hon," malumanay kong sabi sabay kuha ng sabon sa kamay n'ya. Pero di n'ya ibinigay. Para ngang walang narinig. "Tsk, Ethan, isa!"
Saka n'ya lang ipinaubaya sa akin. Kinuha ko pati yung luffa.
"Ang tigas na nito, Ethan. Kailan ka huling naghilod ha?" sermon ko habang nilalagyan yung ng sabon.
"Tinatanong mo pa? E di nung huli kang nagpunta dito," bubulung-bulong na sagot habang nakatalikod pa rin at hinahayaang umagos lang ang tubig sa katawan n'ya mula sa shower. "Ikaw lang ang hinahayaan kong gumamit nang ganyan sa akin. Tapos ngayon, gusto ko lang bumawi sa .... Aaaawww..."
Kuskusin ko nga yung likod n'ya kahit di pa gaanong malambot yung luffa.
"Joy, dahan-dahan naman," ang reklamo. "Aaaww...!"
Pinigil ko ang mapahagikgik. Daing ito nang daing pero hinahayaan lang ako. S'ya pa nga ang kusang nag-angat ng dalawang kilikili para mahiluran ko s'ya dun.
Napatigil lang s'ya sa pagrereklamo nang yakapin ko s'ya mula sa likod saka ko nilaro ang sabon sa dibdib n'yang may manipis na balahibong-pusa.
Napatikhim pa nga kasi patudyo kong ikiniskis ang hubad kong dibdib rin sa likod n'ya habang tinatalunton ang balihibo n'yang pababa sa tiyan... sa pusod...sa puson... hanggang...
"S-shiiit...." bulong n'ya nang umabot ang kamay ko 'dun'.
Lihim akong napangiti habang sinasabon s'ya 'dun'.
"Aaa-aah...." napapahingal pa nung linisin ko pati ang singit n'ya.
Naririnig ko pa ang malalim n'yang paghinga nang nasa paa na ang sinasabon ko.
"Hon..." pabulong n'yang tawag.
Kunwari di ko s'ya narinig. Basta nilakasan ko yung shower para mabanlawan na ang sabon sa kanya.
"Yuko ka para makuskos ko ulo mo," patay-malisya kong sabi na pinaharap s'ya sa akin.
"Hon..." tawag n'ya uli na may halong pagkasabik at pagkadismaya.
"Ano?" tanong ko.
"What do you mean 'ano'? Lalo mo lang pinatigas si Jun-jun eh," reklamo uli.
"Lalambot din yan," sabi ko na nakayuko para di makita ang pagngisi ko.
"Joy naman!"
Di ko na napigilan ang mapatawa. Nanliit ang mga mata n'ya sa inis.
"You intentionally pis-- ooohhh...!"
"And... you were saying...?" tudyo ko habang hawak uli s'ya 'dun'.
Umiling lang si Ethan, kagat-labi, "Tapusin m-mo yan, Joyful. Kung hindi...oh shit!"
Puro hingang malalim na lang ang lumabas sa bibig n'ya habang nilalaro ko ng labi at dila ang nipples n'ya.
Tinapik ko ang kamay n'ya nang hawakan ako sa pang-upo.
"No touching, Ethan," bulong ko.
"Oh fuck! Again?!"
"Practice o lalabas na tayo dito?"
"Okay... okay... no touching," pagsuko n'ya.
Ewan ko pero may mood talaga ako na ganun. Na ayokong magpahawak sa kanya at ako na ang bahala. Na mas nagdudulot sa akin nang kakaibang init ang marinig ang daing na may halong frustration kay Ethan hanggang sa pareho kaming makatapos. Touchy kasi ito.
At alam n'yang isa sa mga fantasy ko na maiposas s'ya sa kama habang nagga-'ganun' kami. O sa mas tamang salita, gina-'ganun' ko s'ya. Haha!
Ayaw n'ya ngang pumayag nang una hanggang sa napa-oo ko s'ya sa kasunduang bigyan ko raw s'ya nang time.
"Hon, di dapat kita tinuruang manood ng porn eh," reklamo n'ya. "Kung anu-anong kalokohan pumapasok sa isip mo."
Natatawa talaga ako kapag naaalala ko yun.
Siya na ang nagpatay sa shower nang nagsimula akong bumaba sa tiyan n'ya... sa puson... hanggang...
"Oh fuck... oh fuck...hon..." pagaril n'yang sabi nang mahigpit at paunti-unti kong ipasok ang kabuuan n'ya sa bibig ko. "Joy... tangna... I ...I fucking... m-miss this!"
Huminto ako sa ginagawa ko nang hawakan n'ya ako sa ulo kaya agad s'yang napabitaw.
Saglit ko s'yang tiningnan habang patuloy ang pagtaas-baba ng ulo ko sa kahabaan n'ya.
Malaking satispaksyon sa akin na makitang sabunot n'ya ang sarili at di malaman kung saan hahawak.
Lalo kong pinagbuti ang ginagawa. Nilaro ko pa 'yun' ng dila ko at pisil-pisilin ang hita at pang-upo n'ya. He groaned long and hard when I licked his balls while masterbating him at the same time.
"Hon... I'm a-almost there..." hingal n'yang sabi uli.
Huminto ako sa narinig.
"What the hell, Joy?!"
Tumayo ako mula sa pagkakaluhod sa tiled floor.
"That's all I can do. Parusa ko 'yan sa pagmamaktol mo," sabay eyeroll.
"Ah ganun ha?!"
Impit akong napatili nang bigla n'ya akong hiniklas patalikod at inipit sa pagitan n'ya at dingding ng banyo.
Saka s'ya pumasok sa akin sa ganoong posisyon.
Sandali nga lang, nanginig na agad si Ethan. Ako ngayon ang nakasimangot.
"What's with the face, hon?" sabi n'ya nung nagsasabon na ako.
Di ako kumibo.
"Bitin ka?" tudyo n'ya.
Inirapan ko nga.
Tumawa lang s'ya. Pero bago kami makaalis sa apartment, nakaisang round pa uli kami. Ethan would never leave me feeling like that.
"I'll follow you after fifteen minutes," ang sabi n'ya matapos akong halikan nang mabilis sa labi. Nakasungaw ako nun sa bintana ng kotse kong nasa labas na ng gate. "Hintayin mo ako sa dati."
Sa isang convenience store yun tatlong kanto bago ang main gate ng subdivision namin.
Tumango ako, "Okay. Ingat ka sa pag-drive."
Pasimple itong tumingin sa paligid. Akala ko kung bakit. Tapos,
"Ay, gago!" napaigtad ako.
Paano, biglang dumukwang uli para bigyan ako nang mabilis na halik sa labi at pinisil ang isa kong boobs.
Tumatawang humakbang s'ya paatras saka kumaway.
"Bye, I love you," nakangising sabi, may pa-flying kiss pang nalalaman.
Napapailing na lang ako papaalis. Baliw talaga!
Di ko alam noon na may ganitong side si Ethan. Yung manyakis, oo. Pero yung playful, hindi. Pati yung ganitong tipo na pagseseryoso sa isang babae. Kasi nga, iba ang image n'ya sa Ampton.
Kalmado akong nagmaneho palabas sa town proper. Pero naroon ang pagiging alerto kung may masasalubong o makikita akong taga-Ampton.
Ewan ko ba. Siguro nakasanayan ko na sa ilang buwang pagtatago. At kahit sinabi ni Ethan na palilipasin lang namin ang dalawang linggo ay papalabasin na naming nililigawan n'ya ako, mabuti na rin ang nag-iingat.
"I want us to be out in the open, hon," sabi ni Ethan.
Nakaunan ako sa dibdib n'ya matapos ang pangalawang bugso nang pagkasabik namin sa isa't-isa.
"Paano?" tanong ko.
"Papalipas tayo ng mga two weeks. Then I'll openly show interest in you sa campus."
Di ako agad nakakibo.
"Wala na si Raisa. I already proved myself to the investigation. She really killed herself because even the father of her child appeared not interested."
Saka ako napatingala sa kanya, "Kilala mo ba?"
Tumango s'ya.
"Sino?"
Hinaplos n'ya ako sa ulo at hinalikan sa tuktok, "Mas mabuting wala ka na lang alam, hon."
"Si Billy ba?"
Saglit s'yang natigilan tapos tumikhim,"Basta... he was investigated as well but he's clean, too. I mean, there was no foul play. He can't be held legally liable for her suicide. Hey, what's wrong?"
Medyo na-tense kasi ako.
"W-wala. Ano, naalala ko lang kasi si ano... nung araw na maano namin ni Lucy."
"I'm sorry, hon. I didn't mean to ... tsk!"
Ilang segundo uli kaming hindi nag-usap hanggang...
"Joy... hon..."
"Hhmm...?"
"Uhm... about Miranda..."
Humigpit ang pagkakakuyom ko sa kumot na nasa dibdib n'ya.
"I'm ... I'm really sorry... I'm really sorry about your friend."
Napahikbi ako. Niyakap na ako ni Ethan.
"Tahan na, hon... hindi ko alam kung gaano na ang iniyak mo dahil sa...tsk!"
Yung hikbi ko, naging hagulgol.
"When you're ready, we will visit her grave. We will both apologise to her, Joy."
Tuloy lang ako sa pag-iyak.
"Don't worry. I'll make sure no one will suspect that it was you the Miranda I was looking for."
"E-ethan...s-sorry din."
"Saan?"
"Uhm... h-hinayaan kong saluhin mo yung ... yung ibang paninisi kay Mira."
Totoo naman yun. Sa pagkamatay ni Mira, isa sa mga kaibigan ko ang nagsalita na pinag-interesan nga ito ni Ethan kaya pinag-initan naman ni Raisa. Naiintindihan ko ang mga kaibigan namin. Gusto nilang may managot, or at least ang may masisisi kung bakit sinapit yun nang isang katulad ni Miranda na napaka-low profile at studious na mag-aaral ng Ampton. Dean's lister ito.
Ang depensa ni Ethan, it was a mistaken identity. Na hindi talaga si Miranda ang hinahanap n'ya. At nabigyan lang s'ya nang maling impormasyon. Pero ang bintang naman, bakit s'ya mag-iinteres sa iba gayung nobya n'ya si Raisa. Kaya inulan nang pamba-bash si Ethan sa pagiging babaero.
Hanggang sabihin n'ya uli na matagal na silang wala ni Raisa pero itinanggi uli ng babae. Dahil doon, si Raisa uli ang naging tampulan ng sisi. Ang hirap lang talaga dahil wala namang testigo o matibay na basehan na may direkta s'yang kinalaman sa pagkahulog ni Mira sa hagdan.
Sa palagay ko ay isa rin yun sa naging pabigat sa babae tapos ang pagbubuntis na hindi si Ethan ang ama.
"I was at fault, too. Pinabayaan ko si Raisa sa ginagawa n'ya. Ayokong lang na kapag pinigilan ko s'ya, magkahinala si Raisa na isa sa inyong magkakaibigan pa rin talaga ang hinahanap ko noon. At akala ko, kung hindi ko na papansinin o babanggitin, titigilan na n'ya si Miranda."
Alam ko yun. Pinagtalunan namin ni Ethan kasi gusto kong awatin n'ya si Raisa pero hindi n'ya ako sinunod. At naduwag din kasi ako para amining ako ang dapat inaaway, at hindi ang kaibigan ko. At ako ang mas nakakaalam na hindi humupa ang galit ni Raisa kay Mira. Mas hindi na kasi s'ya pinapansin ni Ethan dahil nga meron nang 'kami'.
Napabuntung-hininga na lang ako. Yun ang huli naming pag-uusap kagabi bago makatulog.
Naputol ang tinatakbo ng isip ko dahil nakita ko yung itim na van. Sigurado akong yun ang van na nakita ko sa parking sa Ampton. Mukhang pabalik sa school.
Linggo ngayon kaya medyo nagtataka ako na doon ang punta ng estudyanteng may-ari nun. Masyado pang maaga para sa paggawa ng mga weekend papers at projects. Kahit mga exams. Halos kakaumpisa pa lang ng klase.
Binalewala ko na lang. Pakialam ko ba sa buhay n'yan e di ko naman kilala. Mas dapat kong unahing isipin ang sasabihin ni Mama pagdating namin ni Ethan.
Bigla tuloy akong inatake ng anxiety. Napatingin tuloy ako sa rearview mirror. Tapos ay matipid na ngumiti at nagkibit-balikat. Binuksan ko ang stereo sa kotse at inilagay sa Sunday bests old songs. Saka tumingin uli sa rearview at ngumiti nang matamis bago nagbuntung-hininga.
Kaya ko ito. Kaya namin ni Ethan. Haharapin namin ang galit ni Mama dahil sinuway ko ang utos n'ya na tuluyan na akong makipagkalas sa lalaki. Tutal naman daw ay noon pa pala ako nakipag-cool off dito nang hindi ko pinaaalam sa bahay.
Um-oo ako kay Mama dahil sobrang nangigigpuspos pa ako sa pagkatuklas kay Raisa. Kasunod ang pagsabit ng pangalan ni Ethan sa pagkamatay nito. At ang huli ay ang pagkabuko ng mga magulang namin. Sa side ko, na malaman ni Mama na hindi ako ang totoong nobya ni Ethan. Sa side ni Ethan, na merong ako kahit nariyan si Raisa.
Ang masama nito, tila nagkaroon ng lamat ang broker-client relationship ni Mama sa mga magulang ni Ethan. Sabi naman ni Ethan ay sinabi na n'ya ang totoong sitwasyon sa Mommy at Daddy n'ya. Kung bakit merong ako. Pati nga ang tungkol kay Miranda. Isa yun sa gusto n'yang ipaliwanag kay Mama. Na hindi na nauunawaan ng mag-asawang Zamora. At siyempre, ang humingi ng paumanhin sa paglilihim namin sa totoong sitwasyon sa school na ako nga ang lumalabas na 'third party'.
Mabait naman si Mama. Siguradong magsasalita ito nang masakit mamaya. Tatanggapin namin ni Ethan. Siguradong sa bandang huli ay mauunawaan n'ya kami. Nagmahal na rin naman si Mama kay Papa. Kaya alam n'ya ang mararamdaman ko kung mahihiwalay ako kay Ethan.
Isa pa, hindi nanaisin ni Mama na makaranas muli ako nang matinding stress at pressure, lalo't may kinalaman sa paghihiwalay o pagkamatay. At tiyak na makikialam si Dra.Gadi.
Ewan ko, bigla akong nakaramdam nang di maipaliwanag na kaba nang maisip ang babae. Malumanay naman itong magsalita at napakakalmado. Pero may mga tingin at ekspresyon ito na matatahimik talaga ako. Minsan nga, kahit si Mama. May ganung aura si Dra. Gadi.
Napatingin ako sa balikat ko tapos sa rearview mirror. Saka ako ngumiti uli nang matipid sabay buntung-hininga na puno ng optimismo.
Pagpasok sa expressway, nakinig ako nang mga oldies but goodies Sunday songs. Sinasabayan ko ang mga kanta dun na madalas kong madinig lalo na noon dahil paborito ni Papa. Kapag namamali ako sa lyrics, napaptingin ako sa rearview at napapahagikhik. Saglit ko lng hininaan ang tugtog nang tumawag si Ethan para itanong kung nasaan na ako at sabihing mag-ingat sa pagmamaneho. Malapit na raw s'ya sa tollgate papasok na rin sa expressway.
Dumating ako sa convenience store kung saan kami maghihintayan ni Ethan lampas alas-dos ng hapon. Bumili ako ng clubhouse sandwich dahil medyo gutom na ako. Light brunch lang ang kinain namin bago umalis sa apartment.
Napangiti ako nang maisip ang dahilan kaya nagmamadali kami umalis. Ang haharot kasi. Haha!
"Hon, bilhan nating pasalubong si Johnny," si Ethan, after twenty minutes na hintayin ko s'ya.
"Ice cream na lang. Bili tayo nang malaking tub para dessert na rin," sagot ko.
"Uhm, sinabi mo na ba kay Tita Carmen na parating tayo?"
Alam n'ya na next week pa ako ine-expect ni Mama umuwi. Wala sa plano ko ito ngayon dahil di ko naman inaasahan na magkakaayos kami ni Ethan after more than two months na cool off kami.
Umiling ako, "Mas mabuting sorpresahin natin si Mama. Baka kapag sabihin ko, bigla silang umalis ni Johnny para mag-mall or something para makaiwas."
Napayuko si Ethan. Nasabi ko sa kanya na isa sa ugali ni Mama ang ganun. Kapag galit sa isang tao, umiiwas. Dahilan ni Mama, kaysa makapagsalita s'ya nang masakit lalo na sa kasagsagan nang negatibo n'yang nararamdaman. Isang ugali ni Mama na minsan ay naiisip ko kung tama ba o hindi. Kung nagdulot ba nang mabuti sa amin nang araw na yun. Kasi kung hindi s'ya umalis, maaring buhay pa si Papa, o maaaring pareho silang wala na sa amin ni Johnny. O maaring isang buong pamilya kaming naubos.
Naipilig ko ang ulo.
"Hey, what's wrong?" tanong ni Ethan. "Nahihilo ka ba?"
"Uhm, hindi. Ano, kain muna tayo dito kahit papaano. Kanina pa sila tapos mananghalian sa bahay. Saktuhan lang magluto si Mama. Mamaya na uli tayo makakakain nang heavy meal sa dinner."
"Oo nga eh. Gutom na 'ko. Inubos mo'ng lakas ko. Aray!"
"Bibig mo, Ethan!" saway ko sabay tingin sa paligid kung may malapit sa ibang customer sa amin.
Tinawanan lang ako.
Inabot pa kami nang lampas kalahating oras doon bago nag-convoy papunta sa amin.
Kumabog ang dibdib ko nang makarating sa tapat ng bahay namin. Maluwag ang bakuran namin pero dahil sa garden set, mga herbal plants, yard shed at mini-basketball court ni Johnny, pang-dalawang sasakyan na lang ang kinaya sa garahe. Sakto sana para sa amin ni Ethan kaya lang may nakaparada dun ngayon. At ni hindi ganun kaayos ang pagkaka-park kaya di mailalapat nang maayos ang pagkakasara ng gate.
Sa labas na lang ako pumarada. Kagat-labi akong napabuntung-hininga pagbaba.
"Hon, may bisita yata kayo," si Ethan na agad nakababa sa kotse n'ya matapos i-park sa harap lang nang sa akin.
Marahan lang akong tumango.
Bakit kaya s'ya naririto? Dahil ba sa nangyari sa akin sa Ampton? Pero bakit di na lang ako tinawagan? At bakit kung kailan wala ako sa bahay? O baka naman madalas ito kapag alam ni Mama na di ako uuwi gaya ngayon na ang alam n'ya ay dapat next week pa ako...
Imposible!
Hindi n'ya gagawin na sabihin kay Mama. Malaki ang tiwala ko kay—
"Hon?"
"Oh?"
"Kilala mo ba yung bisita n'yo?"
"B-bakit mo naitanong?"
Napangiti s'ya na may kapilyuhan, "Malay ko kung manliligaw ni Tita Carmen."
Umiling ako. "Ano'ng nakakatawa dun?"
"Ano, wala lang," napakamot ito sabatok. "Naisip ko lang, kung makakaapekto ba sa mood ni Tita ang bisita n'yo para ano... uhm...alam mo na. I'm here to apologize and explain."
Tila may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko.
Kinakabahan si Ethan at maaring may kasamang takot sa pagharap sa galit ni Mama. Pero heto pa rin s'ya. Still courageous enough to face my mother.
Kaya lang kasi...
"Halika na," yaya n'ya.
Mahigpit naming pinagsalikop ang kamay nang isa't-isa habang hawak n'ya sa kabila ang malaking ice cream tub.
"Tsk, tiyak na mangungulit si Johnny na mag-ice cream. Baka lalong magalit si Tita," sabi n'ya nang malapit na kami sa frontdoor.
"Bakit naman?"
Nagkibit-balikat ito, "It's natural that your mom would want her children keep a distance from the person she hates."
Saglit akong tumigil sa paghakbang.
Tama ako. Nakabakas sa mukha n'ya ang lack of self-confidence.
Hindi ko s'ya masisisi. S'ya ang wala pa raw napapatunayan. Oo nga at graduating pa lang, pero ang lahat ng kapatid n'ya at mga honor students mula elementary hanggang makatapos ng college. Kabaligtaran n'ya na madalas napapasali sa gulo, mapa-academics man o sa barkadahan.
Dahil dun, madalas s'yang nabu-bully ng mga propesyunal na kapatid. Pambu-bully sa pasimpleng pagpaparinig at minsan ay lantarang panlalait na itinatago sa pagbibiro.
Pero dinarandam yun ni Ethan. At tinatago n'ya sa pagiging mayabang at tigasin. Tinatago n'ya sa pambu-bully rin sa Ampton.
Si Ethan ang tinaguriang black sheep sa pamilya. Sobrang mahal lang talaga ng mga magulang dahil bunso among half-siblings and only child sa marriage ng parents n'ya.
Yung pagiging blacksheep na pagkilala n'ya sa sarili na pilit kong hinuhubad sa utak n'ya.
"Ethan Zamora, hindi kita iiwan," assurance ko. "We'll stick together."
Hinalikan n'ya ang likod ng palad ko sa magkasalikop naming kamay.
"I love you, hon," angsagot na may matipid na ngiti.
"I love y--"
Hindi ko natuloy ang sagot ko, kasi may galit na boses na pumaibabaw mula sa loob ng bahay.
Yung pinipigilan kong kaba, hayan at umalsa na.
"Joy, halika na!"
Hinatak n'ya ako.Naglaho ang pag-aalangan at pumaibabaw sa boses ni Ethan ang pagiging protective sa amin.
"T-teka," awat ko.
"Kilala mo ba yung babaeng kasagutan ni Tita Carmen?"
Tumango ako.
"Tsk, kahit na. Bahay n'yo ito. Mali na bisita pa ang mataas ang boses."
Tinagtag ko ang kamay n'ya para manahimik, saka ako nag-warning knock.
Sabay kaming huminga nang malalim ni Ethan nang mag-click ang door knob pagpihit ko.
Tiyak na lalong magagalit si Mama kapag nalaman ito. Ang gate at main door, napakadaling pasukin!
Tumahimik sa loob. Tiyak na hinihintay ang pagpasok namin.
"Bakit ka umuwi nang walang pasabi?" marahan pero may kakaiba sa tono ni Mama.
Hindi n'ya nakita agad si Ethan dahil natatakpan s'ya ng mataas na indoor plant namin sa pagpasok lang. Di ako sumagot. Basta nagpalipat-lipat alng ang mata ko kay Mama at kay--
"G-good afternoon po," bati ni Ethan na humakbang sa harap ko.
Bahagya n'ya akong tinakpan mula kina Mama sabay pisil s palad ko.
Dama ko doon ang mensahe n'ya na 'sya na ang sasalo kung anuman ang mga masasakit na salitang ibabato ni Mama.
"Bakit ka naririto? Hindi ba sinabi sa iyo ni Joyful na--"
"Kaya nga po ako nagpunta, Tita, para magpaliwanag."
"Wala akong gustong marinig mula--"
"Then why don't you start explaining," ang putol ni--
"I'm sorry, Ma'm, pero this is a private matter among family," sagot ni Ethan.
"Why, are you family?"
"Soon po."
Nahigit ko ang hininga, ganun din si Mama. Ano'ng ibig sabihin ni ...
"E-ethan..."
Pisil sa palad ko lang ang naging sagot n'ya.
"Ano'ng pinagsasabi mo?" nabawasan ang igting sa tono ni Mama.
"Mamaya na lang po, Tita, kapag wala na po ang bisita n'yo."
"Why, don't you know who I am?"
Umiling si Ethan.
"What do I expect from an average, or maybe low average student who happens to be a leader of student scumbags of Ampton University?"
"Sino ka ba?" nawala na ang paggalang sa tono ni Ethan.
"Should I tell him, Joyful, kung sino ako?"
Napayuko ako. Sabay nanlabo ang mga mata.
"Sino ka nga? Bakit alam mo ang --"
"Hon, huwag. Tama na," bulong ko.
"I am Dra. Teresa Gadi. A part-time professor at Ampton University but was the former dean of the Behavioral Science Department. And since I am an only child and my widowed, ailing and manipulative mother will soon gain her ... uhmmm... devil wings, I guess I am the sole heir of my parents' properties including twenty percent shares of your school."
Kahit ako ay nagulat. Hindi ko alam yun. At hindi ko inaasahan ang pagngangalit ng bagang ni Mama.
"My apologies, Dra. Gadi," sambot ni Ethan. "But I have no interest about your resume. Si Tita Carmen ang sinadya ko, para sa amin ni Joy."
"You should be interested, young man. Lalo na nga't malapit nang--"
"Teresa, tumigil ka!" sawata ni Mama. "Hindi ako papayag sa gusto mo!"
Nagulat ako. Ngayon ko lang narinig na nagtaas ng boses si Mama kay Dra. Gadi. At talagang may kakaiba sa kanilang dalawa ngayon. Hindi sila magkaibigan talaga, at ramdam ko yun noon pa. Pormal sila sa isa't-isa.
"They have to know, Carmen. Sa ayaw at sa gusto mo. And this bummer," turo n'ya kay Ethan. "Let's see kung hanggang saan n'ya kayang sabihin na mahal n'ya si Joyful."
"Ma...Dra. Gadi..." umiling ako sa kanila.
"I've been convincing you subtlely to tell him, Joyful. But you won't listen. Just like Carmen here to tell you the truth once--"
Nagulat uli ako dahil dali-daling hinatak ni Mama si Dra. Gadi palabas ng bahay.
"Not now, Teresa!" pagigil na bulong ni Mama rito.
"Tell him, Joy. Kapag tinanggap n'ya, I won't meddle," si Dra. Gadi na di agad natinag ni Mama.
"Ano bang pakialam mo sa amin, huh?" asar na sabat ni Ethan saka ako binalingan, "Joy, honey, ano bang meron? Bakit ganyan s'ya sa inyo? Why do you let her?"
"Because I care. I looked after Joy since she was a a child! Makikialam ako sa kahit na anong may kinalaman sa kanya!"
"Teresa, hindi mo pwedeng --"
"Yes, not that one what I came here for, Carmen. But this two-timer jerk should know about this concerning Joy."
"Hindi pupuwedeng sunud-sunod mai-stress si Joy. Teresa!" salag ni Mama.
"I am here. You very well know I will always be here for her, Carmen!"
"TAMA NA!" sigaw ko.
Napaupo na ako sa sahig sapo ang mukha habang humahagulgol.
"Joy..."
"Hon..."
Agad akong dinaluhan ni Ethan at Mama. Iyak lang ako nang iyak.
"Joy, iha... I want you happy. Tha'ts why you have to tell him para... para kung hindi n'ya maiintindihan, hanggang maaga pa, you have to let him go," si Dra. Gadi na nanatiling nakatayo sa gitna ng sala namin.
"Hon... what's going on?"
Umiling lang ako habang umiiyak.
"Maiintindihan ko, hon. Kahit gaano pa yan kabigat.," niyakap ako ni Ethan.
"Tell him," susog uli ni Dra. Gadi.
"Shut up, will you?!" singhal sa kanya ni Ethan na kinarga na ako.
Walang pangingiming kinandong ako sa harap ni Mama at Dra. Gadi matapos maupo sa sofa namin.
"Joy, hon... remember our deal? No secrets, right?"
Tumango ako.
"Then what is this? Ano ang kailangan kong malaman?"
Umiyak uli ako.
"B-baka iwan mo 'ko, Ethan," sabi ko sa pagitan ng pag-iyak.
"I won't, I promise. Just like you have always understood and forgiven me. I can do that for you, too. Just... just be honest to me, please."
Di ko mapigilang yumakap na sa leeg ni Ethan at doon na ako umiyak nang umiyak.
"Joyful...please tell me," malumanay n'yang pangungumbinsi. "I love you, remember that."
"Si... Si Dra. Gadi..."
"Joy... anak..." tila ayaw pa rin ni Mama.
"A-ayos lang, M-ma," sagot ko sa pagitan nang pag-iyak. "Tama naman si Doc."
"What about her, hon?" untag ni Ethan.
"D-doktor ko s'ya."
"Are you sick?" ayun agad ang pag-aalala sa boses n'ya. "Malala ba?"
Napahagulgol uli ako sa tanong n'ya.
"My God! Are you dying, Joy?!"
Umiling ako.
"Then what?" umigting na ang boses n'ya.
"P-psychaitrist."
"Huh?"
"P-psychiatrist ko si Dra. G-gadi. M-mula pa noong bata ako."
=======================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro