3
Joy's POV
"How are you?" tanong ni Ethan nang makalayo na kami sa Ampton.
Nagkibit-balikat lang ako. Mahabang katahimikan ang kasunod maliban sa pailan-ilang buntung-hininga ng katabi ko. Sinamantala ko yun para tawagan si Chel.
"Uhm, huwag mo na lang akong ipasundo. Sa ano, sa d-dorm na lang siguro ako."
"Sure ka, girl? Sayang naman. Magbi-videoke pa naman after dinner."
"Oo. Pasens'ya na sa abala. Enjoy kayo."
"Di bale. Next time na lang uli. Pero kapag nagbago isip mo, sunod ka na lang. Sa Donato's pa rin."
Napangiwi ako sa narinig. Mabuti pala na di ako sumama. Sa Donato's Videoke Bar and Restaurant una akong napansin ni Ethan. Last day ng final exams yun nito lang bago mag-summer vacation. Nagkayayaan kaming magkakaklase sa Donato's, kung saan naroon din pala ang karamihan sa mga kilalang grupo ng Ampton U.
"Oh, Joy, saan ka?" tanong nang isa sa classmates ko.
"CR lang, beh."
"Maaga pa para magsuka, birthday girl. Kakanta ka pa eh," kantiyaw sa akin. "Malapit na uli bumalik sa table natin yung mic."
Oo, advance birthday celebration ko. Summer kasi ako pinanganak. Hindi na ako naghahanda ng malakihan magmula tumuntong ng college. Kadalasan ay lalabas lang kasama ng mga kaibigan sa school, tapos out of town kami nina Mama at Johnny.
"Sira!" natatawa kong sabi. "Iihi lang."
May mga tatlong oras na rin kami noon sa Donato's. Sa totoo lang, medyo tipsy na ako. May mga lasing na rin, at lasing na lasing. Isa na roon ang nasalubong kong lalaki na,
"H-hi, bi-biyut-beautif-ful," ang mahalagihay na bati.
Humawak pa nga sa gitnang poste na suporta sa bubong ng Donato's. Nagpipilit hindi ipahalata ang pagkalasing.
Nagkunwari akong di s'ya narinig. Pinigil ko ang mapangiwi dahil amoy sa bibig nito ang magkakahalong amoy ng alak, sigarilyo... at marijuana. Kanina ko pa naririnig na may mga pasimpleng humihithit nang nasabing pinagbabawal na damo sa likod nitong Donato's.
Napapiling na lang akong dumiretso sa ladies' CR. Walang mang tao, pinili ko pa rin sa dulong cubicle manubig.
Binubutones ko ang pantalon ko nang marinig kong may pumasok. Base na naririnig ko, isang babae at isang lalaki. Naghahalikan or worse, making out.
Di ko tuloy malaman kung paano lalabas. Ako ang nakaramdam ng hiya nung marinig ko ang tunog nang pagbukas ng zipper at pagkalas ng buckle ng belt sabay,
"Aahh... isubo mo," anas ng lalaki.
"Baka may pumasok," pag-aalangan nung babae."Sira yung lock ng pinto."
"Halika."
Saka ko narinig ang pagbukas nang isa sa tatlong cubicles nitong CR. Mabuti at dito ako sa dulo pumuwesto. Nakahinga ako nang maluwag nang,
"Dito tayo. Mabilis lang."
Humagikhik yung babae, sabay, "Aaah... bite me a little...there... o-on my nips... ooh shit..."
Napakunut-noo ako. Parang nabobosesan ko yung babae. At tama ang hinala ko dahil,
"Rai... shit... mabibitin ako. Baka pwede naman?"
"Di nga pwede. Dadating si Ethan at mga barkada n'ya."
"Alis na tayo. Mauuna ako, sunod ka after five minutes. Tell your friends, masakit ulo mo."
"I-I can't. Siguradong... aaahh... may... may makakapansin. Aaw...! Aaah...Damn it, Billy. Don't leave a mark on me. Oh shit... aaah...shit n-naman..."
"Step on the bowl rim, babe. I want to lick you real good and feel you cum in my mouth."
Napapahawak ako sa sikmura dahil naghahatid nang kakaibang init sa akin ang imahinasyong nabubuo sa isip ko mula sa naririnig.
Plano ko ay manahimik muna sa loob ng cubicle hanggang makalabas sila kaso nagba-vibrate ang phone sa bulsa ko. Isa sa mga kaklase ko.
Kinasel ko yung tawag. Text naman ang pumasok.
Joy, wer u na? Hurry up.
Di ako makasagot agad. Nadi-distract ako sa ungol at harutan nung dalawa sa kabilang cubicle. Kaso baka maghanap mga kasama ko at pumasok dito. Magkakabukuhan. Baka magkagulo dahil siguradong makakarating sa iba ang nagaganap dito.
Pbalik na. Wait lng.
Ayokong malaman nang dalawa na naririto ako sa CR kasama nila. Siguradong pag-iinitan ako nang mga ito. Tama na yung na-demote ako mula sa pagiging 'paborito' ng grupo nina Raisa.
Ingat na ingat akong hindi makagawa nang kahit na anong ingay pagbukas ng cubicle door ko.
"Oooh... oh my God...I'm nearing...Shit! AAhh...!"
"Ipapasok ko, Rai... please...please!"
"Aaah...y-you have rubber?"
"W-wala."
"Then no! What the--"
"Fuck! May tao?!"
Yun ang huli kong narinig pagkasara ng pinto. Wala mang tunog ko yung nabuksan at naisara, pumasok naman ang ingay mula sa labas.
Nagmamadali akong pumihit patakbo sa kanang hallway pero bigla rin akong natumba pahiga.
"Uhm, sorry," sabi nung lalaking nakabanggaan ko.
Walang bahid ng sinseridad sa paghingi n'ya ng paumanhin. Ni hindi nga ako inalalayang tumayo. Pinagpag lang ang tshirt at himas lang ang nasaktang baba na sa palagay ko ay doon tumama ang noo ko.
Inut-inot akong tumayo, nakagabay sa dingding ng hallway. Lumala ang pagka-tipsy ko sa nangyari. Pero kagyat lumipad dahil nilampasan ako ng boyfriend ni Raisa. Galit na binuksan ang pinto ng CR ng mga lalaki na siyang mauunang pinto.
Sumunod ako at huminto sa may pintuan. Gaya sa ladies' CR, wala ring tao roon. Paisa-isang binuksan ni Ethan ang tatlo ring cubicles. May bahagyang kalabog ang mga hampas n'ya sa manipis na pinto ng bawat isa.
Bumaling uli ang lalaki papalabas. Bagaman hindi naitago nang madilim n'yang ekspresyon ang kagwapuhang pinapantasya nang maraming babae at binabaeng mag-aaral ng Ampton U, nabakas ko roon ang matinding galit.
Alam n'ya ang pagtataksil ng girlfriend n'ya! At hinahanap n'ya ito ngayon!
Nakaramdam ako ng pangamba. Hindi para kay Raisa at sa tinawag n'yang Billy. Kundi para sa bawat estudyante ng Ampton U na naririto. Mas lalo sa mga kaklase at kaibigan kong kasama kong nagseselebra. Dahil siguradong magkakagulo. Damay-damay ang mangyayari. Huwag naman ngayon at huwag naman dito.
Marahil ay dala ng espiritu ng alak, ikinapit ko ang mga kamay sa hamba ng pintuan paharang sa men's CR.
"Get out of my way!" mahina pero mabigat na bulong ni Ethan.
"Hindi!"
May sasabihin pa sana ito pero sabay kaming napatingin sa ladies' CR. May mahinang ungol na nanggaling doon.
Hinawi ako ni Ethan.
"Huwag! Please!" habol ko, kapit s'ya sa braso.
"Ano'ng alam mo? Sino ka? Bago ka ba sa grupo nina Chelsea at inutusang guwardyahan sila?"
"Hindi. Halika!" hinila ko s'ya palayo.
Pero di s'ya tuminag. Bagkus ay lalong nagtagis ang bagang dahil,
"Suck me deeper...Oh fuck, Rai..."
Mahina yun pero malinaw na nanggagaling sa ladies' CR.
"Ethan, please! Birthday ko. Nagse-celebrate kami ng mga kaibigan ko."
"So what?"
"'Yan ang hirap sa mga uri n'yo sa Ampton. Masyado kayong feeling entitled!"
"W-what the hell?"
"Totoo naman! Kung gusto mong kumprontahin ang girlfriend mo at bugbugin ang kasama n'ya, pwede huwag dito? Ilayo n'yo ang away n'yo sa mga nagsasaya dito. Masyado kayong papansin!"
Napatanga s'ya sa akin. Pero di ko na napigilan ang bibig ko. Nailabas ko ang mga bagay nan dapat ay hindi.
"Masyado kayong mga pa-importante! Hindi lang kayo ang tao dito sa Donato's at sa Ampton. Isipin n'yo naman yung mga maliliit at tahimik lang. Kung gusto n'yo ng gulo, kayo na lang. Magbugbugan kayo, dun sa malayo."
Napansin ko na nabawasan ang galit sa mukha n'ya. Tila napalitan yun na tila natatawa.
Bahala na!
"Iregalo mo na sa akin. Birthday ko naman. Tutal, halos dalawang taon akong naging 'paborito' nina Chelsea."
Tumaas ang dalawang kilay nito. At bago pa uli ako may masabi, sabay kaming napatingin sa pinto ng ladies' CR. Lalabas na sina Raisa!
"Come here!"
"Ay!"
Sunod kong nalaman, pareho kaming nasa men's toilet ni Ethan. Nasa pagitan n'ya ako at nang nakasarang pinto.
"L-lalabas ak--"
"Sshh..."
Naitikom ko uli ang bibig. Pinakikiramdaman ko s'ya, na tila nakikinig naman sa labas.
"Stay put. Be quiet!" asar na utos nang tangkain kong umalis sa puwesto.
Ang tangkad nito. Hanggang balikat lang ako kaya pumaling ako sa kaliwa. Kasi para akong nakasubsob sa dibdib n'ya. Nakakaakit yung magkahalong amoy ng pawis at cologne n'ya.
Lalaking-lalaki!
Naputol ako sa maharot na pagpapantasya dahil,
"Huwag ka sumabay sa akin, Billy. Dun ka muna sa likod."
"Sama ka, Rai. Hits muna tayo. May isang stick pa ako ng ganja dito. Fifty tayo."
"Next time na. Go!"
Mga papalayong yabag kasabay nang maingay na pagkanta nang kung sinuman ang bumibirit nang may pagkasintunado ngayon sa videoke.
Isang marahas na buntung-hininga ang pinakawalan ni Ethan.
"The bitch," ang galit na bulong.
"Tss," di ko maiwasang ma-react.
"What's that for?" ang may kasungitang sabi na humakbang paatras nang isang beses.
"Kung maka-bitch ka kay Raisa, e lalaking version ka rin ng syota mo," may katabilan kong sabi.
"Ganun ba?" ngumisi ito na tila naaaliw.
May sira yata ito sa ulo. Wala pang tatlong minuto ang nakakaraan, konti na lang eh parang papatay ng tao. Tapos ngayon ngingisi.
Napa-eyeroll na lang ako. "Magpasalamat ka na lang na maaga mong nadiskubre. Kesa yung kasal na kayo tapos--"
Bigla itong humalakhak, "Who the fuck told you I'll marry that girl?"
"Eh bakit mo jinowa?"
"Jinowa?"
"I mean, niligawan at ginawang girlfriend?"
Malisyoso itong ngumisi tapos nagkibit-balikat. Na-gets ko agad yun.
"Tsk! Tapos aarte ka na akala mo, pinagtaksilan nang minamahal na girlfriend. Hmp, ewan ko. D'yan ka na--Ouch!"
"Not so fast."
Nauntog ako sa pinto. Pabigla n'ya uli kasing sinara nang tangkain kong lumabas.
"Ano ba?!" naiirita na ako.
"What's your name?"
"Ethan, ano ba? Lalabas na ako!"
"I'm asking for your name. No fair, you know mine."
"Ayokong sabihin, obvious ba?"
"Then I'll dump Raisa tonight. Ikaw ang ituturo kong dahilan. Let's see what you'll do if they--"
"Miranda. Miranda Echague," pabigla kong nasabi.
Shit! Baka magalit sa akin si Mira nito, ang isa sa close friends ko.
"Nice name," kumagat pa ito sa labi.
Umiwas ako nang tangkain n'ya akong halikan pero napasubsob ako sa kanya dahil may nagbukas ng pinto.
"Shit!" mahina kong sabi.
"Sshh... don't move," bulong n'ya uli, sabay yakap sa akin.
Halos ipasok ako sa loob ng jersey jacket n'ya. Nanatili kami sa likod ng pinto.
"Oh, Ethan?" bati nung pumasok. "Andun na si Rai-- Oh sino 'yan?"
Mahinang tumawa lang ito, "Atin-atin na lang, 'tol. Huwag mo na tingnan, puta naman."
Lalo kong itinago ang sarili sa yakap n'ya, at sumubsob sa dibdib n'ya.
Tumawa rin yung lalaki. "Sure, sure! Sorry, na-curious lang."
Magkayakap kaming lumabas, at para akong tangang nagtatago sa kili-kili n'ya!
"Coast is clear," pang-asar na sabi nung nasa hallway na uli kami.
Asar na bumitaw ako sa kanya at itinulak, "Bwiset!"
Narinig ko pa ang maikling halakhak n'ya bago ako makaliko sa main dining hall ng Donato's.
Mabuti na lang na magkakabilang dulo ng dining ang table naming magkakaibigan sa grupo nina Ethan at Raisa. At lasing na rin talaga ako nung pakantahin ako ng mga kasama ko. At kantahan din nila ako ng birthday song.
A week later after that evening, nagkukumahog ang mga estudyante ng Ampton sa pagkukumpleto ng mga dapat ipasa sa bawat subjects dahil ire-release na ang mga grades.
Nakita ko ang mga kaibigan kong nagkukumpulan sa cafeteria tapos naghahagikhikan.
"Ano'ng meron?"tanong ko.
"Si Mira, may admirer," sagot nang isa sa kanila.
"Naku, sakto," excited kong sabi. "It's high time na magka-boyfriend ka na."
Nag-high five pa kaming magkakaibigan. Tipong nerdy-nerdy kasi si Mira. At sa pagkakaalam ko, yung FB nito, puro anime lang ang laman. Nag-delete kasi ako ng FB noong panahong binu-bully ako nina Raisa. IG ang ginagamit kong social media account. Pangalan pa ni Johnny ang ginamit ko. Para puro pictures lang, less toxic.
"Sino yung admirer?" tanong ko uli.
Nakangusong sumagot si Mira pero nagniningning ang mata, "Ewan. Eto yung text oh."
M, Meet me up 8pm later same place. I have a better gift for you than the one you asked -E.
Nanlaki ang mata ko. At nakita nila yun.
'Oh di ba? Kahit ikaw na-shock?" siko sa akin ni Marjorie. "Dinaig pa tayo ni Ms. Grade Conscious."
"Excuse me, ha? Pero di ko talaga kilala. Wala naman akong hinihingian ng regalo except kay Papa at Mama. Tsaka ayan, oh. Unknown number. Wala s'ya sa phonebook ko," depensa ni Mira.
Pareho kaming summer ang birthday ni Mira. Pero hindi ito sumasama sa amin gumimik. Wala siyang hilig sa ganun. Uwian ito dahil sa kabilang bayan lang nakatira, unlike kami na malayo talaga.
"And I don't know that 'same place' na sinasabi n'ya," dugtong pa ni Mira.
"Eh kung alam mo, pupuntahan mo ba?" tukso nila.
"Pwede. Out of curiosity."
"Weh? Si Mira, nagdadalaga na!"
Umingos ang kaibigan ko pero halatang kinikilig. Nakaramdam ako ng guilt. Pero nanahimik lang ako. Tutal walang malay si Mira so walang makikipagkita kay Ethan. Nagti-trip lang ang lalaking yun. Mamamatay din ang issue.
Akala na isang malaking pagkakamali. Dahil last day ng grade completion, nakita namin si Mira na umiiyak sa loob ng kotse n'ya.
"Girl, what happened?" tanong namin.
"Si Raisa... a-and her f-friends..." di na nito naituloy ang sasabihin.
Humagulgol na kasi.
"Y-yung E... s-si Ethan?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.
Tumango lang s'ya.
"Napakawalanghiya talaga ng mga grupong yan," tungayaw ni Marjorie. "Ano ba'ng trip ng lalaking yun? Alam naman n'yang sira-ulo ang GF n'ya at mga barkada nun. Nananahimik lang si Mira eh!"
I kept my mouth shut, sa magkahalong takot at hiya na rin.
Inilagay ko ang kaibigan ko sa sitwasyong ito!
That same day, nagkasalubong kami ni Ethan papunta sa admin building. Nagmamadali akong umiwas. Akala ko ay di na s'ya sumunod pero yung shortcut hallway sa ROTC office, biglang may humila sa akin.
"Ethan, ano ba?!" palag ko dahil inipit n'ya ako sa pagitan n'ya at dingding.
"You lied!"
"Wala akong obligasyon pagbigyan ang mga kapritso mo, ha!"
" Of all people, sa akin pa! You're a nobody here!"
"Yun naman pala eh! Bitawan mo na ako!"
"Nagmukha akong gago. Worse, I met up a nerdy baduy girl!"
Hindi ko alam na may ganu'ng nangyari dahil walang binanggit si Mira pero umigkas ang kamay ko. Namula ang pisngi ni Ethan sa ginawa ko.
Dinaklot ako nito sa batok ay madiing hinalikan sa labi.
Di ko sana tatanggihan ang halik nito. Hello, Ethan Zamora s'ya. Pero, dahil rin sa pangalan at kung sino s'ya, inayawan ko rin. Kaya sahalip na gumanti ng halik, kinagat ko nga sa labi at sinampal uli.
"You pesky little witch!" nakangising sabi na hinimas ang labi at pisngi.
"Kaibigan ko ang tinatarantdo n'yo ng syota mo!"
"It's your fault. You gave me her name!"
Wala akong nasabi. Sapul na sapol ako sa sinabi n'ya.
"I thought you were courageous enough to slash those words at me sa Donato's. But look what you've done to your friend."
"Malay ko ba sa kalandian mo!" sikmat ko. "Bitaw nga!"
Tinulak ko na sabay tinuhod sa pagitan ng hita.Napaluhod s'ya sapo ang nasaktang kaselanan.
Saka ako tumakbo palayo.
Hindi ako sumama sa mga kaklase ko nang gabing yun para sa huling gimik namin for the school year. Marami rin ang mag-iinuman na mga estudyante ng Ampton. Malaki ang posibilidad na magkita kami ni Ethan, kung hindi man sa Donato's ay sa ibang kilalang puntahang mga lugar ng mga estudyante ng Ampton at universities na ang isa ay narito rin sa bayang ito, at ang dalawa ay sa katabing bayan lang.
Umuwi na ako kay Mama. Nagulat nga dahil ang paalam ko ay kinabukasan pa ako dadating. Lihim kong ipinagpasalamat na hindi na s'ya masyadong nagtanong. Isa sa mga katangian ni Mama na gustung-gusto ko.
Mas matanong pa nga si Dra. Gadi, at yun nga, mas may pagkaistrikto pa minsan kesa sa nanay ko.
Kapag mahaba ang bakasyon, tumutulong ako sa kanya sa pagbebenta ng mga properties. Kasama namin si Johnny kapag may tripping.
Oo, sinasama kami ni Mama hangga't pwede. Nadala na s'ya mula nang mamatay si Papa. Hindi n'ya kami iiwan sa bahay kung gagabihin s'ya. Lalo't overnight o aabutin nang ilang araw ang trabaho n'ya. Hindi na lang kukunin ni Mama ang project kapag ganun.
Hindi ko malaman kung pinaglalaruan ako ng tadhana. That summer vacation,
"Joy, yung out of town celebration natin para sa birthday mo, next week ha? Sa Aurora tayo."
"Eh, sa Ilocos ang tinitingnan kong trip natin, Ma," reklamo ko.
"Gas lang sa kotse ang gagastusin natin, 'nak. Naibenta ko kasi yung isang malaking property ng client ko sa Naga. Uhm, isa sa bonus ko yung bakasyon natin sa resort nila sa Baler."
Di na ako umangal. Libre pala eh. Malaking tipid yun sa amin. Tsaka baka magtampo yung client ni Mama. Client na mga magulang pala ni Ethan!
At nagkaroon uli ang lalaki ng pagkakataon na makalapit dahil kinailangan kong maging mabait sa kanya. Lalo na nung malaman ng mga magulang namin na magkakilala kami sa Ampton. Ang sama nito, magaan ang loob sa kanya ni Mama at Johnny.
Nahuli ni Ethan ang loob ko sa isang linggo naming bakasyon sa resort ng pamilya nila at pag-iikot sa lugar. Malaking dahilan na nakikisimpatya ako sa kaalamang niloloko s'ya ni Raisa. Anyway, di naman talaga ito seryoso sa babae, tulad na wala naman akong alam na sineryoso n'ya sa Ampton. Ang mindset na yun ang nakabaon sa isip ko kaya naroon pa rin ang tagong duda sa akin na tapat s'ya sa nararamdaman sa akin kahit pa naging kalat na sa Ampton ang pakikipagkalas n'ya kay Raisa pero nagmamatigas ang babae. Kasama doon ang pagbabanta na malalagot kung sino ang susunod na makakarelasyon ni Ethan.
Mas may impluwensya man si Ethan kay Raisa, nag-aalala ito para sa akin dahil graduating na s'ya, at maiiwan kami ni Raisa sa Ampton.
"Sali ka kina Kyla, hon. Para may grupo ka. Malaki ang Ampton U. Di palaging mababantayan ka kahit naririto pa ako ngayon. Paano na lang kung graduate na ako?"
"Ayoko. Ginagawa nilang utusan at laruan ang mga bago sa grupo nila."
"Ako'ng kakausap na huwag na ka bigyan ng initiation."
"Ayoko. Gulo at kaplastikan lang ang dala ng mga ganyang grupo-grupo n'yo eh."
Napakamot ito sa batok.
"Lipat ka kaya ng school pagka-graduate ko," suhestyon n'ya. "Para di ka mamrublema at di rin ako mag-alala. Yung malaya tayong magkita."
"So ang sasabihin ko kay Mama, kailangan kong lumipat kasi susugurin ako ng gf mo, ganun?"
"Tss, ako na'ng magpapaliwanag kay Tita Carmen," katwiran n'ya.
"Okay, granted na maunawaan ni Mama ang sitwasyon natin, nasabi mo na ba sa parents mo kung sino ako sa relasyon n'yo ni Raisa?"
Nawalan ito ng kibo. Sinasabi ko na. May issue sa salitang third party ang parents ni Ethan. Lalo na ang mommy n'ya.
Divorced sa unang asawa si Mr. Zamora. Pangangaliwa ang dahilan. Si Mrs. Zamora, biyuda. Nabiyuda nang ma-involve sa isang car accident ang unang asawa. Ang aksidenteng yun ang naging daan para mabisto nito ang lihim ng asawa. May babaeng dumating sa lamay nang dating asawa ni Mrs. Zamora. Umiiyak. May kasama itong tatlong taong gulang na batang lalaki. Dala ang katibayan na anak nang unang asawa ni Mrs. Zamora ang bata at ibinabahay ito ng lalaki.
Parehong may mga half-siblings si Ethan sa parehong sides ng daddy at mommy n'ya. Although s'ya ang nag-iisang anak ngayon ng mag-asawa.
Maliban sa umiiwas akong mapag-initan uli nina Raisa, may dalawa pa akong dahilan kaya ayokong ipapaalam na may unawaan kaming dalawa ni Ethan.
Una, alam ng pamilya Zamora ang tungkol kay Raisa dahil gumawa ito ng paraan. Ang sabi ni Ethan, kahit hindi imbitado, nagpunta ang babae sa pribadong selebrasyon ng 20th wedding anniversary ng mga magulang n'ya. Ewan n'ya kung paanong nalaman ni Raisa ang okasyon. Naroon din ang mga relatives nina Ethan sa bahay nila. Ang akala ng mga ito ay sorpresa ni Ethan yun sa mga magulang -- ang magpapakilala ng girlfriend. Hindi n'ya raw magawang kontrahin ang paniwala ng mommy at daddy n'ya dahil natuwa ang mga ito. Senyales daw na magtitino na ito.
Pangalawa, kilala mang papalit-palit din ng boyfriend ang babae sa Ampton, hindi naman kumalat ang balita tungkol kay Raisa at Billy. Ako pa rin ang lalabas na third party. Ang chismis power ng mga grupong katulad nang kina Chelsea at Kyla, parang fiber internet. Malakas at mabilis. Siguradong di lang sina Raisa ang may maipupukol sa akin, kundi ibang estudyante ng Ampton. Masasabihang malandi at tanga. Tanga kasi kinalaban ko si Raisa, at pumatol sa isang katulad ni Ethan.
"Joy... baka pwedeng kausapin mo ako."
Sa halip na sumagot, pumaling ako ng tingin sa labas ng bintana.
"Hon, how's Tita Carmen?" patuloy n'yang pagtatangka na makapagbukas ng usapan.
Saglit ko s'yang nilingon at matalim na tiningnan, "Nakarating na sa kanya ang balita. Galit sa 'yo si Mama."
Napabuntung-hininga ito.
"I-I'm sorry."
"Ano pa nga ba ang aasahan ko sa iyo? Namin ni Mama?" sumbat ko. "Oh, bakit tayo babalik?""
Bahagya akong nataranta dahil lumiko s'ya pabalik sa Ampton. Baka may makakita na sa amin this time.
"Pack your things. Hatid kita pauwi. I'l talk to her."
"Feeling mo, gusto kang makausap ng nanay ko ngayon? Kahit sa akin, naghihinanakit s'ya kung bakit ako pumayag na third party sa inyo ni Raisa."
Ang alam ni Mama, nagkakamabutihan kami ni Ethan. Walang siyang ideya tungkol sa totoong sitwasyon sa Ampton.
"Joy, honey, you know I tried breaking up with her without compromising you because I know that's what you want kahit di mo sabihin sa akin. I was waiting for the perfect timing. I had it. Pero di ko inaasahan na ... uhm... s-she'll resort to s-suicide."
Saglit kaming natahimik habang tuloy lang s'ya sa pagmamaneho. Nagkaroon uli ng pagkakataon na maalala ko ang mga nangyari nang nakaraang first sem.
Ilang beses kaming nagsenyasan nina Chel at Marjorie. Dini-distribute na ang mid-terms questionnaires, wala pa si Mira. Nag-aalala ako... at nagi-guilty.
Nung isang araw kasi, di namin mahagilap ni Mira. Yun pala, ayaw lumabas sa library. Inaabangan daw nina Raisa. Di makakapanggulo ang mga babae sa library. Natapos ang exam, walang Mira na dumating. Pagkalabas ng prof namin, kinuha ko agad ang cp ko para tawagan ang babae.
"Ano, Joy?" untag ni Chel nung nagkasabay kami palabas ng classroom. "May balita ba?"
"W-wala eh. Walang reply sa text. Tinawagan ko, naka-off yata yung phone," sagot ko.
Ilang beses uli naming sinubukang tawagan si Mira papunta kami sa cafeteria, pero off talaga ang phone n'ya. Hanggang sa may lumampas sa aming grupo ng mga estudyante,
"Wala pa rin daw malay nung madala sa ospital."
"Yung gamit n'ya nga, nagkalat sa may hagdan. May mga nagmagandang-loob na itabi muna. Basag na basag daw ang phone. Ni hindi na ma-open para matawagan ang mga magulang."
"Eh paano yan? Kawawa naman yung babae."
"Ampton Admin na raw ang bahala."
Nalaman namin na si Mira pala ang pinag-uusapan nila. Matapos ang mga exams namin that day, dinalaw namin siyang magkakaklase.
Umiiyak si Mrs. Echague, "Maingat ang anak ko. Paanong mahuhulog s'ya nang ganun-ganun lang sa hagdan?"
Comatose si Mira. Putok ang likod ng ulo sa pagkabagok.
Lumabas sa imbestigasyon na tumatakbo raw ito papunta sa hagdan. Ang witnesses na nagsabi, dalawang miyembro ng Gay Fuktori. Yung isang grupo sa Ampton U na puro bading ang kasapi. Wala raw silang nakitang humahabol sa kaibigan namin mula sa third floor ng Hampshire building kung saan naroroon ang annex library ng Ampton U. Katiwiran nila, nasa second floor pa lang sila at papaakyat nang marinig ang mabibilis na yabag kasunod ang maikling tili ni Mira. Tapos ang pagkalabog ng katawan ng kaibigan namin sa sementadong hagdan hanggang sa bumagsak na nga sa landing platform sa pagitan ng second at third floor.
"I'll give you just fifteen minutes to pack your things, Joy," ang sabi niya paghinto sa parking ng Ampton dorms. "Kapag wala ka after fifteen minutes, aakyat ako sa dorm n'yo. I don't care anymore kung sino ang makakita sa akin o sa atin."
Naikuyom ko ang mga palad sa kandungan ko.
"Don't try me this time, Joyful. I've been through hell because of Raisa's death. Kapag nainis ako, baka iuwi kita sa bahay. Tutal nasabi ko na sa kanila ang tungkol sa iyo."
Pabigla akong napalingon sa kanya.
"Yes, hon. I did," matipid s'yang ngumiti. "I told them everything, and how you tried to keep me away from the trouble of strangling Billy and Raisa that night at Donato's when I first met you."
"A-ano'ng sabi ng m-mommy mo?" kinakabahan kong tanong.
But at the same time, may piping tuwa na gumapang sa akin. Kasi kahit kinokontra ko ang pagpapaalam ni Ethan sa pamilya n'ya tungkol sa akin, sinuway n'ya ang gusto ko. Kasi ayaw na n'ya akong itago.
"She and Dad said that we use protection. They want me to graduate and work first. And let you graduate, too."
Nakagat ko ang labi para supilin ang ngiti habang nakayuko. Baka isipin nito na okay na kami. Kahit ang totoo, medyo ganun na nga ang pakiramdam ko, kasi natutuwa ako sa nalaman.
"Hey," ang tawag n'ya sabay haplos sa ulo ko. "I hope you're happy about what I did."
Di ako kumibo, basta nakatitig lang ako sa dashboard.
"Common, hurry up. Hangga't walang tao sa paligid."
"Uhm, paano kung meron na pagbaba ko?"
Maluwang s'yang napangiti. Nag-init ang mukha ko. Pinagkanulo ko ang sarili na payag na ako magkasama kami ngayong gabi.
"Then, drive your car. Mauna kang umalis. I'll follow after a few minutes. Let's meet at the apartment."
Napanguso ako sa narinig.
"Come here."
Yun lang at kinabig na n'ya ako sa batok para halikan sa labi. Gumanti ako pabalik. Na-miss ko ito. Yung lambingan namin.
Pareho kaming naghahabol ng hininga nang magkahiwalay ang mga labi.
"Sige na, baka kung ano pa maisipan kong gawin sa 'yo dito. Ouch!"
Kinurot ko nga sa hita pero tinawanan lang ako. Nagmamadali akong umakyat sa C4J. hindi ko na nga inayos ang pagkakatupi ng mga damit ko. Basta isinaksak ko na lang sa loob ng travelling bag. Bahala na rin kung nagkasama yung malinis at marumi. Ang importante, makababa na agad ako. Baka totohanin ni Ethan ang banta. Kahit ba ganun na ang feedback ng parents n'ya, iba pa rin ang sitwasyon dito sa Ampton.
Napangiti ako habang hinihintay ang pagbukas ng pinto ng elevator pababa sa ground floor. Kapag nakausap na namin si Mama, dito na lang sa Ampton ang poproblemahin ko. O baka ikonsidera ko na nga rin ang lumipat sa ibang school, gaya ng suhestyon dati ni Ethan. Yun doon na lang sa mas malapit sa amin. Para uwian na lang ako. Okay lang kahit di gaanong kilalang university. Sa mga taon na itinagal ko sa Ampton, nakita ko ang kabulukan sa mga ugali ng mga tao dun - mapa-estudyante at hindi. Yung mga bagay na hindi alam ng mga tagalabas. Tumimo sa isip ko na hindi paaralan ang magdadala sa iyo nang maayos na kinabukasan. Kundi ang sarili mo mismo.
Papalabas sa dorm building, tumawag si Ethan.
"Hon, may dumating na dalawang kotse. Not sure kung sa men's dorm o sa women's dorm ang punta. Tumambay pa sa parking yung mga sakay. Magkita na lang tayo sa apartment."
"Uhm, okay."
Dumiretso na ako kung saan naka-park ang kotse ko. Wala na yung itim na van na nakita ko kaninang maaga pa. Napailing ako sa naalala. Doon ako dumaan sa side na yun papunta sa kotse ko. Dahil may nakita ako sa lupa kung saan malapit naka-park yung van. Cologne spray bottle pala. Dinampot ko. Walang brand name so di ako sigurado kung pambabae o panlalaki. Kinuha ko dahil may laman pang mahigit kalahati. Sayang naman. Ibibigay ko na lang kay Ate Norma. Kung panlalaki, kahit ibigay n'ya sa asawa n'ya.
Nakita ko yung sinabi ni Ethan na dalawang kotse at mga sakay nito na nakatambay nga sa parking. Nilampasan ko lang.
Nagkakape na ako na sa sofa ng two-bedroom apartment namin ni Ethan nang marinig ko ang paghinto ng sasakyan n'ya. Agad-agad akong lumabas para buksan ang gate para maipasok n'ya rin ang sariling kotse sa bakod katabi ng kotse ko.
"Sorry, medyo natagalan ako sumunod," ang sabi agad pagbaba. "Bumili ako ng ppagkain natin. I bet di ka pa rin kumakain."
Nakaakbay s'ya sa akin pagpasok sa loob.
"Ang bango, hon. Na-miss ko ang amoy ng brewed coffee dito sa apartment," ang sabi n'ya nang ilapag ko sa tapat n'yaang paborito n'yang mug na may kape.
Nakaupo s'ya sa four-seater na dining table.
Tipid akong ngumiti, "Uhm, handa ko lang itong food."
Hinuli n'ya ang kamay ko, bago pa ako makapunta sa kitchen, "Joy, honey..."
"Hhm?"
"Thank you."
"Saan?"
"For... for not letting go. Kahit alam mong ang gagu-gago ko," sinsero n'yang sabi na nakatingala sa akin.
Napakagat ako sa labi. Naiiyak kasi ako, "Mahal kita eh. Kahit ang gagu-gago mo."
Natawa s'ya sa panggagaya ko sa kanya.
"I love you, too, hon. And I miss you," ang sabi pa na hinalikan ang likod ng palad ko.
Di ko napigilan na yakapin ang ulo n'ya at halikan s'ya sa tuktok.
Naramdaman ko ang pigil n'yang singhot sa tiyan ko habang nakapalibot ang isang braso payakap sa bewang ko.
"Tara, kain muna tayo," untag ko pagkaraan nang ilang saglit.
"Dito muna tayo overnight, hon," hiling n'ya habang kumakain kami. "I miss us here. Just like before."
"Okay."
Akala ko ay naitago ko ang matinding guilt na nararamdaman pero nagkamali ako. Nahalata yun ni Ethan.
"I'm sorry, Joy," ang sabi matapos halikan ang hubad kong balikat at yakapin ako nang mahigpit.
Kasalukuyan kaming nasa apartment na sikreto n'yang inuupahan para sa aming dalawa. Dito kami madalas palihim na nagkikita. Beinte minutos ang layo nito mula sa Ampton kung maluwag ang daloy ng trapiko. Sa dulong barangay ng San Marcelino, ang bayan kung saan ang Ampton U.
Siya ang una ko, at ilang beses na naming ginawa ang bagay na yun. Concenting adults na naman kami pareho. Naging open kami ni Ethan sa usaping sex kaya nga siya pa ang bumili ng pills ko noong una. At Nagpapaalala kapag nakita n'yang paubos na ang pakete ko. Pareho naming ayaw ang condom at withdrawal.
Napahikbi ako, "Kasalanan ko ito. Sabi ni Mrs. Echague, hindi na raw gigising si Mira. Yung oxygen na lang ang bumubuhay sa kaibigan ko."
May lumabas kasing kuwento na sina Raisa, Karen at Chelsea ang patakbong iniiwasan ni Mira. Pero, hindi naman maidiin ang mga babae dahil walang ebidensya at testigo. Consistent sa alibi nung tatlo na nasa CR sila na malapit lang rin sa may hagdan sa testimonya nung dalawang taga-Gay Fuktori.
"Hey, hush now, hon," pagpapatahan sa akin. "Huwag mong solohin ang sisi sa sarili mo. I am at fault, too. I guess. Di ako nag-ingat kaya nalaman ni Karen ang tungkol kay Mira... I mean sa iyo."
"H-hindi. Walang kang kasalanan dun. D-dapat... dapat hinayaan na lang kitang kumprontahin si Raisa at Billy. nang gabing yun."
"Wala na tayong magagawa. Nangyari na."
"H-huwag na muna tayong magkita, 'Than."
"What?!"
"Better yet... let's call it quits. Para wala nang gulo. Mababawasan ang guilt feeling ko."
"No! Hindi ako papayag!"
Nagtalo kami ni Ethan ng gabing yun. Pagtatalo na nauwi muli sa pag-angkin n'ya sa akin. Ang pagkakaiba lang, sa marahas na paraan.
Hindi ko magawang tuluyang magalit sa kanya, mahal ko eh. Naghihinanakit lang kasi di naman n'ya kailangang gawin yun. Kahit ba sa bandang huli ay di na ako nanlaban, nasaktan pa rin ako. Yun ang huli kong pagpunta sa apartment kahit ilang ulit akong tinawagan ni Ethan na naghihintay s'ya doon.
Nahulog ako sa tahimik na depression nang ipaalam ng pamilya Echague na nagdesisyon na silang alisin ang life support ni Mira. Lalo nang mailibing na ang kaibigan ko. Wala man akong bestfriend na maituturing, si Mira ang makokonsidera kong malapit sa kategoryang yun.
Mabuti na lang at naririyan si Dra. Gadi. Hindi ko man masasabing bestfriend ko ang may edad na babae. Sa kanya ko naisisiwalatang mga lihim na di ko magawang sabihin kay Mama at kay Ethan. alam n'ya ang lahat tungkol sa akin. Lahat ng saloobin ko sa mga bagay-bagay na nangyayari sa akin, alam n'ya. Ganun ako katiwala sa kanya. At alam n'ya yun.
Pero hindi. Hindi ko s'ya bestfriend. Ang masasabi ko lang, mataas ang respeto ko sa kanya. At si Dra. Gadi, dama ko na malapit ang loob n'ya sa akin. Sabi nga ni Mama, halos mag-bestfriend daw ito at si Papa noon.
Nag-mellow si Ethan sa pag-pressure sa akin nang mga panahong yun. Alam kong inoobserbahan n'ya ako mula sa malayo. Pero nagme-message s'ya sa akin palagi na mahal n'ya ako at palagi kong iingatan ng sarili ko. Na pagbutihin ko raw ang pag-aaral ko. Bumaba ang mga exams ko, lalo na sa mga minor subjects na di ako interesado.
"Hon, ilang beses akong hihingi ng sorry sa nagawa ko and I hope hindi ka tuluyang magalit sa akin. Ahm, di kita kinukulit ngayon dahil alam kong nahihirapan ka. Promise, aayusin ko itong kay Raisa. Ayoko ring kung ano ang isipin nina Mommy tungkol sa iyo. Kapag sinabi ko na sa kanila ang tungkol sa atin. Within or after sembreak ang target ko. Please, huwag kang maiinip. I love you."
Mabilis kong binura ang voice message n'ya sa akin messenger. Dahil kay Ethan, ni-reactivate ko yun, pero nanatiling nakasara ang FB ko.
Sa naalala, bigla akong napatingin kay Ethan nang may pagdududa.
"Why?" tanong nito.
"Ethan... magsabi ka sa akin nang totoo."
Palagay ko ay nakuha n'ya agad ang ibig kong sabihin. Nagdilim ang aura ng mukha n'ya. Kinabahan ako na di ko mawari.
"You doubt me now, hon?"
"U-uhm... h-hindi. Nagtatanong lang ako, h-hon," naisagot ko.
Napapiling at sarkastikong napangisi ito, "Suddenly, you called me 'hon' again. Kanina, puro Ethan ka lang kahit alam kong bati na tayo. Why, are you scared of me? You think I'll hurt you?"
Lalo akong natakot sa sinabi n'ya.
"E-ethan... s-si Raisa... m-may kinalaman ka ba?"
Tinitigan n'ya ako nang seryoso bago, "What do you think, Joy?"
=================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro