Chapter 3
Chapter 3
Sick and Drunk
He's drunk. That's probably it. At hindi ko na rin nakita iyong mga kasama niya kanina. And I can't let him drive alone while he's drunk, can I?
I sighed and continued driving. Sinabi na rin niya sa akin ang address niya. Ihahatid ko na lang siguro siya sa bahay nila. Pagkatapos magbobook na lang din siguro ako ng Grab car para sa sarili ko at nang makauwi na rin ako mamaya. Nakisabay lang din kasi ako kanina kanila Bianca.
Nakita ko na nasa isang condominium building ko siya hinatid. Bumaling ako sa kaniya at nakita kong tulog pa rin siya. Nakatulog na siya kanina sa biyahe. Ngayon naman ay kailangan ko siyang gisingin...
"K-Kalyx..." Marahan ko siyang tinapik sa balikat niya para gisingin siya.
"Hmm..." Pero iyan lang naman ang reaksyon niya.
Muli ko siyang tinapik sa balikat niya. Hanggang sa, I lightly tapped him on his cheek. He should wake up now.
Pero nang tapikin ko siya sa pisngi niya ay naramdaman ko naman na parang mainit siya. And it doesn't feel like a normal temperature. Pinagkumpara ko ang temperatura naming dalawa. Nilapat ko ang palad ko sa noo niya at sa noo ko. Mainit nga siya.
I thought he was only drunk. But it seems that he's sick and a little drunk right now...
So what I did next ay sinamahan ko na siya hanggang sa loob ng condo niya. I realize that he's living alone on his own. Hindi na rin naman ito nakapagtataka. Other people and students I know also lives in an apartment or condo. Lalo na kung malayo rin ang bahay ng family nila sa university na kanilang pinapasukan.
Nakaakbay sa akin ang braso niya habang pinapasok ko siya sa condo niya. May elevator naman at doon kami sumakay paakyat sa floor niya pero iyong pagod ko ngayon ay parang dumaan pa kami gamit lang ang hagdanan. Pinagpawisan na ako at ang bigat bigat niya.
I heaved a sigh after I put him down on his bed. Tiningnan ko siya pagkatapos. Mukhang tumaas na ang lagnat niya ngayon. Pagkatapos ay gumalaw na lang ako sa loob ng unit niya and look for his things like a thermometer para ma check ko na ang temperature niya. Nakakita naman ako roon na may first aid kit din sa bathroom niya.
I sighed after getting his temperature. It's 38 C. He's indeed really sick.
Kumuha na rin ako ng bimpo at tubig na nilagay ko sa isang basin.
"May sakit ka. Bakit ka pa uminom? At bakit nagpunta ka pa roon sa bar para mag-party, in the first place?" I asked him while I was trying to gently wipe his face and neck with the wet towel.
While he couldn't answer me because his eyes were closed and he's really not feeling well right now that he could only close his eyes and try to relax himself a bit...
I bit my lip. Maybe he should change his clothes so he'd feel more comfortable...
I'm not an expert in taking care of a sick person. Pero naalala ko naman ang ginagawa sa akin ni Manang kapag may sakit ako. Binibihisan niya ako so I'd be more comfortable to rest. Pinupunasan niya rin ako ng basang face towel. And of course, she made me take medicine. Wala yata akong nakitang gamot sa first aid kit niya. Halos thermometer lang ang nakita ko roon at panlinis ng sugat na mukhang Betadine siguro iyon.
I should go out for a while to get him medicine at a pharmacy.
Tiningnan ko siya na nakahiga na roon sa kama niya. I decided to wake him up. "Hey, please wake up and change your clothes first. Nasaan ang pantulog mo? Ako na ang kukuha. You go in the bathroom to change..." Sinubukan ko siyang sabihan.
At mabuti na nakabangon naman siya kahit nakita kong nahihirapan rin siya pero nagawa naman niyang makapagbihis at magpalit ng damit niya.
Kumuha lang din ako sa closet niya ng isang plain white T-shirt and a pajama pants that I just handed to him before he closed the door of his bathroom after getting it to change.
Hinintay ko muna siyang matapos at makalabas ng bathroom pagkatapos niyang magbihis bago ako umalis sandali para makabili ng gamot niya. "Done?" I asked him after he opened his bathroom's door and he's done changing.
Mukhang masakit ang ulo at nahihilo pa na tumango lang siya sa akin saglit. Hinawakan ko naman siya agad at inalalayan na makabalik na sa kama niya pagkatapos.
"I'll just go out for a bit. Bibili lang ako ng gamot mo sa lagnat. I'll be back..." I said.
He wasn't anymore able to answer because he's obviously really feeling bad now that he could only close his eyes to relax himself a bit...
After that I went out and bought medicine at a nearby pharmacy. Pagkatapos ay bumalik na rin agad ako sa condo niya. I also received a call from Bianca.
"Rin? Where are you? Sumabay ka na kanila Ethan pauwi?" Bianca asked me from the other line.
"Uh, no..." Paano ko ba sasabihin sa kaibigan ko na nandito ako ngayon sa condo ni Kalyx Sevilla... "Uh, uuwi rin ako... Sige, mag-enjoy muna kayo d'yan sa party." sabi ko na lang.
"Huh? What? Where are you?" Bianca still asked. I can hear the club's music in her background. Mukhang nasa bar pa nga sila.
"Bianca, let's just talk tomorrow. I have to go now. But I'm fine. Don't worry about me." I said.
Narinig ko rin sa phone ko na mukhang tinawag na rin si Bianca ni Echo. "Oh, okay. Let's talk tomorrow." She said.
After that we ended the call.
When I came back ay ganoon pa rin ang ayos ni Kalyx sa kama niya. Nakahiga pa rin siya roon at nakapikit.
"Kalyx... Uh, are you hungry? I can make you something to eat now, maybe a soup..." I said.
Kailangan kasi niyang kumain muna bago uminom ng gamot, that's what I know.
"I'm sorry, I have to use your kitchen to prepare you some food. At napakialaman ko na rin ang mga gamit mo rito kanina..." I'm talking about getting in his condo and looking for thermometer and other things here in his condo kanina para magamit ko rin naman sa kaniya.
So I went to the kitchen to quickly make him a soup. Hindi ko na check kanina kung may pagkain pa ba siya rito sa condo niya. But I'm glad I also bought some little groceries kasi pagtingin ko sa ref niya at mga kitchen cabinets ay wala nga halos laman o anong maluluto roon.
Napaisip ako, how can he live alone like this? Mukhang wala pa siyang alam sa mga gawaing bahay at kanina ko pa napansin na nagkakalat lang ang mga gamit niya sa tabi-tabi. Isa-isa ko na nga rin niligpit at inayos habang naghihintay ako na kumulo iyong lugaw na ginawa ko para sa kaniya. Simpleng soup lang naman at madaling maluto which I learned from Manang. It's just actually a porridge na gusto ko rin kapag may sakit ako.
At nang maluto ay dinala ko na rin sa kwarto niya para pakainin siya kahit konti lang muna. Tiningnan ko rin ang phone ko at hindi pa naman ako tinatawagan nina Mommy o Manang. Hindi pa rin naman sobrang late ngayon. At maaga pa nga kami kanina umalis ng bar.
"Kumain ka muna..." Tinulungan ko siyang bumangon at nagising na rin siya. Kahit ngumiwi rin siya dala ng headache at sama ng pakiramdam niya ngayon.
"Can you... eat by yourself?" I asked him.
Nakasandal na siya ngayon sa headboard ng kama niya at nakaupo roon. Tumingin siya sa akin at nagkatinginan kaming dalawa. Umiling naman siya. "Please help me." He said.
Unti-unti naman akong tumango pagkatapos at marahan ko siyang sinimulang subuan ng porridge ng paunti-unti lang din.
And then I saw him smiling.
"What?" I wrinkled my forehead and nose at him.
Bahagya naman siyang umiling. "Nothing... It's delicious!" He said about the porridge I made him.
Bahagya na rin akong napangiti. Hindi pa yata ako noon napupuri para sa pagkain na niluto ko. Although it's just a simple porridge I made him now. But he still likes the taste of it kahit pa kay lagnat pa siya ngayon. "Sige, kumain ka pa... Sabihin mo lang sa 'kin kung gusto mo pa at meron pa naman natira roon sa niluto ko sa kitchen. O kung ayaw mo na ba." sabi ko.
I saw him nodding like a child after what I said.
I just continued feeding him. Until he's done and I made him take the medicine.
"Please, don't go... Where are you going?"
Natigilan ako sa pag-alis sa tabi niya nang pigilan niya ako sa paghawak sa hem ng damit ko sa may kamay.
Nilingon ko siya. And then I looked at him. Nakaramdam naman ako ng konting awa, because he looks pitiful while asking me to stay beside him...
Umiling ako sa kaniya. "I'm not leaving... yet. Uh, I'll just bring this back to the kitchen. Pagkatapos ay babalik din ako." I tried to reassure him.
Unti-unti siyang tumango at doon pa lang niya binitiwan ang dulo ng damit ko.
Hinugasan ko na rin iyong pinagkainan niya sa kitchen. Naubos niya ang isang mangkok ng porridge na pinakain ko sa kaniya kanina. At nagsabi pa siya sa akin na ang natira raw ay kakainin pa niya bukas pagkagising niya.
When I returned to his room I saw him already sleeping. I sighed a bit while silently watching him in his sleep...
And then I heard him muttering in his sleep. "Mom... Mommy..."
Lumapit ako sa kaniya sa kama niya. He's having a dream...
He was calling his mom in his sleep...
I wonder kung nasaan ang mommy niya ngayon... Nasa kanila ba? Nasa bahay nila? Hindi rin talaga madali ang malayo sa pamilya... At nag-iisa lang siya ritong nakatira sa condo niya. Maybe his family's not from Metro Manila...
Naupo ako roon sa tabi niya sa gilid ng kama niya. At hindi ko na namalayan na nakatulog na rin pala ako roon sa tabi niya. While I was just watching him sleep.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro