Chapter 21
Chapter 21
Immature
When I first learned about my pregnancy, I wanted to let Kalyx know about it right away. Pero dahil sa mga nangyari ay nakapag-isip isip pa muna ako ng gagawin. Hindi na ako sigurado ngayon sa amin ni Kalyx. Well, una pa lang naman talaga ay wala nang kasiguraduhan ang peke lang na relasyon namin. So I'm at fault as well for falling in love with him...
And I wasn't careful that it resulted to this... I'm now pregnant with the child of a guy who's probably unsure with me as well...
Ayaw ko sanang mandamay ng isang inosenteng bata pero nandito na 'to. And I should take responsibility. Kahit pa natatakot ako ngayon, I swear I'll give my child all the love he or she deserves.
And I wanted to work harder at least for my acads. But I've been failing my tests... And it's not good, I know. Dahil graduating na rin ako. Dapat nga ay ngayon pa ako mas mag-aral nang mabuti. Natanggal na rin ako sa Dean's list at hindi pa alam ni Mommy...
Kahit na walang sinasabi si Mommy, I know that she also have her expectations of me. And even if I didn't want to fail her, I still did...
No matter if I wanted to study, ay sobrang tinatamad ako at kapag nag-aaral na ako ay nauunahan naman ako lagi ng antok kaya nakakatulugan ko rin ang pag-aaral. Parang sobrang wala lang akong gana palagi na gumawa nang kahit na ano since I got pregnant. Although I still really try and do my best... But I still failed my exams.
At madalas pa na masama ang pakiramdam ko because of morning sickness at madalas din akong makaramdam ng pagkahilo kahit nasa university ako. So I couldn't focus on my studies.
Isa pa ay iniisip ko pa rin si Kalyx. Sa sumunod na linggo ay kinausap naman niya agad muli ako. Pero siguro ay nagtatampo pa ako sa kaniya noong parang pinili niyang kausapin si Sarah noon sa parking lot ng university namin, while he just made me go home that day...
At kahit pa nag-usap na rin kaming muli ay hindi ko na magawang sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagbubuntis ko... At iniiwasan ko na lang muna siya sa university at na magkita kami.
And I just realized that, I think Kalyx wasn't yet ready for this responsibility. Hindi ko pa alam kung magiging mabuting magulang din ba siya sa anak namin... At kung pananagutan ba niya talaga ako. Parang biglang hindi ko pa pala talaga kilala si Kalyx at hindi pa ako sigurado sa kaniya...
Naisip ko rin that what if he's still not matured enough for this? What if he's still immature, at baka makasama lang siya sa anak namin?
I sighed a little too heavily while thinking all about this. Sumasakit din ang ulo ko at lalo pa yata akong nahihilo sa kaiisip.
"Rina?"
I turned to the ones who called me. Nagkita rin kami sa university ng friends ni Kalyx.
"Gelo... Patrick..." I didn't know what to tell them... Hindi na rin kasi ako sumasama ngayon kay Kalyx...
"Kalyx was looking for you. Nagkita na ba kayo? He left us early to go to you. And he said that you're not picking up his calls or replying to his messages..." Patrick said.
Medyo nahiya naman ako sa mga kaibigan ni Kalyx. Both Gelo and Patrick had already became like friends to me as well. Umiling ako sa kanila. "Uh, pakisabi na lang kung makita n'yo siya na medyo masama ang pakiramdam ko... Kaya uuwi na ako ngayon. At, uh, naghihintay na lang ako na sunduin ng driver..." I told Kalyx's friends.
Sa huli ay unti-unti na lang din naman silang tumango sa akin.
"You take care, Rina." Gelo told me. At tumango rin sa akin si Patrick.
And I just nodded to them before I turned my back and walked away...
At habang naghihintay ako sa pagsundo sa akin ng driver ay nakasabay ko rin ang mga kaibigan ko.
"Hi, Rin! Uwi ka na?" Kassie and Bianca went to greet me.
Ngumiti bilang pagbati at tumango naman ako sa mga kaibigan ko. "Oo, uh, tapos na rin kasi ang classes namin today." I said.
Tumango sa akin si Kassie na nagtanong sa akin kanina kung uuwi na ba ako.
"We saw you talking to Patrick and Gelo... Were those guys trying to bully you?" Bianca asked me. Although I can see through the little smile on her face that she was only being playful, too.
Sobrang tagal na noong issue nina Kalyx at ng friends niya sa isang friend din ni Bianca. I hope she had already forgiven them.
Umiling naman ako sa kaniya. "Kinausap lang nila ako... At, uh, nagpaalam na rin ako na uuwi na..." I said.
And then the three of us turned to Kalyx when we saw him already there at patawid na lang sana sa kung nasaan kami. At tinawag na rin niya ang pangalan ko kaya napalingon kami sa kaniya ng mga kaibigan ko. But then, hindi rin siya agad natuloy sa paglapit sa kung nasaan ako dahil nakita namin nina Bianca na hinarang pa siya ni Sarah na nandoon na rin...
"Rin, about what you told us? Nagkabalikan ba talaga silang dalawa? Have you talked to Kalyx already?" Kassie turned to me.
Tumingin ako kay Kassie at umiling. Pagkatapos ay nakita kong nandoon na rin ang sundo ko kaya nagpaalam na rin ako sa mga kaibigan ko. "I have to go now. Nandito na ang sundo ko." I told them.
Nahagip pa ng mga mata ko ang pagtingin din muli sa banda ko ni Kalyx while Sarah was still talking to him. At nakita kong patawid na siya papunta sa akin nang nagmadali na rin akong pumasok sa loob ng sasakyan namin para hindi niya na ako maabutan. At sinabihan ko agad ang driver na umalis na kami.
But not long after I was home, I received a message from Kalyx that I happened to read. May mga missed calls din siya sa akin. Although I don't really answer his calls and messages now, pero nagulat ako at tinawagan ko na siya agad nang mabasa ko ang message niya sa akin ngayon lang that he's actually outside our subdivision now at ayaw daw siyang papasukin ng mga guards!
He picked up my call right away. "Kalyx! What are you doing there?!"
"I want to talk to you, Rina. You've been ignoring me for days. And you don't reply to my messages, and you don't answer my calls." He said from the other line.
Pagkatapos ay binaba ko na ang tawag at nagmadali na rin akong lumabas ng kwarto ko at bumaba para puntahan na siya.
Sinalubong din ako ng isang kasambahay namin. "Ma'am Rina, may tumawag po ngayon lang galing sa guardhouse. May bisita raw po kayo na naghihintay doon. Naghihintay din po sila ng confirmation sa atin bago nila papasukin ang bisita n'yo."
"No need." sabi ko lang at tuloy-tuloy na akong lumabas ng bahay namin.
Medyo malayo pa ang bahay namin galing sa entrance ng subdivision at guardhouse kaya halos takbuhin ko rin papunta roon. At nakita kong nandoon nga si Kalyx sa labas ng sasakyan niya habang naghihintay sa akin.
"What are you doing here?"
"Rina... I've been wanting to talk to you. But it seems to me that you're ignoring my calls, and... are you avoiding me?" He asked me.
Umiling naman ako sa kaniya.
But then I stopped talking to Kalyx when my eyes caught my mom's car arriving at papasok na ng subdivision namin...
Natigilan ako at agad na kinabahan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro