Chapter 14
Chapter 14
Bad Girl
Mommy went to an out of town business trip, at nagpaalam lang ako kay Manang na mag-stay sa kanila ni Bianca overnight...
Pinayagan lang din naman ako agad since kilala na rin nina Manang at Mommy sina Bianca at Kassie. Actually ay dapat sa bahay nina Bianca talaga ako ngayon because her and Kassie also invited me to have a sleepover but I only said next time...
And maybe Mommy and Manang just trust me kaya ako pinayagan lang din agad na hindi umuwi ngayong gabi sa bahay...
When the truth was I was coming over to Kalyx's place tonight after our classes at the university.
Nang sabihan ako nina Bianca na matulog sana sa kanila ngayon ay doon ako nagkaroon ng idea...
And I was just being such a bad girl...
But whenever I'm in Kalyx's condo sometimes ay parang ayaw ko na rin umalis pa...
I like spending my time with Kalyx.
So after our classes at the campus, Kalyx and I agreed to meet at the university's parking lot and we would go home to his condo together.
"Dumaan muna tayo sa supermarket para makabili ako ng ingredients sa lulutuin ko na dinner natin ngayon." I said.
Mula sa pagmamaneho ay binalingan ako ni Kalyx sandali. "No need. Let's just eat out for tonight. Okay lang ba sa 'yo?"
Tumango naman ako sa sinabi niya.
So Kalyx brought me to a restaurant and we had dinner there. And whenever we eat out ay siya palagi ang nagbabayad ng kinakain naming dalawa.
"Thank you." I just said to him after we finished our meal and we're about to leave the restaurant.
"Are you sure you're staying at my place tonight?" He asked me while we're nearing his car at the restaurant's parking.
Tumango naman ako. "Uh, yeah... Nakapagpaalam na rin ako kay Mommy." mahina kong sagot.
And then I saw him smiling at me. Pagkatapos ay hindi pa niya ako agad na pinapasok sa sasakyan niya at nilapit pa niya ang mukha niya sa akin. Halos mapaatras naman ako dahil sa sobrang lapit na ng mga mukha naming dalawa sa isa't isa. Pero wala na rin akong aatrasan pa dahil ang nakasarado lang na pintuan ng sasakyan niya ang nasa likod ko. "At ano ang paalam mo sa inyo?" He asked me, smiling.
"Uh..." Nag-iwas ako ng tingin. Nakaramdam rin ako ng hiya...
And then I felt his fingertip touched my nose. "You're being a real naughty, Rina." He said. Pagkatapos ay pinagbuksan na niya ako ng pinto ng sasakyan at pumasok na rin ako sa loob.
Hinintay ko siya na makaikot at makapasok na rin sa driver seat bago ako muling nagsalita. "I said that I'll be staying in Bianca's place tonight... May usapan din kasi kami nina Bianca..." I said.
Bumaling sa akin si Kalyx bago pa man niya na start ang sasakyan. "Hindi ba magtatanong ang Mommy mo kanila Bianca?"
Umiling naman ako.
And then Kalyx sighed. Pagkatapos ay tumingin siya sa harap habang hindi pa rin umaandar ang kotse niya. "I'm sorry, Rina. I'm making you a bad girl..." He said. And then he turned to me again and gave me a small gentle smile.
Umiling naman ako sa kaniya. He shouldn't apologize. It's not his fault. And it's my own decision...
Pagdating namin sa condo niya ay nag-check din muna ako ng stock niya sa kitchen. Nakita kong may maluluto pa naman pala roon. And I noticed that he must have been to the grocery, too. Kasi may dagdag pa siyang stock dito. Ang dami nga rin itlog. Even if I just make him some omelette again tomorrow for breakfast alam kong okay na 'yon sa kaniya.
After checking the kitchen I asked Kalyx if I could use his bathroom.
"Sure. Did you bring clothes? I can also let you borrow mine, pero baka sobrang laki sa 'yo..." aniyang napatingin sa katawan ko.
Mabilis naman ako na tumango. "Yes, I brought my spare clothes..."
Kalyx nodded at me and I went to use his bathroom after.
I cleaned my body well while I was inside the bathroom. And I could only sigh from the things I did...
After showering, I was already dressed in my pajamas when I went out of the bathroom. Agad din napunta sa akin at sa paglabas ko ang mga mata ni Kalyx. Tiningnan pa niya ang suot ko na isang pair na pantulog. Medyo nagsisisi nga ako na ito pa ang napili kong dalhin at isuot ngayon dito. Feeling ko parang ang pambata ng design na prints pa at kulay pink din itong pantulog ko. Tsk. Gusto ko na lang magbuntong-hininga sa choice ko. But it's my usual pambahay o pantulog na sinusuot ko lagi sa bahay namin.
Tumayo si Kalyx galing sa kama niya at lumapit sa akin. Siya na ang sunod na gagamit ng bathroom. Bahagya naman akong tumabi para sunod na siya na makapasok at gumamit din ng banyo. Pero tumigil pa siya sandali sa tabi ko.
"You smell nice." He said.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita ko ang ngiti niya. He looked more handsome when he smiled. Bahagya na rin akong napangiti sa kaniya. I brought my own toiletries here including my favorite scented body wash. I'm glad he likes it.
At pagkatapos ay pumasok na siya sa bathroom.
While I waited for him in the room. It's in his bedroom and on his bed. Wala siyang sinabi na sa ibang kama ako matutulog o sa ibang kwarto. So we'll probably sleep on the same bed tonight...
At isa pa ay hindi ko na rin ito first time na makatulog sa kama niya. Sometimes when we didn't have class at the university, dito kami sa condo niya tatambay at minsan ay nakakapag-siesta pa ako rito.
I touched the soft covers of the bed.
We've done making out several times already... At dito sa condo niya. Every time that I was here at his place. And sometimes we would also kiss longer inside his car...
And I thought that if I was more free to stay out late, o kung wala akong naghahatid-sundo na sasakyan at driver, at kung hindi ako palaging tinatawagan nina Mommy at Manang na pinapauwi na, kung wala lang akong masyadong bantay pati sa oras siguro ay matagal na rin may nangyari sa aming dalawa ni Kalyx...
I've known him for many months now. Ilang buwan na rin kaming nag-uusap at magkasama palagi...
And I admit that I've already grown to like him for real... Hindi rin naman mahirap na magustuhan si Kalyx. He's also nice to me. And I feel like he understands me...
Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Kalyx ng banyo. Nagkatinginan kaming dalawa. Mukhang nagbihis na rin siya sa loob ng bathroom.
"Will you be fine here? You can use my room and I'll stay on the other room." He said.
Tumayo ako sa kama niya at inilingan ko siya. "No, it's fine. Malaki naman ang kama..." sabi ko.
I was also supposed to help him study kaya nga ako matutulog ngayon dito. So for about an hour we tried to study for the exams. Pero pagkatapos ay nagdesisyon din kami na matutulog na. Pumunta na kami sa kama. At tahimik na akong humiga doon.
Naramdaman ko rin na sumunod ng higa sa akin si Kalyx. And then after a few seconds I felt him so close to me. "Can I hug you while we sleep?" He asked me.
Marahan akong gumalaw at humarap naman ako ng higa ngayon sa kaniya. Nagkatinginan kaming dalawa. Unti-unti naman akong tumango sa kaniya. And then he put his arm around me and he held me close to his chest. I remember that we also had this position before pero sa living room naman iyon at sa sahig lang kami napahiga pagkatapos mapagod din sa pag-aaral. And then he also hugged me like this habang nakahiga kami roon.
Unti-unti ay niyakap ko na rin siya at sandali akong napapikit.
"You know... It was lonely here..." He said while we're on that position.
And then he started talking about his mother again and their little precious memories together...
Nalaman ko rin kay Kalyx na matagal na palang wala ang Mommy niya. She passed away when he was young. She was sick. And his Dad remarried, so Kalyx was living alone in his condo while studying at the university...
Humigpit bahagya ang yakap ko sa kaniya. At nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakadungaw din siya sa akin. And maybe because I didn't want him to feel sad anymore.... I wanted him to feel that I was there for him. I want him to feel me more...
I wasn't greedy. I didn't always put myself first. Pero ngayon na alam ko ang gusto ko, I just want to do it with him...
I want to be greedy and selfish for once...
Kahit ngayon lang gusto ko rin itong gawin para sa sarili ko...
We started kissing... And I initiated the kiss.
Tiningnan ako sandali ni Kalyx at tumitig din ako sa mga mata niya. Before we resumed our kiss. And I felt his touch on my skin...
And then we slowly undressed each other...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro