First part of ending
LAST CHAPTER- LOVE, FRIENDSHIP, AND SACRIFICE. (beginning of end)
"Sometimes when you sacrifice something precious, you're not really losing it. You're just passing it on to someone else."
― Mitch Albom, The Five People You Meet in Heaven
(_*_*_*_)
Habang nagkakasiyahan ang lahat dahil naibalik na ang kanilang memorya, biglang may naramdaman si Anju.
"Guys, I think...we are trapped." Dahandahan nyapang sabi. Habang mukang alam naman na nila ang susunod na mangyayari, isang labanan nanaman ang magaganap at sinisigurado nilang malaki nanaman ang magiging pinsala nito dahil knowing what Anju can do, paniguradong may magaganap nanaman na makakapagpabago sa lahat.
"Gera nanaman! Ow come on!" reklamo ni Sabrina na katabi ni Red at Ane na katabi din si Ciel.
"Don't worry you won't be involve this time. It's between me and her." Parang dragon na nag aapoy ang mata ni Anju(not literally) . Napaghandaan nya na ito, pero may isang problema. Ang mga estudyante ng Scarlann na walang nalalaman sa mga nangyayari.
"Ay! Eh ano pala kami audience ganun?! Wala pa naman akong popcorn!" Komento ni Ane na binatukan naman ni Sabrina. Natutuwa sya dahil bumalik na ang dating Ane at Sabrina na nakilala nya, pero alam nyang ang simula ay ang huli na din. Nararamdaman nyang magkakahiwalay nanaman silang lahat.
"Congelare timp selectivă" Natigil ang lahat. Nakahinto ang lahat pwera lang sa piling tao.
"Woah! Cool anong spell to Anju?" Tanong ni Red na tinusok tusok pa yung pisngi ng mga taong naka freeze. Napansin naman nila si Anju na nakayuko at hindi umiimik. Nilapitan ito ni Sabrina at Ally.
"Huy anyare sayo?" kinalabit ni Ally kay Anju. Nag angat ito ng ulo at isang Gintong mata ang bumungad sa kanila. Her eyes is glowing, prang gintong araw at pag tumitig ka ay may kakatwang sensasyon kang mararamdaman, parang ang gaan sa pakiramdam, parang nakakarelax. Parang walanghanggang buhay.
"WOW!! Ganda! Anong klaseng contact lense yan, maka bili nga ren!! Yung Neon Red para mukang vampire!!" nilapitan at in-examin pa ni Ran ang mga mata ni Anju, pero hindi nagbago ang ekspression nito. Seriyoso parin kaya nagseryoso na rin sya.
"Makinig kayo. Seriyoso na. Kuya- I mean Ysir, alam kong misyon mo rin na bantayan ako kagaya ni Mikielo, at alam mo rin na mangyayari to kaya inaasahan ko na kayo ang bahalang mag-guide sa iba. Dalhin nyo sila sa safe na lugar." Bakas sa muka nila Sabrina ang pagkalito, hindi nila masyadong maintindihan ang koneksyon na meron sila Anju at yung dalawa, samantalang tumungo naman si Mikielo at Ysir sa kanya, alam nila ang ibig sabihin ni Anju.
Ngumiti si Anju sa kanila, yung ngiting nagraradiate. "Sabrina pati kuya Red! Magkaaminan na kayo ha!! Alam nyo naman sa isa't isa na mahal nyo ang isa't isa. Wag nyo nang pagselosin ang isa't isa pwede ba! Utang na loob sama mo na dugo!! HAHA" nagkatinginan naman si Sab at Red at sabay nagblush. "Sya kasi eh! Babaero!" tinuro pa ni Sabrina si Red, yung parang batang nagsusumbong. "Anong ako! Ikaw kaya!" depensa ni Red.
Napakamot nalang ng ulo si Anju. Alam naman nyang magiging si Red at Sabrina hanggang sa huli. Sunod naman nyang binalingan sys i Ane at Ciel. "Oh kayong dalawa, nagkaaminan na ba kayo? Mukang di pa den ha?"
Mukang nagtataka si Ciel sa sinabi ni Anju. Si Ane naman ay pulangpula na.
"O sige ikaw na ang magsabi." Sabi ni Anju kay Ane, pero mukang walang balak umamin si Ane.
Ngumiti ng nakakaloko si Anju, may naisip syang paraan.
"vorbi" Tuloy tuloy ang pagsasalita ni Ane, wala syang magawa.
'Ayos! Success! Parang nag rarap lang.. kulang ng beat haha!' sabi ni Anju sa isip isip nya.
Lumapit naman sya kila Alexis at ang oracle na si Oen, kahit nab ago palang silang magkakilala ay alam nyang isa itong totoong kaibigan.
"Alexis, alagaan mong mabuti ang magiging asawa mo ha! Wag kang tutulad kay Jared na babaero." Bilin ni Anju kay Alexis na hawakhawak ang walang malay na so Oen.
"Hindi mo na kailangang sabihin yan. Makakaasa ka." Ngumiti si Alexis sa kanya.
"Oh! Nag kaaminan na ba kayo?" tanong nya dun sa apat. Mukang nagkaaminan na sila.
Gusto ni Anju na malinaw na ang love life ng mga bestie nya, bago may mangyari.
"Ikaw!......salamat!" sigaw ni Ane na nakayakap na kay Ciel. They looked so inloved, kahit dati pa man eh, pero mas nagging halata ngayon.
"You're welcome! Ako pa!" sabi ni Anju.
"So, eto ang plano. Gawin nyo ang lahat para maprotektahan ang mga estudyante at ang mga tao ditto sa loob ng academy. Iga-guide kayo ni Kuya at Mikielo... sundan nyo lang sila papuntang tower dun malapit sa woods." Instruction sa kanila ni Anju.
"Pano ka?" nag-aalalang tanong ni Sabrina.
"Laban ko to, kaya magiging okay ang lahat. Si Anju pa ba?" pinilit nyang hindi umiyak, sahalip ay ngumiti sya.
"Anju...." Malungkot na sabi ni Ane. Nararamdaman nyang namamaalam na si Anju.
"Don't worry, magiging okay ang lahat. Inaasahan kong magagawa nyo ng tama ang sinabi ko sainyo. Maraming salamat sa lahat ng moments, mamimiss ko yun!" sabi ni Anju. Naiiyak na sila, alam nilang wala nang sunod pa ditto.
"Mikielo, maraming salamat din saiyo. Alam kong magkikita pa tayo Hahaha yun ngalang alam mo na." Nanigas naman sa kinatatayuan nya si Ysir. Kagaya din sya ni Mikielo pero bakit ganun ang sinabi ni Anju.
"Hoy kuya este Ysir, oo matutupad yung hiling mo. Ingatan mo sya ha!! Kundi lagot ka sakin." Hindi malaman ni Ysir kung matutuwa sya o malulungkot. Para na kasing nakababatang kapatid nya si Anju kahit na lagi sya netong binubugbog.
Hiniling kasi ni Ysir sa tatay ni Anju na maging simpleng tao nalang para sa minamahal nya, pero ang kapalit nun ay napakalaki. Labag sa batas ng kalangitan na umibig ang isang angel sa isang mage, Pero dahil kay Anju magiging tao sya.
Niyakap nya si Anju ng mahigpit. "You don't have to do that little sister." Naiiyak na sabi ni Ysir.
"Wala eh. Mahal ko kayo." Naiiyak na din si Anju pero pinipigilan nya. For the sake of many, she sacrificed her immortality when she needed it the most.
"AY nako tama na drama! Start na!" pinitik ni Anju ang mga daliri nya at parabang na play ulit ang lahat.
"MOVE!! FOLLOW THEM" tinuro ni Anju ang mga kaibigan nya na naguumpisa nang maglakad.
Habang syanaman ay nagteleport papuntang field.
"DARK QUEEN!" sigaw nya.
"Anju, or shall I call you Primrose." Napatingin si Anju sa kanyang likuran.
"Clarisse. We've met........again."
"I got your lover and your sister, and a boy, Who I supposed is your brother and my Nephew." Tama, tita nya si Clarisse na Dark Queen. Dapat ito ang magmamana ng trono ng mga Venifius imbes na sya, subalit ang pinili ng tatay nya na pakasalan ay si Skye I ang nanay nila Anju. Si Clarisse din ang sinasabi na malas sa pamilya. Ito at ang nanay nya ay kambal. Nagkataon lang na kambal din sila ni Skye.
"Brother? I have a brother?" nagtatakang tanong ni Anju.
"But, of course you don't know about his existence. Nakulong sya sa isang parallel at neto ko lang sya pinalabas." Tumawa ito. Hindi alam ni Anju kung maniniwala sya kasi baka pinapakagat lang sya neto.
"What do you mean?"
"Ow come on! Hindi ba nasabi sayo ng nanay mo ito?" Hindi alam ng Dark queen na ang tatay nya ang kausap nya at hindi ang kanyang nanay. Hindi alam ng mga non-gods or non-heavenly creatures na may communication sila, ang tanging nakakaalam lang nito ay ang bride na napili ng hari ng langit at ang priest o household head na nagkasal sa dalawa. Isa itong tradisyon o kung minsan ay kinukunsiderang "treaty of man and gods."
[Treaty of man and gods= isang tradisyon ng pamilyang venifious at caelestis(gods) kung saan pipili ng isang bride ang hari ng kaharian at papakasalan ito at ang magiging anak ay magiging tagapag panatili ng kapayapaan. Lahat ng offspring ay makapangyarihan pero bibihira lang ang immortal.]
"No! nililito mo lang ako." Depensa ni Anju.
"Ede wag kang maniwala, ang totoo nyan ay kilala mo sya. Inakala mo pa ngang sya ang iyong kasintahan." Napaisip si Anju.
" Si Pierre? Hindi ako naniniwala sayo!" pagmamatigas ni Anju
"Ede wag, pero ang patunay ay ang balat mo sa likod. Amy ganyan din sya, dahil tanda yan ng pagiging Venifious-Caelestis, Maging ang kakambal mo ay meron din." Nanigas sya sa kinatatayuan nya, meron nga din nun si Skye II. Maaari kayang kapatid nya talaga ito.
"ayaw mo talaga maniwala? Sabagay bakit mo nga naman paniniwalaan ang isang kaaway?" tumawa ito ng nakakaloko.
************
Sa susunod na yung susunod. Di kopa natatype, inaantok na talaga ko... galing kasi akong school nag-enroll tas nag puyat ako kagabi. yun wala pang mashadong tulog! haha di pako makapag-isip ng maayos..
Sorry. Hindi sadyangmambitin!! single spacing yang sulat ko, haha inaantok na ko talaga!!
peace y'all!!]
~ms.Angelika Kim (Asawa ni Kim Taehyung at nanay ni Taegeuk at Taekwon.)
Walang kokontra kundi walang update!! ahaha joke!!
Kamusta mga wallet nyo? may concert sila dito ha? dec 7? ako yun Nganga!
Kung sinong may magandang budhi jan bigyan nyo kong ticket kahit yung pinaka dulo TTT---TTT please?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro