Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter two

Ngumangawa na yung alarm clock ko, bitin nanaman yung tulog ko. Badtrip talaga.

Bago pa masira ng tuluyan yung araw ko ay pinatugtog ko na yung favorite kong kanta ng Big Bang yung Bad Boy ang gara lang kasi nung kanta, kahit hindi ko naiintindihan mashado na e-lss parin ako.

May mga tao talagang gwapo na, pati sa boses gwapo den kagaya ni T.O.P.

Matapos kong mag soundtrip naligo na ako. Tinignan ko yung pimples ko. Humugot ako ng hangin, ano pa bang aasahan ko yung natuyong pimples ay tinubuan na ulit ng panibagong pimples. Unfair talaga ang buhay, may mga taong talagang napakakinis ng balat kahit hindi ma-effort sa pag-aalaga ng balat nila.

Umiling ako, papaderma nalang siguro ulit ako. Kahit konting improvement lang masaya na ko. Yung tipong mabawasan lang ang populasyon nila sa pagmumukha ko.

Bakit kasi walang family planning ang mga pimples? adik sila sa pagmumultiply sa mukha ko. Baka dahil to sa mga kamanyakan ng Kuya ko? Hindi kaya nahawa na din sila?

Sinuot ko na yung uniform namin na kulay navy blue, 3 piece suit yung uniform namin since naka centralize naman yung buong school except sa openfield malamang, pati sa tatlong Olympic size pool namin. Minsan iniisip ko, hindi ba pinupulmunya yung mga naliligo dun?

Kumunot yung nuo ko nung nakita ko yung repleksyon ko. Bwiset ang pangit alam mo yung  mataba ka? ibig sabihin mataba din yung legs mo tapos ang ikli nung palda? Ang sagwa tignan, muka akong penguin! Hindi bale, mag didiet na talaga ako sa oras talaga na ma formulate ko yung dieting strategy  ko sisimulan ko na!

Sinuot ko na din yung contacs ko malabo na din yung mata ko pero okay pa naman kahit walang contacs pero mas prefer kong meron. Ayaw ko lang makita nila yung mata ko, sadyang weird lang kasi ng kulay, tsaka ayaw kong tinititigan nila ako, feeling ko binibilang nila yung pimples na nasa mukha ko.

Matapos ng napakarami kong seremonyas ay bumaba na ako para kumain. Pagbaba ko, kakatapos lang nilang maghain ng pagkain.

"Kain na po young lady." Nakangiting bati sakin ni Nay' Lisa.

"Nay sabi ko pong wag nyo na ako tawaging young lady, Santhe nalang po." Naupo na ako at nag simulang lumamon- este kain pala.

"Naku bata ka talaga! O sige na nga Santhe nalang. Iha kumain ka lang nang kumain jan, nanjan na din yung request mong strawberry milk." Magiliw na wika ni Nay' Lisa. Favorite ko kasi yung strawberry milk. Palaging ganun yung iniinom ko, mas madalas ko pa ngang inumin yun kaysa sa tubig. Pati sa shampoo, sabon, air freshener, pati sa theme ng kwarto ko puro Strawberry milk. Hindi ko din gets kung bakit ako adik na adik sa Strawberry milk.

Sumalo na rin si Kuya na kakagising lang. Muka ngang wala pa sa ulirat nya, ang sarap paliguan ng ice water.

"Aga mo ah? muka kang Zombing puro pimples." Binigyan ko lang sya ng nakaka double dead na tingin. Nang asar pa, kasalanan naman nya kung bakit ganto ko ngayon.

"Shut up ka nalang Timothy baka gusto mong maging forever pulubi? Mom is just a call away." Pagbabanta ko sa kanya may atraso panga sya sakin eh.

"Okay sorry na wag kanang maingay kila Mommy, promise hindi na kita guguluhin." Bumait yung mukha nyang mukhang gwapong manyak. Kung si Zeus lang ako, kanina ko pa sya kinidlatan.

"O? tapos ano pa?" TTinaasan ko sya ng kilay. Nalukot naman yung nuo nya, nag tataka kung anong ibig kong sabihin sa 'ano pa?'

"Anong ano pa?" Talagang wala syang clue?! I-umpog ko kaya sya sa pader ng kwarto ko, baka sakaling ma-realize nya na manipis lang yun.

"Pwede bang wag kayong maingay, nakakainis istorbo kayo sa pagtulog ko!" Binigyan ko sya ng tingin na nakaka-triple kill.

"Wala kasing boyfriend." Naging mukhang manyak nanaman sya. Hindi kaya may Aids na to?

"So? Dahilan ba dapat na may girlfriend ka para maging fucboi ka?" Nginisian nya lang ako. Kadiri talaga sya, pati pimples ko mangdidiri sa kanya.

"Just enjoying life here." Depansa nya. I laughed, like an evil witch.

"Yeah, you'll more enjoying that so called life pag nagka Herpes or Aids ka. Baboy mo!" Dinilaan nya lang ako.

"As if mangyayari yun?" Kampante syang kumagat ng toast bread.

"Let's see what the future holds! basta, Strike isa nalang talaga baka biglang mangati yung daliri ko at matawagan ko si Mom. I'm warning you, kung gagawin nyo 'yun' pwede bang ipa-soundproof mo yung kwarto mo? Much better, wag nyo dito gawin sa bahay."

"Fine." Wala syang palag talaga sakin, hawak ko ang mga pondo nya, I'm just a call away.

Tapos nun ay mapayapa na kaming kumain ng breakfast.

Matapos naming magkababuyan, este kumain kumuha ako sa fridge ng tatlong milk box ng strawberry milk kong mahal, kulang pa nga!  kaso hindi na kasya sa bag ko. Sad.

Tapos nun hiwalay kami ni kuya ng sasakyan pero may sarili kaming driver, kasi nga diba hindi nila alam na kapatid ko si kuya.

after few minutes nadito na ko sa school... ang Vladd academy, isang school para sa mga elites..alam nyo ba may urban legend na dating magic academy tong school namin? as in sobrang tanda na kasi nya pero na renovate nanaman sya except dun sa lugar na may bandang likod parang haunted nga eh..pero wala pa namang nakapasok dun or nakasilip man lang kasi napakataas ng gate dun.. eh walang nakakaalam kung anong nasa likod ng gate na yun..

pag ka baba ko dun sa sasakyan ko, nilakad ko na papuntang classroom namin..section 1 nga pala ako, maraming nerd and geek dun kasi bihira ang naiiba dun eh, i mean bihira yung mga may itsura kasi binansagan yung section namin na Nerd's section..eh alam nyo naman na LOOSER ang tingin ng mga tao saamin kaya ayaw nilang umanib sa section nato tsaka isa pa mataas ang average requirement bago ka maka pasok dito.

pag pasok ko dun sa classroom namin sinalubong kaagad ako ng mga bestfriends ko si Nat, yung pinaka seryoso at madalang magsalita; ang ever hyper at baliw na mag pinsan na si Elle at Ane; at si Oen (pronounced as owen) na medyo average lang...

"Santhe natapos mo ba yung observation dun sa projaect?" tanong ni Oen

"oo nagkaron nga ng konting aberya dahil may epal na gumalaw eh.. pero so far its doing good naman, mga ilang days nalang matatapos na" sabi ko kay Oen

"hoy Nerd may chika ako sayo. alam mo bang nakita ko yung isa sa mga kings kanina, grabe pogi nga kaso pangit ugali! " sabi ni Ane na sumambakol yung muka.

pagkatapos ng chika nya dumating na yung teacher namin.. ayun boring paden.. puro ganto naman yung cycle ng school life ko eh..

bahay-school-konting pambubully- bahay-gawa assign-aral-kain-soundtrip-dasal-tulog ganyan ung paratii kong ginagawa.. hayyzz boring..........

natapos din yung araw nato hayz buti walang assignment matutulog na agad ako pagdating sa bahay.. weee!!

ZZZZzzzzzz........

----------------------------------------------------------

feel free na mag tanong kung naguguluhan po kayo..

:) ~le miss ko na si dating Joe :(((

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro