Chapter Twenty-six
Sorry po kung mag dadalawang bwan nang walang UD. Wala as in wala talagang eksena na pumapasok sa utak ko tsaka may mga inasikaso din po akong bagay. College na kasi. Ill try my best na matapos to.. mukang ten chapters pa eh.
Enjoy reading! God Bless!!!
_____
Chapter twnety-six:
Anju's Pov
Things go smoothly these past few days, last day ko na ngayong maging ST. So far, ayos nanaman yung skills nila pagdating sa mga pisikal na bagay kailangan ko nalang ay ihanda sila mentally at emotionally.
"Aga ah!" bati sakin ni Toshi. Kailangan kong pumasok ngayon ng maaga kasi ihahandako pa yung mga kailangan para sa final test nila sakin, lalo na wala naman si Ren.
Nasa summit si Ren para sa nalalapit na Academy olympics. Mga tatlong araw na sya dun, tas ewan ko kung kailan sya uuwi.
"May ihahanda pa ko sa school para mamaya kaya mauuna na akong umalis." sabi ko. Nauna na akong kumain ng breakfast sa kanila. Tulog pa yata yung tatlo eh.
"Ganun ba? nag almusal ka na ba?" tanong nya sakin habang tumitingin ng makakain sa Fridge.
"oo, tapos na ko." sabi ko.
"sige, dadalhan nalang ulit kita ng pagkain pagpasok namin. Sigurado gutom ka nanaman." Sometimes I wonder, sino kaya sila sa past life.
"sige salamat, aalis nako. Paki nalang yung tatlong kumag." bilin ko sa kanya bago umalis.
Nakarating ako sa school within 10 minutes. Napaka payapa talaga ng school na to pag walang tao, malamig yung simoy ng hangin pero para sakin sakto lang. Gantong -ganto yung scene ng unang salta palang ako dito, tapos nakita ko si Trey. Nakakamiss. Ano na kayang nangyari sakanila?
Humikab ako, bukod sa nakakaantok yung simoy ng hangin, tatlong araw na rin akong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa panaginip.
May dalawang tao pero maliwanag kaya yung korte lang ng katawan nila yung kita. Isang babae at isang lalake. Mula sa maliwanang nagiging madilim, nakakakilabot yung mga sumunod na pangyayare dahil maraming dugo, hindi ko alam kung nasan ako dun. Alam ko lang nangyayare.
Bothers me big time, kaya medyo droggy pa ko ngayon.
Nang makarating ako sa field nag gawa kaagad ako ng barrier para walang makakita ng gagawin ko sa loob. Isang emotional and mental test ang mangyayare mamaya pero kala nila totoong nangyayari ito. Lahat ay ilusyon lamang, dito itetest ko kung sino ang karapatdapat bigyan ng prize.
Mga isang oras din akong nag gawa ng mga kakailanganin. Grabe nakakaubos parin pala ng lakas.
Huminga ako ng malalim at ni relax ko muna yung sarili ko. Malamig parin ang simoy ng hangin dahil hindi pa tuluyang sumisikat ang araw.
Ipinikit ko yung mga mata ko at nakinig sa tunog ng kapaligiran, sa gantong paraan kasi ako narerelax eh.
'Prim, mag-iingat ka. Good luck.'
Biglang umihip ang malakas na hangin. Sabi ko na nga ba may mangyayari nanaman na mukang hindi ko magugustuhan, sa panaginip pa lang eh.
Hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Si Fille ba, yung kaluluwa ni Skye o ang aish!! Nakaka-stress tlaga!
Umupo muna ko sa bench dun. Mga ilang minuto may eagle na dumating, may dala yung mensahe galing kay Ren.
Dear High-Queen Anju,
You've been selected as our school representative.
Anju! May susundo sayo jan bukas, kaya better pack your things. You are gonna stay to Scarlann University for one month. Sorry kung biglaan.
Ren Paradeux.
-Ps. Saka mo nalang ako kotongan, di pa ko pwedeng umiwi jan marami pang gagawin.
Sira talaga si Ren! Matinding konyat ang matitikman nya sakin pagnakita ko yun! Biglain ba naman ako!! Although expected ko na ako na yun, medyo sadista lang talaga ako minsan.
"Aga-aga nakasimangot." Napatingin ako sa umupo sa tabi ko. Si Fille este Gabe pala.
"psh.. kaasar kasi si Ren! Biglaan ang pag papadala nya sakin sa Scarlann University, ako daw representative ng school natin." Nag iba yung reaction ng muka nya, mukang hindi nya nagustuhan na parang nag aalala na ewan.
"huy! Okay ka lang? teka 45 mins pa bago ang klase ah." Parang kinausap ko lang yung hangin kasi tulala lang sya. Sinubukan kong basahin yung isip nya pero cannot be reach! May mga panahon talaga na hindi ko kayang basahin ang isip ng iba. Talagang aksidente lang yung pagkabasa ko sa isip nya nun na sya si Fille dahil siguro mashadong malakas yung thoughts nya or mashadong intense kaya ganun.
"Huy? Okay ka lang?" tulala paren kasi sya. Pinitik ko yung daliri ko sa harap nya at natauhan naman sya.
"problema mo? Nag almusal kaba? Baka nag ssleep walk ka lang."
Tinitigan nya ko. Feeling ko huminto yung tibok ng puso ko, nag papalpitate na ko dito pero pinipigilan ko na mahalata nya. Calm down heart.. calm down.. calm down.. paulit ulit kong sinasabi yan sa utak ko.
"natutulog ka ba? Ang laki na ng eyebags mo, muka kang pandang aso na piggy." Sabi nya. Sinapak ko naman sya sa braso at mapaaray sya.
"ginawa mo pa kong alien!"
"tara sama ka muna sakin." Sabi nya tapos nilahad nya yung kamay nya.
"san naman tayo pupunta, kalahating oras na lang time na." sabi ko sakanya bago iabot yung kamay ko.
"sa himpapawid, naaawa ako sayo eh. Baka mamaya maging bulldog ka na pagkatapos mong magkaron ng maraming wrinkles ." pinalo ko ulit sya.
"he! Ewan ko sayo!" tinawanan nya lang ako. Bwisit talaga to! Kaya lalo akong lumulubog eh, hindi nako nakabangon. Satingin ko susulitin ko nalang to, mukang may mangyayare nanaman eh.
Sumakay kami sa dragon nya, nasa likod ko sya ako naman sa harap. Habang tumataas kami ng himpapawid may mga ala-alang nag flashback sa utak ko.
Yung unang pag-uusap namin, nung sya pa si Ygrasil. Yung panahon na na-heartbroken ako kay Trey.
Yung panahon na umiiyak ako tapos kinocomfort nya ko. I really never knew na sya yung mamahalin ko ng sobra sobra na kahit na dumaan yung isanlibong taon ay sya parin yung tinitibok ng puso ko.
Pwede ko bang sabihin sakanya na kilala ko sya?
Pinipigilan kong umiyak. Ayokong makita nya na umiiyak ako. Alam ko... alam kong hindi pwede... minsan naiinis ako kasi ang unfair ng lahat sakin! Bakit hindi pwede?
Naramdaman kong yumakap sya sakin. Ipinikit ko yung mata ko. I'll cherish this moment forever.
"malamig, iniwan mo kasi yung coat mo." Bulong nya sakin.
"salamat." Sabi ko habang nakapikit at ninanamnam yung moment na to. Sana palagi nalang kaming ganto.
"Alam mo, namiss ko to." Bigla nyang sabi.
"ang alin." Patay malisya nalang ako.
"lumipad ng malaya, yun bang parang walang hahadlang sayo. Yung parang hawak mo ang mundo at oras." Alam kong may kahulugan yun.
"Ako den, sana....sana pala mas sinulit ko yung oras namin dati kahit na mag muka akong cheap sa kakasunod sakanya...kahit na hindi nya ko mahal nun..kahit na.." tuluyan nang tumulo yung luha kong pinipigilan kanina.
"Hush~" lalong humigpit yung yakap nya sakin. So close yet so far?
Humihikbi parin ako pero medyo kumalma na ako ng konti.
"Gabe, can I have a favor?" Alam kong lalo akong lulubog sa gagawin ko, pero anong magagawa ko kung una palang nalulunod na ko? Baon na baon na ko simula palang, lumipas ang isanglibong taon at satingin ko nasa kailaliman nako. Kala ko nakaahon na ko, yun pala naaninag ko lang ang kalangitan. Mahal ko pa rin sya, mas matindi pa nga ngayon.
"What is it?" tanong nya.
"Can I talk to you privately later pag kauwi sa bahay, yung tulog na ang lahat?" tanong ko. Matagal syang hindi nakasagot, marahil iniisip nya pa.
"s-sige."
Bumaba na kami dun sa may field. Nag tatanong ang mga reaksyon nila kung bakit kami magkasama.
"may pinagawa lang samin." Maikling eksplenasyon ko sakanila.
Nag check na ko ng attendance at kompleto na lahat.
"THIS IS YOUR FINAL TEST. IT WILL TEST YOUR DESCITION MAKING AND SKILLS AS WELL AS YOUR EMOTIONS AND MENTAL CAPABILITIES. THE GOAL IS TO FIND THAT THING THAT ONLY YOU CAN FIND." Announce ko sakanila. Medyo nalito sila. Kaya may nagtanong.
"Miss, what do you mean about ' the thing that only us could find' ibig bang sabihin nun magkakaiba kami?"
"it depends kung pareho kayo ng hinahanap. It depends on you guys. Good luck." Sabi ko tapos sabay sabay na silang pumasok sa field, dun na mag uumpisa yun. Sumagana sila mentally
Yung 'thing' na pinapahanap ko sakanila ay yung mga sarili nila. Base sa experience ko, napakahalaga talagang kilala mo muna ng maigi yung sarili mo bago ka humarap sa mga pagsubok.
Dahil pumasok na sila sa loob, ako nalang yung naiwan sa labas. Marami nang estudyante, may mga tumatakbo, nag uusap,nagtatawanan, yung iba nang titrip. Normal scenario ng isang malaking school.
Naupo ulit ako sa bench at ipinikit ko ang mata ko.
Im slowly drifting to sleep, parang nakatira ako ng isang banig ng sleeping pills.
"Prim." Isang pamilyar na boses. Sinubukan kong imulat yung mata ko pero sadyang napaka bigat nito.
"Yung panaginip mo.....kung ayaw mong mangyari yoon dapat magpakatatag ka." Ni hindi ko rin mabuka yung bibig ko.
Bakit ba sa dinami dami ng nilalang ako pa yung napiling gumawa ng ganito? Gusto ko lang naman ng normal na buhay.
Ang pagkakamali ko ay pwedeng ikamatay ng mga taong mahalaga sakin o kaya ng mga taong inosente o ng mundo.
"Anju.." may yumuyugyog sa balikat ko.
Iminulat ko yung mata ko. Si Gabe pala. "Okay ka lang? namumutla ka." Puna nya sakin.
Tinignan ko yung paligid, nakalabas na ang iba. Nakaupo sila ngayon sa damuhan, mukang iilan lang ang nagtagumpay kasama na dun si Gabe.
"Okay lang, medyo nakatulog lang ako. Nasan na ba yung iba?" tanong ko kay Gabe na may hawak na tubig.
"Palabas na rin sila. Dalawa nalang naman ang nasa loob." Sabi nya.
Ilang sandali pa ay lumabas na rin yung mga natira.
"Mukang kokonti lang sainyo ang nakahanap ng pinapahanap ko." Tinipon ko ulit sila.
"Ano ba kasi yung pinapahanap mo?" asar na sabi ng isang lalaking estudyante na nabigo sa paghahanap.
"Mga sarili nyo. Napaka importante na kilala nyo muna ang sarili nyo, dahil alam nyo ang mga limitasyon nyo. Pag alam nyo yung limitasyon nyo, minsan lang kayo magkakamali sa mga desisyon na gagawin nyo." Paliwanag ko.
"Anong connect?" tanong nung isang babaeng taga S class din.
"Sa buhay may mga laban tayong kakaharapin, physically man o pang sarili natin, mahalagang alam mo ang mga kahinaan at kalakasan mo. Kung alam mo ang mga bagay na yun, kilala mo ang sarili mo at pwede mo yun maging advantage. Napakalaking tulong noon." Paliwanag ko ulit. Medyo nahihilo ako, hindi ko alam kung bakit kaya umupo ulit ako dun sa bench. Okay lang naman kasi nakaharap sila sakin.
"awarding na. Lahat ng may gold mark please come in front." Ilan ilan lang din ang nagtagumpay.
As promise binigan ko sila ng reward. Yung Spirit weapon.
"Warning lang, pag ginamit nyo yan sa kasamaan, pwedeng mag backfire sa inyo yan o pwede ring maging curse. Either is lethal." Sabi ko. Mukang sayang saya naman sila dun.
"Pwede nyong ipasa yan sa next generation nyo, basta ka-blood line nyo."
Nakasimangot naman yung mga hindi nakakuha. Yung iba mukang inggit na inggit.
"lahat ng hindi nakakuha please form a pile. Meron din akong ibibigay sainyo, sine you tried your best." Nagliwanag yung mga mukha nila.
Actually lahat naman ay mayroong matatanggap, yun nga lang mas maganda at mas malakas yung sa mga nakahanap.
Isang mark yung binigay ko sakanila. Pag handa na sila ay maaactivate yun at lalabas yung Spirit weapon nila. Pwede din yung mamana ng sunod na henerasyon nila.
"Ano naman to?" tanong nung isa.
"Parehas din yan ng kanila, yun nga lang lalabas lang ang Spirit weapon nyo kapag ready na kayo." Sabi ko, mukang nasatisfy naman sya.
Pagkatapos kong i-dismiss sila ay tuluyan nang umikot ang paningin ko. Ewan ko kung bakit hilong hilo ako.
Naupo muna ko sa bench at inirelax yung sarili ko.
"Sabi mo okay ka lang? sinungaling kana pala ngayon?" si Gabe? Nandito pa sya?
"Ngayon?" it cant be!?
"Come on, you know I know. Base sa mga sinabi mo kanina, wag mokong lokohin Juno." He knows?!
"Fille. Alam mo nakakainis ka. Alam mo pala eh. Miss na miss na kita." Tumulo nanaman yung luha ko. Para akong sinasakal sa sitwasyon namin ngayon.
"Tara na iuuwi muna kita." Binuhat nya ko. Sya lang ang tanging nilalang na hindi ko mabasa.
Nagteleport kami papuntang mansyon. Nilapag nya ko sa kama ko. Nahihilo parin ako at patindi ng patindi yung sakit ng ulo ko.
"Fille, can you stay with me?" tanong ko sakanya.
"lalo ka lang mahihilo. Alam ko, yan yung epekto ng sumpa sakin na inabsorb mo. Akala ko dahil yun sa pills na binigay ng Mahal na hari (tatay ni Anju) Bakit kaylangan mo pang akuin pati yun?" mukang galit sya. Tama, naisip ko kasing imortal naman ako kaya inabsorb ko yung sumpa.
"Pwede ba! Wag mong akuin lahat. Alam kong mahirap na ang sitwasyon mo, pero bakit mo ba mas lalong pinapahirapan yung sarili mo?" unang beses ko syang nakitang ganto ka seryoso at galit.
"sorry, ayaw ko lang namang makita kang nahihirapan dahil mas nahihirapan ako. Masama ba yun?" tanong ko. Totoo naman diba? Pag nagmamahal ka ayaw mong makitang nahihirapan yung mahal mo.
"pano naman ako? Kala mo ba mas hindi akok nahihirapan? Oo mahal din kita. Tanga ko kasi huli na nung na realize ko... at kahit na marealize ko pa yung nung mas maaga, alam kong hindi na tayo pwede. Alam mo yun." Mahal nya na din ako? MAHAL NYA NA DIN AKO?! Lalo ata akong nahilo.
"Alam ko nga. Sana nga pwede nalang dayain kahit saglit.......ay wag na pala dahil pagkatapos ng saglit na yun baka lalo akong mahirapan. Mahirapan kasi sa memories nalang nagexist yun.. Pero alam kong may solusyon. Ipinapangako ko sayo, hahanapin ko ang paraan na yun. I've waited a thousand years already! At hindi madaling maghantay ng ganun katagal."
"Mali yun Juno. Pero sana nga......sana nga pwede tayo." Malungkot ang mga mata nya. Pangako, masusulusyunan ko to.
Lumabas na sya ng kwarto ko.
Sya parin yung dating Fille na nakilala ko, nag matured lang ng konti. Sa ngayon sapat nang pareho kami ng nararamdaman sa isa't-isa.
Biglang may umilaw dun sa may drawer ko sa side table. Binuksan ko yun at yung kwintas na pulang rosas pala ang umiilaw.
Nakita ko na to dati pero saan nga ba?
AAH! Yun yung couple necklace na binili namin este binigay nya sakin nun nung nag punta kami sa town.
Could it be? Baka yun na yung solusyon. Pero asan yung isa.
Kung wala kay Gabe, posible kayang na kay Pierre since yun yung katawan ni Fille pag human form.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro