Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter twenty-seven

Chapter twenty-seven: Departing, Promises, and kisses

Anju's POV

Dala ng sobrang pagkahilo ko kagabi dahil dun sa sumpa, nakatulog ako ng hindi ko alam. Ang gulo-gulo talaga!

Napabangon ako ng kama ng ma-realize ko na ngayon nga pala ang punta ko sa Scarlann University. Base sa impormasyon na nakalap ko, hindi katulad ng Selfeide Academy ang Scarlann University. Ang Selfeide Academy kasi ay puro mage and wizards lang ang nakakapag-aral, sa Scarlann naman ay mixed pero syempre mas mataas parin ang tingin nila sa mga wizards. Ang sistema kasi ditto ay parang Caste. Pag Royal blood na mage ka, sobrang taas ng tingin sayo ng mga nilalang. Nakakainis yun kasi yung iba ay umaabuso na, masyadong nagiging arogante eh titulo lang naman yun. As if namang may nagawa silang mahusay bagay na naka ambag sa mundo diba?

"ANJUUU!! GISING KANA DAW!" Sigaw ni Shio. I felt disappointed. Nasanay nakong si Gabe yung gumigising sakin tuwing umaga. Hindi ko naman sya masisisi. Actually hindi naman ramdam ng katawan ko yung epekto ng sumpa, yun nga lang humina yung resistensya ko dahil gumamit ako ng excessive magic.

Yung epekto kasi ng sumpa ay tuwing maglalapit kami-lalo na kung may skin contact, maaaring mahilo o kung ano pa mang sakit ng katawan ang mararamdaman ko. Yun ay kung gumamit ako ng madaming magic, pero kung wala naman masyado, di ko ramdam.

"OO! GISING NA NGA!!" sigaw ko. Mayamaya may mga galabog at boses akong narinig. Bumukas yung pinto, niluwa nun yung two musketeers namely Mikielo and Shio with Toshi the tuod number 2. Base kasi sa obserbasyon ko, Rank 1 ay si Ran-Poor Ane, Rank 3 ay si Gabe/Fille at obviously si Toshi yung 2.

"problema nyo? Bat ganyan suot nyo? Nasan si Gabriel?" naka suot kasi sila ng pang rockstar tas naka shades pa eh ang dilim-dilim ditto sa kwarto ko. Muka silang rockstar na bulag.

"UYY~ hinahanap si Gabriel~ yung totoo, maynamamagitan na ba?" Nagbulungan pa ang mga abno na to. Para silang bulag na nagchichismisan, with matching acting pa na parang mga babae sa kanto. May pahampas effect pa.

" Hindi ka binasted?" sinamaan ko nalang ng tingin si Mikielo.

"Nagluluto na sya ng breakfast sa baba. He insisted cooking your breakfast. Siguro puro damo yung ihahain sayo nun."  Si Toshi lang yung matinong kausap sa kanilang tatlo. Pero shemay na shomai! Kendra is it real? Is it real? He insisted on cooking my breakfast?! WAHHH! Bibitayin na ba ko? Nauna na yung puso kong mamatay eh! Patay na patay kay Fille. Boom corny :3 pag umaga talaga kung ano ano naiisip ko.

"Si Joker kaba?" tanong ni Shio?

"Si Anju ako." Basag!

"Ay! Porket pinagluto ng breakfast ni Gabriella, nang wawarak na ng pick-up line?!" Gabriella? Si Gabe? mga loko talaga to!

"tse-"

"nelilyn! Sipot na nga tayo baka maging psychotic pa si Joker sa sobrang tuwa. You'll never know pa naman. She is so hindi mabasa. Nakaka nose blood din pala yung kahit konting English no?" Hay! Aywan! Mga abnormal! Lumayas na sila sa kwarto ko. Yung dalawang yun talaga sobrang magkasundo, magkakabit yung kaluluwa nila yata.

Bat naman kaya Joker yung tawag ng mga abnong yun sakin? Hindi naman ako nag patawa ah.

Bumangon na ko bago pa ko tamarin ulit at mag extend ng tulog.

Makaligo na nga muna.

Mamaya nako mag-eempake ng mga gamit tutal may dalawang oras pa naman bago ako sunduin nung susundo sakin.

**

"JUNOOOOOOO!" sa gulat ko at naibato ko yung mga damit na ilalagay ko sa maleta.

"Ano ba? Makasigaw lang? me ano?" sabi ko kay Shio. Teka sinong nagbigay ng karapatan na tawagin nya kong Juno?

"Ehhh kasi may package ka sa baba! Mukang mamahalin nga eh. Sige Juno bilisan mo daw sabi ng iniirog mo." Nilapitan ko kaagad sya at binatukan.

"Aww, problema mo ba Juno?" nilakihan ko sya ng mata.

"oh ginagaya mo ba si Kyungsoo? Wag na kasi sya lang yung cute. Acute pag ikaw" hinampas ko nga. Bastusing bata, porket nag aadik sa k-pop nagging ganayan na.

"Aww! Pangalawa na yan aa!! Huhu baka masira yung kagwapuhan ko! -ay oo nga pala! Si Toshi na daw yung mag eempake ng malets mo dahil baka daw bukas ka pa matapos."  Kaylangan pang binabatukan para matandaan yung ibang pinapasabi sakanya? Abno talaga to.

"oo na bababa na nga, saglit lang."  may aayusin pa ko. Mga gamit nab aka kailanganin ko.

"k." nag peace sign pa bago lumayas ng kwarto ko.

Nilock ko yung pinto.

"deschis" bumukas yung box na ako lang ang nakakakita. May mga laman yun na hindi dapat makuha ng sino man dahil mawawala ang balance ng mundong ito. Kinakailangan ko dingdalhin yun dahil pag wala ako ditto sa mansion , hindi ganun kalakas ang barrier.

"închide" pinakaligtas na taguan ng mga yun ay yung katawan ko mismo.

"AANNJJUUUUUU!" yan na sya na mismo yung tumawag.

"OPPPOOOOO!" inayos ko muna tapos bumaba na ko.

**

"Bat ang tagal mo!?" mayron nanaman si Fille. Sungit talaga neto.

"bat ang sungit mo?" nag peace sign pa ko. Sinamaan lang ako ng tingin.

"nanjan nga pala yung package mo. Eto o, may sulat ka den galing sa Paradeux na yun." Ay kaya pala, nagseselos ang lolo nyo.

"nag seselos  ka na nyan?" namula tuloy.

"Di ah! Aayusin ko na nga muna yung dadalhin mo. Tara na Toshi." Walkout ang peg ng lolo nyo.

"Pag ibig nga naman.." bulong ni Mikielo

"May sinasabi ka?" tanong ko.

"wala ah." Patuloy nya sap ag nguya ng bacon.

"Juno kayo ba nun?" tanong ni Shio na kumakain rin sa tabi ni Mikielo. Kaharap ko.

"Quit calling me Juno." Sabi ko.

"wae?"

"Ne, Jugoolae?" sinamaan ko sya ng tingin.

"Daebak! Marunong ka ng Korean?" nagliwanag ang mukha nya.

"anong kala mo sakin, hindi nahahawa sayo? Eh puro Korean na yung salita mo netong mga nakaraang araw eh. Naka adopt nako." Kumuha ako nung salad. Namiss ko talaga yung luto nya.

"maimpatso ka naman!" saway ni MIkielo.

"problema ko na yun! Eh kung kainin ko kaya lahat ng bacon?"

"sabi ko nga mananahimik nalang ako eh."

**

Nang matapos kami kumain, dumating na yung mga susundo sakin kaya nandito kami ngayon sa gate.

"mag-iingat sila sayo." Kinutusan ko si Mikielo.

"mag- spazz tayo together pag balik mo Noona!" sabi ni Shio. Seryoso talaga sya sa K-pop na yun dahil halos araw-araw may dumadating na package na merchandise ng kung ano-anong group.

"wag mong lalagyan ng kung ano anong poster yung mga parte ng bahay ko! Makikita mo!" pagbabanta ko sakanya. Aba! Mahirap na. pano nlang kung napuno na ng poster yung kwarto nya? Baka sa salas lagyan nya rin ng poster at maging wallpaper ng mansion ko yung mga collection nya.

"Shio, Control him. Since ikaw yung matino, ikaw muna yung incharge. May tiwala ako sayo." Sabi k okay Shio.

"Awts, so samin wala? Na hurts naman ako." Humawak pa sa dib dib nya na para bang nasasaktan talga si Mikielo.

"sa muka mong yan? Hoy! Kilala kita though hindi pa ko nakakapasok sa kwarto mo, alam kong balahura ka."

"Awwts, mega kill. Deads na ko." Kinotongan ko nga.

"Well any way, baka sumunod din naman kami sayo kasi may summit kami dun next week." Nga pala mag kakasama tong tatlong itlog, pano si Fille?

"Eh si Gabe?" tanong ko. Teka nasan na nga ba yun?

"uy concern." Tukso nila sakin.

Speaking of Gabriel, natanaw ko sya. May dalang isang bag na mukang lunch box.

"oh, anuyan?" tanong ni Mikielo.

"Baon mo. Matakaw ka kasi." Sabi nya.

Nginitian ko sya. "salamat"

"uy ano yan? Penge!"

"meron pa dun sa loob."  Nagtatakbo na yung dalawang PG papasok ng mansion.

"Sundan ko lang yung dalawa, baka magkagera nanaman sa kitchen. Ingat ka Anju." Paalam ni Toshi tapos umalis na. dalawa nalang tuloy kami pero ang layo nya parang takot na takot lumapit sakin.

"ingat ka dun ah." Nakasandal lang sya dun sa gate. Ni hindi man lang tumingin nung sinabi nya sakin yun.

"sakin mo ba talaga sinasabi yan o sa lapag?" sarcastic kong sabi.

"ang hirap lang tignan na umaalis ka. Parang dinadala mo yung kaluluwa ko eh." Sabi nya. This time naka tingin na sya sakin.

"Ay sus! Ngayon alam mo na yung feeling. Joke joke, halika nga ditto." Tinawag ko sya pero ayaw nya lumapit kaya ako yung lumapit, pero umusod sya lumapit parin ako.

"Ang kulit mo." Wala na syang nagawa kasi dead end na sa gilid nya. HAHA

"Let's go." Sabi ko, pumasok kami sa isang bubble tas lumipad.

"wa-" tinakpan ko yung bibignya.

"nagloload pa naman sila ng mga bagahe ko, kaya chill ka lang." satingin ko, natatakot pa rin syang masasaktan ako kapag magkalapit kami.

"relax, im not hurt or anything. Trust me." Tinignan ko sya sa mata para patunayan na totoo yung sinasabi ko.

Kumalma naman sya.

"nakakainis ka. Palagi mo  nalang tinatapakan yung ego ko. Sadist aka talaga." Sabi nya.

Niyakap ko nga.

"Arte mo. Ganun talaga mahal kita eh." Bulong ko sakanya.

"sana ganto nalang tayo forever." Sabi nya.

"Pangako, hahanap ako ng paraan." Hahanap ako kahit na ang kapalit nito ay ang immortality ko.

"Tutulong ako." Sabi nya.

"sige ba. Just promise me one thing."

"Ano yun?"

"Never ever leave me again. Hindi ko na kakayanin pag nawala ka nanaman." Di ko talaga alam kung pano ko naka survive ng isang libong taon ng wala sya. Siguro dahil na din sa pansamantalang pagkabura ng alaala ko.

"Promise. I'll be by your side forever even if the world would hate me about it."  Sabi nya.

"Let's seal our promise shall we?" sabi nya.

"pi-" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil hinalikan nya na ko.

I have been longing for this kisses, a thousand years na. I don't know what to feel. Parang sasabog na yung puso ko sa sobrang tuwa.

"a thousand years ago, ikaw yung nagnakaw ng halik sakin. So anong feeling ng manakawan ng halik?" nakangiti nyang sabi sakin.

"tinatanaong paba yan?" I rested in his chest and close my eyes. This moment is the best moment of my life.

I can hear his fast heartbeat. "wait, diba walang heart beat ang mga angels?" tanong ko.

"May magagawa ba ko? Wala eh nainlove ako sayo." He chuckled.

"sana one day, hindi na ipagdamot satin tong gantong moment." Sabi ko.

"I have another promise." Sabi nya.

"ano naman yun?" tanong ko.

"Pag maayos na ang lahat, pangako papakasalan kita." Bumilis lalo yung tibok ng puso ko kapareha ng kanya.

"pangako?" then he kiss me again.

"grabe ka ha! Dalawa na yun!" he just smile sexily.

He's my sun. When he's around, parang ang gaan-gaan ng feeling ko, parang naabsorb nya lahat ng bigat. Masarap sa feeling pag nasatabi ko sya.

"You are my sun Mr. You radiate and shine so brightly. Kaya ewan ko nalang kung anong mangyayari sakin pag nawala ka." I looked in to his cloudy blue eyes.

"I love you." sabi nya.

"I love you too."

**

Matapos ng sweet moments ay umalis na ko papuntang Scarlann University. Sa karwaheng umilipad ako sumakay.

Binuksan ko yung box na pinadala daw sakin. May laman yun na handbook-which contains the schedule, access card, and other infos about the school. Meron ding uniform, kulay black na skirt and polo with coat and necktie na black. So puro black yung uniform ko.

Nakalagay dun sa handbook na kailangan naka uniform para makapasok kaya sinuot ko na yung uniform.

Nakalagay dun na may magaganap na welcoming party mamayang gabi. Meron kayang sinamang gown o kahit formal na bestida si Gabe?

"maam, we are here." Bumungad sakin ang napakalaking gate ng Scarlann University. Siguro ay kasing laki ito ng Main Campus ng Selfeide Academy.

** Next chapter: Scarlann University of Magic

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro