chapter twenty-one
Chapter twenty one: (O)_(O)~ MU
Anju's POV
Okay ang weird ng mga tao. Kasi pagdumadaan ako or something, tumutungo sila. Muka ba kong monster? Ang ganda ko kaya! Bat mas pinipili nilang humarap sa floor? Well baka trip nilang lahat.
Okay, it's been one week simula nung dragon hunt. Yung dragon egg ko ay nandun sa incubator sa bahay kasi inadvisan ako ni Ran na itago ko yun sa bahay dahil maraming nagkakainteres dun dahil nga mahirap makuha yung ganung breed ng dragon. So ayun nasa mansyon sya, may sarili pa ngang kwarto eh..
Yung mga baliwag kong kaibigan naman hindi pa naniniwala na ako si Santhe, well sabi ko Anju na tawag nila sakin... mga ilang days pa bago sila maniwala. Yun yung mga lukret ay nag insist na mag sleep-over kami ngayong gabi sa mansion ko syempre.
Yung kuya ko naman at yung mga iba pang kasali sa Kings, yun walang pagbabago ganun parin sila. Si kuya lang talaga mukang engot kasi bakit daw sya hindi pwedeng pumasok dun sa Mansion ko.
So hanggang ngayon ay kinukulit parin nya ko dito sa Canteen kung saan pinagtitinginan kami at napansin kong dumami din yung mga babaeng labas cleavage at maiksi yung palda. Dumadaan pa mismo sa harap namin, may isa pa nga eh nalaglag yung wallet 'kuno' gusto nya lang ipakita yung cleavage nya kay kuya eh!! Tas yung pinaka epic, sinundot pwet- jutsu ni Nathalie yung babae. Shempre hindi nya ginamit yung kamay nya no!! kadiri kaya! Ginamit nya yung popsicle stick na pinagkainan nya.
Ang epic ng muka nung babae!! Haha parang naging tarsier bigla. WHAHAHA XD
"dali na pumayag ka na please?" nag puppy eyes pa si Kuya.
"wag ka munang kukurap ng mga one day. Pag nagawa mo yun sayo na bahay ko." Chalenge ko sakanya.
"San-Anju naman eh! Imposible kaya yun!" nag pout pa! yuck.
Tinulak ko sya, dinaman malakas. Para lang ilayo yung nakakadiri nyang muka sakin.
"I know right! Kaya nga yun yung kundisyon eh." Binelatan ko pa sya.
Nag try nanaman sya ng bagong emoticon sa muka nya. Kanina pa sya ganyan eh. Dami nyang emoticon na alam i-acting.
"please~? Dali na?" nakakasuka na talaga yung muka nya.
"payagan mo na kasi." Nagsalita si Nathalie na katabi ni Kuya.
"gusto mo talaga?" tanong ko. Tumungo naman silang dalawa.
"stop. Hindi ikaw kausap ko." Pinahinto ko yung pag tungo ni kuya. Muka silang bubble head. -_-
Then an evil Idea pass through my brilliant mind!
"Fine! In one condition." Kumuha ko ng isang blangkong papel. "papirma mo to sa lahat ng sasama sa sleep over. Kukunin ko yan mamayang uwian, ang walang pirma, bawal pumasok! Arasso?!" tumungo naman silang dalawa.
"good then." I flash them my sweetest smile! This will be SO FUN!! Revenge is mine!! Whahahaha!!
"oh nga pala, kita-kita tayo dun sa may malaking Fire tree mamaya. Sama mo na rin yung mga sasama." Sabi ko tapos umalis nako, may klase pa nga pala ako sa potions, which I really hate!
** [potion class]**
Tamang-tama lang yung dating ko, sabay pa kami nung prof. ko eh.
Umupo ako dun sa may pinaka likod, ayaw ko sa harap. Tawagin dun eh, wala pa naman akong ka-amor-amor dito sa potion class na to.
"good afternoon class!" bati samin nung prof.
"good afternoon." Bati naming mga estudyante.
"today, may makiki seat in satin. For the student's week." Tas nag simula na mag-bulungan.
"Quiet class!! Please enter Mr. Ran Adams." On cue, nagtilian yung mga classmmate ko, dilang girls pati yung girls in heart.
Tumungo lang si Ran tas umupo dun sa tabi ko. "hi." Sabi nya sakin.
"hello." Balik ko sakanya. Nagsimula nang magturo yung prof namin. I did bother to hear it kaso lang nabibwisit ako sa mga kaklase kong nag-chichismisan, yung iba umiirit pa! susme pano ba ko matututo neto.
"Hoy Ran, bat ganyan ka? Mag maskara ka kaya? Naiinis nako eh." Sabi ko sakanya. Napatingin naman sya sakin.
"wala akong maskara." Sabi nya. Then I use magic, earth magic. Then I made a mask out of wood.
"there." Inabot ko sakanya yung mask.
"I wonder, ilang taon kana kaya? Mashado kang magaling para sa edad mo." Curious ngang sabi sakin.
"older than you think." I gave him a mysterious smile.
"CLASS! Are you guys even listening?" nagalit yung prof namin. Tumahimik naman yung mga klasmeyt ko.
"And mister Adams, why are you wearing a mask?" masungit na tanong nung prof namin. Sinuot pala talaga ni Ran yung maskara.
"cause, Im annoyed. They keep starring. I cannot concentrate." Deretsong sabi ni Ran.
"All of you face forward. Bawal lumingon! Listen!! Lalabas to sa exam nyo." Pagalit na sabi nung prof.
At yun na nga nag turo na ulit sya, as usual boring!! Mga ilang dreadful minutes pa, natapos din!!
Nabuhayan naman ako ng dugo! Yes tapos na!! isang subject nalang pala tapos na!! yung Combat.
"see you later." Sabi ni Ran. "later!" sabi ko tas tumakbo na ko papuntang west wing open field.
Pagdating na pag dating ko dun ay hinarang ako ng prof namin.
"Ahm? Late na po ba ako?" tanong ko.
"No, gusto ka daw kausapin ni Mr. Paradeux. Meet him in his office." Yun lang sabi nya tas lumayas na sya sa harapan ko.
Now what is it with Ren? Nag teleport na ko papunta dun sa office ni Ren.
**office ni Ren**
Yung receptionist yung bumungad sakin.
"yes?" tanong nya sakin.
"gusto daw po akong kausapin ni Mr. Paradeux?" tanong ko.
"Ms. Warlock?" pagcoconfirm nya sakin.
"yep." Pinapasok nya nako dun sa office ni Ren. Guess what he's doing. -_- he's playing Tekken sa X-BOX. Seryosong seryoso eh.
"HUY!" ginulat ko nga.
"AY BUTIKI!" nabato nya pa yung controller buti nalang nasalo nya ulit.
"Anju ikaw pala, seat. You may leave us Charlotte. " pinaupo ako ni Ren dun sa gilid nya. Lumabas naman yung receptionist kanina.
"So? May ano?" tanong ko. Kumuha ako ng chips dun. Tapos tinaas ko pa yung dalawang paa ko sa center table. At home kung at home.
"Never change? Lumala pa ata." Natatawang sabi nya.
"ikaw kaya maagmadali tas haharangin ka lang ng prof mo, pinapunta agad ako dito." Sabi ko sakanya. Ngumunguya pa g chips.
"Yum! Sarap neto ha! Penge ngang panulak!" sabi ko. Tumayo naman sya tapos pumunta dun sa mini ref nya. Sus! Kung ako may office na ganto, malamang yung ref na may dalawang pinto pa yung ref ko.
"What would you like?" tanong nya sakin. "may strawberry milk?" tanong ko.
"yep." Sabay abot sakin nung strawberry milk. "thanks, by the way nice office." Sabi ko. Kulay white yung paligid tas navy blue yung gamit.
"Thanks." Kumuha sya ng beer nya at tinungga yun. "by the way bat mo nga pala ko pinatawag?" tanong ko sakanya.
"oh that!, kwentuhan tayo... hindi ko na alam kung anong nangyari eh.. kung bakit ka nila nakalimutan." Tanong nya sakin.
"well, ewan ko din eh." I Lied, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya. Not to him.
"really? Come on." Pamimilit nya.
" tinatamad ako eh, yun lang ba talaga yung purpose ng pagpapatawag mo?" tanong ko sakanya.
"Nope." Lumagok nanaman sya ng beer.
"eh ano pala?" tanong ko.
"well, ikaw yung tinalaga ko bilang student teacher sa combat eh." Naibuga ko yung iniinom ko.
"WHAT!? Ayoko." Sabi ko. Maiistress ako ng bonnga.
"why? Come on~ just this once?" sabi nya.
"fine pero may kapalit." Now he looks so serious. "what is it?" tanong nya.
"exempted ako sa mga test sa potions." Sabi ko.
"Fine." Sabi nya tas sumandal ulit sa sofa.
"why too desperate to get me?" tanong ko. Pwede naman yung iba.
"simple, beterano at may experience ka na sa gera." Sabi nya. Not surprised here.
"so? Hindi naman nila alam yun." Sabi ko.
"ay basta! Ang kulit mo paren. Alam mo ba crush kita?" he blurted out.
"talaga? Speaking of love life, apo mo si Astrid?" tanong ko.
"why? Are you jealous?" nakatitig sya sa mata ko.
"nope. Ayaw kitang maging lolo." Sabi ko. Humagalpak naman sya.
"Not that! Are you not jealous dahil naka anak ako?" tanong nya sakin.
"oh that, well a bit. Crush din kita dati eh." Sabi ko sakanya, MU pala kami dati? Haha Funny.
"talaga? Sayang! Hindi ka pa nainlove!" mukang nanghihinayang nga sya.
"haha, masakit mainlove." Sabi ko.
"tama, lalo na hindi ka mahal ng mahal mo." Sabi nya. Loko to ah! Hinampas ko nga.
"Aw! Love hurts! Bat nanghahampas!?" matawatawa nyang sabi.
"nananadya ka ba?" tanong ko.
"no? asdfghjk" hindi ko naintindihan yung huli nyang sinabi.
"ansabe mo?" tanong ko.
"wala~ basta deal na yun ha. Ikaw ST sa combat." Sabi nya.
"basta deal din yun ha. Exempted ako sa lahat ng test sa potion." Panggagaya ko.
"ouna! Nga pala, si Astrid... she's Raven's daughter." Now why is he saying this?
"I never love anyone....ikaw lang." nanlaki yung mata ko dun.
"OO na.. OO na... Go go go! Shuu~ alis na.. bye!" pag tapos nyang umamin ay pinag tulakan nya ko. Galing talaga ng taong to!! Yun nakatitig tuloy sakin yung receptionist.
Nginitian ko nalang. Awkward~ naalala ko magkikita-kita pa nga pala kami dun sa may malaking fire tree!
"miss nag bell na ba?" tanong ko.
"yes, mga five minutes na."
"shoot, sige thanks bye!" sabi ko tas nag teleport.
Late nako!! Si Ren kasi eh!!
***
mamaya na yung isa tatapusin ko pa eh... hahaha XD
May pasabog-ulit.. laturs!!
TO GOD BE THE GLORY!!
:**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro