Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter twenty-nine

Chapter twenty-nine: New found elf friend\ student's life

Nessa's PoV (Anju)

Naglalakad ako ngayon sa hallway at kasalukuyang hinahanap yung sunod kong klase. Muntik pa nga akong malate kanina dahil nagkanda ligaw ligaw ako.

kung bat naman kasi napakalaki ng eskuwelagahng ito e.

"room 307....308....309....310!" finally nahanap ko rin!

Pumasok ako sa silid, lahat sila ay may sarisariling mga grupo nanaman. Palagi nalang may pangkat pangkat, di ko pa naman ka klase si Nikka sa subject na to.

Naupo ako dun sa likod sa may sulok. I feel like an alien. Dahil wala akong magawa nagsoundtrip nalang ako at pinanood ang paligid.

Ngayon ko lang napansin na sa  bawat klase ay tumatagal lamang ng isang oras kumpara sa selfeide academy na one and a half hour ang minimum na oras ng isang klase.

Maybe their bratty queen's doing.

Isang matandang mukang isrikta ang pumasok, nakapusod ang mapuputing buhok nito, maysalamin na makapal pero maganda parin ang posture neto sa paglalakad. Otomatikong nanahimik ang buong klase, at tinuon ang atensyon sa matanda.

"Im Ms. Valentine Grine, your professor for this subject." pagkatapos nyang sabihin yun ay nagsulat kaagad sya sa board ng mga formula. Kung hindi ako nagkakamali mga formula yun ng potions. Mga komplikadong formula na inimbento ni Ciel.

Mukang alam ko na ang susunod dito ah. Isang Graded Recitation.

"Now, I'll call your name and Identify this formulas." Halos kalahati ng klase ang posibleng matawag. Ang iba ay nangangatog na at yung iba naman ay todo hanap ng sagotsa text books nila. Nag gawa yun ng ingay kaya nainis yung prof namin.

"I changed my mind. Get 1/4 sheet of paper and identify each formula. You have 5 minutes to answer." Namutla naman yung mga napaghahalataang hindi alam yung sagot, Habang yung iba ay chill chill lang na parang bang pinasusulat lang sila ng pangalan nila.

Habang ako ay chillax lang den dahil kabisado ko yung mga formulang iyon.

"Time's up. Pass your paper forward. Lahat ng nasa unahan makipagpalitan kayo sa katabi nyo." nag palitan lahat ng nasa unahan.

"get one and pass." Sinulat nya yung mga tamang sagot dun at kami naman ay nagcheck.

So far wala pa kong mali. Buti nalang pala at freinds kami ni Ciel at naiimbitahan nyo ko nung dumalaw sa lab nya.

"itama mo yung sabot ko dali."

"Pano kung mahuli tayo?"

"hindi yan." Napailing nalang sya sa mga babae sa harapan nya. Marahil ay takot silang bumagsak, pero hindi nila naisip na mas maliki ang consiquence ng ginagawa nila pag nahuli sila.

Halos walang itama yung papel na chinechekan ko. Isa lang yung tamang sagot nya.

"Give the papers back to it's owner." sabi ng prof namin pero hindi nakatingin, nakatingin lang sya dun sa clss record nya.

" may naka perfect ba?" tanong nya.

Itinaas ko yung kamay ko, may isa pang nag taas ng kamay. Isa syang elf na lalake, pero mukang katulad din ito ni Ciel.

At dahil dyan tatawagin na kitang Ciel the second.

"Name?" tanong sa akin ng prof.

"Nessa po."

"wala akong pakielam sa pet name mo. Buong pangalan." nagtawanan naman yung mga kaklase ko.

sungit naman.

"May nakakatawa? manahimik kayo dahil bagsak kayong lahat. wala kayong karapatan tumawa!" 

Heh! butinga sa inyo!

"An- Annessa Juno Cae Warlock." Nanahimik ang buong klase. Ibigbang sabihin pati dito kilala ako?

Sheep! wala na... my precious low profile identity!

"Well then, Ms. Warlock. Mukang tama nga ang balibalita, talagang may kakaiba ka." sabi ng matanda sakanya. Alam nyang may malalim na pakahulugan yun.

"and you?" tanong nya dun sa Elf.

"Luis Teime po." sabi ng Elf. Makikita mo palang sa pagmumuka ng mga taoo sa paligid kung gaano kaliit ang tingin nila sa ibang uri.

Poor Elf. Mashado na talagang malaki ang ulo ng mga wizards dito.

"Ms. Warlock and Mr. Teime, you are now exempted to this subject. Do whatever you want." free na yung time ko na to kaya masaya nako!!

Kinuha ko yung bag ko at hinatak ko na din si Luis.

"Tara na! libre kita!" na shock pa sya pero wala na syang nagawa kasi hinitak ko na sya palabas ng room eh.

"Bat mo ko hinatak! Tsaka pumayag na bako?" tinignan ko sya ng sarcastic.

"Hay! naku! tara na nga! papayag ka din naman kasi mapapapayag kita! hahaha!" parang naguluhan naman sya sa sinabi ko.

"basta! lilibre kita ng kahit anong gusto mo basta may itatanong ako sayo okay?" nagtataka parin sya.

"Talaga? kahit ano? papatayin mo ba ko?" nagulat naman ako sa sinabi nya kasi sobrang seryoso nya. Feeling ko sobrang nabubully ang mga kagaya nya.

" oy kahit ganto ko hindi ako katulad ng mga wizard na iba. Hindi ako matapobre no! so friends na tayo." Nginitian ko sya at di kalaunan ay ngumiti din sya sakin.

"Promise?" nangungusap yung mata nya. Muka tuloy syang puppy na kailangan mong alagaan.

"Pinky swear!" kinuha ko pa yung hinliliit nya.

"Okay! pero san ba tayo papunta? kanina pa kasi tayo takbo ng takbo eh." tinatahak namin ngayon yung mahabang hallway.

"San nga ba? ewan ko? ikaw taga dito eh."

"eh bat ako, diba nga hinatak mo ko kaya wala akong choice?"

oo nga naman!

"Hahaha, san ba kasi yung cafeteria nyo? diko pa kasi kabisado tong eskwelahan nyo diba?" huminto ako sa kakahatak sakanya.

"Tara dun sa may baba lang yun." tinahak namin yung hallway at sa dulo nun ay may hagdanan pababa. Dun na bumungad samin yung malaking cafeteria nila na may sari-saring pagkain.

"oh, bat ka nakayuko?" nakayuko kasi sya simula nung dumating kami dito sa cafeteria.

"ah,kasi madaming wizard." nakaramdam naman sya ng awa para dito.

"Don't worry akong bahala sayo from now on. Kakain lang tayo tas pumunta tayo sa super market kasi may bibilhin ako." bibili kasi ako ng mga pagkain kasi nga PG ako masyado at ginugutom ako pag gabi.

Nagtago naman sya sa likuran ko. Magkasing tangkad lang kami, maamo ang muka nya, tinatakpan ng bonnet na itim ang kanyang tenga na hindi kagaya ng akin. May kulay green syang bilugang mga mata na kulay luntian, may matangos syang itlong, at mapupulang labi. In short cute sya, yun nga lang manipis sya at mukang madaling mabasag.

"Eat whatever you like. Wag kang mahihiya sakin, sagot kita ngayon as a token of our frienship." nginitian ko sya.

"Talaga?" Nanlaki yung mata nya na maluhaluha pa.

"oo, teka samahan kita." lumuha na ko ng tray. Inabutan ko pa sya kasi mukang iiyak na eh.

"Tara! san a gusto mo?" itinuro nya yung gold label section, kung saan lahat ay wizard ang kumakain.

Tumungo kami dun at kumuha na ng pagkain. Self service kasi dito eh.

Humigpit yung kapit nya sa laylayan ng damit ko at nakayuko nanaman sya. Pinagbubulungan nanaman kasi sya nung mga wizard dun.

Hinawakan ko yung kamay nya. "Don't mind those people, mga walang magawa yan sa buhay." Patuloy kaming kumuha ng pagkain. Ang daming pagkain na masasarap dito.

"O! bat ang konti nyang kinuha mo? dagdagan mo pa." kakapiranggot lang kasi ang nakita ko dun sa tray nya.

"pero mashado nang mahal ang mga ito, tsaka kontento na ko dito." mukang nahihiya lang sya sakin kaya nya sinasabi yan.

"Hindi! dagdagan mo pa yan para naman magkalaman ka! kunin mo lahat ng gusto mo." nginitian ko pasya. Nang ayaw nya parin kumilos, ako mismo ang naglagay ng pagkain sa tray niya. Napuno tuloy ng bongga! yung akin din punong puno.

Nakarating na kami sa counter. Inabot ko yung multipurpose card ko na binigay nila.

"Ma'am hindi po kasya sa allowance nyo." Naghagikgikan naman yung mga nasalikod namin.

"ganon ba?"  ipinatong ko muna yung tray dun sa may counter.

"Ibabalik ko nalang to!" sabi ni Luis.

"No. Bibilhin natin yan." matigas kong sabi.

"Poor Elf and lowly wizard, hindi pwede ang mga poor sa food section na to." sabi ng isang babaeng wizard na nasa likod namin.

"Wag mo nalang pansinin ha, bilisan nalang natin kasi mukang kailangang kailangan nya na kumain. Nagsasalita nang mag-isa." sabi ko kay Luis at sadyang nilakasan para marinig nung babaeng nang-insulto samin.

Nilabas ko yung titanium card ko. Mga high queen at high king lang ang may ganung uri ng card, pwede din yun kahit saan.

"Dito mo nalang i-charge lahat. Pakibalot na rin." nagulat naman yung cashier.

"Yes, Your Royal Highness." nagbow pa yung cashier.

"Wait? sino ka ba talaga?" tanong sakin ni Luis na shock din sa natuklasan nya.

"Later." Inabot na ulit sakanya nung babaeng cashier yung card at nagbow pa ulit.

Nakatingin naman sakanya yung babae kanina. "Mabuti nalang wala ako sa mood na patulan ka, kundi baka malamig na bangkay ka na." malamig kong sabi dun sa babaeng nang-insulto samin.

"Tara na Luis.'' Tinungo naman namin yung exit.

"May iba ka pa bang alam na tahimik na lugar? yung private?" tanong ko kay Luis.

"Meron, dun sa tree house na tinatambayan ko. Dun sa may likod ng green house." malayo pa yun dito kung lalakarin.

"Hold on to me. Tight." simunod naman kaagad si Luis.

"Saa-" nagteleport sila papuntang likod ng green house.

"Kakapagod maglakad eh." paliwanag ko.

"Nakakahilo yun." komento ni Luis.

"psh.. tara na nga at ako'y gutom na gutom na!" umakyat sila sa Tree house. May lamesita doon na tamangtama lang para kainan. May bookshelf at kung ano-anung abubot din dun.

"So, since kelan ka pa tambay dito?" tanong ko habang kumakain.

"simula nung naging open school ito. Siguro five years ago?" Punung puno ang bunganga nya habang kumakain.

"Teka nga! sino ka nga ba talaga?" tanong ni Luis, feeling ko mabibilaukan ito mayamaya.

"Ang tunay kong pangalan ay Annessa Juno Caelestis Warlock. Anju for short, ako ang pinadalang representative ng Selfeide Academy dito." muntik nya namang maibuga yung pagkain sa muka ko. Inabutan ko sya ng inumin na unli yung laman, oo may ganyang dito.

"IKAW SI ANJU!" sigaw nya.

"Hinaan mo nga! wala naman ako sa kabilang bundok! makasigaw! tsaka teka nga muna, medyo confidential tong pag-uusapan natin kaya maglalagay muna ako ng barrier."

Tumayo ako at nag cast ng barrier. Sound proof iyon at hindi basta-bastang nasisira, isa yun sa ancient spell na nakalagay sa Index.

"WOAH! SO TOTOO NGA!" sumigaw nanaman si Luis.

"Anak ng tokwa! nandito lang ako sabi! bat kailangan sumigaw!" umupo ulit ako dun sa harapan nya at kumain din.

"sorry, shock lang! kasi kala ko Myth ka lang eh. Biruin mo yun, ikaw yung kakambal ni Queen Skye tapos isa ka sa mga orig na fortis wizard tapos nasayo pa yung Index of Spells tapos ikaw yung heroin ng second great wizard war! DUDE! SINONG HINDI MAPAPASIGAW!" teka muna! bat kilalang kilala nya ko as in pati yung past life ko! sino ba tong lalaking to?

"TEKA BAT ALAM MO LAHAT PATI YUN! SINO NAG SABI SAYO? SAN MO NALAMAN YA?!" sya naman ang nagtakip ng tenga.

"aray naman! ikaw din naman sumisigaw eh! tsaka kwento kwento samin yun ng mga ninuno namin, Pinag pasapasahan na lang. Alam mo bang sikat na sikat ka sa lahi namin! Hindi talaga ako makapaniwala na kaharap ko si Anju!" hangang-hanga talaga sya.

Kung kilala ko ng ninuno nila, ibigsabihin sa mga mage o wizard lang effective yung spell?

"Pwede mo ba akong dalhin dun sa ninuno mo o kahit sinong umabot nung second-great wizard war?"

"Sure, pero malayo yun dito at hindi tayo pwedeng lumabas ng campus." sabi nya.

"meron bang panahon na makakalabas ka dito?"

"Meron, yun ay kung hindi na ako mag-aaral o kaya ay mawalan na ko ng scholarship, o pwede din namang pag may major offence akong nagawa." ngunguya nguya pa sya  nung mga pagkain. Iniisip ko nga kung bakit hindi sya tumataba gayung malakas naman syang kumain.

" kung ganon, ilang taon mo nang hindi nakikita yung pamilya mo?" nagseryoso naman yung muka nya at huminto  sa pagkain.

"Simula nang maging slave ako, alam mo naman sigurong hindi kasing ganda ng kapalaran ninyo ang naging kapalaran ng aming lahi." bakas sa muka nya ang matinding lungkot. Naawa tuloy ako.

"Alam mo bang hindi dapat kayo ituring na ganyan. Dapat pantay-pantay ang lahat, kaso lamang kahit nuong panahon bago ang great wizard war ay bumaba na ang tingin sainyo dahil kayo madalas ang tagagawa at nagtatrabaho, hindi ko akalaing hahantong ang lahat sa ganito."

"ang problema kasi sa lahi nyo ay masyadong mataas ang tingin ninyo sa sarili nyo at hindi sa sinasama kita pero halos lahat ay ganun." Kahit ako ay hindi pabor sa ganitong set-up ng kalakaran ng magic realm, dapat ay pantay-pantay namumuhay ang lahat.

"Hmm.. maiba ako, siguro naman ay kilala mo si Ciel Chadwick?" nanlaki ang mata nya.

"OO naman, nung ikwento sakin yun ng matatanda ay talagang naging idolo at inspirasyon ko sya eh. Kaya nga nagpaalipin ako makapag-aral lang eh, dahil gusto kong maging katulad nya."

Akalain mong magkakaroon ng Fanboy si Ciel!

"Mapagkakatiwalaan ba kita?" tanong ko sakanya. Tumungo naman sya kaso mukang nag-aalinlangan pa sya.

"pero hindi ko sigurado kasi diba nga isa akong slave? at nanumpa ako ng katapatan sa aking master?" sabi nya.

"no offence ah, pero pwede ka bang bilhin sa master mo?" tanong ko sakanya.

"OO, pero hindi ko lang alam kung ipagbibili nya ko." talagang para silang aso kung ituring! lalo tuloy akong naaawa sakanya.

"Sino bang amo mo?"

"Si Master- este Duke Zenon Spiel po." Oh! mukang hindi naman ako mahihirapan.

"Eh si Zenon naman pala eh! di ko din sure ehehehe pero pipilitin ko! teka, nasan ba ang master mo ngayon?"

"ah.. hindi ako sigurado pero kaklase natin sya sa susunod na subject."

"anong oras ba yung sunod nating subject?"

" 15 minutes from now. Hunting sa may open field, marami tayong makakaklaseng royals dun." Fifteen minutes! juice na malamig! ang layo nun kaya!

"Kung ganun bilisan na nating lumamon ng hindi tayo malate!" nagkandaubo ubo kami kasi pasak lang kami ng pasak sa bibignamin, good thing na hindi nauubos yung inumin namin.

After 10 minute ay naubos din namin. Itinabi nalang namin sa bag namin yung mga pwedeng ilagay sa bag.

"tara na at magteleport!" uniling naman sya.

"baka magkanda suka-suka ako pagdating natin dun, sayang yung pagkain ang mahal pa naman nun tsaka ngayon nga lang ako nakakain ng ganun eh."

"hindi ba bawal yung magpalipad ng dragon dito?" tanong ko, kasi may ilan-ilan akong nakikitang dragon na lumilipad.

"Hindi naman, kung marunong ka pwede." sabi nya.

"Then let's go!"

I summon my dragon, yung dragon na itlog pa lang dati ay nagagamit ko na.

"WOW ANG GANDA NG DRAGON MO!" sabi nya.

kasalukuyang nasa himpapawid kami ngayon.

"Hold on tight, pababa na tayo." naglanding kami dun malapit sa venue.

"Wew! I think we made it." Nawala na ulit yung dragon ko.

"Luis." isang baritonong boses ang nagsalita sa may likod ko.

"Master." agad naman itong lumapit sa master nya.

"Zenon."

"Nessa." nagkasalubong ang tingin namin.

"You have a nice dragon, so nice that only few or none has tamed that kind of dragon that you have." mukang may alam na rin ito sa totoong sya.

"SANTHEEEEEEEEEEEEEEE!" napalingon sya sa likod nya!

Great timming kuya!

Umugong yung malakas na bulung bulungan at may mga babae nanamang tumitili.

"Oh! nandito na pala kayo."

"why so cold! ganyan mo ba ko babatiin pagkatapos ng MATINDING pangungumbinsi ko kay Pierre para lang mapaaga ang pag punta dito." Niyakap ko sya ng sobrang higpit halos hindi na sya makahinga.

"ahhh... ang sweet mo naman pala." hinigpitan ko pa.

"h-hindi.. na..ko...m..ma..kah..hi,,nga." binitawan ko na sya.

"huh! namiss mo ko nang ganun katindi!"

"Yow!" nakalapit na din sakanila yung ibang myembro ng Kings.

"Musta araw mo?" tanong ni Ray.

"Yun mainit parin, ikaw ba?" tanong ko sakanya.

"mainit din kasing hot ko." binatukan naman siya ni Luigi.

"Walang sense yung sinasabi mo bro." kumento ni Luigi.

"So? at least may nasabi!" pagtatanggol ni Ray sa sarili nya.

"Oh! by the way this is Zenon Spiel and Luis." pakilala ko dun sa kausap ko kanina.

Nagtanguan lang sila. Ganun na yun?! walang HI and Hello?

Naagaw naman ang atensyon namin ng malakas na pito.

"LINE UP EVERYONE!" sabi nung mamang pumito kanina. Sinunod naman namin.

"Today, our class will not be normal because today maraming blue bloods ang makakasama nyo at makakasama rin natin sa klaseng ito si Queen Clarisse at ang kanyang fiancee" nagtilian naman ang mga estudyante.

Pero kala ko ba si King Caesar yung fiancee nya?

May limang papadating mula sa isang helicopter, ang isang babae apat na lalake. Sino kaya yun?

3rd person POV

Habang papalapit ang limang taong bagong dating ay kinakabahan si Anju, may masama syang pakiramdam sa makikita nya.

"Kala ko ba si King Caesar yung fiancee nya?" tanong ni Anju kay Zenon.

"Ang akala ko din, pero sabi magkapatid daw sila." nagtataka naman si Anju.

Habang lumalapit ang limang tao ay pasikip ng pasikip ang dibdib ni Anju. Parang gusto nyang maiyak.

"baka si Mikielo o kaya isa sa YinYang yung fiancee nya." kumbinsi nya sa sarili nya pero binigo sya nito ng makita nyang magkaholding hands si Gabriel at si Queen Clarisse. Nag-iba ang timpla ni Anju.

Nang tuluyan nang makalapit ang lima ay nagbow ang lahat sya lang ang hindi.

"Why aint you bowing?!" sabi ni Queen Clarisse. Tinignan ito ni Anju ng diretso.

"Why aint you bowing?" singlamig ng yelo ang tinig nya. Nakakatakot ang tinig na iyon ni Anju. Lahat ng nakakakilala sa kanya ay hindi pa sya nakikita o naririnig sa ganung tono.

"Are you mocking me?!" sigaw ni Queen Clarisse.

"Are you mocking me too?!" Nagsisimula nang kumulog na para bang magkakaroon ng napakalakas na bagyo.

"WHY YOU!-" tila naubos na ang pasensya ni Queen Clarisse at akmang magca-cast ng spell laban kay Anju pero pinigilan ito ni Gabriel.

"Don't." sabi ni Gabriel.

Ngumiti ng nakakaloko si Anju. "Bakit mo sya pinigilan Gabriel?" ibang iba na ang timpla ni Anju. Isa to sa pinaka iniiwasan nyang mangyari sa sarili nya. Ang emosyon na dapat ay hindi lumalabas dahil magkakaroon ng delubyo. Nanginginig na si Mikielo sa kinatatayuan nya, dahil sya mismo ay hindi pa nakikita ang gantong degree nang galit ni Anju.

"Dahil kung itinuloy nya yun ay magiging kahiyahiya sya."  Lalong nagdidilim ang kalangitan.

Natawa ng mapait si Anju.  "So , when did you two get engaged?" nakakatakot parin ang tinig ni Anju pero mas kalmado iyon kaysa kanina. Ramdam ng bawat isa ang tensyon na nagaganap.

"Ano bang pake mo!? tsaka sino ka ba?!" biglang sabi ni queen Clarisse.

"Ay oo nga pala, bat hindi ka nga pala mag bow sakin? hindi ba dapat nag ba-bow ang isang queen sa isang high queen?" sarcastikong sabi ni Anju.

"Anong sinabi mo! SINO KA BA?"

"My name is Anju." humalakhak ng nakakainsulto si queen Clarisse.

"sang mental ka ba nakatakas? Guards! hulihin nyo ang babaeng ito." itinuro ni Clarisse si Anju. Ang mga tao naman sa paligid ay walang kibo kahit na sila Mikielo dahil ayaw nilang madamay sa galit ni Anju.

Mabilis na lumapit ang mga gwardia na mga S-class wizard kay Anju.

"Seriyoso ka ba talaga?" wika ni Anju. Nanginginig na ang lahat ng tao doon. Wari namang nagagalit ang kalangitan.

"Pieri Dizolvo" Mabilis pa sa alas kwatrong naglaho ang mga gwaurdia sa hangin. Naging parang buhangin sila.

"ANONG GINAWA MO!?" sigaw ni Queen Clarisse.

"Nagdispatsa ng basura? gusto mo rin?" maladimonyong tanong ni Anju kay Clarisse. Nabalot ng takot ang paligid.

"Tamana Anju!" sigaw ni Gabriel.

"Who are you to address me like that! such lowly knight like you!" parang kulog ang sigaw ni Anju. Lahat sila ay maaaring mamatay kahit kaylan.

"don't you dare call my Fiancee like that!" dahil sa sinabi ni Clarisse ay naubos na ang pasensya ni Anju.

"Quietus!" umilaw ang gintong mata ni Anju, para itong mga diamante na kulay ginto.

"mukang wala nang patutunguhan ang pag-uusap na ito, mabuti pa ay simulan mo na ang klase." Sabi ni Anju sa kanilang Professor na nanginginig pa.

Umaliwalas naman ang panahon at naging normal ulit ang lahat, pero si Anju ay ganun pa rin, Naging cold at nakakatakot.

"s-Shall we start the obstacle." isang obstacle chores ang kailangan nilang lagpasan, kagaya din ito ng maze na ginawa nya noon  nung naging ST sya. Maraming mababangis na halimaw ang nanduon at kailangan iyong mapatay para matapos ang chores.

"Ang mananalo ay makakakuha ng isang gollem."  isang baby gollem ang magiging premyo ng mananalo. Maliit lang iyon, hanggang tuhod lang ng isang tao pero lumalaki habang tumatagal.

"Okay ka lang ba?" bulong ni Timothy kay Anju.

"oo, muntik ko na kayong mapatay lahat kanina. Mabuti nalang hindi umabot sa sukdulan ang sinasabi nung babaeng iyon, kundi malamig na bangkay o kung sasamain talaga malamang ay parte nalang kayo ngayon ng atmosphere." seryosong sabi ni Anju.

"he-he buti pala hindi. Sige dun muna ko." umalis sa tabi nya si Timothy.

Nagkatinginan naman sila ni Mikielo, agad na namutla si Mikielo sa tingin ni Anju. Hindi parin lumalamig ang ulo ni Anju, balak nyang sa mga kawawang halimaw nalang ibunton ang galit.

Anju felt betrayed, parang nung isang araw lang ay nangako si Gabriel/ Fille na papakasalan sya. Bat ngayon meron na itong ibang fiancee.

"Who wants to go first?" tanong ng Prof. Itinaas ni Anju ang kanang kamay nya.

"kill those monster as fast as you can." sabi ng prof.

"I know, wag mo kong utusan." malamig na sabi ni Anju.

"Go!" pagkasabi ng prof ay mabilis pa sa kidlat ay sumugod si Anju. Gamit nya ang 'Thana'- ang katanang may itim na talim, isa itong legendary sword at pag nagkamali ka ng wasiwas ay maaari kang mamatay at mahigop ng talim nito at dalhil sa kawalan.

Mabilis ang galaw ni Anju, halos hindi na nakikita ang kanyang galaw. Nakanganga ang lahat ng nanonood sa kanya.

Sampung sigundos ay natapos nya ang chores. Nagulat na lamang ang prof ng sumulpot si Anju sa harapan nya.

"Nasa na ang premyo ko?"

"Hindi bat may iba pang estudyanteng susubok? bakit hinihingi mo ang premyo mo gayong hindi pa naman siguradong ikaw ang panalo?" sabi ni Clarisse

"Hmm.. HAHA, dahil kapag hindi pa ko umalis dito ay hindi malabong mapatay kita. Pero kung gusto mo talagang patunayan na may mas mabilis sakin, sige maghihintay ako pero kapag wala mamamatay ka." nakakatakot na sabi ni Anju. Para bang nakikipag bargain si Clarisse sa isang tusong demonyo.

Dali-dali namang binigay ng professor nila ang baby golem dahil alam nito na walang makakatalo sa record ng dalaga.

"Mabuti ka pa nakakaintindi. Hindi katulad ng isang to." nag smirk si Anju at nawala ng parang bula.

Nagulat naman si Zenon sa paglitaw ni Anju sa harapan nya. " May pag-uusapan tayo bukas. Magkita tayo sa green house bukas ng gabi." Iyon lang ang sinabi ng dalaga at muli itong naglaho.

***

Nxt chapter. : Cold war

SINONG LALAKING READER DITO? COMMENT KAYO, KAKAIBA KASI PAG MAY LALAKING READER DAHIL SOBRANG DALANG NUN! HAHA HALOS ISANG BUWAN NANAMAN WALANG UD. SORRY WALA TALAGA AKONG MAISULAT EH.. TTT----TTT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro