Chapter twenty-four
Chapter twenty-four: ST for a Week.
Anju's POV
Monday ngayon. Pero sana Sunday parin. Inaantok pa ko. Bakit kasi ang aga ng pasok? Na fi-feel nyo bako? Bakit kasi kailangan na 8 am yung pasok? Pweydi naman 2 pm nalang, diba?
"Hoy piggy! Gumising kana! Tanghalina! Nandito na sila Elle!" kumakatok ba talaga si Gabriel sa lagay na yan? Kulang nalang baragin nya yung pintuan eh.
"OO NA!! BABA NA KO!" clearly, hindi ako morning person. Tinignan ko yung wall clock ko.
Nanlaki tuloy bigla yung mata ko! Sus maria makiling!! Alas sais pa lang ng umaga!! Alas otso pa yung pasok ko!! Ginulo ko yung buhok ko dahil sa pagka frustrate.
Bwisit na lalaking yun ah! Kala nya! Hah! Lintik lang ang walang ganti!
Bumaba na ko sa papuntang dining area. Naka robe lang ako, memeya na ko mag dadamit ng maayos pagkakain.
Kakamot-kamot pa ko ng ulo nag hihikab tapos nag tatanggal ng muta. Kamusta naman yun? Pag dilat ko nakita ko yung mga walanghiya, yung tatlong pugo (Kambal & Mikielo), pati yung lalakeng halos wasakin yung friggin door ko. Hindi man lang nila ko hinintay bago kumain?
"Sarap ng kain nyo ah." Umikot pa ako dahil puno na yung table. Nandito kasi sila Elle, pati yung kings except Pierre and Astrid. Effective pa rin pala yung gate pass nila?
"oo nga e, kain ka rin." Teka teka! Bat may meat? Bawal meat ah!
"Ay san galing to?" naupo na ko tapos tinuro ko yung bacon.
"Pinabili ni Mikielo." Sabi ni Toshi.
"Ah, diba bawal meat. Sabi ko?" tanong ko pero nakatitig kay Mikielo na kain ng kain. Nagsandok ako ng sabaw. Hot Pot yung almusal namin!! Ang saya.. tas kumuha kong maraming tokwa.
"oo nga." Patay kayo sakin mamaya. *evil laugh pero sa utak lang*
"whatever, sulitin nyo ang kain ha. Siguradong kailangan nyo yan mamaya." And my ever famous evil grin once again seen.
"what do you mean?" tanong nila Elle.
"nothing, oww.. first day nga pala ni Gabe ngayon." Ngayon ko lang napansin naka-uniform na din pala sya. Actually ako nalang yung hindi ayos ngayon.
"yeah~ maligo ka na pag tapos mong kumain, para sabay-sabay na tayo." Sabi nya.
"may ano ba talaga sainyo?" intrigerang tanong ni Elle. Kahit kaylan talaga tong babaeng to, daming napapansin.
"satingin mo?" i said in a bored tone.
"ewan? Parang may something na di ko maexplain." Sabi nya.
Di ko na sinagot, inaantok pa talaga ako.. di bale mamaya matutulog ako...... habang sila nag hihirap.. WHAHAHAHA!
"ST week na ngayon ah!! Siguradong magiging ST kayo." Sabi ko.
"oww speaking of that, pano makaka catch up si Gabriel?" tanong ni Ane kay Gabe.
"kaya nya na yan." Sabi ni Mikielo. Sabagay thunders at marami na rin sigurong experience tong si Gabriel.
"lahat ba kayo ST?" tanong ni Gabe. Nagtinginan naman sila sakin, ako lang kasi wala sa S-class or higher dito eh. Lahat sila even Gabe ay nasa S-Class.
"Eherm, never mind." Sabi ni Gabe.
"haha Ang epic nun." Sabi ko, hindi ako sarcastic jan ah.
"Seryoso bat kasi hindi ka kasali sa S-class eh mas magaling ka pa nga yata samin eh." Tanong ni Oen.
"ewan ko, baka gusto ako ilayo sainyo?" malay natin, knowing that may ano~ basta!
"bakit naman?" tanong ni Kuya.
"Ewan? Ah! Basta! Kumain kayo ng madami, mapapagod kayo. Swear!" sabi ko. Tinapos ko na yung kinakaain ko. Makaligo na nga. Pupuntahan ko pa si Ren para mag report, and maybe kung seswertihin. Hindi na ko papasok mamaya. Yis!
I leave them bago pa man sila mag tanong, maganda kasi kung surprise eh!! Haha gustong gusto ko talaga pag nasshitbrix sila.
Mga after 1 hour natapos na ko sa pag-aayos. Nakatulog kasi ako sa bath tub.
Sinuot ko na yung stockings ko na black, ayaw ko nung long socks eh masya do pa namang maikli yung palda. Nag converse nalang ako kahit bawal. Nyahaha! Badgirl.
Buti nalang talaga malamig dito kaya kahit anong outfit ay pwedydi.
Wala pa kong coat, ewan ko kung bakit. Kaya naka long sleeve na polo lang ako na pang babae tapos blue na nectie.
Kinuha ko na yung knapsack ko tas bumaba.
"Tara na." aya ni Ran nung makita nya kong nakababa na, busy kasi sila sa pag chismis.
"leggo!" aya ko.
"energetic lang te?" sabi sakin ni Elle habang naglalakad kami.
"di ah! Ni-rereserve ko pa nga tong energy ko eh." Medyo joyfull kong sabi habang palabas kami ng gate.
"talaga lang ha?" aba! Mamaya nyo pa makikita yung energetic na ako.
"teka muna bat ba kayo nandun sa bahay ng sobrang aga." Magkalapit lang kami ni Elle pati ni Ane, kaya parang magbubulungan lang kami.
"Para masaksihan yung aparisyon ni Apollo. Kyaah~ nakita nanaman namin yung oh! So! Glorious abs nya!" impit na sigaw ni Ane. Seryoso? Nakakaasar ah! May abs din naman si Ran ah?! Nakita at nahawak- este nakita ko nung biniyak yung sa may dibdib nya.
"Yieee! Uulitin namin to ulit bukas!! Nakakabusog sya promise!! Buti hindi mo sya naiisipang gapangin? Kung ako yan ginapang ko na yan eh." Binatukan ko nga.
"aray naman! Bat ba nambabatok? Selos ka ba?" isa pa to eh! Sabagay babaero kasi si Ray eh.
"he! Selos mo muka mo. Teka teka bat ba kasi si Gabe yung pinagdidiskitahan nyo? Nanjan naman si Ray at Ran ah? LQ?" sumimangot sila sa sinabi ko.
"Girl pag pinagdikit sila kay Gabe, baka mag muka silang alalay lamang." Natawa naman ako dun sa sinabi ni Elle. Exahirada? Hindi naman ah, kung tutuusin mag mumuka silang mga mag tropa eh.
Tropang maka. Makalalaglag panty.
"oo nga naman." Aba aba. Si Ane gumaganon? Alam ko faithful yan kay Ciel eh anyare na?
"ah, kaya pala.. teka lang ha." Humiwalay ako sakanila at nilapitan si Gabe na solo flight.
"Huy." Pinoke ko pa, muka kasing astronaut na naglalakad sa buwan mag isa.
"o?" bastusan ni hindi ako tinignan!
"hoy!" lakas ko pa.
"bakit ba?" hala may period.
"sungit mo! Dapat ako yung masungit kasi ginising moko ng maaga! Kaasar ka!" sinuntok ko pa sya sa 'muscular braso' nya. Ahihi :"> naexperience ko yun!! Haha Joke lang.
" tanghali na kasi." Sabi nya.
"umga pa yun para sakin! Hindi naman ako morning person na kagaya mo." Sabi ko, asar tong lalakeng to.
"ah. K." Magandang sagot. Nakakaasar sya. Sainis ko ay sinakyan ko sya sa likod.
"aish! Ano ba?! Baba nga." Asa. Ayaw ko maglakad!
"ayaw. Piggy back ride." Sabi ko. Muka kong ewan! Haha! Yan tuloy tinignan ako nila Elle tas nagbulungan. Dinilaan ko nalang. 'maingget kayo'
"baba. Ang bigat mo!" nasigaw na. may seryosong problema itu?
"bat ba ang sungit mo?" tanong ko. Nadungaw naman ako sa side nya. Kaya kung lilingon sya, siguradong magkakahalikan kami neto.
"ganto naman talaga ko ah." Sabi nya.
"weh? Di naman eh." Pangaasar ko pa.
"baba." Sabi nya.
"payn. Istop ka muna." Sabi ko. Nahinto naman sya. Yun bumaba na ko, kay Toshi na nga lang.
"Toshi~ piggy?" wala namang angal to eh. Buti pa nga to eh.
"Aish! Fine you can piggy back." Sigaw ni Gabe. Tamo to? Baka nag memenopause na.
"sabi mo yaw a mo?" tanong ko sakanya.
"okay na nga eh, ayaw pa?" tanong nya.
"payn." Sumakay nako sa likod nya.
Todo smile naman ako.. Ambango talaga netong si Gabriel. Amoy pa lang, nakakalasing na.
"Are you sniffing me?" tanong nya.
"yeah, why? Teka anong gamit mong pabango? Ambango eh." Sabi ko tas inamoy ulit sya sa may leeg. Nakakaadik lang.
"s-stop that! Ano ba! Piggy dog." Piggy dog naman ngayon.
"he! Buti nga pinupuri ka pa eh. Sama netu!" Nagiging aso na talaga ko.
"seryoso anong pabango mo? Bango talaga eh." Tanong ko.
Bumulong naman sya, hindi ko maintindihan.
"ansabe mo?" tanong ko.
"sabi ko wala akong pabango." Sabi nya.
"wala? Ano na kasi?" tanong ko
"wala nga, kulit." Weh? Ano yung built in?
"pawis?" tanong ko.
"ewan." Narating na namin yung gate ng school kaya bumaba na ako sa likod nya.
"KYAAAAA! YUNG KINGS!!" sigawan nanaman. Parang fans day talaga pag kasama ko sila kuya.
"KYYAAA!! MAY ISA PANG POGI!! BAGO BA SYA?" umangkla ko sa braso ni Gabe.
Lumungkot naman yung iba.
"ay taken."
"San ba unang klase mo?" tanong ko sakanya.
"History." Tipid talaga netong isang to.
"ay~ ede sabay kana kila Elle....pero wag kang didikit ah! Maglalaway yun baka matuluan ka. May rabbies pa naman yun. Basta ingat ka." Sabi ko.
Tiningnan nya ko na parang di makapaniwala.
"seryoso ko. Baka hilahin ka nila at rapin. Mag iingat ka. Yang mukang ganyan pa naman habulin." Sabi ko.
"ewan. Ikaw san ka?" tanong nya.
"ah, dun kay Ren. May kailangan kaming pag-usapan." Sabi ko. Nag-iba naman yung reaksyon nya.
"ikaw mag- ingat. You cant trust everyone." Seryosong sabi nya. Tinusok tusok ko nga yung tagiliran nya.
"uyyy~ selos sya. Dont worry mamaya solo mo ko. Yiieee~" asar ko sakanya.
"he! Makalayas na nga." Sungit.
"Gabe!" lumingon sya.
"ano?" tanong nya.
"Si Fille lang dapat mong pagselosan. Lam mo yan." Sabi ko sakanya.
"whatever." Sabi nya tas lumayas na.
Ako naman ay nagteleport na papuntang office ni Ren.
*Office ni Ren.*
Yung babae ulit yung sumalubong sakin, yung assistant nya ata yun.
"jan ba si Ren?" tanong ko.
"opo, may kausap lang po." Sabi nya.
"ah, sige hintayin ko nalang,"
"sige po iinform ko nalang po na nandito na kayo." Sabi nya tas tumawag sa intercom.
"maam saglit nalang daw po, mga 3 minutes." tinanguan ko nalang yung babae.
After 3 minutes may lumabas na matanda. Mukang seryoso, baka kasali sya sa council. Well, derederetso sya palabas at ako naman yung pumasok.
"WOW?" grabe! Lalong bumata yung itsura ni Ren, muka na kaming magka-age.
Nagkibit balikat sya. "Im young again?" pa-chuckle nyang sinabi yun. Ansabe! Gantong-ganto yung Ren na naging crush ko nun eh. Tae! Bat ganun? Napakaraming hot na lalake ang nakapalibot sakin?
"wow, satingin ko imbes na respetuhin ka ng mga estudyante dito ay sisigaw nalang sila, kasi muka ka nang campus crush."
Ngumisi sya sakin.
"ede sisigaw ka rin? Estudyante ka dito remember?" tricky? Ganto ba moves ni Ren? Simple pero may dating o sya lang talaga yung dahilan kung bakit may dating?
"ewan! Penge ngang strawberry milk!" sabi ko. Naupo ako dun sa sofa nya. Ang lambot ah! Sarap siguro matulog dito.
"oh, mukang inaantok ka ah." Inabot nya sakin yung strawberry milk ko na kasing laki ng chocolait.
"oo nga eh, kaasar nga ang aga akong ginising!!" sumipsip ako dun sa strawberry milk. Saglit lang at ubos ko na yun.
"woah, wala pa sa kalahati yung nainom ko, sayo ubos agad?" namamangha nyang tanong.
"ganun talaga expert eh. So, ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko.
"well, tungkol to sa magiging posisyon mo." Napalingon tuloy ako sakanya. Nakasandal sya dun sa lamesa nya.
"posisyon? Kung stress nanaman yan, wag mo nang asahan na tatanggapin ko." Inunahan ko na sya. Mashado na kong maraming gagawin.
"no,no.... let's just say it's a title pero optional kung gusto mong tumulong. You know isa kang venifious. Venifious are the original rulers, its in your blood." Seryosong sabi nya.
"No, title? Ano bang gagawin ko dun. Tsaka baka batikusin lang ako no." totoo naman eh, hindi ba kayo maiinis kung may bigla nalang susulpot at magiging mas mataas sayo ng walang kahirap-hirap?
"napag-usapan na to ng council at payag naman sila."
"half of them?" tanong ko. Knowing Pierre's mom. She will not agree to this.
"well yes. Kasali ako, atleast may support no!" natawa naman ako dun.
"yun na yun? Ayaw ko parin, tsaka ano bang posisyon yun?" tanong ko.
"ayaw mo ba talaga? Yung title nga na ibibigay sayo ay isang High Queen or Empress eh, kapantay ko. Pero madalang lang yung mga kailangan mong gawin." Wow ah! Baka pwede na kong pumetiks. More access din.
"pag-iisipan ko pa. may tatlo akong tanong." Umupo naman sya sa tabi ko.
"Ano yun?"
"Una, bat wala akong coat. Pangalawa, pwede bang makitulog dito kasi antok na antok nako. Pangatlo, pwede bang excuse ako for a week sa classes? Promise mag e-ST parin ako. Please?" tanong ko saknya.
"Una, dahil wala ka pang rank. Pangalawa, sure baka sa klase ka pa maka tulog at may mang trip pa sayo. Pangatlo, pag-isipan mo, pag naging high queen ka pwede kang excuse pag tinamad kang pumasok." Nanlaki yung mata ko dun sa huling sinabi nya.
Perfect!
"fine payag nako sa title. Napapayag moko dun ah! Pero wag nyo nang i-announce ah. Kakasura yun, dadami agad haters ko. Teka may kumot ka ba jan pati unan? Paki patay na rin yung ilaw, pwede din kung dim light." Antok na antok na talaga ko.
"hay~ fine fine, kung di lang kita mahal. Psh.. " nabulong pa sya pero narinig ko naman.
"tayo ka muna." Tumayo ako. Inayos nya yung sofa. Sofa bed naman pala yun eh. Ayos, dito na ko tatambay, bukod sa aircon na, free service pa.
"yey! Buti nalang talaga andito ka." Niyakap ko pa sya mabilis lang.
"hay~ wag mo kong sanayin, baka hindi kita mapakawalan jan. Any way mamaya andito na yung coat mo." Sabi nya. Inabutan nya ko ng dalawang unan pati kumot. Pinatay din nya yung ilaw, naging dim light nalang, tumabi din sya sakin pero malayo, malaki kasi tong sofa bed eh, kasya walo.
"seryoso? Bakit ba kasi hindi pa binibigay yung coat ko?" tanong ko.
"by ranks kasi yun eh, yung sayo di pa tukoy yung rank mo kaya di pabinibigay." Sabi nya.
"ah, ano bang itsura nun?" tanong ko, while papikit na yung mata.
"your's is color Navy blue with diamond crest. Tayo at yung mga council heads lang yung may diamond crest. It's a symbol of authority you know." Sabi nya, naglalaro sya ngayon ng flappy birds.
Naks! Bumabagets ah.
"Ren, gisingin mo ko mga tatlong oras after, tas dertso na ko sa klase ko." Sabi ko, nakapikit na yung mata ko.
"sure, mamaya dadating narin yung coat mo." Sabi nya
"di ba tayo ma-chismis neto?" tanong ko.
"di yan. Nga pala, magiging ST din ako." Sabi nya.
"san naman? Di kanaman estudyante eh." Sabi ko.
"partners tayo mamaya." Seryoso ba talaga to? Mukang babakuran nako neto ha.
"talaga? Binabakuran mo ba ko?" nakapikit nako at simula nang hinihila ng antok.
"nagbabakasakali lang, alam ko namang kahit bakuran kita kung sya parin ang nasa puso mo wala akong magagawa eh." Medyo lumungkot yung boses nya. I feel sorry for him, mabait syang tao, gentle man pa!
"Ren, salamat ha. Kahit hindi ko man maibalik yang pagmamahal mo...salamat parin." Sabi ko.
"wala yun, pag nagmahal, nagmahal."sabi nya at tuloyan nakong nakatulog.
*after 3 hours~*
"Anju! Gising na...." may tumatapik sa braso ko.
"gising na uy~" anebey! Naantok pa ko eh.
Minulat ko yung mata ko. Nakakasilaw naman.
"Anebe? Bat ang liwanag?" groggy pa ko eh.
"gising na, baka malate pa tayo. S-classes pa naman yung unang tuturuan mo." Nga pala ST ako at nakitulog ako sa office ni Ren na headmaster ng school na to.
"oo nga pala. Pahilamos nga muna." Sabi ko. Kinusot ko pa yung mata ko. Antok na antok talaga ko kanina.
"oh, jan yun CR." Inabutan nya ko ng towel tapos tinuro yung pintong kulay Blue.
Naghilamos nako dun. Nga pala! Papalit na rin ako ng damit.
"REN! PAABOT NG BAG KO!" sigaw ko sanya. Nagsasabon pa kasi ako ng muka.
"O, una na ko sa field ah. 5 mins late na tayo eh." Siguro kanina pa nya ko ginigising. Napasarap lang talaga yung tulog ko.
"teka, teka asan coat ko? Sabi mo dadating na yun?" tanong ko.
"jan na sa sofa ko, pati yung pin mo kasama na din." Sabi nya.
"ge, hahabol na lang ako." Sigaw ko sakanya, nakasarado na kasi yung banyo.
Nagbanlaw nako ng peslak ko tapos nag palit ng sandong black yung baon ko, madudumihan kasi yung polong puti ko. Malulukot pa, tsaka papawisan lang ako kung naka longsleeve ako sa field. Naka PE uniform naman mga students ngayon eh. Kami walang required na uniform, tsaka malakas ang kapit ko sa Head Master aka Ren. HAHAHA
Pinusod ko din yung buhok ko. Pagkatapos nun ay lumabas na ko. May nakita akong astig na Coat dun sa sofa. Naka plastic pa sya tas may maliit na kahon na katabi at may card.
'To Ms. Annessa Juno Venifious Warlock Caelestis.
For the magic realm's new High Queen of the Rulers.
-Council'
Woah! Cool, yun yung title ko? High Queen of the rulers? Parang panukat lang no? meron din kayang high queen of the protrctors? Pencil? T-square? Triangle?
Tinignan ko nanaman yung ow sow owsom coat ko. Astig! Ako lang yata may ganto sa campus eh.
Imbanes talaga ako! Kulay navy blue nga sya kagaya ng sinabi ni Ren, tapos may pocket sa may dibdib sa baba nun ay dun yata nilalagay yung pin. Meron din syang crest ng Venifius at yung logo ng Selfeide academy. May outline din syang kulay black.
Kinuha ko yung maliit na box, may tatlong pin dun. Yung isa Star na mukang platinum, yung dalawa naman ay yung sinasabi yata ni Ren na diamond. Star yung shape nun pero diamond sya, magkaiba ng kulay yun. Yung parang dalawang kulay ng mata ko. Ganun.
May note palang iniwan si Ren. Sabi dun ilagay ko daw yung mga pin sa coat. So nilagay ko nga.
Susuotin ko nga papunta dun. Tinupi ko yung polo ko tapos inilagay ko sa bag para wag malukot.
Lumabas nako dun sa office ni Ren, naririnig ko na yung tilian sa baba. Mukang umpisa na ah, malas natapat pa sa break ng mga estudyante, napakarami tuloy audience.
"WAHHHH! KINGS!! KINGS!!" chant ng mga tao especially the females and yung pusong babae.
Dapat pala nag boots ako ngayon. Psh...nasa locker ko nga pala. Makuha nga muna.
Habang dumadaan ako sa hallway, yung mga estudyante nag bubulungan.
"hoy, look oh. Dalawa yung diamond nya.. pero hindi ko sya kilala." Sabi nung babae.
"baka fake lang yan, pauso." Fake daw? Baka. Hay nako.
Binilisan ko nalang yung pag lakad ko papuntang locker at nagpalit na ng boots.
Nagteleport nalang ako papuntang field.
Naabutan kong nag bi-brief na si Ren. I mean nag- iintroduction na sya. Malaswa yung brief na yan.
Aba! May ibang hindi nakikinig. Tinandaan ko nga yung pag mumuka nila. Patay kayo mamaya.
"Nandito na pala yung partner ko." Tinawag ako ni Ren na pumunta sa harapan.
Kumaway naman sila Elle. Diko nga pinansin. Talo-talo muna, walang kai-kaibigan.
"Hi, Call me Master Anju. Talo-talo muna, pasensyahan tayo... sana nakapagpahinga kayo ng maayos..iiyak kayo ng dugo mamaya sigurado ko." Napalunok naman sila dun. Seryoso kasi yung aura ko eh.
"WHY HER? HINDI NAMAN SYA QULIFIED NA MAGING ST SA COMBAT SPECIALLY NAMIN." Sigaw ng isang babaeng may paglalagyan mamaya.
"oh, want some proof?" expected ko na din naman na may mga gantuhan eh.
"oh by the way, she is titled as High Queen of the rulers, In ancient terms. She's higher than me, direct descendant of Queen Skye." Sabi ni Ren. Langya to binunyag pa! gusto ko nga low profile eh.
Nakanganga tuloy silang lahat except kay Gabe dahil gumaya din sa Mikielo. Nagiging OA na talaga tong Kiel na to.
"Bat sinabi pa? any way, i'll show you why he picked me to your ST."
Lumayo ako sakanila dun sa may bandang gitna na rin yun eh. Dami pala talagang tao.
" Cancellus." Nag lagay muna ko ng barrier.
Nakalimutan kong tanggalin yung bagong coat ko. Nag teleport ako dun sa harap ni Ren,
"pahawak. Kokotongan kita pag nadumihan yan." Sabi ko pero pabiro lang.
Nakasando lang tuloy ako. Nagteleport nako pabalik sakaninang pwesto ko.
"orion's bow." Remember index? Nandun yung mga gamit na hindi natatagpuan sa mundo. Naka seal kasi yun sa index.
"Open." Nagbukas yung isang portal na puro halimaw yung lumalabas. Maraming natakot, pero ako keri lang.
Sinimulan ko na silang atakihin ng mabilis, speed of light na yung speed ko. Ewan ko lang kung nakikita pa nila ko. Yung huling shot ko ng arrow ay dun sa malaking halimaw. Dun sigurado kong nakikita nanila ko kasi naka steady lang naman na ako nun eh.
Yun yung pinakamalaki so yun din yung may pinaka malakas na atakeng pinakawalan ko. Sumabog yung halimaw. Buti nalang di ako natalsikan, kadiri kaya.
Sumarado na ring yung portal. Portal yun ng mga R-class monsters. O yung extremely dangerous creature. Yung mga creature na lumabas nung second great wizard war.
Nagteleport ako papalapit sakanila. Naka nganga silang lahat, wala nang exception. Haha, napanganga ko rin si Gabriel!! HORAY!
"so is that enough proof?" naka nganga parin sila.
"Oriaon's bow? Wow!" sabi ni Ran.
Ay oo nga pala di ko papala na ibabalik.
"Kala ko myth lang yung bow na yan." Sabi nya.
"di ah, nakatago lang talaga sa lugar na hindi lahat ay kaya itong makita." Sabi ko. Hinigop na ulit yung bow ng katawan ko.
"Any more objections? Violent reactions?" tanong ko. May nagtaas naman ng kamay. Inacknowledge ko yun.
"uhm, bukod po sa Orion's bow ano pa yung mga weapon nyo?" ano pa nga ba? Madami yun eh. Yung iba hindi ko pa nagagamit.
"madami, ung centourian Axe, gandalfr, basta kung anong nabasa nyo sa history book nyo, yun na yun." Sabi ko.
May nagtaas ulit ng kamay. Pinaunlakan ko ulit.
"so nasayo rin yung Katana na Itim?" yung katanang may itim na talim? Delikado yung gamitin eh, minsan ko lang ginagamit. Pag hiniwa kakasi nun, automatic na madadala yung parte ng katawan mo sa ibang dimension.
"ah, yung Thana. Oo." Napa O naman yung muka nya.
"is there a chance na makita namin yun?" tanong nung isa pang lalake. Mukang lahat dito ay royals.
"ewan, baka, baka hindi. Teka nga! Mag simula na tayo. Warm up muna! Team- up by two's tapos mag warm up kayo ng partners nyo. Ihahanda ko muna yung obstacle course." Sabi ko.
"Ren kaw muna mag bantay ah." Sabi ko,
"gagawin mo lang pala kong assistant." Naka pout pa sya.
"ayaw pa? atleast maganda yung boss mo." Tulak ko sakanya dun sa mga estudyante.
"fine fine." Sabi nya tas sinundan na yung mga students dun sa isang side na nag wawarm up.
Isang maze yung ginawa ko. Paunahan sila maka punta sa gitna at makuha yung flag dun. Syempre may mga susulpot na surprise dun. Hindi naman mahirap talunin, sakto lang.
Nang matapos silang mag warm-up pinapila ko sila.
"yung mga partners nyo kanina, yun yung magiging partners nyo for this week. Grab the weapons of your choice. Pwede gamitin kahit anong spells na hindi lethal.kung may mamatay man, bahala kayo. Matanda na kayo." Sabi ko. May mga umangal naman. Kesho bat daw ganun.
"Nagrereklamo? Kala ko ba S-class kayo? Ibig sabihin malalakas kayo. Hindi naman siguro kayo t@nga para papatay nalang diba?" medyo nachalenge sila dun.
"Ano bang makukuha namin sa gagawin naming activity for this week." Ani nga ba?
"yung natutunan nyo shempre. Pero since mga Brat kayo kaylangan laging may kapalit. Yung team na mananalo ay makakatanggap ng free pass papuntang langit ora mismo." Sabi ko pero syempre joke lang yun.
"yung totoo na," sabi ni Elle
"well kung deserve nyo talaga, ibibigay ko sainyo yung spirit weapon. Parang orion's bow din yun. Depende den sa gumagamit ang lakas nun, kung weak ka, weak din sya...pero ang kagandahan dito ay pwede nyong gayahin si Erza ng fairy tale, pwede kahit anong weapon." Ipinakita ko pa sakanila yung sinasabi ko. Actually ito yung unang weapon na ako talaga yung gumawa.
"WOW! Teka elemental din ba yan? Tsaka dalawa yung taong mananalo diba? Bat isa lang yan?" tanong ni Ray.
"oo, oo, isa lang kasi hindi dalawa." Sabi ko. Seryoso ko dun,
"dalawa nga yung mananalo eh bat isa lang yan?" tanong nya ulit. Napakamot pa ng ulo.
"isa lang kasi yung user kaya isa lang! anu bah!" sigaw ko sakanya.
"ay ganun pala, wag highblood. He-he." Napakamot pa sya ng batok.
"Sampol nga po." Ang hilig nila sa sampol ah. Tinary ko nga yung bow, itinira ko dun sa may gubat. Isang arrow lang yun pero nung malapit na sa target ay naging lima. Yun yung limang iba-ibang element. Kaya ko kasing kontrolin yung lima diba?
"wow! Im gonna win this! Ang cool ng prize!" sabi nila. Good luck nalang sainyo.
"wag kayo mashadong mamangha, di ibigsabihin na ganun kalakas din ang epekto pag kayo ang gumamit. Tandaan nyo nasainyo den kung kaano kalakas yung tira ng bow nato." Sinabi ko na yun pero nakinang parin yung mata nila.
"hay~ useless den. Let's start!" high hopes results a broken heart. Asa silang makukuha nila yung spirit weapon ng ganun kadali. Kakain muna sila ng lupa, iiyak ng dugo, at mababalian kung ano man ang dpat mabali para lang makuha ang weapon na to, actually nag seself destruct tong weapon na to pag sa evil ginamit, kaya safe parin.
Sigurado kong pagtapos ng araw na to ay hindi na nila gugustuhing bumangon sa kama.
Terror prof mode. *EVIL LAUGH* WHAHAHAHAHA!
~+~
Okay alam kong late yung UD ko. Kasalanan ni Kai pati ni Kris, damay nyo narin si Chanyeol at Sehun.
Kung ano-ano nalang tuloy nasulat ko, medyo tigang utak ko. Medyo lame tong UD haha.
Bat kaya ganun Pbb ngayon? Ka walang gana panoorin, kung all-in yun bat walang joke yung pagmumuka? Walang dukha? Mga rich kid! Puro maganda lahi. Kaasar panoorin. -_- puro susyal nasaloob.. wala man lang pang masa.bwesit. Hahahaha! May pinaglalaban ?
Basta badtrip ako ngayon. :\
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro