chapter twenty-five
Chapter Twenty-five
"AHHHHH!" Tili ng babae. What a marshmallow. Jacob Black yung line na yun! Hahaha! Enjoy nga sila sa loob eh. Nag handa na ko ng Strepcile kung sakaling may sumakit yung lalamunan kakasigaw. Girl scout yata to!
"Sadist!" puna ni Ren sakin. Inirapan ko lang sya, nandito kami sa tapat ng exit ng maze, umiinom ako ng buko juice. Nag set-up din ako ng malaking umbrella at may upuan pa na parang sa beach lang.
"what a nice day!" inat ko pa. sinuot ko yung shades ko. Sarap talaga ng ganto, chill chill lang habang sila ay halos ilabas na lahat ng organ kakasigaw. HAHAHA! Mag sisisi kayong nabuhay pa sa mundo pag naging Prof nyo ko! *EVIL LAUGH*
Napailing nalang si Ren at sumipsip din ng buko juice nya tapos sumandal sa upuan.
"nandun si Astrid diba?" tanong ko sakanya.
"yeah, lagot ako neto kay Raven." Pailing iling na sabi nya.
"Psh. Konting hirap, sumbong agad? Spoiled?" tanong ko.
"What do you expect. Only child eh, babae pa." sabi nya.
"sabagay, may mga events pa ba this coming months?" tanong ko.
"oo, yung annual competitions ng mga Academy sa Magic realm." Astig! May ganun na? exciting naman nun.
"Eh ano bang ginagawa dun?" tanong ko. May tummili nanaman, si Elle yata yun eh.
"Competitions, Potion contest, sports fest, mga booths. Basta masaya." San banda yung masaya dun?
"boring naman palayun eh." Sumipsip ulit ako ng buko.
"I dont think so. May mga magugustuhan ka din dun, lalo na yung hunting." Sabi nya. Nabuhayan naman ako ng dugo dun.
"hunting? Like what?" tanong ko, baka yung pang bata lang yun.
"you'll go inside the Serrania Forest, where wild creatures lurk. Tas paramihan ma hunt, kung malakas na halimaw yung mahunt mo mas mataas yung points." Im totally gonna join that.
"kaso lang puro boys lang yung allowed, i mean you could really die inside that forest." Sabi nya.
Boys? Deskriminasyon ba ito?
"bat boys lang! pwede naman siguro ako sumali diba HEAD MASTER?" I emphasize the word Headmaster kasi alam kong kaya nyang gawan ng paaraan yun.
"Baka? Well I dont know about your case. Babae ka nga pero mas brusko pa sa lalake." Hinampas ko nga sya ng malakas.
"aww! See?" inirapan ko lang sya.
Tinignan ko yung stop watch. Dalawang oras na pala sila sa loob ng maze, 2 and 30 mins lang yung nakalaan sa subject ko. Hay! Nakakabored talaga.
"Dalawang oras na pala sila saloob. Ang bagal naman nila. Ka sura." Bored kong sabi.
"hah! Hindi kasi lahat kasing galing mo." Hay~ kasura yung nag salita. Sino ba yun?
"Oh! Ms. Valier ikaw pala." Napatingin ako sa likod ko. What? Another bitch? Nag react sya sa biatch radar ko eh..Hinead to toe ko sya. Sexy, maputi, mahaba yung buhok, malusog ang future, mukang maamo in short she's hot...dog. hahaha!! May gusto to kay Ren promise! The way she looks at him. Pweydi!
"Anju I want you to meet Ms. Valier, Ms. Valier si Ms. Warlock ay este Caelestis pala." Inabot ko yung kamay ko pero hindi nya tinanggap. Walang manners? Inirapan lang nya ko.
"clearly may gusto sya sayo Ren. HAHAHA! Wag ka kasing dikit ng dikit sakin. Dumadami lalo haters ko eh." Namula naman si Ms. Valier. Gotcha!
"w-what are you saying!" nag stutter pa. strike two! Confiiiiremed!
"Just kidding, bat totoo ba? I joke a lot. HAHAHA!" inosente kong sabi. Kala mo ha, Ako pa?
"Psh. Bitch." Bulong nya na narinig naman.
"EHERM what do you need Ms. Valier?" basag ni Ren. Intense na kasi yung atmosphere ni Ms. Valier. Haha sya lang naman eh. Chill chill nga lang ako eh.
"Hmmp... pinapasabi lang na may meeting mamaya ang faculty kasama ang mga ST." sabi nya, hindi sya makatingin ng maayos kay Ren.
"ah, sige sabay nalang kami ni Anju mamaya." Sabi ni Ren na ikinataas ng kilay ni Ms. Valier.
"No! mauna na kayo, besides matatapos nadin naman to at wala ka nang gagawin. Go ahead." Sabi ko.
"No, I insist. Sabay na tayo." Ang kulit!
"di na nga kayo nalang." Sabi ko.
"no sabay nga tayo." -_- leshe ang kulit.
"kayo nalang diba Ms. Valier?" napatingin sya sakin. Nakatitig kasi sya kay Ren eh.
"A-ah bahala si Mr. Paradeux."nahihiya nyang sabi.
" sabay na kasi tayo, tsaka may mga ST den sa klaseng to." I surrender sa kakulitan ni Ren.
"psh, ewan. Matapos na nga." Pinababa ko na yung mga pader ng Maze. Seryoso yung iba gumagapang na. HAHAHA! Ang saya, kami nag chichill lang dito eh.
"WELL DONE! WALANG NAKALABAS NG MAZE! AT DAHIL JAN MUKANG EXTENSIVE TRAINING ANG KAILANGAN NYO!" sigaw ko dahil malayo sila.
Wala na silang lakas para mag reklamo. Haha, bagsak na nga eh. Kala ko pa naman makakalabas sila, kahit si Mikielo or yung kambal okaya si Gabriel.
"LINE UP." Sabi ko. Ang bagal nila seryoso.
"MAHULING PUMILA AY BIBIGYAN KO NG PARUSA. 5..4...3....3....3...3...2....1" buti nalang medyo naging sirang plaka ko. Haha... nakapila silang lahat at mukang pinag trabaho sila ng overnight walang pahinga. Ganun ba kahirap yun para sakanila? Psh.
"Sinong mga ST dito? Move one step forward." Tanong ko. Isa, dalawa..marami sila.
"Ren, patawag ka nga ng Medics para dun sa ibang estudyante." Sabi ko.
"alright. Muka silang lantang gulay lahat." Sabi nya. Well tama naman eh.
"hindi ba sya ma ban? Grabe na yung ginawa nya sa mga students, hindi ba labag na yan sa Law?"
Tanong ni Ms. Valier.
"Well, para matuto sila. Hindi naman pwede yung palaging pa chill chill lang sila diba? Pano kung nagka gera bigla? Anong alam nila?" tanong ko sankanya.
"pano magkakagera eh ang ayos ayos nga mg Magic realm eh." Gosh this girls doesn't know how to shut up.
"Everything is possible. You don't know what will happen next. You see, this Realm is unpredictable." Seryoso kong sabi.
"how could you say so? Magagaling ang leaders ng Realm." Ayaw nya talagang magpaawat.
"You know, I know better than you." Sabi ko sakanya.
"Im a professor! How could you say that!?" nainsulto yata.
Bumaling ako sakanya. " I Know many things you dont know, and if I tell you, you would not understand anyway." Sabi ko sakanya. Nagtangis naman yung bangang nya dun.
"what?! Are you saying that im stupid?!" when did I say that.
"wala akong sinasabing ganyan." Sabi ko
"pero yun yung pinupunto mo eh!" sabi nya.
"Assuming?" sabi ko. Nakakapikon na.
"AKO PA ASSUMING?!" nasigaw na sya.
"You wouldn't like to piss me, so just shut up." Seryoso kong sabi.
" Erin, tama na. Masama yang magalit." Sabi ni Ren.
"Why?! Are you taking sides here? Mas pinapaboran mo sya?! Estudyanteng binabastos ang isang prof. Bakit ba parang kilalang kilala nyo na ang isat-isa." Tanong nya. Eh! Kilalang kilala na talaga namin ang isat isa eh! Isang milenyo na kaya kaming magkakilala! Hmmp! Sabi ko sa isip ko.
" okay, calm down. Una, im not taking side here. It just happen na pareho kami ng pananaw, pangalawa we know each other..medyo matagal na okay. Calm down geez!" frustrated pero kalmadong sabi ni Ren.
"Psh, deal with her. No wonder ganto ang ugali ng mga studyante ngayon. Dun lang ako sa mga students at baka topakin ako lalo dito." Pumunta nako dun sa mga students.
Nakatayo sila at waring may iniindang kanya-kanyang sakit.
"Hold hands, pa-circle tayo." Nag hawak-hawak kami ng kamay.
"now sing hawak kamay by Yeng Constantino." Seryoso kong sabi. Yung iba nagreact pero yung iba ginawa agad kasi seryoso ako.
"Hawak kamay di kita iiwan sa paglakbay, dito sa mundong walang katiyakan. Hawak kamay~" kanta nila. Hahahaha!!
"Ayusin nyo! Ikaw sintunado ka. Ikaw itaas mo pa ng Key! Para mag blend! Hay! Magaling pa yung chipmunks sainyo eh!" kinanta namin yung tapos nag sway sway pa kami. HAHAHA! Ang sarap nilang pagtripan! Nasunod kasi sila! hahahahaXD Epic!
Nang matapos yung kanta ay hindi ko napigilang humagalpak! Isipin nyo napakanta ko si Ran, Gabe, at Toshi! Ang mga tuod! HAHAHAHA XD "The Tuod Trio." Hahahaha epic sheep~ hindi ko kinakaya to.. mga limang minutong pagpakalma ko sa sarili ko. Pigil pa yun ah! Ang hirap kaya mag pigil ng tawa.
"Para san ba yung pagkanta namin?" tanong ng isang student.
"ha? Yun ba? Pang pa GV, na bwiset kasi ako dun sa Ms. Valier na yun eh, hayaan nyo worth it naman eh....hagalpak ako sa Tuod Trio. HAHAHAHAHA XD" lumabas na ata ngalangala ko sa pag tawa eh. Mga tatlong minuto din akong tumawa tas napigil ko ulit.
"Aish~ okay, okay seryoso na nga. Hawak kamay ulit tayo." Yung iba hindi pumayag espesyali yung tatlong tuod! Nadala ata eh. Haha.
"AY! Seryoso na ko! Di ko na nga kayo papagtripan eh!!" sabi ko. Humawak naman ulit sila.
" Clear waters of evergreen, Calm mountais of Sierra, divine well of the moon. Give me thy water to heal thy wounds." May tubig na umagos sa paa ko paakyat sa mga kamay ko. Bumitaw ako sa kahawak ko at kumuha ng swiss knife tapos hiniwa ko yung dalawang pulso ko. Napasigaw naman si Kuya.
"What are you doing!?" hysterical nyang sabi. Tinignan ko sya.
"calm down, it is a part of the ritual." Sabi ko.
Pumasok sa pulso ko yung tubig tapos lumabas sa kabila. This is a secret way of healing, my blood will make the effect of water at its extent. It could even heal anything. Name it. It is a venifious way of healing. Only the head of the family can do it.
Umagos sa kanila yung tubig.
"feel better?" tanong ko sakanila.
"Woah! Parang ang gaan ng pakiramdam ko!" sabi ni Ray. Nagtatalon pa.
"hay! Pati ba naman sa ganto magaling ka!? Nakaka down ka naman!" sabi ni Luigi.
"haha, wanna train with me?" tanong ko. Nag liwanag naman yung muka nya, parang MERALCO may liwanag ang buhay.
"SURE?!" sabi nya. Nanlaki pa yung mata.
"haha joke lang naman, sineryoso?" sumimangot naman sya.
"kala ko pa naman! Psh paasa." Sabi nya.
"ako pa? turuan kita pag nakita ko nang inamin mo yun." Ayaw pa kasi nyang aminin na may 'something' sila ni Oen.
"anong yun?" nagtatakang sagot nya.
"ay ewan! Your so Dense! Para kang tubig sa dead sea! So DENSE!" nilayasan ko sya.
"MGA ST! MAY MEETING DAW!! YUNG HINDI ST DISMISSED NA KAYO O KAYA PA CHECK UP PA KAYO SA MGA MEDIC NA DARATING!" sigaw ko.
Lumapit ako kila Ren. Medyo kumalma naman yung Erin ba yun basta si Ms. Valier.
"Tara na. sa faculty office ba?" tanong ko.
"oo-" nag teleport nako. Ayaw kong kasabay yung Valier na yun, nakaka BV. Napagtripan ko pa tuloy yung TUOD TRIO haha!!
Mga ilang sigundo lang at dumating na din sila Ren pati yung iba. "Nang-iiwan ka." Sabi sakin ni Ren tas inabot yung coat ko. Naiwawan ko pala. "psh" yun lang yung naisagot ko.
Pumasok na kami sa loob, bago ka makarating sa conference room ay dadaan ka muna sa office ng mga teacher dun.
Malaki yung conference room. Isang mahabang lamesa yun na kasya 30 na katao.
May mga pumasok dun, sa palagay ko ay mga faculty staff. Sa dulo umupo si Ren tas ako sa tabi nya.
Umupo na din yung iba, katabi ko sa kabila ay si Gabe, ewan ko kung pano sya napunta jan. Kanina nandun sya sa dulo eh.
"Good Day everyone!" masiglang bati nung Babaeng mga nasa 50's na.
Tumango naman kami. Tumikhim si Ren."O.. I forgot, may mga new students pala. Im Principal Kim. I teach Spells about many years ago. HO-HO-HO!" Parang si Mrs. Clause, Ang light ng aura nya.
"So, Nagpatawag ako ng meeting kasi gusto ko sanang isama nyo sa lesson plan nyo yung pag kokondisyon sa mga students para sa Annual Academic competiotions. Yung mga teachers and instructors naman, guide the students. Mag tulungan kayo para mabawi na natin yung mga titles natin!" Well she's quite competitive? Mukang kailangan ko talagang tutukan yung mga students ah!
"Um.. by the way, STs cannot join the competitions." Napanganga ako dun! Asar ! bat ganown? Im Looking forward pa naman!
Nag taas ako ng kamay. " yes?" Kailangan ko talagang makasali no matter what!
"Talaga po bang hindi pwedeng sumali yung mga ST?" i asked, still hoping.
"yes, Ms?" Ay, di papala ako kilala.
"Ms. Caelestis po."
"OH! Ms. Caelestis, It's a pleasure to meet you!" nagkikinang yung mata nya. Parang diamond.
"likewise po. Pero tungkol po dun sa tinanong ko, talaga bang hindi pwede? Is that your final answer?" kailangan ko talagang sumali! Para san pa at naging si Anju ako kung di rin naman pala ko papasalihin.
"Sorry hindi talaga pwede eh. Im sorry sweetie." Bagsak ang balikat ko at nagsimula na mag senti.
"Teachers and instructors you can go to your STs for their consultation." Sabi ni Principal Kim.
Lahat sila ay nag-uusap-usap na ako lang yung hindi pa nilalapitan ng Instructor na nakaasign para sa combat.
"huy~" sinundot sundot pa yung tagiliran ko kaya napalingon ako.
"Oh?" si Ren lang pala.
"Wag ka na ma-depress. Bawiin mo nalang sa pagtuturo yung excitement mo." Pangungumbinsi nya sakin.
"Ede namatay yung mga students na tinuturuan ko. Haaaaay~" I sighted. Eto yung nakakaasar eh, yung ni lu-look forward mo yung isang bagay tas hindi naman pala makukuha.
"okay lang yan, may annual spell demonstration pa naman tong school eh. Kung sino mananalo dun, sya yung magiging exchange students papuntang ibang school." Kung ako isasali jan baka isang linggo na hindi pa ko tapos eh. Hindi ba nila alam na nasa index lahat ng spell? Kahit dark spells pa nga eh. Duh! Kaya nga index dahil nandito lahat. As in ALL IN.
"seryoso ka? Alam mo naman kung ano yung index diba?" bored kong tanong sakanya.
"oo, anu naman?" tanong nya.
"anong ano naman? Kulang isang linggo bago ko lahat na cast yun, tsaka wasak na tong mundo pag nacast ko lahat yun." Nahagip ng mata ko si Erin aka Ms. Valier. Ang sama ng tingin sakin. Nginisian ko nalang sya bago pa ko mabadtrip ng tuluyan.
"May nakatakdang oras lang naman eh. Tsaka pag naging exchange student ka, tiyak na mas maginging masaya yun." Sabi nya.
"k. fine, ill see. Teka nga bat wala pa yung Instructor ng Combat? Ka-sura naman." Sumandal ako sa upuan since parang swivel chair yun.
"ako yung instructor sa combat." Sabi nya. Talaga? Weh?
"Weh." I said, hindi ako makapaniwala. How can he manage all of this? Ang dami nyang posisyon.
"oo nga. Ngayon i-aanouce ko sa Faculty yung title mo, shh..it's a big deal." Nakakainis talaga yung panahon ngayon. Naging masyadong importante yung titles! Ano ba ko libro?
"Whatever." Inikot ikot ko yung chair ko. Napailing nalang si Ren. Foul talaga yun mood ko ngayon, nakakaasar talaga kasi yang Ms. Valier na yan eh.
Pag katapos nung meeting ng ST at ng mga Instructors, tumayo si Ren sa harap kaya nakuha nya yung atensyon ng mga tao dun at napaupo ulit.
"I have a special announcement to make." Seryosong sabi ni Ren, Nakakaintimidate talaga sya pag ganyang seryoso sya. Parang prof na tinitingala ng lahat.
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa silid.
"today, Ms. Caelestis is formally a member of Royal Elite Society." Na-announce na to kanina ni Ren nung klase namin pero shock parin sila. Kala siguro nila tripping lang ni Ren yun para matakot yung mga students.
"What? Pano nangyare yun?! Does the council approved?" epal nanaman pu. KSP talaga to kay Ren.
"Yes. As all of you know, the oath taking is usually done in a ball or an assembly with many people. But Ms. Caelestis requested to me that instead of doing that with many people, she'll do it here at this very moment." Tahimik nanaman. Di na nakapalag si Erin eh.
"Shall we start the oath taking ceremony?" sabi ni Ren.
Pumitik yung mga daliri nya tapos may pumasok dun sa room na mga taga-council tapos may mga dala sila na gagamitin yata sa ceremony.
May nakita akong scripture, knife, lalagyan na mukang platito pero malalim tapos pluma-yung parang kay Rizal ganun.
"Paki patong yung kamay mo dun sa scripture." Bulong sakin ni Ren. Tinignan ko yung sinasabi nyang scripture. Mukang safe naman sya.
"please repeat after me, I (state your name)"
"I Annessa Juno Warlock Venifious Caelestis."
"will serve the Magic realm as the 'High Queen of Rulers' second highest to the High King Caesar" sino naman yung high king caesar? May narinig akong pag-singhap, diko expected na ganun kataas yung posisyon na gagampanan ko.
Inulit ko yung sinabi nya.
"I Swear in the name of my ancestors (please state the name of your father and mother)" pusha! Kaylangan pa ba yan? Ako nga di ko kilala dati sila eh, well di ko pa na mi-meet pero kilala ko na. Teka si mom and dad nalang kaya.
" huy! Ren, kailangan ba yung tunay? Baka mahimatay kayo?" Bulong ko sakanya. Pwede ko naman talagang sabihin eh, malamang matutuwa pa yung Daddeh ko. Dun yata ako nag mana ng kabaliwan eh.
Nag tataka si Ren sa sinabi ko. Bat ba kasi palagi silang na gugulat, kahit di ko sadya silang gulatin. Sabagay mas okay yun kaysa ako yung nagugulat.
"kilala mo ba? Kung kilala mo sure, kung hindi wag ka nalang magsalita kasi bawal mag sinungalaing eh." Sige na nga! Asar!
"sige sasabihin ko kung sino talaga pero wag kayong magtatanong kung bakit ha! Kokotongan kita." Bulong ko ulit sakanya. Tumikhim yung ibang nandun kasi para kaming nag-tsitsismisan.
"I Swear in the name of my Ancestors. To my mother, Dominatrix Skye I, 7th High Queen of House of Venifious. To my father, dei, ruler of heavens." Nakatitig lang sakin si Ren. Parang di makapaniwala.
Tumikhim ako pero wa epek.
"Ren! Ano na? sunod." Bumulong ako.
"I as a ruler, I will do my best to bring peace, serve the people and be a model and a good influence of Magic Realm with all honesty. Please help me god." Ginaya ko rin yung sinabi nya.
Umilaw yung papel at halos mahimatay na yung ibang saksi, kahit na si Ren.
"b-blood compact, as a sign of alliance." Sabi nya, hiniwa nya yung palad nya tapos sinalo nya dun sa Platitong malalim yung dugo.
"Can I use my own knife?" tanong ko. No offence pero nag-iingat lang ako.
"Please do as you wish Your majaesty." Kala ko nga luluhod pa sya eh.
"Culter." Lumabas sa kamay ko yung knife na ginamit pa ng mga ninuno ko, including my sister Queen Skye II.
Ginaya ko yung ginawa ni Ren. Na-shock ako kasi imba yung kulay ng dugo ko. Kulay Red na parang may halo ng maliliit na Dyamante kasi kumikislap ito.
"Please write your name to the script. " sabi ni Ren. Sya din nagsulat pagakatapos ko.
Napatingin ako dun sa sugat ko kanina, nag hilom na yun agad. Too much for being an immortal.
"By the power vested in me, I now pronounce you High Queen Anju!" tas may wine na biglang pumutok.
Si Ray pala. Party party na?
Umalis na yung taga-council at naiwan nalang kaming mga STs pati yung Faculty kasali si Ren.
Umupo ako dun sa may gitna kasi hinila nila ko.
"Congrats Your majesty!" loko-loko tong si Mikielo.
Ang gulo na nung mga hyper. Si Mikielo, si Shio, si Ray, si Kuya, at si Luigi.
Nilapitan ako nung mga faculty including Ren at yung mga tropa ko sila Elle.
"How did that happen?" tanong nila.
"im half-half, obviously. Muka ba kong nag bibiro kanina?" tanong ko.
"oo nga pero mahirap paniwalaan yun." Sabi ni Erin.
"HAY!~ bahala kayo kung maniniwala kayo o hindi! Asar! Tsaka kung hindi totoo yun ede sana hindi gumana yung ceremony?" sabi ko. Eto lang yung nakaka-asar eh.
"sabagay, pero this is surreal parin." Surreal surreal! Ewan ko.
"I know! Ako rin naman hindi makapaniwala dati eh, tsaka may mga bagay talagang hindi ko pwede sabihin sainyo." Sabi ko.
"bakit?" tanong ni Erin.
"hay! Hindi nga kasi pwede godly matters!" sabi ko.
"dami namang alam! With all honesty nga diba!" sabi ni Erin.
"You better shut up, kanina ka pa eh. Bago ko mainis sayo, manahimik kana." Kalmado kong sabi.
Hindi man lang nya ko irespeto kahit na bilang high queen lang.
"i have all the right to say what i want!" sabi nya.
Kumulog ng malakas kahit maaraw kanina.
"you have all the right to shut up before i lost all my patience." Kumulog ulit kaya natahimik silang lahat, parang na frozen.
"p-porket naging high queen lang, ang yabang na." bulong pa nya na rinig na rinig ko naman.
"that's it. Kung gusto nyo ng proweba pag bibigyan ko kayo." Seryoso kong sabi. Nangangatog na yung iba.
"pasikat nanaman." Erin, erin.
"Quietus." There she got her sanction.
"Anong nangyari sakanya?" natataranta na sabi ng co-teacher nya.
"i shut her up, dont worry mga isang araw lang naman yan. To learn her lesson." Sabi ko.
Natahimik parin sila.
"What a day. I believe na may klase pa." sabi ko.
"uhm yes Your Majesty." Sagot nung isang instructor.
"Alam kong marami paring tanong jan sa kokote nyo, maraming pangyayare ang hindi naisulat o sadyang hindi sinulat o kaya nakalimutang isulat sa history, pero kung ano mang tanong nyo tungkol sa nakaraan specially sa angkan ko, malalaman nyo din sa takdang panahon. May mga bagay pa kong hindi pwedeng sabihin." Ang dami naman talaga eh. Neto ko lang din nalaman yung mga bagay bagay.
"Good day." Um-exit na ko. Hay! Uuwi nalang nga muna ko! Nakaka-stress tong araw na to.
Dami kong mission, una kailangang maunahan ko sya sa plano. Which is I think nasa progress na.
Pangalawa, search for Skye's soul. Hindi ko pa alam kung san hahanapin kasi hindi naman pwedeng sumawsaw si pudra sa mission kong to.
Pangatlo, save the world, protect Magic Realm. As a High Queen, kaylangan yun.
Pang-apat, yung mystery kung bakit nakuha ni Pierre yung katawan ni Fille, nasan ba si Fille? Pano kung alam ko na kung nasan sya? Pano kung mind reader kasi ako? Tanga tanga talaga no?
Pang-lima, alam kong may paraan pa. para samin ni Fille, he's in his Angel form. Kaylangan mabalik ko sya sa human form, pero na kay Pierre yung katawan nya.
Pang-anim, si Pierre, may something sakanya. Hindi sya normal na tao alam ko.
Haaaay! Dapat hindi mahalata ni Gabe. Iiwas sya sigurado. Asar! Gagana nanaman yung acting skills ko neto!!
Makatulog na nga lang!
!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i!i
Alam pala ni Anju eh! Di nagsasabi no? madaya ba? Haha XD
Nabadtrip tuloy si Anju kay Erin. Napagtripan pa yung TUOD TRIO. AHAHAHA EPIC NUN!
Nga pala may story akong bago, di sya fantasy. Try ko lang pag sabayin pero di ko pa rin sure kung itutuloy ko yun. Mahirap pag dalawa yung story na kailangan i UD lalo na may mga demanding readers. Please lang maging gentle kayo sa pag hingi ng UD, hindi naman ako sumesweldo dito eh..kaya please lang wag yung pa-utos na parang may sweldo, iniiwasan kong ma-badtrip. Ayaw kong topakin, haha XD tao lang ako at hindi kasi ako palaging nagkakaroon ng idea kung anong i tatype na sunod. Kagaya ng ibang author, may writer's block din ako minsan. Sana maintindihan nyo.
~Ms. A (behind thet mask yung title nung isang story.)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro