Chapter twenty-eight
A/N: GUYS ANG TAGAL NANAMAN WALANG UD!! SORRY MAY THESIS KASI KAMI. SALAMAT PO SA MGA NAKAINTINDI!! I APPRECIATE YOUR UNDERSTANDING! :D
SO, MAGSISIMULA NANAMAN YUNG EXCITEMENT!! ROYAL RUMBLE NA ITU!!
PAG NATAPOS TO WITHIN 5 PABABA ANG CHAPTERS, SIGURADO KO MAY BOOK 3.
DIKO PA KO SURE PERO SURE NA KO SA TITLE HAHA.
SELFEIDE ACADEMY III: Ancient Bloodline's heir
plano ko din magsulat pa ng ibang story pero hindi ko muna i-uupload, baka mabitin lang kayo kapag diko natapos e. :D
Happy birthday to my sister by the way. :)
********
Chapter twenty-eight: Scarlann University of magic
Anju's POV
"Miss ditto ba yung dorm para sa mga guest students?" tanong ko dun sa receptionist ng panglimang dorm na napasukan ko. Grabe! Sobrang laki kasi netong school na to! Mas Malaki pa nga yata to sa main campus ng Selfeide academy.
"Yes, maam." Ah! Finally!
"can i have your access card please." Kinuha nya yung card na base dun sa handbook ay multi-purpose.
"Ms. Annessa Juno C.V. Warlock? This way miss." Inassist ako nung babae. So far friendly naman yung mga receptionist. Yung mga receptionist lang ha. Yung mga students kasi kung hindi mukang takot sayo, ang sama naman ng tingin. Sa tingin ko masyadong Malaki ang ulo ng mga mage ditto at kinakawawa yung iba pang students. Masyadong eccentric.
Tumapat kami sa isang pintong kulay itim. Sa floor na yun, yun yung pinaka-dulo at kakaiba.
"Her Majesty, this will be your room." Sabi nung babaeng nag-aassist tapos pinapasok yung mga tagabuhat ng maleta.
Teka? Alam kaya ditto yung status ko? Sana wag.
"Teka lang, alam ba ditto yung status ko?" tanong ko dun sa babae na busy sa pag-mamando sa mga taga ayos ng gamit ko.
"Maam, Pili lang po. Bilin po yun ni HM King Francois Paradeux." Good~ hay! Kala ko...
"Is he here?" ditto din yata yung summit nila eh. Itong school nato kasi ang host ngayong year.
"Yes, Your majesty but you can't meet him yet. Nasa closesd mitting po sila." Ede wag! Anyway high way, mag papahinga muna ko dahil nakakapagod yung paghahanap ko ng dorm na to. Ang layo kaya ng nilakad ko!
"May event pa ba na kailangan kong attendan ngayong araw?" paninigurado ko, dahil ayokong mabiting yung beauty rest ko. Kaimbyerna yun. Baka atakihin lang ako ng kabaliwan ko.
"Yes HM, mamaya po ang welcoming ball. Gusto nyo po ba ng mag-aayos sainyo?" Hmmm.... Kung make-up lang kaya ko kaso yung buhok ko yung mahirap ayusin.
"Oh, sure sige. Papuntahin nyo nalang......after 2 hours. Seven pa naman yung ball diba?" maka ligo muna at nanlalagkit na ko. Alas tres pa lang naman eh.
"Is there anything else you want Her Majesty?" F na F ko yung Her Majesty! Aba'y bongga! Charaught!
"Uhhm....Pina colada nalang tsaka blue berry Danish. Paki dala nalang. Salamat."
"Sige po, ipapahatid ko nalang po Your highness." Taray talaga.
"Ummm! Anju nalang! Mashadong formal yung YH at HM eh." Nakangiting sabi ko dun sa babae, ngumiti din sya.
Umalis na sila ng room ko ako naman ay naglagay na muna ng barrier. Mahirap na baka may ninja eh.
Pagtapos ko, naligo naman ako. Imba talaga yung ambiance ditto. Parang Reyna talaga ko.
Habang naliligo ako naalala kong hindi ko pala alam kung may dress na dinala si Gabe! Sana meron kundi wala akong susuotin!
Pagkatapos na pagkatapos kong maligo ay hinalughog ko yung closet ko. Inayos na kasi nila kanina diba?
Pero para sure chineck ko muna kung may mga kakaibang alam nyo na. kailangan magingat. Medyo nakakaparanoid eh no.
Nang ma clear ko na, nagsimula na akong maghanap ng susuotin.
May nakita naman akong pwede na. Pero may nakita akong isang black dress, may note pa kaya kinuha ko.
Juno,
Wear this dress.
Love,
Fille
Pusit talaga yung lalakeng yun! Mag babaon nalang ng damit yung pang madre pa! akalain nyo Longsleeve na hanggang talampakan tapos turtle neck pa. kulay itim pa! siraulo!
Napa-face palm nalang ako eh. Nag mental note ako na pag-inayos ni Fille yung maleta ko sisiguraduhin kong i-check muna yun bago umalis.
Nagbihis muna ko ng pangbahay. Aayusan pa naman ako eh.
Nakarinig ako ng kumakatok.
Room service pala. Yung mga pagkain.
"is there anything you need Your Highness?" tanong nung nagseserve.
"Wala na, actually a tailor. Pakisabay na sya dun sa mag-aayos sakin." May naisip akong bright idea! Paparemedyohan ko yung damit!
"Okay maam, they'll be here in an hour." Lumayas na yung room service.
Dinaan ko nalang muna sa kain yung pagod ko. Naalala ko may baon pala ko na luto ni Fille.
Binuksan o yung malaking lock and lock at carbonara na may extra cheese and bacon! Wow!
After kong maubos lahat ng pagkain-super dami nun. Kahit anong kain ko hindi ako tumataba, sexy parin!
May nagdoorbell. "Her majesty, nandito na po ang mag aayos sainyo." Binuksan ko yung pinto at kasama nung babae kanina nag-assist sakin yung dalawang baklang kambal. Hindi naman pang bakla ang ayos nila pero mahahalata mo kasi yung kilay nila ay nakaayos at may makeup den sila.
"WOOOOOOOW! Ateng ang ganda ng reyna your majesty oh!! Natalbugan yun beauty natin!" impit na sigaw nung isang baklang red ang buhok.
Tinignan sila ng masama nung usherette na para bang winawarningan sila.
"uhm, thankyou I'll take care of them." Sabi ko dun sa babae. BBago sya umalis nag bigay nanaman ulit sya ng warning look dun sa dalawang beki.
"pasok kayo."
"AY! Panalo tong room mo madam! Kainggetchiwa!" sabi naman nung baklang pink yung buhok.
" taray! Teka anuyang kadiring thing na yan!? Ewww!!" tinuro nung baklang may red na buhok yung damit na si Fille ang pumili, yung pang madre.
"actually yan yung dahilan kung bakit ka nandito, paki remedyohan nga." Napakamot nalang ako ng ulo.
"AH! No problem! Leave it to my beauty your highness. Pa beauty na kayo dun ng kambal ko!" tas hinatak na ko nung baklang may pink na buhok.
"lets start! Nako papagandahin kita lalo your majesty!" excited na sabi nung bakla. Siguro mga isat kalahati bago natapos yung hair and make-up.
Nag kwentuhan din kami dahil ang daldal nya. Na-brief na pala sila na tungkol sa identity ko. Nalaman ko rin na sikat pala silang kambal pagdating sa fashion industry. Tapos yung baklang may red na buhok daw ay si Tori at sya naman daw ay si Teri.
"AY sisterette! Are you done? Tapos na tong bonggang dress ni madam!!"
"Yes! Madam isuot nyo na po yung gown!" pagkakita ko dun sa gown parang...parang hindi yun yung kanina. Super nag-iba! Bongga! No wonder kilala sila sa fashion industry.
"Wow! Yan ba talaga yung kaninang dress?" hinipohipo ko pa yung gown, backless yun tapos bagsak yung tela.
"yan yun madam! Hindi kita ini-echos!"
"okay" tinignan ko yung relo, 10 minutes nalang bago dumating yung service/carriage na susudo sakin. Lahat ng student ganon din, tag-iisang carriage.
"ten minutes nalang, susuot ko na yang gown. Buti na lang talaga magaling kayo!" papuri ko sakanila tapos pumasok na ko ng banyo para isuot yung gown.
"Hmm... perfect!" astig, ang ganda ko sa gown na to.
"madam! Patingin naman po kami!" excited na sabi nung isang bakla, basta ewan pati boses kasi identical eh.
Binuksan ko na yung pinto. Nakanganga lang sila.
"naku madam kung hindi lang ako bakla baka pinikot na kita."
"eww sisterette! Pero madam muka kayong diyosa!"
May kumatok sa pinto. "Ms. Warlock? Your carriage is here."
"yeah! Im commin'" sigaw ko.
"oy mga bakla! Salamat ah!" pagpapasalamat ko sa kanila.
"Naku! Karangalan ng beauty naming yun!" hmm... I'll give them something as a souvenir.
Hinalungkat ko yung bag kong lalagyan ng kung ano ano. They're basically my prototypes pero successful na.
"Found it!"
" Here, as my gratitude." Binigay ko sa kanila yung boteng may silkworm na kakaiba, tapos isang set ng make-up brush.
"AY! Nag abala pa po kayo madam! Trabaho naman po talaga naming yun eh!"
"go on take it. It's a gift from me. Magagamit nyo yan sa propesyon nyo." Nakangiti kong sabi sakanila.
"Ay nako bongga! We love you nap o talaga madam" tas niyakap nila ko.
"okay. Lets go na, baka ma late pa ko." Kinuha ko na din yung pouch ko tas nag punta na kami sa may lobby.
Hindi naman magarbo yung karwahe ko, normal lang. After a few minutes ay nakarating na kami dun sa venue ng ball.
Magarbo ang buong paligid, parang isang royal event yung dadaluhan mo. Ganun yung feels nya.
Para syang isang kaganapan noong Victorian era,I mean yung mga ball nila dun except sa modern na yung mga damit ng tao. Pati yung parting i-aanounce yung pangalan nung guest na papasok.
Nakapila pa ko ngayon sa entrance. OP ako kasi bilang ko lang sa isang kamay ang mga walang date, lahat sila meron.
"um.. miss your name please." Ako na pala, masyado kong naabsorb sap ag-oobserba sa paligid.
"Annessa Juno Warlock. Selfeide academy's representative."
"Annessa Juno Warlock of Selfeide academy." Nagtinginan lahat ng tao sakin tas lumakas yung bulong bulungan.
Mapanghusgang mata ang sumalubong sakin. I tried to read their mind pero may narrier na pumipigil sakin. I think we'll meet.
Umupo nalang ako dun sa table na para sa mga representative.
"Hi, ikaw yung representative ng Selfeide Academy?" isang babaeng balingkinitan at maamo yung muka yung nagsalita.
"ah, yeah. Tanong ko lang pero bat ganun sila." Naiintriga ako.
"you know, Scarlann and Selfeide academy is a rival school. Nag sisiraan yung mga estudyante, kung minsan pa nga talagang nagiging bayolente pag nagkakatagpo ang mga estudyante." Paliwanag nya.
"By the way im Nikka, from Westkinssen Academy." Naglahad sya ng kamay at malugod ko namang tinanggap yun.
"Annessa Juno Warlock."
Nakuha ang atensyon ko ang bell na pinatunog dun sa may pinto.
"Please all rise." Tumayo kami, ewan ko kung bakit.
"The Royals." Tapos pumasok na yung mga tao. Kilala ko yung iba kasi nameet ko na sila nun sa council meeting.
" Her Royal Majesty Queen Clarisse and His Royal highness King Ceasar." On queue lahat nag palakpakan.
Dalawang tao yung iniluwa nung engrandeng pinto. They gracefully walk to the red carpet. Para talaga silang hari at reyna, ay teka hari at reyna naman talaga sila.
Naupo na kami tapos nag simula na yung program. Naipundar pala tong school na to matapos ang pangalawang digmaan.
Pagtapos ng mga speech ay kainan na, sineserve yung pagkain dito nasad ako ng konti kasi ibigsabihin bawal maging baboy. Walang unli food.
"by the way, san ka nga palang room?" tanong sakin ni Nikka. Lahat ng guess student ay nasaiisang building lang kasi.
"7th floor, nakalimutan ko yung number hehe." Sabi ko.
"Oh? Wow apat lang room dun at puro mga bigatin lang ang mga nagru-room sa seventh floor. Siguro may royal title ka." Posit na rinegla! Huli na balbon!
"ahmm.....hehe.. meron nga." Mahina kong sabi.
Lumaki yung mata nya tapos "I knew it! Ikaw si Anju! Yung last venifius." Sabi nya.
Tinakpan ko yung bibig nya kasi baka may makarinig.
"Shhh.. oo ako nga yun, secret lang ha." Sabi ko.
"bakit nanaman? Hay alam mo bang idol kita! Ang astig mo kaya!" woah! May fan ako?
"haha nakakaflatter naman, sus! Pero secret lang natin yan ah"
"cool! Sure." Tuwang tuwa po sya.
Pagtapos nung kainan ay sayawan naman, as usual wallflower ako. Wala kasi si Fille eh. Kas sura.
Nag-iisa tuloy ako dito dahil si Nikka ay isinayaw na nung lalaking ka kilala nya.
Hay.. umuwi na kaya ako?
"Can I have this dance?" may baritonong boses na nagsalita.
Tumingala ako. Sya yung isa sa mga royals kanina. Tinanggap ko yung kamay nya.
Pagdating naming sa dance floor, naging slow dance yung tugtog.
"So, what is your name miss?" tanong nya sakin.
"An-Nessa..." bawal ko munang gamitin yung Anju kasi sikat na pala yun. Low profile dapat ako dito.
"So Nessa, from what school ka?"
"Selfeide Academy."
"Woah! Our rival, but im pleased to meet you. By the way Im Duke Zenon Spiel."
"Oh, nice name?" awkward. Walang common topic.
"Your's too. Nessa. You know, may na sesence ako sa athmosphere ng school ngayon kaso diko ma pin point. Parang kakaiba yung aura ngayon." Well, Hindi lang pala ako yung nakaka-sense nun. Kakaiba kasi talaga yung aura eh, parang may presence na pumipigil o parang sumasakal sayo.
"ah, kala ko ako lang yung nakakaramdam nun. Parang nakakasakal no?" its like the presence is restraining you to breath.
"probably the queens doing, you know lahat takot sakanya because she can kill you without lifting a finger. Plus the king is like her puppet." Now why is he telling me this?
"Bakit mo sakin sinasabi yan? Diba we're rivals?"
"Donno, I just think that you have a huge role in my life. Not romantically though, di kita type." Kapal ng muka netong kupal nato!
"conceited."
Natapos na yung sayawan, ngayon may i-aanounce pa yata.
"Wow, idol na talaga kita! Sinayaw ka lang naman ng pinaka mailap na bachelor ng Scarlann! Alam mo bang hindi dumadalo sa mga gantong kaganapan yun? As in sobrang ilap!" Wow! A huge fish eh! Conceited naman! Yabang!
"This coming week, the royal council of Magic decited to put up a royal convention. So all royals from all races will be here." Nagtilian yung mga estudyante, shempre lahat ng royal blood nandito. Kahit yung mga royal ng ibang race nandito rin kaya malamang masaya itu!!
"AHHH!! Ibigsabihin pati yung Kings pupunta!! AHHHH!! OMG kailangan ko talagang mag paganda!! Pagkakataon ko na to!!" tili ni Nikka.
Halos lahat naman ganun yung reaction eh. Pero teka bakit biglaan yata ang convention? At lahat pa ng Royals from different races?
That's weird. Are they plotting something?
******
Next chapter: Life as a student.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro