Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter thirty

Belated happy birthday, di ako umabot ng 12 eh haha :D

@@@@@@@@@@

3rd person POV

Pagka-alis ni Anju ay tila nakahing nag maluwag ang mga tao doon. "Grabe kala ko katapusan ko na!" wika ni Mikielo. Ganun din ang reaksyon ng iba pawing nakawala sila sa pagkakasakal.

"Just who is that girl?" tanong ni Clarisse. Wala itong kaalam-alam kung sino ang kinalaban nya. "That's Gabriel's ex-Fiancée." Tugon naman ni Toshi. "HUH!? Kelan pa naging fiancée nito si ANJU!?" tanong ni Timothy.

"Let's not talk about her shall we?" Madiing sabi ni Gabriel. Alam ni Gabriel na masasaktan si Anju sa ginawa nya pero ito ang makakabuti para sa sitwasyon nila ngayon. Alam nyang magiging matindi ang outburst ni Anju pero may tiwala sya na kaya na ni Anju kontrolin ang kanyang emosyon.

Kasagsagan parin ng kanilang klase sa Hunting at gaya nga ng sinabi ni Anju, walang nakahigit sa kanya.

"Bro. diba yung gamit ni Anjung sword kanina ay yung Thana? Pano napunta sakanya yun?" inosenteng tanong ni Ray kay Ran. "Hindi ko rin alam, pero ang alam ko ay marami pa syang hawak na gamit na kakaiba at sadyang hindi basta basta." Sagot ni Ran habang nangangalap ng Data patungkol sa mga halimaw na kakalabanin nila sa chores.

"Sino ba talaga yung Anjung yun?!" irit ni Clarisse. Napatingin naman sakanya si Timothy, walang magawa ang binata dahil mas mataas parin ang Ranggo sa kanya ni Clarisse, lalo't sunud-sunuran dito ang pinakamataas at pinakamakapangyarihan sa Realm nila.

"She's a mystery. Her name before is Santhe, napag-alaman kong kinupkop sya ng pamilya ni Timothy Choon." Sabi ng isang binata. Matipuno ito at kapansinpansin talaga ang kagwapuhan. May maitim na buhok at kulay bughaw na mata, may matangos na ilong at mapupulang labi. Sa madaling salita, halos perpekto ito.

"Ah kuya, ikaw pala. Alam mo bang pinatay nya yung mga guards ko! Pwede natin syang ipakulong sa den! Isa syang mamamatay tao!" outburst ni Clarisse.

"High king Caesar kayo po pala." Dalidaling lumapit at nag bow ang kanilang professor, ganun din ang ibang tao dun except kay Clarisse.

"Oh, I'm just passing by. May meeting kasi ang leaders at royals mamaya sa royal hall, so it means kasali kayo." Nakangiting sabi ng binata.

"Kuya kala ko ba ikaw na bahala dun? Kuya naman ee, mag sa-shopping kami mamaya ni Gabe." Nagmamarakulyong sabi ni Clarisse.

"pero kailangan ka talaga dun, if you want isama mo na rin si Gabriel." Tila nagliwanag naman ang muka ng dalaga. Sa mga meeting kasi ng mga royals, hindi pwede ang may ranggo ng duke pababa.

"YEY! Sige pupunta kami mamaya, teka what time ba?"

"mga seven. Sharp." Mahigpit na bilin ng binata. Ayaw kasi nyang may nale-late pag may pagpupulong na gaganapin.

"you three are also needed." Turo ng binata dun kila Mikielo. Tumango naman ang mga ito bilang tugon. Matagal nang kilala nila Mikielo si King Caesar, dahil nag tetraining palang sila ay isa na ito sa pinaka makapangyarihan sa Magic realm.

Di kalaunan ay umalis ang binata dahil may pupuntahan pa raw ito.

Samantalang sa kabilang banda naman ay si Anju na kasalukuyang nasa mall, hindi nya alam kung anong ginagawa nya dun. Siguro ay gusto nya lang mapag-isa.

Naupo sya sa isang bench dun, palubog na ang araw. Napangisi sya ng mapait.

Sabi mo papakasalan moko? Nung isang araw lang yun. Isang libong taon pala ko naghintay para sa wala. Pero sana may maganda kang dahilan sa ginawa mo Fille.

Umagos sa pisngi nya ang mga luhang kanina nya pa pinipigilang tumulo. Pinunasan nya iyon pero sadyang ayaw tumigil ng luha nya sa pagtulo.

"Anju....." napalingon sya sa gilid nya at nakita nya si Oen.

"A-anong ginagawa mo dito?" Bakas naman ang pag-aalala sa mukha ni Oen. Sa tagal-tagal kasi ng panahon na nakasama nya si Anju, ngayon nya lang ito nakitang umiyak. Sobrang lungkot tignan nito, para bang pag tumingin ka sa mga mata nya ay malulunod ka ng lungkot.

"Balak ka sana naming surpresahin eh, nandun pa nga sila sa grocery at namimili ng makakain ng Makita kita. Kala ko nga kamuka mo lang eh." Lintaya ni Oen. Balak nilang surpresahin ang kaibigan. Sa katunayan kasabay lang nilang dumating ang mga Kings, humiwalay lang sila dahil gusto muna nila magpunta ng mall at mamili ng pasalubong para kay Anju.

"ahh..pasensya ka na.. hindi lang talaga mabuti ang pakiramdam ko." Pilit na pinapakalma ni Anju ang kanyang tinig para hindi na mag-alala si Oen, pero nabugo sya dahil napahagulgol lang sya.

"Anju... ano ba kasing nangyare?" alalang alala si Oen, dahil sobrang nakakaawa ang hitsura ni Anju ngayon. Ni hindi na nga ito makahinga ng maayos dahil sap ag-iyak.

Inalo ni Oen at pinilit nyang pakalmahin si Anju, matapos ang trenta minutos na pag-iyak ay nakapagsalita din si Anju ng maayos. "Wala to, may siraulo kasing nangako ng kasal sakin nung isang araw, tas malamanlaman ko lang na engage na sya sa ibang babae. Okay lang, malamang ay may maganda syang rason kung bakit nya ginawa yun." Pilit na ngumiti si Anju para itago ang lungkot na nadarama nya.

"Alam kong di ka okay. Okay? Mabuti pa puntahan natin sila Elle! Food trip!" masayang wika ni Oen para kahit papaano ay ma lift nya yung mood ni Anju. Ngumiti naman si Anju at pinaunlakan ang aya ni Oen.

"OH! Anyare sa mata mo? Nakagat ng bubuyog?" biro ni Ane pagkakita nya kay Anju, pero ngumiti lang ng pilit si Anju at binatukan ni Elle si Ane ng malakas. Sumeriyoso naman sila lahat.

"Wala to. Okay lang ako." Ngumiti ng pilit si Anju at tumalikod sa kanila dahil naiiyak nanaman sya.

Sinenyasan naman sila ni Oen na mamaya na ikwento at i-uplift na lang ang mood. "ah..guys may kukunin lang ako banda dun." Wika na ni Anju nang hindi manlang humaharap sa kanila.

Tumakbo si Anju papuntang liquor section at namili ng maiinom. "what am I doing?" Tanong nya sa sarili nya, sakto namang may sale's lady ang nagtanong sakanya. "Ma'am ano po bang hanap nyo?"

Napaisip si Anju. "Ano bang pinakamatapan nyo?" tanong nya dun sa sale's lady.

Habang nasa liquor section si Anju sila Elle naman ay naiwan sa section ng mga tsitsirya.

"Anong nangyari kay Anju?" tanong ni Elle.

"Yun, mukang bigo sa pag-ibig eh. May nagpangako daw ng kasal nung isang araw sakanya tapos ngayon engage na yung lalake sa ibang babae. Nakakaawa nga kanina eh, hindi ko nga alam kung pano ko patatahanin." Eksplanasyon ni Oen. Hindi nya pa rin makalimutan kung pano kalungkot yung itsura ni Anju.

"Sino naman yung damuhong yun at masunog ng buhay." Seryosong sabi ni Nathalie. Minsan lang iyon magsalita at lahat ng bitawang salita nito ay tinutotoo.

"Naku kug sino man yang letcugas na lalaking yan magtago na sya at bobombahin ko yung ngalngala nya ng bongga!" wika ni Ane.

"Yun nga eh, di ko alam kung sino. Sa itsura ni Anju, mukang mahal na mahal nya yung lalake eh. Wala namang nalilink sakanya diba?" sabi ni Oen.

"wala nga. Damayan nalang muna natin sya." Payo ni Elle.

Tumunog ang cellphone ni Oen. "Hello?"

[Oen, may meeting daw tayo mamayang seven sharp. Punta nalang kayo ng royal hall.]

"sige."

[ Hay! Kala ko mamamatay nako kanina! Hindi panama ako nakakapagtapat sayo. Nakakatakot si Anju grabe!]

"hoy Luigi wag nga ako, baka mamaya maniwala ako sayo pero teka nga! Sabi nakakatakot si Anju?"

[oo, teka nakita nyo ba sya? Nag-aalala na kasi si Timothy at yung tatlong pugo]

"Oo kasama namin sya, mukang hindi kami makaka attend ng meeting eh."

[hindi pwedeng hindi kayo umattend! Nga pala sama nyo din si Anju.]

"pano yan mukang hindi pa naman sya okay." Nag-aalalang wika ni Oen.

"Okay ako." Nagulat si Oen. Nasa likod lang pala nya si Anju at hindi na ito umiiyak, infact composed na nga ito.

"Sabihin mo hahabol nalang ako. May dadaanan lang ako sandal." Walang buhay na wika ni Anju. Muka nga syang okay pero muka naman syang empty, at soulless.

[h-hahabol nalang daw si Anju.] nakatitig lang si Oen kay Anju.

"sige," inend call na ni Oen.

"Sure kang okay ka lang?" paninigurado ni Oen.

"oo." Ngumiti si Anju kay OEn. Samantalang nakapila na sila Elle sa cashier.

"Tara na!" nagtungo sila kila Elle na busy sa paglalagay sa counter ng mga pinamili para bayaran.

Nilagay ni Anju yung mga kinuha nya. Whiskey, brandy, tequila, at may fruits pa.

"Ano yan? Magtatayo ka ng bar?" loko ni Elle.

Nginitian lang sya ni Anju. "Pampamanhid." Hindi na nagtanong pa si Elle.

** PARKING LOT**

"woo!! Tara na sa royal hall! Sabay sabay na tayo." Sigay ni Ane.

"Mauna na kayo may dadaanan lang ako." Wika ni Anju. Hindi na sila nagprotesta pa.

"sige, sunod ka ha." Sabi ni Elle.

Tumungo lang si Anju at nagteleport sa may green house, dun sa may tree house. Dala-dala nya yung mga pinamili nyang alak.

Umakyat sya dun sa Tree house. Madilim na pero hindi nya ininda yun dahil mas okay yun paara sakanya.

Binuksan nya yung Brandy at nilagok. Gusto nya muna pakalmahin ang sarili at mag-isip. Mali ang ginawa nya kanina dahil kung sakaling nagtuloy-tuloy iyon ay masisira ang mga plinano nya. Right now she needs to minimize her emotions, kung maaari ay wala muna syang maramdaman na ganun.

May mga firefly na lumipad patungo sa tree house. Maganda ang mga kulay nun, iba-iba at nakakaenganyo. Lumiwanag ang loob ng tree house dahil sa mga ito, napatingin tuloy sya sa harapan nya. May salamin pala doon, nakita nya ang sarili nya. Hindi na maga ang kanyang mga mata. Napansin nyang nagiba ang mga kulay nito. Naging kulay Golden green ang mga ito at ang buhok nya ay naging kulay ash blond.

"the perks of being half." wika nya sa sarili nya.

Pagkatapos ng trenta minuto ay naubos nya na lahat ng binili nyang inumin. Walang tama sakanya yun, siguro ay epekto ng hindi pagiging normal ng katawan nya. Napagdesidyonan nya na magpalit muna ng damit. Meron syang baong damit na nakalagay sa bag nya. Isang hanging na sando na kulay pale white  at skinny jeans na tinernuhan ng vans na sapatos. Tinanggal nya din yung pagkakatirintas ng mahaba nyang buhok na hanggang beywang, naging wavy iyon dahil sa pagkakatirintas.

Muli ay sinuri nya ang kanyang kabuoan. Namumula ang kanyang mga labi at ang pisngi nya dahil sa alak na ininum nya,  malamlam ang kanyang mga mata na tila nangungusap.

"tignan mo nga naman ang nagiging epekto pag pinapatay ang emosyon." snapangisi sya. Mas nangingibabaw ang dugo ng tatay nya kapag pinapatay nya ang mga emosyon na hindi dapat. Mas nangingibabaw naman ang pagiging tao nya kapag pinapabayaan nya ang emosyon na kainin sya.

Iniwan nya muna yung bag nya dun sa tree house atsaka umalis.

**ROYAL HALL**

Kanina pa nagpupulong ang mga panauhin doon para sa gagawing academic fest o olympics. "Huy nasan na si Anju? masasabon tayo neto ng sermon mamaya."bulong ni Elle kay Oen.

"Aba malay ko. Padating nayun." bilang high queen kasi ay kailangan naduon sya sa pagpupulong na iyon.

Kumpleto ang lahat, mapa ibang lahi ay nanduon. Bukas ay darating pa ang iba.

"Im saying that hindi kakayanin nitong campus ang mga gaganaping event." kasalukuyang nag dedebate sila kung saan dapat ganapin. Ang totoo nyan sa Scarlann naman talaga dapat kaso lang may tumutol dahil hindi nito kakayanin ang kapasidad ng mga dadalo kahit na sobrang laki nito.

"Maari naman magpatayo ng gusali." suhestyon ng King Caesar.

"I porpose na sa Selfede academy nalang." may nag taas ng kamay.

"Pero mas malaki pa ang Scarlann kaysa sa Selfeide academy." Sagot ni King Caesar.

"Hindi naman sa Zephyrus campus eh." matagl tagal nang hindi ginagamit ang pagtawag ng elemento sa mga campus ng Selfeide academy.

"Kung ganon saan?" tanong ni Clarisse na nakaupo sa tabi ng kuya nya.

"Sa Caelestis campus."  sagot ng mag suggest.

Napatawa ang lahat. "Nagsusugest ka ba ng venue na wala sa mapa?" tanong sakanya ni King Caesar.

"Hindi, meron naman talaga nun. Sadyang hindi nyo lang nakikita dahil naka seal yun at since nandito na yung susi bat hindi natin  iyon buksan muli?" Hindi parin kumbinsido ang mga tao dun.

"Huy Oen ano ba yang sinasabi mo?" bulong ni Elle kay Oen, mukang wala kasi ito sa sarili at bigla nalang nagtaas ng kamay kanina.

"At nasan naman ang susi?" tanong ni King Caesar.

"Humanda kayo dahil magaganap na ang kinatatakutan, magkakagulo, mauulit, Panahon na para matupad ang nakasaad sa ikalawang propesiya. May traydor, hindi! isa syang ahas! mapagbalat kayo. Nandirito lang din sya. Sya ang tunay na kaaway." Biglang naglevitate si Oen at umilaw ang kanyang mata.

Biglang may malakas na bulong bulongan. Nahimatay naman si Oen, mabuti nalang ay nasalo sya ni Luigi.

"silence!" sigaw ni King Caesar. Agad namang tumahimik ang lahat.

"Maaaring sya ang Oracle!" may sumigaw na matanda.

"Duke Windritch, ano bang sinasabi mo?" tanong ni King Caesar.

"Isa akong eksperto sa pag-aaral ng historia, kung sya ang oracle dapat ay may balat sya na korteng bituin sa kanyang likod." Dahil duon ay tinignan ni Luigi kung meron nga.

"Kulay Green ba?" nagtataka nyang sabi.

"Oo, kung gayaon tama ang artifacts na nakuha ko." sabi ng matanda.

"Maaari mo bang ipaliwanag ang iyong mga nalalaman?" Sabi ni King Caesar.

"Nuong unang panahon, may kambal na isinilang sa mansyon ng pinakamalakas na angkan-ang mga venifious. Ang angkan nila ang tanging angkan pinaburan ng langit na mamuno sa lahat. Ang kanilang pamilya ay may tradisyon, iyon ay ipakasal ang panganay na babae sa prinsipe ng langit o ang mga diyos at duon na nga naggaling ang kambal, ang isa ay isinilang na magtataglay ng kapangyarihan na kagaya ng sa mga diyos at ang isa naman ay magmamana ng abilidad ng magaling na pinuno kaso lang hindi sya kasing lakas ng kanyang kakambal. Isa sa kambal ay pinatapon dahil malas daw ito sabi ng mga advicer ng hari. Wala nang naging balita dun sa ipinatapon na sanggol, samantalang ang sanggol na natira ay naging isang reyna-Si Queen Skye II, kung titignan ninyo sa kasaysayan, sya ang naging pinaka magaling na pinuno ng mga White wizards. Ayon sa aklat na nabasa ko, isang araw daw ay may isang orakulo na nagbitaw ng propesiya, at yun na nga ang propesiyang sinasabi ng batang yan... naisulat iyon kaso lang ay nahati sa dalawa, ang isa ay nakita nila at ang isa ay nawawala pa. Matapos ang tatlong daang taon, may nakilalang babae. Sinasabing parang pinagbiyak na bunga sila ni Queen Skye II at posible ring sya ang kakambal nito. Sinasabing sya ang tagapagligtas ng sangkatauhan. Naganap nuong ang ikalawang digmaan at sya ang nagligtas sa sangkatauhan pero sinasabi rin na hindi pa duon natatapos ang kanyang katungkulan dahil hindi pa nagagapi ang Dark Queen. Nag tataglay din ang babaeng yun ng napakalakas ng kapangyarihan kaya ang aking teyorya ay siya ang sanggol na pinatapon. Hanggang dun nalang ang nalalaman ko." Naupo ang matanda. Bakas ang pagtataka sa mga mukha ng nila, naguguluhan sila kung bakit wala sa kasaysayan ang sinasabing hero ng pangalawang digmaan.

"kung ganon bakit walang nakatala sa kasaysayan patungkol dun sa babae sa pangalawang digmaan?" tanong ni King Caesar.

"Hindi ko rin alam, maaring kagagawan iyon ng kaaway." sagot ng matanda.

bumukas naman ang pinto at iniluwa nun si Anju. Muka syang diyosang naglalakad.

Tumungo ito sa upuan na inuupuan ni Clarisse dahil dun naman talaga ang upuan ng high queen.

"Excuse me, thats my seat." walang emosyon na sabi ni Anju.

"Aba! trip mo talaga akong babae ka!" sigaw ni Clarisse.

"Hay! anubayan! kala ko pa naman nasabi nyo na kung sino ako." napakamot pa ng ulo si Anju. " sige mag papakilala na ko ng maayos. Ako si High Queen Annessa Juno Caelestis Warlock." derederetsong sabi ni Anju.

"Nako wag mo nga kaming pinagloloko! hah! Guard!" sigaw ni Clarisse. Pero pinigilan naman sya ng kuya nya.

"ipapahuli mo nanaman ba ko? ayoko nang pumatay ngayong araw." wlang emosyon na sabi ni Anju.

"Pagpasensyahan mo na ang aking kapatid." Sinenyasan naman ni King Caesar si Clarisse na sumunod nalang. Padabog na umalis si Clarisse sa pwesto nya at lumipat sa tamang kalalagyan nya.

"k. so ano nang napag-usapan nyo?" tanong ni Anju na parang walang nangyare sa kanya kanina.

"Mawalang galang na po kamahalan pero Caelestis po ba ang sinabi ninyo kanina?" tanong ng matandang nagkwento kanina.

"opo. Mayproblema po ba?" nagtatakang tanong ni Anju.

"Ano nga pala ang buo mong pangalan?" tanong naman ni King Caesar.

"Kakasabi ko lang." malamig na sabi ni Anju na para bang naasar na. Ayaw nya kasi ng paulitulit.

"Hindi pa buo yun base sa nakalap kong impormasyon."

"Nangalap ka na pala ng impormasyon eh bat mo pa ko tinatanong." bored na sagot ni Anju.

Nagtimpi naman si Caesar na wag mapikon sa dalaga.

"O sige na nga. Annessa Juno Warlock Venifious Caelestis. Kahabahaba, bat ba kasi ang epal ng magulang ko? buti nalang talaga hindi ko na-experince yung pagsusulat ng pangalan sa papel. Palaging Anju lang nilalagay ko."

Nagulat naman ang mga panauhin sa sinabi ng dalaga.

"Aish alam ko nakakatamad bigkasin ang buong pangalan ko. hay~" painling iling pa si Anju.

"Kung ganon galing ka sa angkan ng mga venifious pero papaano nangyari yun?" tanong ng matanda.

"Eh kasi po hindi naman ako tumatanda. It kinda sucks nga eh, alam nyo bang may naiingget sakin dahil duon?" sabi ni Anju.

"isa kang immortal?" tanong ni King Caesar.

"Ewan, di ko pa naman sinubukang magpakamatay kung mamamatay nga talaga ako eh. Basta alam ko lang ay hindi ako tumatanda." pagsisinungaling nya. Isa syang immortal at namana nya yun sa tatay nya, pero ayaw nyang sabihin dahil nandito lang yung kaaway.

"kung ganon kilala mo ba ang babae nung ikalawang digmaan?" tanong ni King Caesar kay Anju.

"Bat pag sinabi ko bang ako yun maniniwala kayo? tsaka hindi lang naman ako ang nakakaalam nun no! anim kami ditong nasa hall ang nakakakilala sakanya kaya sila nalang ang tanongin nyo dahil nakakapagod magsalita." bored na sabi ni Anju.

Malakas na bulong bulungan ang umugong.

"QUIET!" tumahimik ag lahat sa sigaw ni Caesar.

"kung tinatamad kang magsalita, may device kami dito na kayang makita ang mga nakita mo na. Para syang lie detector, ibubunyag nito ang lahat ng nalalaman mo." sabi ni King Caesar.

Wala namang pake si Anju dahil alam nyang hindi nun kayang ibunyag ang mga hindi dapat

"K. san na?" bored na sagot ni Anju.

May isang frame na malaki ang inilabas ng mga tauhan.

"tumapat ka lang dyan." iginaya ni king Caesar si Anju sa tamang pwesto nya.

"Favor?"

"ano yun?" sagot ni king Caesar.

"pagkatapos ko ay ikaw naman ang tatayo dito?" namutla si King Caesar.

"bakit naman?"

"Hindi pa kasi kita kilala." maikling wika ni Anju

"Wah kang mag-alala kahit tayong dalawa lang." sabi ni Anju.

"FIne." nagsimula na ang proseso. Nag glow ang mga tatoo ni Anju, Ang Index.

"Name: Annessa Juno Warlock Venifious Caelestis, Twin sister of Queen Skye II, Daughter of god Dei and Queen Skye I, belong to the first class fortiz wizard, She has the Index of spells and Weapons, can manipulate all the elements, Has an undying love for a boy named Fille D'arc who was her twin sister's knight and later become her dragon because of a curse."

Bakas ang pagkamangha sa mukha nila.

"I know, I know. Since you guys know who I am.... that means the spell is broken!" Biglang nagkaroon ng napakalaking pentagon sa loob ng hall at nasira ang spell na pumipigil para makalimutan sya ng mga tao. She did that on purpose.

Unti-unting bumalik ang mga alala nila kay Anju. Si Sab, si Ally, si Red at ang iba pa.

"ANJU!" sigaw ni Sabrina at Ally.

"Sawakas ay naaalala nyo na ko! namiss ko kayo mga bakla!" wika ni Anju nang lumapit sakanya ang mga ito.

"HAY! BACK TO NORMAL NA ANG LAHAT WHUHOOOO!!" sigaw ni Mikielo.

habang nagkakasiyahan ang lahat ay simpleng nagteleport si Clarisse at isinama si Fille.

Napunta sila sa pinaka tuktok na kwarto ng kastilyo ng Scarlann. "Hindi ka mapupunta sakanya Raphael Gabriel! AKin ka lang!" sigaw ni Clarisse. Tila naguluhan naman si Fille.

Nagkaroon ng Seal ang buong campus, walang makakalabas walang makakapasok.

"bakit nandito si Pierre?" tanong ni Gabriel, nakagapos kasi ang walang malay na binata..

Itinulak sya ni Clarisse at may itinurok sakanya, hindi sya makagalaw o makasalita manlang. Iginapos din sya ng babae.

"Tignan nalang natin kung hanggang san ang kaya mo Prim, papano kung nasakin na lahat ng mahal mo sa buhay." wika nya sa sarili habang hawak ang maliit na botelyang naglalaman ng spirito ni Skye.

"Tutal sinimulan mo na, tapusin na natin." wika ng dalaga.

*******

YAY! NATAPOS KO YIIEE!! LAST ONE OR TWO CHAPTIES!! BOOK THREE NA!

alam kong medyo di nyo gets. sa next chapter nalang yung mga nangyare sa nakaraan... yung mga nangyare bago pa ang great wars. Kung ano ba talaga ang puno't dulo ng mga kaganapan na itu!       

sino ba si Dark queen, siya si Clarisse oo, pero dati sino ba sya? close sila ni Anju? bakit kilala nya si Anju bilang Prim? bat ba kasama din si Pierre?

next chaptie!

GUSTO NYO BA KO MAKITA? GALA TAYO SA SM north edsa or trinoma haha GET together? gusto ko kayong mameet haha kung ayaw nyo okay lang den. hindi lang kasi ako palasalita masyado sa personal. nood nalang tayo ng sine. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro