Chapter sixteen
Chapter sixteen: Yown lang talaga.
Lumunok ako ng sunod sunod. Shutang galers. Sobrang wild naman neto. Napalunok ulit ako.
Nag babasa ako ngayon ng librong nakita ko dun sa maleta ko. Ewan ko ba kung bakit may ganto sa bag ko. Mahalay tong mga nakasulat sa libro, pero parang na-glue na ata to sa kamay ko eh. Hindi ko na mabitawan. Hulaan nyo kung anong libro to.
Fifty Shades of grey. tae, kung alam nyo lang. feeling ko nga tumataas yung temperature ng kwarto kada lipat ko ng pahina.
Bumukas yung pinto. Sila Elle pala, tambakol ang muka ni Elle. Isa pa to eh, ang lakas ng loob sabihan si Ane at Ran na 'hindi nila alam na may gusto sila sa isa't-isa' eh sya den naman ayaw umamin na may something sya para kay Ray.
"Santhe, anong binabasa mo?" tanong sakin ni Ane na kumukuha ng damit nya sa aparador.
"fifty shades." Maikli kong sagot tapos nag basa na ulit ako.
"hmmm... nabasa ko nayan. Medyo SPG pero maganda naman. Magagamit din natin yung mga nakasulat dyan sa future." Isang kakaibang ngiti ang binigay namin sa isa't-isa. Nga naman nagagamit namin to sa future.
"Hoy! Hoy! Anong ngitian yan?" saway samin ni Nat. Napapansin kong unti-unti na syang nag-sasalita, I mean dati kasi madalang lang yan magsalita. As in!! swerte ka nalang kung narinig mo yung boses nya sa isang linggo.
"Wala~" Mukang hindi naman kuntento si Nat sa sagot ni Ane kaya "Peram ako nyan pag natapos mo ha." Paalam sakin ni Nat.
"Sure, You'll learn a lot from this book." Nakangiti kong sabi. Napa lingon naman si Oen.
"ako din." Mukang lahat sila except kay Elle ay interesado sa libro ko, tho I'm not sure kung kanino talaga tong libro.
"Teka tungkol ba san yan?" tanong ni Oen. Binalingan ko sya ng tingin at ngumiti ng nakakaloko.
"tungkol to sa exhibition." Pa-mystery ko pang sagot. Ang pangit kasi pag sinasabi mo na kung anong mangyayari eh. Pa spoiler effect ba.
"exhibition?" tanong ni Oen. Ganun din si Nat.
"exhibition sa Red room of pain tapos tungkol din sa journey." Ngumisi sakin si Ane.
Mukang kami lang talaga ni Ane nagkakaintindihan kung tungkol saan ba talaga tong Fifty shades.
"Red room of pain? May pagto-torture bang nagaganap jan?" mukang balak nyang toturin ang kuya ko ah. Literally.
"nako madami!" ngumisi nanaman sakin si Ane.
"ayos! Atleast may reference ako!" kala yata ni Nat literal yung torture na sinasabi namin.
Napa ngisi ako. Ano kayang reaction nya pag nabasa nya to.
Habang nag babasa ko, naliligo sila. Kakaahon lang kasi nila.
"Santhe! Pinapasabi nga pala ni tita na may dinner tayo mamaya sa may gazebo dun sa Garden." Sigaw ni Ane dahil si Elle ay bising-bisi sa pagpapaganda, maganda nanaman sya eh talagang maharowt lang si Ray kahit dati.
"okay." Sagot ko. "anong okay! Mag-effort ka naman magdamit ng maganda!! Kailangan nating kabugin yung mga Linta!!" sigaw ni Oen. Sabay sabay silang tatlong naligo, malaki naman kasi yung banyo eh.
"wala akong damit!! Puro t-shirt at pants lang yung dala ko!!" sigaw ko sakanila. Actually may mga dress manan ako dun sa mansion namin, kaso lang maluluwag nay un kasi dati pa binili tsaka hindi rin naman ako pala suot ng dress.
"kami nang bahala sayo mamaya!! Basta wag kang pipiglas!" sabi nilang tatlo.
"Not sure about that!" sigaw ko habang nagbabasa parin.
"anong not sure about that! Basta! Let us." Sabi ni Ane na nakatayo dun sa may mat sa labas ng bathroom, nakasunod sakanya sila Oen.
"fine, basta hindi kasali si Nat." sabi ko.
"Deal!" sabi ni Nat, tumaas naman yung kilay ni Ane.
"good then! This is going to be a blast!" sabi ni Ane.
Sinarado ko na yung libro pero bago yun nag-ipit muna ako ng book mark. Chapter 14 na ko.
"maglilinis muna ko ng katawan." Paalam ko sa kanila tapos pumasok dun sa bathroom.
Dala ko yung strawberry kit ko. Strawberry kit tawag ko dun kasi ang laman ng pouch na yun ay puro strawberry flavour. Strawberry bubble gum flavour na shampoo, strawberry milk flavour na body wash, at ang sponge kong strawberry. May fettish talaga ako sa strawberry.
Binuksan ko ang shower at naligo. Nae-excite na akong pumunta sa magic realm. Ang main goal ko ay maisagawa ang plano ng maayos, malinis at walang palya. Dapat din hindi nya ko mahuli bago ko maisagawa ang plano. To trap and seal her permanently. To end this war. To her evil doing.
"Santhe!! Ang tagal mo naman!! Dalian mo nga jan aayusan ka pa namin!" sigaw ni Ane. They are really looking forward to that. I Sigh. Oen is still a mystery, hindi ko pa sya name-meet dati, in my past life.
"oo na!" sinarado ko na yung shower tapos kinuha yung towel at pinunas sa sarili ko. Nag suot na din ako ng black na swim suit as under garments, well I have a plan.
My hair is still dripping wet nung lumabas ako sa bathroom.
"grabe kala ko pati internal oragans mo kinuskos mo na eh." Sabi ni Ane.
Nakatingin sila sakin na parabang isang siglo ako dun sa cr. Pwera kay Elle na pasenti-senti dun sa kama nya habang may naka salpak na earphones dun sa tenga nya.
"anyare dun sa pinsan mo?" tanong ko, tinutukoy si Elle.
"badtrip." Tapos bumulong pa. " nagseselos, kasi nakita nya si Ray na nakikipag halikan dun sa alagad ni Astrid." sabi ni Ane, habang si Oen ay namimili ng damit nasusuotin ko. Si Nathalie naman ay busy dun sa pagtingin sa librong Fifty shades. Kagat labi pa. haha ang epic!
"mukang magiging masaya tong gabing to ah. I-request mo nga sa tita mo na mag bonfire tayo dun mamaya sa tabing dagat. May idea akong maganda." Sabi ko tapos ngumisi. Mga linta kayo, patay kayo sakin. Haha !
"mukang may balak ka ah. Okay sige, gusting gusto ko talaga yung mga gimmick mong ganyan eh." Sabi ni Ane habang inuupo ako dun sa harap ng dresser.
"padala ka na din ng Uling at mga snacks. Dapat may S'mores ah." Sabi ko
"sure, anything else?"
"Vodka?" ngumisi sya.
"naughty? Muka ngang tinamaan si Jared sayo eh." Sabi nya
"ewan. Pero may nangtitrip sakin eh, gusto ko lang patulan." I can read minds tho hindi palagi may times lang na sadya kong naririnig yung thoughts nila. Pierre, you'll taste your own medicine.
"Guys, which one is bagay to her? This green or this cream?" tumingin kaming lahat sa kanya except dun sa nag sesenti. Para sakin mag maganda yung cream. Im not fond of green eh.
"green!" suggestion ni Ane. More like a command yung tono.
"Cream!" I suggest.
"mas bagay sayo yung green!" sabi nya sakin
"CREAM." Sabi ko.
"fine, sige suotin mo muna yung damit." Utos nya sakin. Kinuha ko yung damit kay Oen at nagbihis sa banyo. Spaghetti strap sya na cotton tapos may ribbon na black. It's a casual dress pero mukang classy.
Sakto yung fit sakin, lalo pang bumagay kasi nga black yung swimsuit ko at black yung ribbon neto. Hanggang taas ng tuhod ko yung dress.
Lumabas ako ng CR. "OH LOOK AT YOU! Bagay na bagay sayo!!" sabi ni Oen na pumapalakpak pa.
"hindi ba maikli?" tanong ko habang hinahatak yung laylayan ng damit. "ano k aba wag mo ngang hilahin yung dulo ng damit. Hindi na hahaba yan." Sabi ni Ane.
I Look at her intensely at umirap lang sya. "funny." Sabi ko.
"tara na nga aayusin nanatin yang buhok mo." Sabi nya at pinaupo ulit ako dun sa inupuan ko kanina.
"Kayo hindi pa ba kayo magbibihis?" tanong ko sakanila. Ako, si Elle, at si Nat palang ang bihis.
"magbibihis na muna ko ha, total kasing bilis kanaman ng kidlat kung mag bihis eh." Paalam ni Oen tapos pumasok ng CR kasama yung damit nya at yung isang maliit na pouch, na sa tingin ko ay make-up yung laman.
"fine. So lets start." Muka syang seryoso habang binoblower yung buhok ko. Aish! Oo nga pala naka contacs ako. "Wait lang! tatanggalin ko lang yung contacs ko." Sabi ko.
"naka contact lense ka pala?" sabi nya.
"OO dati pa." sabi ko. May issue talaga ko pagdating sa mata. Pabago bago kasi ng kulay minsan eh. Minsan light brown, minsan blue, minsan deep blue yung parang navy blue, minsan naman gold.
Lumapit ako dun sa salamin tapos kinuha ko sa pouch ko yung lalagyan ng contacs ko. Tinggal ko. Kulay blue naman ngayon. Siguro dahil gumamit ako ng magic kanina. Pagtapos kong tanggalin, umupo ulit ako.
"okay game na." sabi ko.
"Wow! Ang ganda naman ng mata mo! Kulay blue! May lahi ba kayo?" tanong ni Ane.
"sila mom, mero ata. Ewan ko lang ako. Ampon ako eh." Sabi ko. Parang wala lang. mukang nakonsensya naman si Ane sa pagtatanong nya.
"Sorry. Hindi ko alam." Sabi nya
"no need. Okay lang. hindi naman big deal sakin yun. Tho naiinis lang ako dahil hindi nila sinabi agad." Sabi ko habang tuloy si Ane sa pag bo-blower ng buhok ko.
"but im very fortunate to have them as my family." Sabi ko.
"so pano mo nalaman?" tanong nya habang sinasaksak yung plansta sa buhok. Kakatapos lang nya i-blow dry yung buhok ko.
"I retrieved some memories pagkagising ko nun galing coma." Sabi ko. Yun naman talaga nangyari eh.
"grabe, so parang blessing pa yung pagkaka-coma mo nun dahil may naalala ka na?"
"sort of?" inumpisahan nya na kulutin yung dulo ng buhok ko. Gosh, kamuka ko na yung dating Anju. Wavy na chocolate brown yung buhok. Yung mata ko nga lang yung naiba. Dati kasi dalawang magkaiba yung kulay ng mata ko. Sa kanan ay kulay ginto sa kaliwa naman ay kulay bughaw na kakulay ng langit.
"alam na ba ng kuya mo na naaalala mo na?" tanong nya habang iniisprayan ng hairspray yung buhok na nakulot na.
"hindi pa, pero hindi nya na kailangan malaman. Thankful nga ako eh, kasi dahil sakanya nagging parte ako ng pamilya nila." Sabi ko
"ow~ mabait naman pala yung kuya mo eh."
"naman, yun nga lang sa piling tao nya lang pinapakita yun." Sabi ko. Mukang may nakikinig na iba ah.
Si Elle. "talaga sino-sino naman yung piling yun?" tanong nya sakin.
"Ako, si Mom, Dad, Our Yaya, and the girl he doesn't know his inlove with." Sabi ko. Nakita kong pagseselos sa muka ni elle na tinitignan ko sa repleksyon ng salamin.
"oh! Di nya alam na inlove sya?"
"oo, masyado kasing playboy eh. Yun tuloy, hindi nya na alam kung lust o love yung na fi-feel nya." Sabi ko.
"yan ang hirap sa playboy." Umiling-iling pa si Ane. "you're done." Sabi nya. Grabe kamukang-kamuka ko yung dating Ako.
"thanks." Sabi ko. Sabay namang lumabas na si Oen sa Banyo.
"oy bibihis muna ko ha! Ikaw na bala sa make-up ni Santhe." Sabi ni Ane, tapos pumasok na sa banyo.
"sige." Sabi naman ni Oen.
"game. Teka parang may iba sayo?" sabi nya. Sinuri nya pako.
"you're eyes! Blue pala mata mo?" sabi nya.
"oo, Malabo kasi mata ko kaya naka-contacs ako palagi." Sabi ko
"ah. So light make up lang ang gagawin ko sayo. Hindi kasi bagay yung makapal sayo." Sabi nya tapos inumpisahan nya na. After 3 minutes tapos na.
"yan tapos na!! grabe ikaw paba si Santhe? No wonder magkapatid kayo ni Timothy." Sabi nya
"lipbalm nalang gagamitin ko pweydi?" tanong ko.
"sure, total natural nang mapula yang labi mo. Nakakainggit nga eh." Sabi nya.
Naglagay ako ng lipbalm na strawberry yung flavour.
"ang hilig mo rin sa strawberry no?" tanong nya
"oo sobra." Tapos nun lumabas na din sa Ane, nakaayos na sya. Grabe five minutes lang ata yun. Tama nga si Oen, parang kidlat nga.
Speaking of kidlat si Anthony lang yung missing in action ah.
"tara na guys" sabi ni Elle na ngayon lang ulit nagsalita.
Dinala ko yung fifty shades ko.
Bumaba na kami papuntang Gazebo dun sa garden. I must say magaling na Terra mage yung tita nila Elle.
Ako yung pinakahuli sa pila namin papuntang gazebo. Kami nalang ata yung hinihintay eh.
"girls finally, kala ko bukas pa kayo dadating eh" satingin ko si Jared yun. Isa-isa nang umupo sila Ane.
Nung ako na yung uupo, nakatingin lang sila sakin. "right, ganda nya no!" basag ni Ane sa katahimikan.
"right~" wala sa sariling wika ni Jared. Oh no's, may tama nga.
"pre napaghahalataan ka." Siko ni Shio kay Jared na umayos naman ng upo.
Umupo ako dun sa upuan na katabi ni Toshi. Actually dalawa pa yung pag pipilian. Tabi ni Pierre o tabi ni Toshi. Mas pinili ko yung tabi ni toshi. Mas safe.
"tita bat sobra yung upuan?" tanong ni Elle
"ah, may dadagdag na panauhin. Si thunder emperor." Mukang nadulas si Tita dun ah. Sabagay mage din naman ako, pero to the rescue sila.
"si Anthony?" sabi ni Shio
"oo, iniwan nyo daw kasi sya." Sabi ni tita. Sinerve na yung pagkain namin. Tae kaharap ko si Pierre dahil nakipag palit sya kay Ran.
Ngumisi sya sakin. Nginisian ko din. Mukang nagulat pa sya eh. Tumikhim naman si Astrid na masama na yung tingin sakin. Hay. Jealousy nga naman tas samahan pa ng insecurity.
"Sorry Im late." Si Anthony. Sa tabi ko sya umupo. Na tabi ni Ran.
Tahimik na kumakain ang lahat. Hindi parin siguro ako natitignan ng mabuti netong si Anthony.
"Mikielo." Nabulunan si Anthony. Kaya inabutan ko sya ng tubig tapos hinimas ko yung likod para kumalma. Nakatingin naman sila samin.
"dahan dahan kasi." Sabi ko. Tapos kumain ulit.
"Biglaan, Anju." Napaharap tuloy ako sakanya.
Natulala naman sya. Dahil siguro sobrang kamukha ko na yung dating ako.
"Woah, you're really back." Sabi nya na namamangha padin.
"EHERM!" si Pierre. Anlakas ng ehem eh no? napatingin tuloy ako sakanya. Nagkatinginan kami eye to eye.
"Hmm... dapat inaalagaan mo yung Fiancee mo. Tignan mo nagkakasakit. Kung ako sayo bibigyan ko sya ng maraming gamot, mukang kailangan na kailangan nya eh." Sabi ko kay Astrid. Mukang nainis naman. This is the start. Wala syang palag ngayon dahil nasa harap namin si tita, yun tumitig nalang sya ng masama.
Poor you. Puro titig na masama nalang yung kaya nya. Haha.
"Tulad pa din ng dati." Sabi ni Anthony. Alam kong nag tataka na sila maging si Shio kung bakit madaming nalalaman tong si Anthony tungkol sakin. Tsaka all of the sudden naging super kilala nya ko.
"strawberry milk nga po, yung madaming yelo ah." Sabi ni Anthony dun sa Waiter.
"thanks." Sabi ko.
"nagkaron ka pala ng fetish sa strawberry dahil sa kanya." Sabi ni Anthony.
"Yeah, that's the reason behind my strawberry addiction." Naka tawa kong sabi.
Lalo naman silang nagtaka. Pati kayo nagtataka kung bakit naaalala ni Anthony yung dati. Kasi nga diba hindi sya tao, hindi din mage.
Dumating nayung strawberry milk ko tapos inabot sakin ni Anthony. "my lady." Sabi nya sabay abot ng Strawberry milk ko."thanks" I replied.
Nilaklak ko, as in istreyt. "another glass?" sabi nya.
"no, make it litter. Im thirsty." Sabi ko.
"addict." Nag chuckle nalang sya. Napatingin ako kila Ane. May YOU-GOT-TO-EXPLAIN-LATER look sila sa pag mumukha nila.
Tinugon ko ng ngisi sila na lalo pang nagtaka.
Hindi nakapagtiis si Ane. "You guys seems to know each other well." Tanong ni Ane na nakatitig samin, sila Shio naman dedma lang, sila kuya medyo nagtataka rin.
"nga naman?" dagdag ni Nat
"long story." Sabi ko
"Right. Indeed." Dagdag ni Anthony na tumake two pa ng Paella. Sinandukan nya din ako. He really knows I have a huge appetite.
"whoa, pig. That's your third!" sabi ni Astrid.
"Watch your mouth Young lady." Matalim na tinignan ni Toshi si Astrid.
"Jared, pagkatapos kumain pwede bang pumunta tayo sa kabilang isla. Mukang masaya dun eh. Pwede ba ?" tanong k okay Jared na napatingin sakin. Nagtama pa yung mata naming kaya namula sya.
"Sure." Maikli nyang sagot.
"bro, hindi pwedeng kayo lang sama ko." Sabi ng epal kong kuya. Sabi na eh, so far so good. I'll play cupid tonight.
"Kung sama ka sama din kami." Sabi ni Luigi. Napangiti ako ng tago.
"lahat tayo sama." Sabi ko. Nakangiti.
"What! Hindi pa ko pumapayag!!! I don't wan't malamok dun! And its gabi na!!" hindi pagsangayon ni Astrid. Pati yung mga epal nyang mga taga-sunod ay nag inarte den.
"ede wag, your presence is not needed. Arte pa." Nat's Tongue is really sharp when needed.
"What!? Okay then Pierre would stay with me naman eh. Right?" baling nya kay Pierre na mukang nasa Saturn yung utak.
"Right." Ulit ni Astrid.
"h-ha? Come-on babe magiging masa yun. Sama nalang tayo." Sabi ni Pierre.
"urgg! Fine." Basag. Iyak muna!! Haha!
"Then it's settled." Sabi ko habang tinatapos yung pagkain ko.
Pagtapos naming kumain, naghanda na kami sa pagpunta sa kabilang isla. Naka t-shirt at sweat pants lang ako. Ayaw ko kayang mag short dun. Baka gawin akong pulutan ng mga lamok.
"Hoy! Babae paki explain nga yung closeness nyo ni Anthony Sy?" akbay sakin ni Elle.
"oy! Wala ka nang topak?" napairap naman sya sakin.
"wag mo nang ibalik. So may ano sainyo ni Anthony?" tanong nya ulit.
"Nung na coma ako, palagi syang nabisita sa ospital. Tsaka friends din sila nila Toshi eh." Sabi ko
"ah, so kami mukang shunga sa kakahanap kung sang parte ka ng mundo dinala ng parents mo tapos sya lang pala ang nakakaalam kung nasan ka!? WOW. SO AMAZE!!" sarcastic na sabi ni Elle. Mali pa yung grammar. Sinadya nya yun. Kung san san nanaman nakakapulot tong si Elle ng mga pauso eh.
"Aywan ko! May mosquito repellent kaba jan?" tanong ko habang inaayos yung backpack ko na dadalin dun sa kabilang isla.
"wala eh, yung iniispray lang." sabi nya sabay haggis sakin nung bote.
Pumasok ako ng banyo at nag-spray ng bonggang bongga sa katawan. Wala namang amoy, kaya okay lang kahit madami.
Paglabas ko ng banyo, palabas na din sila ng kwarto.
"tara na, baka dun na din tayo matulog. May bahay dun si Jared eh, pero seriously, hindi nya kami pinapayagan tumapak dun sa isla nya tas ikaw agad-agad, walang patumpiktumpik pumayag agad!" medyo hysterical pa si Ane. Baliw talaga tong mga to, parang ako lang.
"hay nako, kung ano ano yung iniisip nyo eh tara na nga." Actually, si Jared ay si Kuya Travis. I don't know na may ganun palang pagtingin sakin si kuya dati. Weird lang.
Nagkita-kita kami dun sa harap ng kubo na malapit sa dagat.
"mga bata ingat kayo ha, nadyan naman si Mang Karding kung may ipapabili kayo or what eh." Sabi ni Tita.
"Sige po mauna na po kami."paalam ko.
Jetski yung ginamit naming. Tag dadalawa lang yung pwedeng sakay ng bawat isang jetski.
At dahit ako ang nag aya kay Jared, sakanya ako aangkas.
Si kuya naman ay angkas si Nat. Nag pumilit si Nat eh! Ganyan ang Fighting Sprit!! Under naman si kuya kay Nat eh. Nakakaawa nga si kuya kani na eh, kinailangan pang hambalusin ni Nat si kuya para lang pumayag.
Si Elle naman ay si Ray yung partner, shempre kagagawan ko. Ako nga si Cupid ngayong gabi eh.
Si Ane ay si Ray, hindi na ko nahirapan dahil may isa silang common eh. Mga geek. Yun may pinag uusapan sila tungkol sa isang halaman.
Si Oen naman ay kay prince charming nyang si Luigi. Nung una nga ayaw pa ni Oen eh, pero wala syang nagawa kasi nga ako si Cupid. Tinulak ko na sya dun sa Jetski na sinasakyan ni Lui.
Si Astrid naman tsaka si Pierre ang magkapartner. Nakakainis mang isipin at masakit sila sa mata pero wala na kong nagawa pa dun. Hindi ko nalang pinansin.
Yung mga alalay naman ni Astrid ay sa maliit na bangkang de-motor sumakay dahil kulang na yung jetski kasi yung isa ay sa kambal tapos yung huli ay kay Anthony na nauna nang lumayas dahil allegic daw sya sa higad.
Sumakay na ko dun sa jetski namin, hindi ko pa alam kung san ba hahawak syempre nahihiya ako no! kahit ganto ko may hiya padin ako. Konti lang.
Nag chuckle naman si Jared tapos kinuha yung kamay ko tapos pinulupot dun sa bewang nya. Ohmygulay! Abses? Ang bango pa.
"sniff all you want" sabi nya. Napahiya naman ako dun, I feel my face burned. Nakakahiya tehh!
Nag chuckle nanaman sya. " don't be shy. Im sorry if I embarrassed you. Okay lang naman na amuyin ako basta ako lang." pabiro pero seryoso nyang sabi.
"sorry." Sabi ko.
"okay lang. alam mo kinakabahan ako ngayon." Sabi niya tapos umandar na yung jetski namin. Now he's really in to me.
"why are you saying this?"
"I think by saying it, lessen my pressure?" sabi nya.
"you're the first." Sabi ko. "may I?" tanong ko kung pwedeng sumandal sa likod nya. Nakakaantok kasi yung simoy ng hangin.
"yeah. Sure, my princess." Sabi nya.
Malayolayo din yung isla nya kaya naka idlip ako.
Naramdaman ko nalang na may bumubuhat sakin.
"such a baby!" si astrid at yun eh. Anubayan kahit sa panaginip hindi ako nilulubayan.
"OH EM!! sissy look." Sila ane yun ah.
"Christhy, wake up princess. We're here." Teka teka iba na itu ha!!
Minulat ko yung mata ko kasi may parang tubig na tumapon sakin.
"Ano bang problema mo?!" pagalit na sabi ni Jared kay Pierre kasi binuhusan ako ng tubig ni Pierre.
"Guys Chill." Biglang pumagit na yung iba pang lalake sakanila.
"Chill! Pag sabihan nyo nga yang kaibigan nyo bigalabiglang nambubuhos ng tubig!" sabi ni Jared.
Nagpantig naman yung tenga ni Pierre. "Pierre chill." Pakalma ni Luigi.
"Alisin nyo si Santhe" sigaw ni Kuya.
Bigla nalang kasing tinira ni Pierre si Jared ng Bolang apoy na kulay blue.
Nasalag naman ni Jared yun gamit yung buhangin. "terra? Bat di ka na lang magtanim sa bukid?" lalo namang nagalit si Jared sa insult ni Pierre. Kaya biglang may sinkhole na lumabas dun sa paanan ni Pierre. Nakatalon naman ito. "wag kang mayabang porket prinsipe ka." Malamig na sabi ni Jared.
"GUYS STOP!!" sigaw ni Elle.
"Hindi ba kayo nag-iisip! Nilagay nyo lang naman sa bingit ng kamatayan si Santhe!!" sabi ni Ane. Agad namang lumapit si Oen at may spell na ki-nast sakin at nakatulog ako.
~~
Nag gising ako sa sinag ng araw na tumatama sa muka ko.
Alas 7 na pala ng umaga. Nasa kwarto ko ako sa mansion namin. Pero diba nasa vacation house kami ng tita nila Elle?
Isang matinding sakit ng ulo ang umatake sakin. Damn spell. Ito siguro ung spell na ki-nast sakin ni Oen.
Tumayo ako para kunin yung cell phone ko pero hilong hilo ako kaya natumba lang ako sa kama.
Grabe parang binibiyak yung utak ko. Nandidilim na din yung paningin ko. Ilang sandal pa ay nawalan na ko ng malay.
**
Next chapter: false verdict, Magic realm's thanks giving festival.
a
: daming requirements na hindi ko padin tapos. Pero yung utak ko ayaw ako patahimikin kaya nag sulat nako. Tuloy tuloy yung story flow sa utak ko eh.. sa susunod na chapter madaming exciting event ang magaganap. i!happy reading!i
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro