Chapter six
Chapter 6
sorry kung late.. masakit kasi ulo ko eh.. pati dun sa mga nag tatanong sorry kung hindi ko pwedeng sabihin ung mga sagot.. pwedeng nasa plot po kasi eh..
Timothy's POV
~im always be yours forever Enough through the push and the pu-~
nagising ako dun sa ring ng cellphone ko. Anak ng tokwa alas singko palang ng madaling araw!!
"hello?"
[Pre, pinapatawag tayo sa head quarters]
"ngayon na ba? mamaya nalang mga 10. inaantok pako"
[tss. ngayon na, urgent daw.. kakatawag nga lang sakin ni Pierre eh]
"okay fine." sabi ko sabay baba dun sa cellphone..nga pala si luigi yung kausap ko, dun sa pinapatawag na thing.. ganto kasi yan, pero SECRET lang ha! isa din tong dahilan kung bakit hindi pinakilala si Santhe bilang parte ng pamilya namin..
okay, Isa akong Knight. Hindi lang basta bastang knight ha! oo na sige na since fantasy tong genre netong storyang to malamang alam nyo na kung anong tinutukoy ko. Isa kong mage/wizard yes we do still exist pero patago padin. kokonti nalang kasi yung bilang namin simula nung second great wizard war naubos lalo kami. Yung sinasabing head quarters ay nasa magic realm dun sa may malaking gate sa may school namin pag pumasok ka dun nandun yung portal papuntang magic realm isa din yung academy na puro mage ang nag aaral. tinago ito sa publiko dahil maraming pwedeng masamang mangyari pag nalaman nila. Dun naman sa dahilan kung bakit hindi pinakilala si Santhe sa publiko bilang kasapi sa pamilya namin, dahil hindi pwede kasi nga wala syang dugong wizard kasi wag kayong maingay ah.. nakita lang namin sya dun sa isang ampunan nun eh..umiiyak sya ng sobra tapos bigla syang nawalan ng malay, sabi ng mga doktor sobrang trauma daw ang pinagdaanan nya kaya ayun nabura lahat ng alala nya.. mga 5 years old palang sya nun pero marami na kaagad pinag daanan. Sabi ng mga social workers hindi daw nila kilala kung sino ang nagdala dun kay Santhe sa paampunan basta daw isang araw nalang nakita nalang nila sya dun sa swing sa play ground umiiyak.. ayun yung dahilan kung bakit hindi sya pwedeng ipakilala bilang kasapi ng pamilya namin.. dahil isa syang ordinaryong tao, mahigpit kasing ipinagbabawal na malaman ng mga ordinaryong tao na nag eexist kami kundi may matinding parusa. Si Mommy nga pala at si Daddy hindi din ordinaryong tao isa pa nga sila sa counsil eh, ganun din ang mga kaibigan ko, teka hindi nyo papala sila kilala.. so kaylangan ko pang ko pakilala yung mga ugok na yun -_-.. . Si Pierre Gabriel Serrano siya yung may pinaka mataas na ranggo saming lima, yung parents kasi nya yung Counsil head parang reyna at hari ng magic realm, sad to say sya din yung pinaka malakas samin. Pumapangalawa lang ako, sumunod naman yung kambal na si Ransay Marc Adams, sya yung pinaka tahimik samin pinaka magaling din sa academics, kabaligtaran naman yung kakambal nya na si Rayleigh Jean Adams, isa lang description ko sa kanya. madaldal. at ang huli ay si Luigi Fontanilla sya yung healer sa grupo namin....yun lang..
pag tapos kong magdamit nagtungo nako dun sa may portal. nagmotor na lang ako.. ang daya kasi talaga nila mommy eh.. kay Santhe kotseng dream car ko tapos sakin motor lang..dagdag nyo pa yung platinum card nya.. =_=" hay buhay..
nandun na sila sa may portal ako nalang pala yung huli.
"ang tagal mo naman, babae ka ba? " sabi ni luigi.. sya naman yung tama lang ang kadaldalan si Ray kasi sobra eh..ngayon lang hindi kasi mukang naiwan pa nya yung kaluluwa nya dun sa kama nya..
-_-" ako
+U+ sya
Epal talaga kahit kelan.
"tara na" si Pierre. Nga pala tahimik din yan at ubod ng sungit.. nung isang araw nga record breaking eh, ang daming sinabi tungkol dun sa kapatid ko.
Pumasok na kami sa portal, tapos ilang saglit lang nandun na kami sa Magic realm.
Ibang iba talaga yung aura dito.
Dumeresto kami dun sa HQ.
"Ma?, anong kailangan nyo samin? Ang aga-aga pa eh." Pierre
"ang sweet mo talaga anak, a Good morning will do" sarcastic na sagot ng mommy nya.
"tsss. Ede good morning" sabi ni Pierre
"Good morning po tita" masiglang bati namin.
"Good morning den mga iho.. hawahan nyo nga tong anak ko paminsan minsan sa pagiging sweet" sabi ni titang nakangiti samin.
"imposible po tita" ray. Tinignan lang sya ng masama ni Pierre
"so Mom ano na nga pala yung dahilan kung bakit pinatawag mo kame" walang siglang sabi ni ni Pierre
"oo nga pala, ngayon yung araw ng pagbubukas ng time capsule, kaya may ceremony mamaya gusto kong kompleto kayo mamaya den yung orrientation para sa mga freshman at bagong transfer"
"okay" walang kalatoy latoy na sabi nanaman ni Pierre. -_-
Oo nga pala yung time capsule na yun.. its kinda cool kasi yun yung time capsule na mahahalagang tao sa kasaysayan ng magic realm ang nag may-ari dati.. diba! Yung mga gamit din ang pipili ng mga bagong mag mamayari sa kanya. Astig talaga! Ano kaya yung mapupunta samin.. excited nako!
^u^!
Pagtapos namin dun sa HQ pumunta na kami sa sarili naming HQ.
hindi lang kami sa mundo ng mga tao sikat Dito din! Kilala kami sa tawag na Power Five.
"Good morning po" sabi samin ng mga estudyanteng nadadaanan namin.
Hindi lang mga mage ang nag aaral dito.. matapos ang second great War ay binuksan na din to para sa mga Nymphs, fairy, at kung ano ano pa.
Santhe's POV
Hayyy Monday nanaman.... Nakakatamad pumasok, gusto ko pang matulog.
"NAK GISING NA!! MAHULI KA PA SA SKWELA NYAN!" sigaw ni nanay
"OPO BABANGON NA NGA EH!" sabi ko habang kinakamot pa yung ulo..
Oo nga pala na makeover ako kahapon kaya nag transform na ko ngayon..
Tinignan ko yung repleksyon ko sa salamin.. nawawala na pala yung mga pimples ko.. mabuti. Hindi sayang yung ibinayad ko dun sa derma. Eh pagkamahal mahal ng siningil eh!!
Tapos yung figure ko konting push pa. Sexy nah!!.. ay oo nga pala may gym training papala ako! Teka anong oras na ba!!
6:00 am palang pala! Tinignan ko pa yung labas medyo madilim pa nga.
Naghilamos na ko tapos sinuklay ko yung wavy na dati ay strait na ngayon ay reddish brown kong buhok. Nag suot din ako ng damit na pang jogging. Hindi muna ako nag contacs, ewan ko ba nangangati yung mata ko pag nag susuot ako. Bumaba na ko at yung mga katulong halatang nag tataka..
"Ah. Good morning po.. girlfriend po ba kayo ni Sir Jae?" tanong ng isa naming katulong.
"ah hindi." Tipid kong sagot.. tapos sinundan ako nung katulong papuntang dining area.
"mam kung hindi ka Jowa ni sir eh baka classmate ka ni mam Santhe." Dagdag pa ng katulong namin
"hindi den, asan ba si nanay Jossie?" tanong ko
"May kausap pong lalaki dun sa salas. Eh kung hindi po kayo ka-klase ni mam sino po kayo?" ang daldal talaga ni Inday.
"ako to si Santhe" bored kong sagot
"talaga mam?! Naku ang ganda ganda nyo napo!!" sabi nya
"ah thanks.. sige pag handa mo na ko ng breakfast at baka dumating na yung Gym intructor ko." Sabi ko.
Teka wala atang epal ngayon? Aba! Himala ah! Wala yung magaling kong kuya. Ano kayang nakain nun eh ayaw na ayaw nun ang gigising ng maaga eh.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nang magsalita si nanay.
"Ija.. nanjan na daw yung gym instructor mo" sabi ni nanay ako nakatalikod pa..
"Teka akala ko si Santhe. Yung batang yun talaga tamad na tamad pag lunes" sabi ni nanay. Sabi na eh hindi din ako makikilala neto eh.
Pumihit ako papaharap sa kanya. "nay ako kaya to, sige po susunod na po ako dun sa gym" sabi ko.
Si nanay nanlaki yung mata sakin tapos kinilatis ako from head to toe umikot pa.
"Nay ako nga si Santhe." Sabi ko
"abat oo nga no!" "aba iha mas lalo ka pang gumanda!! Ang ganda mo na!! naku pani gurado pila na ang manliligaw sayo nyan!" sabi ni nanay
"nako nanay, Joker po talaga kayo... sige pupuntahan ko na po yung instructor" iniwan ko na sya dun tapos pumunta dun sa Gym.
"good morning miss Santhe, ako nga pala si Kate. Ang iyong gym instructor at naniniguradong sexing sexy kana pag katapos ng program na ginawa ko para sayo!!" sabi nya mukang mas matanda lang sya sakin ng konti.. at ang sunny ng personality nya ha!! Yung parang mahahawa ka sa positivity nya.
"sige po! Aasahan ko yan!! Magiging hour glass shape den ang aking body!!" masiglang sabi ko!
"Aba! Maganda yang attitude mo!! Ate kate nalanga pala ang tawag mo sakin miss Santhe" sabi nya
"santhe nalang po!" sabi ko
Tapos dinemo nya sakin yung mga dapat kong gawin.. at ang hirap pala!!.. huehuehue!!
TT__TT kung walang tyaga walang hour glass shape body!
"ay oo nga pala, may proper diet ka ding susundin. Dapat puro gulay lang at as much as possible, iwasan mo yung junk foods, chocolate, pati yung mga oily at fatty foods" sabi nya *3*
Aww bawal na chocolate. Pero okay lang mga strawberry milk pa!!
"at tsaka imbis na rice na white, brown rice yung kakainin mo.. ibibilin ko nalang sa chef nyo yung mga bawal at hindi sayo.. in a month or two se-sexy ka na!! oo nga pala bawal mag puyat makakasama sayo yan, pati damihan mo yung inom ng tubig ha!!" sabi ni ate Kate
"opo." Sabi ko at mag paalam na sya.
Pagtapos ng 1 hour shems parang 1 year lang.. nakakapagod!!.. nag pahingalang ako ng saglit at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaya madaling madali ako naligo at nag bihis..
"nay alis na po ako." Sabi ko habang tumatakbo pababang hagdanan.
"oh ija yung pinapabaon sayo kumpleto na yan" sabi ni nanay
"mag papahatid ka ba?" sabi nya
"hindi na po salamat, mag kokotse nalang po ako" sabi ko
At yun as expected pinagtitinginan yun veyron ko. Nandito palang ako sa gate.. hassle lang kasi mahirap mag park... nakahanap naman ako. Bago bumaba sinuot ko yung salamin ko..feeling ko kasi hindi ako sanay pag walang glasses.. hindi ko panaman na suot yung contacs ko.
Kinuha ko yung mga gamit ko bago bumaba.
Ohh.. look at her is she new here?
Pre may chicks oh
Hhmp another bitch
Samut saring side comments ang naririnig ko at sa sobrang hiya , eh halos I ngudngod ko na yung muka ko sa sahig.
*boogsh
Nabangga na pala ako.
"miss tumingin ka nga sa dinaraanan mo" sabi ng masungit na lalake
"sorry, ang sungit naman hindi man lang ako tinulungan. Psh'' pabulong kong sabi
"anong sabi mo miss?" sabi pa nung lalake
"wala akong sinabi.. sabi ko thankyou" sarcastic kong sabi
"pshh.. papansin." Sabi nya. Nilingon ko nga.. abat napaka liit talaga ng mundo namin.. si Mr. Privacy pala.
Isang nakakalokong sngiti ang gumuhit sa labi ko..
"Excuse me Mr. Privacy.... . Bakit naman ako mag papapansin sa manwhore na gaya mo?" sabi ko seductively....
Hahahaha namumula.. ibig sabihin galit na yan!! Kaya mag hahanda na akong tumakbo.
"Uy pre antagal mo naman. Kala ko may kukunin ka lang sa auto mo?" si kuya yun ah.. napatingin pa sakin.
"uy kaya naman pala may chicks eh. Nice pre, medyo chubby lang" sabi ni kuya
"hoy ang tagal nyo naman nagugutom na ko !!" si Ray yata yun.. ang pagkakaalam ko kasi maingay yun eh.. kasama nya pa yung kakambal nya pati yung isang nagligtas sakin nung nagkasakit ako.
Teka teka!! Yung kotseng to!? Eh ETO DIN YUNG NAGTALSIK SAKIN NG PUTIK KAYA HINDI AKO NAKASAKAY NG JEEP EH!! So kay Mr. Privacy pala to... at yung kuya ko.. okay na sana kaso may chubby pa eh!!
"Manwhore? Haha nagpapatawa ka ba? Tsaka may patunay ka ba?" abat hinamon pa ko no mr privacy!
"ako, ahahahaha XD pano kung sabihin kong MERON?'' sabi pa nya
"woah! Pre ang daming sentnce nun!" sabi ng kuya ko
"manahimik ka nga Tim" sabi ni mr privacy
"sige nga i-" sumenyas ako sa kanyang may tumatawag.
Tapos sinagot ko yung phone..
[hoy! Babaeng nerd nasan ka na baka malate ka]
"im just dealing with some idiot"
[ah okay.. mukang trobol nanaman yan ah.. yung bunganga mo bawas bawasan mo ang paglabas ng word na matutulis ah..preno preno din pag may tym]
Tinignan ko si Mr. Privacy namumula na sa galit.. sila kuya naman nag pipigil ng tawa.
Humagikgik pa ko para lalo syang aasar..
"okay sige bye..parating na ko jan" sabi ko
-call ended-
Pag tapos kong itago yung cell phone ko bumaling naman ako sakanya.
"You we're saying?" tanong ko sa kanya
"NEVER MIND!" tapos nag walk out. Sila kuya naman hindi magkamayaw na tawa ng tawa.
"Ahahahaha Miss- Ahahah- sheeet ang hirap ahahaha" si kuya
Hmm.. mahirap daw.. sinikmuraan ko nga
"ARAY!! Ano ba?! Bat mo ko sinikmuraan?!" ang sama ng tingin sakin ni kuya
Hindi parin nya ko nakikilala.
"sabi mo mahirap mag salita..tinulungan lang kita... a thank you will do my dear brother." Sabi ko tapos nag smile ng maloko.
"WHAT THE!! Santhe?" nagtataka nyang sabi
Binatukan ko.
"Aww! Ikaw nga pero pano?" sabi nya
"sasapakin na ba kita ulit?" sarcastic kong sabi
"aha-ha sabi ko nga eh"
"Pre kilala mo?" Luigi
"Si Santhe" kuya
Nilahad ko naman yung kamay ko.
"Santhe Chun here." Sabi ko tapos nag shake hand kami."Luigi Fontanilla"
Lumapit naman yung kambal "Ray Adams tapos sya si-" "Ran Adams here" pagpapatuloy ng kakambal nya.
"Woah! Two miracles by one girl in one day!!" si kuya
Binatukan ko ulit
"OA much?" sabi ko
"Sadist much!? Nakakailan ka na ah!! Mashakit kaya!" sabi nya
"ahh masakit ba? Saan masakit gagamotin natin" I said in my sweetest tone.
Tinuro naman ni kuya yung ulo nya.
"oww yan ba?" yumuko sya ng konti at ako naman kinuha ko yung pinaka makapal kong libro at
"ARRAAAY! Naman masakit na nga eh!" sabi nya habang hinihimas yung ulo nya.. Pinukpok ko kasi ng libro I mean hampas... wala eh gantihan lang yan kuya.
"Oh kayo manonood nalang ba kayo jan? abat late na kayo ha?! Magbagong buhay den pag may time ha? Pasalamat kayo pinasa ko pa kayo dun sa Mid term" sabi ko tapos lumayas na.. hahaha Ang epic nun pramis!..
Humanda ka sakin Mr. Privacy ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkasakit at tinorture I mean dun sa make over.. nakakatorture kaya!!
Humanda ka ! Lintik lang ang walang ganti!! MUHAHAHAHA! *evil laugh*
-------------------------------\\------------------------
Asan na yung Reco letter.. TT__TT speaking of that ang dami kong susulatan!! Wahhh!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro