chapter seventeen
Chapter Seventeen: false verdict, Magic realm's thanks giving festival.
Santhe's POV
"pano yan? Pagnalaman to ng counsil patay tayo parepareho." Nag-aalalang wika ng isang babae.
"wala tayong magagawa kundi itago muna sya, mahirap na. malaki pa naman ang galit ni Astrid kay Santhe." Santhe. San ko nga ba narinig yun? Ay shunga yun na nga pala yung pangalan ko.
Pinipilit kong imulat yung mga mata ko pero sadyang napaka bigat neto.
"so anong plano? Tuloy pa ba tayo sa festival?" tanong ng babaeng nag salita kanina.
Teka speaking of that. Ngayon dapat yung araw ng anniversary ng school namin. Sayang naman yung gown na pinagawa sa tita nila Elle.
"syempre, hindi tayo pwedeng mawala dun. Isa tayo sa may matataas na ranggo. Tiyak na magtataka sila kung wala tayo. Sakto pa namang ika isanglibong taon ngayon."
Teka parang kilala ko tong mga boses na to ah. Si Elle at si Oen.
Ika-isang libong taon na pala. Ang ibig sabihin ay talagang magsisimula na. Pwede ko na din palang magamit Yun. Pero nakakainis lang dahil limitado lang ang pwede kong magamit, di tulad dati.
Mashadong mahina ang katawan ko ngayon kaya't limitado lang ang pwede kong magamit.
"sabagay."
"teka, anong spell ba yung kinast mo kay Santhe? Bat parang matagal yung epekto."
"oo, medyo tinapangan ko ng konti. Kilala mo naman si Santhe, magpupumilit yan sa mga bagay na pinagbabawal. Dalawang araw lang naman yung epekto nun. Baka sa susunod na bukas okay na sya." Langya tinapangan talaga? Naku pag ako talaga nakakilos ditto pag sasapukin ko kayo! Tag-iisang daan pa!!
The day after tomorrow? Tae! Baka hindi ako umabot!!, kailangan kong maka punta ng festival! Kailangan kong pumuslit!! Si Mikielo! Tama!
Kaya ko naman gumamit ng magic ditto, pero manghihina ako. Hindi pa kasi ako nakakabalik ulit sa Magic realm. Iba pa rin kasi yung nakapunta ka sa magic realm eh, may kakaibang energy kasi dun na nag-rerecharge ng magic.
"hay, naku kawawa naman tuloy si Santhe." Ramdam kong nanghihinayang sila. Kahit ako din naman eh. Kaso wala eh, ganun talaga pag gusto mong may pa-surprise effect. Kailangan may isakripisyo.
Nag-ring yung cellphone ni Elle.
"Hello?.... ah~ okay papunta na kami jan....oo..dito kay Santhe.. mag bibilin nalang ako ditto...sige.. bye"
"oh ano daw?" tanong ni Oen
"Aayusan na daw tayo, magbibilin nalang ako sa yaya ni Santhe." Sabi ni Elle.
"o sige tara na." sabi ni Oen.
Nang maramdaman kong nakalabas na sila Oen ay natulog muna ko, kailangan kong mag ipon ng maraming energy para sa spell na i-ccast ko mamaya. Kailangan ko pang tawagan si Mikielo mamaya pero sana wala pa sya sa Magic Realm.
~
3rd person's pov.
Sa consul may isang balitang nagpa-alarma sa mga konsulado. "May isang tao po na nakakaalam ng tungkol satin!" sabi ng isang babae.
Napatayo naman ang lalaking nakakunot ang noo. "may katotohanan ba yang sinasabi mo?"
"opo! Sigurado po ako!! Nakita po ng dalawang mata ko ang mga kaganapan." Sabi ng babaeng nakayuko.
"kung ganon, mag pakilala ka." Sabi ng lalaki na may-idad na pero halata parin ang kakisigan.
"Camilla Ross po, spirit guard po ni Duchess Astrid Paradeux." Sabi ng babae.
Simula nung matapos ang pangalawang digmaan ng mga mage, nagkaroon na ng tinatawang na Spirit guard. Sila ay espiritong ipinadala ng mga Diyos ng elemento. Ang mga Spirit guard ay palaging nasapaligid ng kanilang master o yung mage na nangangalaga sa kanila.
"Duchess Astrid. Kung ganon, halika sa office ko at marami tayong pag-uusapan."
~~
Sa kabilang banda naman ay bising bisi ang lahat para sa malaking pistang gaganapin, kasabay ng pista ay ang seremonya para sa pag-uumpisa nanaman ng panibagong school year sa Selfeide Academy. Ang Selfeide academy ay ang pinaka matanda at pinaka mainam na school para sa mga mage. Halos lahat ng Mage na may dugong bughaw ay ditto nag-aaral. Sa dami ng gustong mag-aral ditto ay kailangang mo munang makakuha ng rekomindasyon mula sa nakakataas para lang makapasok ditto. Marami na ding natatag na iba pang institusyon para sa mga mag-aaral na mage kagaya nalang ng Gavin Academy na naipundar noong pagkatapos ng pangalawang digmaang mage.
Habang abala ang lahat, abala din ang mga kababaihan sa kanikanilang dorm para mag handa, lalonglalo na ang may mga titulo o ang mga may dugong bughaw. Syempre, dahil may titulo sila hindi sila pwedeng masapawan ng iba. Ang festival na magaganap ay bukas sa lahat ng mag-aaral sa Academy, mayroon din namang taga-ibang school pero pili lamang.
Ngayong araw din ang pagbubukas ng bagong school year kaya't may welcoming din para sa mga bagong mage. At isa sa mga tradisyon ay ang pagkilala kung anong element ka at kung saang klase ka mapupunta, syempre kapag ikaw ay may dugong bughaw, nasa S-class ka. Pero kung isa ka lang simpleng mage dun ka sa section N- o mas kinikilalang neutral.
Bawat mage ay may elemento, ang bawat element ay may sarisariling dorm. Base den kung anong titulo ang mayron ka. Kung isa kang duchess ay syempre yung titirhan mo ay mala palasyong kwarto.
Kung isa ka naman simpleng wizard asahan mong simple lang ang makukuha mo.
"Elle pano na si Santhe?" tanong ni Oen.
"Balita ko may nag tip na daw." Sabi ni Nat.
"Nilagyan naman natin ng seal yun ihh.. babalikan natin sya agad. Teka anong aksyon ba yung ginawa ng kuya nya." Tanong ni Elle.
"Ewan wala kaming balita. Ikaw ba Nat meron? Text mate kayo nun eh diba?" namula naman si Nathalie.
"heh! Ewan ko dun sa lalaking yun." Matabang na sabi ni Nathalie, nagtatampo parin kasi sya dun sa mga kagagawan nin Timothy. Kahit na sanay sya sa pang bababae neto, nagseselos parin sya at hindi nya matanggap na sa isang playboy sya ma-iinlove.
"ashus.. lundeh! Pero wag ka mag-alala na fi-feel ko din yan." Sabi ni Elle
"psh."
"teka nasan ba yung si Ane?" tanong ni Oen. Sya nalang kasi ang wala dun sa Room nila. Tama may common room sila. Dahil parepareho silang may matataas na titulo kaya nakapagpatayo sila ng hideout sa academy kahit na bawal yun. Ganun din naman ang kings, may hideout din.
"sabi nya malapit na daw sya eh." Sabi ni Elle habang inaayusan nang stylist nilang isang Nymp.
"Sus! Late nanaman yung babaeng yun!" tila on-que pag kasabi ni Nat ay bilang bumukas ang pinto at niluwa nun ang mukang haggard na si Ane.
"Oh tehh! Anyare sayo?" tanong ni Elle
"Papunta na yung mga guard dun sa bahay nila Santhe para dakipin sya." Sabi ni Ane na hinihingal pa din
"WHAT!" napatayo si Elle. "teka diba kasali sa counsil yung parents ni Santhe?" tanong nya.
"oo, pero once na majority na yung desisyon wala parin silang magagawa." Sabi ni Nat
"Aish pano ba yan." Nag-aalalang wika ni Oen.
"Teka matibay naman siguro yung barrier mong ginawa?" tanong ni Elle
"oo pero syempre kahit matibay yun kung ang mga royal Guard naman ang gigiba dun malamang sa malamang matitibag yun" sabi ni Oen.
"Shems kailangan natin gumawa ng paraan." Sabi ni Elle.
Tumunog na yung bell. Ibig sabihin oras na para mag handa papuntang Skye's Hall.
"bahala na." sabi ni Nat.
~~
Santhe's POV
Unti-unti ng humihina yung spell na kinast ni Oen. Muntik ko ng makalimutan sakto nga pala tong araw na to, kung kalian magiging kulay ginto ang buwan sa magic realm.
Nagmadali akong bumangon at naligo. Habang naliligo ako ay inihahanda ko na ang sarili ko para sa mga mangyayari mamaya. Kailangan kong ihanda ang katawan ko, mahina pa naman ang katawan na to.
Sinubukan kong kontakin si Mikielo gamit ang telepathy.
"Mikielo, naihanda mo naba yung pinapahanda ko sayo?"
"oo. Teka okay ka na ba? Ano bang binabalak mo?"
"wala naman, basta hintayin mo nalang"
"hay nako. Susunduin pa ba kita?"
"No, need pero if you insist."
"yeah, I insist. Teka sure ka na ba talagang papasok dun sa Academy?"
"oo, kailangan. Pano ko maisasagawa lahant nang plano kung hindi ako papasok dun? Naman isip isip din ng konti."
"psh, sarcastic are you?"
"what evurr!! Basta masaya to. Sayang lang kung papalpak ako. Sayang ang isang milenyo."
"nga naman. Hindi ka naman magiging Annessa Juno Warlock kung magtatagumpay ka ng walang surprise."
"naman. Teka lang ano nga ulit posisyon mo dun?"
"Duke, bakit me ano?"
"wala naman, haha may julalay akong Duke. Akalain mo yun! HAHAHA!"
"HEH! Wag nga ako... -_- nabaliw ka nanaman. Pero baka masaktan ka lang eh."
"No pain no Gain."
"Hay naku, nga pala may mga Royal guard na papunta na jan."
"oh talaga? Ang aging bwisita. Sheesh... masasayang pa tuloy tong energy ko sakanila."
"ede sabay nalang tayo papuntang magic realm para medyo tipid ka."
"kala ko naman ikaw na bahala sa kanila eh -_-"
"haha.. madudungisan ang pogi kong pangalan."
"okay, basta ingungudngod kita sa putikan para madungisan parin yang pagmumuka mo hindi na yung pangalan mo. -_-+"
"ha-ha sabi ko nga eh ako na magiging host ng mga bwisita mo."
"no ako na. manood ka nalang."
"Fine. Pero kung seryoso ka sa ngudngudan part, pwede sa ibang araw nalang? Saying tong tux ko."
"fine, magbibihis muna ko."
"WHAT! NALILIGO KA HABANG KAUSAP AKO!?"
"wag ka ngang sumigaw di ako bingi, problema mo ba?"
"he-he wala."
Tapos nun ay pinutol ko na yung usapan namin, pinadala na pala ng tita ni Elle yung damit.. At dahil mage ako, minagic ko nalang yung sarili ko. Nakakatamad mag ayos eh =_=
Okay ready na ko. Kinuha ko na yung pouch ko. Nandun na yung mga kailangan ko. Bumaba na ko. Sheesh.. sabi na eh may barrier pa rin tong bahay... wala nang tao sa baba, malamang tumalab na yung sinet kong fragrance na pang patulog.
"Disolvo." At binarag ko na nga yung shield na nakalagay ditto sa bahay.
Madali lang naman pala eh. At dahil nga venifious ako kaya ganun.
"Ikaw ba si Santhe?" tanong ng mamang seryoso ang muka.
"oo, gulat kayo no? kala nyo si Piolo?" tas nag pose pa ko ng pang mister pogi. Haha ang epic ng muka nila. Muka silang naiinis na natatae na ewan.
"pinag lololoko mo ba kami!?"
"oy, oy, chillax lang kayo mag V-fresh ka muna." Tas binigyan ko pa si koya ng V-fresh.
"HOY!! SERYOSO KAMI DITO HA!"
"wala namang nag sasabi na hindi ah!, maka sigaw naman! Okay lang sana kung may paying ako eh." Leshe talsik laway si kuya. Buti nalang nailagan ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHA ano bay an Anju.. Dalian mo na at late na tayo." Si Mikielo na hindi na nakapagpigil ng tawa nya.
"payn payn!!"
Nag cast ako ng spell at may lumabas na isang maliit na pentagram.
Pumorma naman yung mga kawal.
"somnișterge" at naka tulog nga yung mga bwisita ko. Malamang nyan mamaya muka silang zombie.
"uy anong ginawa mo sa kanila?" tanong ni Mikielo.
"pinatulog?" sagot ko
"bat dika sure? -_- meron pa eh."
"payn payn.. binura ko na yung ala-ala nila."
"psh, hindi ka ba manghina nyan. Diba nga limitado lang yung kaya mong gamitin"
"I know right. Tara na nga." Sabi ko tas binuksan ko yung portal at nag teleprt papuntang magic realm.
~~
"WOOOO!! Its good to be back!!" nag tatalon pa ko dun at nag gulong gulong sa damohan.
"Huy! Naka gown ka tas gumulong gulong ka pa jan!" saway sakin ni Mikielo.
"~grrrrrr....~ tae nagugutom nako. Teka eat all you can ba dun sa festival?" tanong ko.
"Psh.. oo naman. Tara na nga." Sabay abot nya sakin ng kamay nya. Kinuha ko naman yun at tumayo na .
"pano tayo pupunta dun?" tanong ko.
"gusto mo ba grand entrance pa?" tanong ni Mikielo
"Aba syempre!! Hindi ako si A~ hhmmmp." Tinakpan yung bibig ko.
"wag ka ngang maingay. Madaming nakabantay noh.. hindi mo lang alam." Warning nya sakin.
"yeah fine tara na nga." Tapos nun nagteleport nalang kami dahil nga late na kami. No time para sa grand entrance. =-=
~~
Madaming tao dun sa ball, bawat pasok ay inaanounce pa. kainish.. haha.. too much royalty? Naunang pumasok si Mikielo, tapos ako..binigay ko din yung recommendation letter ko para papasukin ako. Isa kong freshman sa Selfeide Academy at ngayong gabi magiging opisyal na yun.
Natanaw ko sila Elle dun sa may table na unahan kung san katabi ng table nila Mikielo. Magkakasama sa table sila Mikielo, Pierre, Kuya, Ray, Ran at Luigi.
Nadun din ang mga counsil syenpre kasali sila mom at dad.
"Freshmans, this way please." Sabi nung babaeng satingin ko ay usherette.
Tumungo kami sa pahabang table malayo sa table nila Elle.
"Hi!! Ako nga pala si Jee-ann, at sya si Lee-ann. Ikaw anong pangalan mo?" tanong nung babaenge cute na hinatak pa yung sa tingin kong kakambal nya.
"Ako si Santhe." Sabi kong nakangiti, mukang jolly si Jee-ann at si Lee-ann naman mukang seryoso.
"Hi Santhe!, friends na tayo ha!! Teka galing ka din ba sa royal family?" tanong nya sakin.
"Hindi e, ikaw ba?" tanong ko. Malapit nang mag-twelve, ibig sabihin malapit nang ma-activate yung magic ko at pwede na ulit akong gumamit ng magic nang hindi basta bastang nauubusan ng lakas.
"Oo, kasali kami.. ang Mommy ko ay isang Plebian pero ang daddy naman namin ay Isang Count." Sabi nya.
"Ano ba!" saway sakanya ng kakambal nya. Lumungkot naman yung muka ni Jee-ann.
"hindi ka dapat nagsasabi ng mga ganyang bagay." Sabi ni Lee-ann
"pasensya na." hingi nya ng paumanhin sa kakambal nya.
"sige Santhe mauna na kami." Tapos nauna sila sa pila. Dun sila sa unahan umupo. Dun naman ako sa bandang gitna umupo. Napakalawak talaga ng hall na to. Dito din ako diniklarang Fortis Wizard.
Memories.
Kanina pa nagsisismula yung programa at ilang sandali nalang ay yung welcoming ceremony na.
"Ready! Malapit na yung welcoming ceremony." Sabi nung usherette kanina.
Matapos nag speech yung ewan ko kung sino yun, kainan na sunod. Shempre ako si Anju kaya tatlong bandehado yung sinandok ko. Haha yung mga katabi ko dito wide eyes eh.
OoO nga nga pa nga eh.
"Woah, san mo nilalagay yang kinakain mo?" tanong nung babaeng katabi ko.
"ewan ko din eh. Sobrang gutom lang kasi talaga ako, hehe" nag peace sign pa ko.
"astig! Sa na pareho nalang tayo. Kain ng kain pero hindi tumataba." Ngumuso pa sya.
"teka ano nga pala pangalan mo?" tanong nya sakin.
"Santhe." Sabi ko
"ah Santhe lang? ako nga pala si Adelaida Gomez aka Deli." Oo nga pala hindi ko pwedeng sabihin na Choon yung apelyedo ko kundi lagot sila Kuya pati na sila Mom.
"Santhe Cae." Tama yun nalang tutal yun naman talaga eh.
"teka, Cae parang pamilyar lang." sheep! Baka nasa history nila yun ah!! Pero no choice nasabi ko na eh.
"guniguni mo lang yun. Hehe. Teka ano bang gagawin natin sa welcoming ceremony?"
Ano nga ba ginagawa nila? Dami kasing bago sa panahon na to eh.
"alam ko kailangan mong ipakita kung anong element mo eh. Yun tapos kung may family background kaba, alam mo na kung kasali ka sa mga blue bloods. Pero minsan may malalakas ding plebian na nahahalo sa may mga title."
Ah ganun pala yun. Okay.
"ahh.. astig pala." Sabi ko.
"nga pala anong element mo? Baka kasi pareho tayo."
"secret. Ano ba sayo?" tanong ko
"weh.. sakin fire eh.. Idol ko nga si Lady Nathalie eh.." tas tumingin sya dun sa may table nila Nat. aba sikat pala sila dito.
"oh. Gusto mo pakilala kita." Sabi ko
Nanlaki yung mga mata nya. "Joke ba yun? Wala kayang nakakalapit na mga fresh man sa mga royales!" sabi nya
"talaga? Ano ba yung Royales?" tanong ko.
"Yun yung mga anak ng mga counsil o sa makatuwid mga prinsipe at prinsesa sila ng Magic realm." Racist naman masyado dito. -_-
"ah.. basta papakilala kita one day. Haha" sabi kong pabiro.
"teka yun lang ba ang gagawin natin sa ceremony?"tanong ko
"ay oo nga pala kailangan din natin mag summon ng Guard spirit." This is new.
"ano yun?"
"basta kung anong element ka yun yung makukuha mong spirit. Parang gabay ba." Sabi nya
"ah ganun pala." Ano kayang makukuha ko?
"Line up, welcoming ceremony na." sabi nung babaeng usherette.
So this is it. Tumayo na kami.
"Please proceed to the fire-rose garden for the hatting ceremony." In-announce nung babae.
"Deli, pwede pasabay? Hindi ko kasi alam kung san yun eh." Sabi ko sakanya.
"hindi ka pa nag totour dito?"
"oo eh." Sabi ko
"sure tara na." tas kumapit na ko sakanya.
~~
"wow!" yun yung una kong nabigkas dahil napakaganda ng garden na to. Puro rosas.
"I know right. Gash sana hindi ako mapahiya, kompleto pa naman yung Royal family. Pati nandito din yung kras ko." Hawak nya yung muka nya.
"kaya mo yan." Sabi ko to cheer her up.
Nag sisimula na yung ceremony, may spell lang palang pinapasabi tapos lalabas na yun sphere sa may kamay mo kung anong element mo. Tapos yun summoning na. Ano kayang lalabas sakin? Sana naman cute noh.
"Next," si Deli na pala. Oo nga pala may screen na malaki parang yung sa duel dati.
Galing fire mage sya!!. Oo nga pala sinabi nya sakin kanina. Tapos pagkatapos pala yung sphere dun manggagaling yung mark mo. Galing sana astig yung mark ng pang venifius.
Tapos nun nag summon naman sya, isang babaeng kulay red yung nakha nya. Joke lang basta fire spirit eh.
"Name?" tanong sakanya.
"Adelaida Gomez." Sabi nya tas yung winelcome na sya dun sa may upuan ng mga iba ring fire mage.
"next," ako na pala. Pumunta na ko sa gitna. Tumingin din ako sa audience at nag -wave pang miss universe!
Haha muka akong baliw dun sa harapan. Nakita ko sila Elle pati sila kuya, nandun din sila Jared at Sila Toshi. Gulat sila eh.. haha !!
"Ehem, please proceed."
" Presentare en elementus!" tas lumabas yung Pentagram na malaki na may star na may limang corner at bawat corner at may lumalabas na sphere ng ibat ibang elemento. Ang huli ay ang sky element na kulay ulap na nag goglow.
Nga nga tuloy lahat ng nanonood, as in lahat sila. Sana pala nag padala ako ng pulutong ng langaw! Ang daming kwebang papasukan oh! Hahaha!! Joke lang.
Tapos tumatak na sa likod ko yung mga marka. So bale lima yun. Shutang galers!! Ako ba si Juaquin Burdado? Kase feel na feel ko na eh.
Tapos ng marking ceremony yung spirit summoning naman pero may nag salita pa.
"Teka lang!! bat angdami nyang elemento?" yun may epal, ewan ko kung sino. Tas yung nagbubulungan na sila.
Hiyang hiya naman ako sakanilang chikahan kaya tumigil muna ko. Baka kasi nakakabastos nako eh.
"EHERM!! QUIET!!" si Pierre. Tsk!! Kailangan nya na talaga ng strepcile.
Pero infernes nanahimik ang lahat.
Tinuloy ko na din yung summoning.
"Apareo en spiritus." Tapos biglang lumiwanag yung may ulunan ko. Tapos may isang lalakeng umappear sa peslak ko. Kamuka ni Phoebus Apollo. Golden blond yung buhok tapos blue yung mata. Tapos red lips tapos cute!! Mas bata lang sya ng konti sakin.
"Tititig ka nalang ba dyan?" tanong nya. Sungit naman neto.
Nga naman tititigan ko nalang ba sya kung pwede ko namang kurutin yung cheeks nya?
"Araaaaaaaaaaaaaay! Bitawan mo.! Aish!" luh nagalit.
"ang kyot mo kasi eh. Anong pangalan mo?" tanong ko. Naka cross arm naman sya at nakataas yung kilay.
"Dale." Tapos nun nawala na sya. Leshe cute nga masungit naman. Sarap pa naman kurutin ng cheeks nya haha!! Bagong julalay nanaman!!
Nganga parin yung mga audience.
"N-name?" san kaya ako uupo? Wala naman akong kauri eh.
"Santhe Cae." Sabi ko
**
Yan na ah!! Admitted na sya.. next po...
Next chapter: complicated meh :3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro