Chapter seven
Chapter 7
SANTHE's POV
Habang busy ako kakaisip kung pano gagantihan si Mr. Privacy, hindi ko namalayan na may kumakausap na pala sakin.
"Hey miss? okay ka lang ba?" napatingin tuloy ako dun sa lalake.
SHETE! SPELL MAKALAGLAG PANTY!? oh my! ang pogi!
"miss? Im just wondering kung san dito yung Admin's office?" napakamot pa ng batok. Wahhh! ang cute na pogi! he looks like an angel. Ang amo ng muka nya, yung nose, yung lips, yung brown eyes na pag tinignan ka mag me-melt ka.
"Sorry, ano ulit yun?" stupid me! aish I was so distracted, ang pogi mo kasi eh! Teka kelan pako nagkainteres sa lalake?
nag chuckle naman sya tapos ngumiti ng bonggang bongga!
"Do you know where is the admin's office?" ulit nya sa tanong nya.
"ah- hahaha, yun ba. Deretsohin mo lang yung hallway tapos lumiko ka pa-right tapos makikita mo na dun." sabi ko. Feeling ko ang pula pula ko.. grabee! nakakahiya lutang ako kanina. I wonder kung nakailang ulit sya sa pagtatanong sakin.
"Thanks. By the way Im Anthony Tan, transferee kaya naliligaw pa ko." nakangiting sabi nya tapos nilahad nya yung kamay nya sakin at ako walang patumpiktumpik na kinuha yun.
"Santhe Chun, nice meeting you" ganting ngiti ko sakanya. Ang lambot ng kamay, nag lolotion kaya sya?
"Cute." sabi nya tas nakangiti lang sakin
"Ha?" nagtatakang sabi ko. At ang tanga ko dahil hindi ko pa din binibitawan yung kamay nya.
"sorry" sabi ko nalang. "Your so cute, can you be my friend since wala pa kong ka kilala dito?" nahihiyang sabi nya.
"Sure!" cheerful kong sabi. Sino pa bang tatanggi sa grasya?
"so anong section mo nga pala?" tanong ko
"oww, Senior section 1" sabi nya
"Talaga?! were in de same class pala eh."
"Really?" tapos nag bell na.
"Yep, Late na ku!" sabi ko
"I've got ang Idea, samahan mo nalang akong dumaan sa Admin's office para may dahilan ka kung bakit ka nalate." aba! oo nga no!
"okay lang ba sayo?" baka kasi masyado akong FC eh kakakilala ko pa lang sa kanya eh.
"okay lang, ako naman yung dahilan kung bakit ka nalate. Ayos lang yan." he said. Naku wag kang ngingiti ng ganyan baka hindi bilang kaibigan ang maituring ko sayo.
"okay! tara na." i said cheerfully.
Nagpunta na kami sa Admin's office. Sya lang yung pumasok, kasi bawal pumasok dun pag pa-epal ka lang eh. Pag tapos namin dumaan sa Admin's office nagpunta na kami sa room.
ALL EYES ARE ON US. Buti nalang naka glasses pa rin ako, nakakailang kasi talaga pag tinitignan ka ng tao eh.
"Good morning maam." bati ni Anthony nung makapasok kami.
"I suppose you're the transferee? kala ko isa lang dalawa pala kayo" sabi ni Ms. History
"Ma'am? Santhe Chun po. Hello." sabi ko tapos umupo na dun sa upuan ko..
Lahat sila pwera kay Anthony sinuri nila ko, as in! Kuko to Head talga ang pagsuri nila pati yung mga bruha kong kaibigan. Tinaasan ko lang sila ng kilay.
"Santhe? Ikaw ba talaga yan?"Ane
"Batukan kaya kita?" sarcastic kong sabi. Tapos nagtinginan naman sila ng pinsan nya.
"Weh?!" i gave them a bored expression.
"Santhe Chun, 17 yrs. old. adik sa strawberry milk." bored padin
"OH MY-" Ane and Elle
"I forgot something, mabilis ma bored" dagdag ko pa.
"EHEM" si miss History
"So, Please introduce your self." lahat naman ng atensyon ngayon ay nakay Anthony na. At gaya ng inaasahan, all girls are droolling.. ako pa!, pag sinabi kong pogi, Pogi talaga!!
"Hi guys Im Anthony Tan, i just got here in the Phils." nakangiti nyang sabi.
yung mga classmate ko naman tulo na yung laway.. pati ata si maam tulo rin laway eh.
"EHEM!" tumikhim ako para matauhan sila or kahit si maam.
"Ah- Iho take your seat." marami pang bakanteng upuan dito kasi nga konti lang ang nakakapasa sa section 1.
Sinusundan sya ng tingin ng mga classmate ko, si Anthony naman chillax lang parang wala lang sakanya. Papalapit na sya dun sa upuan ko.
"Can I seat here?" tanong nya
"Uhm, yeah sure." sabi ko
nagsimula na mag lesson si maam. Yung mga kaklase ko namang babae parang nasa cloud nine. Mga lutang.
Pssst. Napatingin tuloy ako dun sa gilid ko. Si Ane pala. May inabot syang papel, kinuha ko naman tapos binasa.
Hoy Nerd! may ano sainyo ni Hot guy? Nakoww! pag gumanda talaga susundan ng pogi!
(reply) Pshh.. nakasalubong ko lang sya tapos nagtanong ng direction tapos nakipagkaibigan. Wag ka ngang showbizz jan!!
Inabot ko ulit yung papel.
Kaibigan nga lang ba talaga?
(reply) TSE! Manahimik. Okay Crush? pwede na ba yun? manahimik ka na nga lang nagugutom ako sayo eh.
Yieee.. dalaga na sya!! congrats!
(reply) tsee!..
tapos ng pagsusulatan namin ni Ane, nagfocus na ulit ako dun sa lesson. Mamaya ko na papagisipan kung pano ko gagantihan si Mr.Privacy.
**
Timothy's POv
kasalukuyang nasa Private room kami ngayon at ako may ice pack na naka patong sa ulo ko. Langya naman kasi si Santhe eh! nagbukol yung pinukpok nya ng libro, buti nalang hindi sa muka dahil baka mabawasan ang mga chikababes ko nyan.
"Hoy! pre bat hindi mo sinabing may kapatid ka?" Ray
"Kasi nga sekreto ng pamilya nila yun! ang bobo mo talaga kahit kelan" Luigi
"ako pa na bobo?" Ray
"bat hindi ba? In-absorb lahat ng kakambal mo ang katalinuhan kaya walang natgira sayo" Luigi
"Tumahimik nga kayo!" Pierre. Kanina pa yan masungit at may deadly aura. Lahat nga ng nasasalubong namin natatakot eh kahit faculty or staff.
"diba babalik pa tayo sa Magic realm?" Ran. Minsan lang magsalita yan pero pagnagsalita yan paniguradong importante.
"oo nga pala! Patay tayo kay tita late na tayo" Luigi
"Tsk! Pano na yan dismissal time na oh! Baka may maka kita satin." Marami nga palang kalat na estudyante pag gantong oras.
"Teleport" bored na wika ni Pierre.
"bawal kayang gumamit ng magic dito" sabi ko bawal naman talaga eh
"whats the use of being the leader of power five?" Pierre. Ang nanay nya ang pangunahing tagapagpatupad ng batas, sya naman yung nangungunang rule breaker.
"pshh. Basta ikaw bahala sa nanay mo ah." Playing safe na kung playing safe, nakakatakot kaya magalit si tita, no wonder naman na ni Pierre yun.
"tara na" at nag teleport na nga kami papunta dun sa lagusan.
** Magic Realm**
Dumeretso agad kami sa office ni tita.
"What took you so long?" seryosong bungad ni Tita samin. Nakakatakot sya pag seryo so na.
"Something just came up" Pierre
"Siguraduhin nyong hindi na kayo male-late sa susunod dahil ayaw na ayaw ko sa lahat ang makukupad." Kalmado pero sobrang nakakatakot na sabi ni Tita. Si Pierre wala lang sakangya habang kami nanginginig na sa takot. Immune na ata sya sa nanay nya eh.
"Yeah.... So ano nang gagawin namin?" pag iiba nya ng topic, si Santhe kasi eh.
"Gusto kong nasa opening ceremony kayo mamaya. Mamaya na din yung ceremony ng time capsule." Sabi ni tita. Excited nako dun sa capsule, sana useful naman yung makuha kong item.
"okay. Dun muna kami sa HQ. Patawag mo nalang kami pag magsisimula na yung ceremony" sabi ni Pierre.
"Go ahead," pag didismiss samin ni tita.
Ang Magic realm nga pala ay may ranking system. Ang una ay Deus; Dalawang tao lang ang nagkaroon ng ganitong ranggo pero hindi ko alam kung sino. Pangalawa ay ang Emperor/ Empress Warlock; Ganyang yung Ranggo ng nanay ni Pierre. Sumunod ay ang Prince/Princess Warlock; eto naman yung ranggo ng mga magulang namin o ang mga counsil heads. Sumunod Marquee of Magic; yan naman ang Ranggo ni Pierre. Sumunod ang Ranggo namin ang Barons o ang mga Knights na gumagamit ngmay matataas na antas ng mahika. Ang pang huli ay ang mga Esquire; mga simpleng wizard.
Nakatala lahat sa isang libro ang Ranking ng mga wizard ang lahat lahat pero hindi ko pa yun nakikita dahil ang counsil lang ang pwedeng tumingin dun. Kung pano naman malalaman kung anong rank mo ganto yun, kung sa mga tao may binyag saming mga wizard meron din. Isang ceremonyas yun tapos pagtapos ng ceremonyas na yun makikita na yung marka sa katawan mo. Dun malalaman ang rank mo pati element dun din kasi may kulay yun eh.. Kulay Red sa fire, blue sa wind, green sa water, at brown sa earth.. sabi nila may pang limang element pa daw pero wala nang nag ee-exist nung sa pang limang element which is Cae na kulay yellow or gold. Automatic den na pad ganun ung mark mo, e ang ranggo mo ay Deus dahil sobrang lakas talaga ng elementong yun. Meron den yung iba ay nabiyayaan ng dalawa o tatlong element, yung may mga elders ancestry lang ang may ganun at bihirang bihira lang talaga yun.
"pre iidlip muna ko mukang mapapagod nanaman tayo mamaya, pakigising na lang ako mamaya."
Sabi ko sabay higa dun sa malaking sofa.
"ay oo nga pala yung tungkol kay Santhe, pwede bang I sekreto nyo nalang yun kasi alam nyo naman ang magiging parusa diba?" sabi ko
"don't worry hindi namin sasabihin." Luigi
"oo nga tinulungan nyo lang naman sya eh" Ray
"your secret is safe" Pierre
"yeah" Ran
Kahit ganyan talaga yang mga ugok nayan maasahan parin.
"thanks" sabi ko at natulog na
Mahabahabang araw nanaman mamaya dahil lahat ng campus ay magtitipon-tipon dito. Ang west, south, at east campus..by the way this is SELFEIDE ACADEMY main campus. At mamaya maraming event na mangyayayar, and this day is the exact day kung saan natapos ang pangalawang digmaan ng masasama at mabubuting wizard one thousand years ago. Mamaya mabubuksan na ang time capsule na kung saan ang nag mamayari ng mga gamit dun ay mga makasaysayang tao ng magic realm...I just cant wait!!
------------------------------------
yung feeling na..paulit ulit mong sinasabi sa sarili mo na "ano bang pake ko!?"
wala lang AHAHAHAXD MASAYA DAPAT! tawa tayo mga dalawa HaHA!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro