chapter nineteen part two
Elle's POV
"Nasan na ba si Santhe? 15 minutes nalang magsisimula na ang dragon hunt." Nag-aalalang sabi ni Timothy. Nandito kami ngayon kasama ang kings. Si Ran at Ane daw ay hahabol nalang. Medyo nanghihina parin kasi si Ran.
"Bro. chill ka lang baka may dinaanan lang or kasama yung mga taga ministry of magic." Sabi ni Ray. Damuhong yan nakikipaglandian nanaman! Nasa tabi ko sila ngayon, kasama ko sila Oen at Nathalie na ngumunguya ng popcorn. May malaking screen kasi dito. Doon namin makikita yung mga magaganap mamaya sa dragon hunt.
Limang minuto nalang at mag uumpisa na ang dragon hunt pero wala parin si Santhe.
"mukang uulan pa ha. Mahihirapan yata ang mga freshmen ngayon." Sabi ni Luigi habang nakatingala sa ulap.
Kumikidlat kasi ngayon. Nasa bleacher kami nakaupo dun sa pwesto talaga namin. Weird nga eh pati yung mga council manonood ngayon, siguro dahil kay Santhe.
"grabe naman yung kidlat, parang bababa na eh." Sabi ni Oen.
"uy! Tignan mo oh! Yung mga taga ministry of magic. Manonood din sila." Tinuro ni Nathalie yung mga taga ministry of magic, naka-uniform din sila. Yung uniform nila.
"PLEASE SETTLE DOWN EVERYONE. IN A MATTER OF SECOND WE ARE GOING TO START THE DRAGON HUNT. FOR THE PARTICIPANTS PLEASE PROCEED TO THE FIELD." Hala patay wala pa si Santhe.
"Nasan na ba kasi si Santhe!! Baka naman may nangyari na dun." Lalong nag-alala si Timothy.
"Dont worry, hindi naman basta basta napapahamak yung si Santhe." Sabi ni Nathalie. Nagkatinginan naman sila. Tapos sabay din umiwas ng tingin. Awkward.
"g-gusto mo?" biglang alok ni Nathalie ng popcorn kay Timothy.
Kumuha naman si Timothy. "t-thank you."
"ALL THE PARTICIPANTS PLEASE PROCEED TO THE STARTING LINE." Hala shems! Mag uumpisa na!!
"PLEASE WEAR YOUR ARMOURS." Lahat ng kasali ay required mag suot ng armour. Pero kahit naman may armour sila may mga nababalian parin eh.
Kanya-kanya naman ng suot ang mga fresh ng mga armour nila. Halata mo ang mga mayayaman dahil kakaiba ang pagkakagawa ng kanila, yung iba panga ay heirloom pa.
"GET READY. 5.....4......3......2......1...... GO!" nag-uunahan ang mga contestant. Kakaunti lang kasi ang mga dragon na talagang magaganda ang breed. Kung suswertihin ka baka isanglegendary dragon pa ang makuha mo. Pero napakahirap naman kunin ng mga ganun eh. Dragon egg, ang dapat nilang makuha. Yung mga organizer kasi sinasadyang maglagay ng decoy. Pahirapan talaga ang pagkuha ng dragon, marami pang patibong dun sa loob. Pwede naman ang kahit anong spell pero hindi pwedeng gumamit ng lethal spell sa kapwa mo mage.
"Hala panu yan wala si Santhe." Sabi ni Oen.
"Baka naman naduwag na yun." Sabi ni Astrid na kakarating lang kasama si Pierre.
"Watch your mouth." Banta ni Timothy.
"chill bro." sabi ni Pierre.
Nagbubunyi naman yung mga tao dahil nagsimula na yung aksyon.
Makalipas ang ilang minuto ay may mga contestant na hindi na makatayo, yung iba naman ay nakakuha na ng dragon egg nila kaya nakalabas na sila. Aish! Ilang may dalawang oras at kinse minutos na lang si Santhe.
Nasan ka ba kasi. Pwede namang ma-late dito kaso lang mababawasan yung oras mo sa pag-huhunt ng dragon egg.
Ayan nanaman yung mga kidlat na parang nagagalit.
Dumating na rin sila Ran. Shempre akay-akay parin ng magaling kong pinsan.
Kinawayan ko sila para makita nila kami.
"Oh. Ano na nangyari, nakakuha na ba si Santhe?" tanong ni Ane na umupo sa tabi namin katabi niya si Nathalie sa left side at si Ran sa Right.
"Yun nga eh, dipa sya dumarating." Sabi ni Oen.
"Ano?! Eh nasan daw sya?" tanong nito.
"Ewan nga namin eh, di nyo ba nakasalubong?" tanong ni Nathalie.
"Hindi." Maikling sagot ni Ane.
Naagaw ang atension namin nang may malaking Kidlat ang bumaba sa may field.
"May bagyo ba ngayon? Kanina pa ganyan yung panahon ah." Tanong ni Ane.
"t-teka, may natamaan ata." Napatingin naman kami dahil sa sinabi ni Ran.
Ki-close-up yung camera dun sa 'tinamaan kuno' at nag flash sa screne yung muka ni Santhe.
"SANTHE!" sigaw ng kuya nya. Napatingin naman sya sa banda samin at nag-peace sign.
"Ms. Cae please wear your armour before entering the Valkiria forest." Announce nung announcer malamang. Nag tataka pa yung itsura nya eh. Kasalanan namin to eh, nakalimutan namin sabihin.
"pano yan wala syang armour." Nag aalala si Oen.
"Then she could die." Sabi ng walanjong Astrid.
Pinukol ko naman sya ng pagkasamasamang tingin.
"enough ladies, let's just enjoy the show." Awat samin ni Pierre.
May kidlat nanaman na tumama kay Santhe. WOW! Tamaba yung nakikita ko?!
"U-uy!? Yun ba yung-"
"Divine armour?!" sabay-sabay naming sabi. I never thought na masasaksihan ko pa yang armour na yan. Bilang lang naman kasi sa isang kamay ko ang nakapagsuot nyang mahiwagang armour nayan eh.
"Wow! She always has a surprise." Sabi ni Ran.
"What a show-off." Komento ni Astrid.
"Insicure bitch." Nilakasan pa ni Nathalie ang sabi.
"Why you!?" nagpupuyos na si Astrid.
"Why me? Bat galit ka? Ikaw ba sinasabihan ko? Tinatamaan ka? Sorry ah." Painosente pa si Nathalie.
Pahiya naman si Astrid.
"are you saying you're talking to your self?" dedepensa pa eh.
"no, maybe, don't know. Weird ako eh. Diba babe?" tanong nya pa kay Timothy.
Tinignan naman sya ni Timothy. "right." Ay iba na! tanggap na pala ni Timothy na babe sya ni Nathalie.
"freak." Sabi ni Astrid.
"yeah I freakin' love to burn you." Sabi ni Nathalie.
"what?!"
"nothing." Sabi ni Nathalie.
"Hey hey manood na nga lang tayo." Sabi naman ni Ray.
"whoa~ normal pa ba yang kapatid mo bro? Ano yan flash step?" tinutukoy ng bwiset na babaerong damuho ay yung pagtakbo ni santhe. Super bilis. Parang si Edward lang dun sa twiglight.
Kaysa mabwisit ako dun sa Ray na yun, nag earphones nalang ako para may sound effect na maganda.
Anju's PoV
Kalako talaga hindi na ako makakaabot sa Dragon hunt pero may tumulong sakin kaya nakarating ako. Yung cute na spirit Guard ko. Ang sungit nga eh. Nag-misa pa, kaya lalong tumagal.
Pero may ginawa syang something kaya nanumbalik yung lakas ko at umabot pa ko dito sa dragon hunt. Pag ka dating ko naman dito, hindi ko alam na kailangan pa ng armour. Buti nalang natandaan ko pa yung spell para dun sa divine armour. Wala na kasi sakin yung Index. Hindi kagaya dati, kahit anong spell kaya kong i-cast.
Nagsimula na kong pumasok dun sa gubat, ang lakas ngang maka-Hunger games eh.
Madaming patibong, sobra. Buti na lang talaga alerto ako, at pasalamat na rin ako dahil suot ko tong armour na to. Pero nakakapagod ng sobra kaya nag pahinga muna ko dun sa may tabi nung malaking puno. Pero saglit palang ako nauupo dun sa may puno bigla namang may umatake saking centour. Kakatakot nga yung pag mumuka nya eh, mukang galit na galit sakin.
"Rawr!!" angal neto nung hindi nya ako natamaan.
"I got the eye of the tiger?" umatungal nanaman to.
"whoa~ easy ka lang, wala naman akong ginagawa sayo ah!" lalong lumaki yung butas ng ilong nung centour at inatake ako ng sunod-sunod.
"nakakapagod ka na ah!! Teka! Teka!" nakakainis na Centour to ah!! Inis na inis sakin. Nakakaasar dapat nag papahinga pa ko eh!
"wala ba talaga tong break kahit saglit lang?" lalo pang nagalit yung centour at bumilis pa yung atake nya sakin. Naasar na talaga ko dito sa lenshak na to!!
"balaka pag dika pa tumigil susunugin na kita!!" lechon ang labas neto mamaya.
"last chance mo na to. Isa.....dalawa.......tatlo.......abat ayaw mo ha!" napuno na ko.
Tinira ko sya ng maraming fire ball pero kaasar dahil may iba pang centour na dumating.
Sabay sabay silang umaatake sakin!! Ang dugas talaga ng mga to!
"Aish!! Ang daya nyo 1 vs 8." At dahil nag cconserve ako ng energy......
"turbine ignis" nag cast ako ng fire storm pero hindi sila tinablan nun.
Ill try the wind cutters baka gumana. "spiritus laminis" nagkahatihati yung katawan nila kaso lang bwiset!! Dumami lalo!! Azaar!
"WAHHH! Nakakalurky kayo!!" napakamot pa ko ng ulo.
Bala na nga. "Puer autem Michaelis" Nagkaroon ako ng pakpak ulit. Lumipad ako hindi naman masyadong mataas, mga lagpas puno.
"morsus adligat" At dahil nainis ako sakanila ginawa ko na silang popcycle. Lahat sila nagyelo.Hindi naman basta basta matutunaaw yun eh siguro mga 3 hours pa yun bago matunaw. Medyo kinapalan ko yung yelo.
Nang nasigurado kong nag yelo na talaga sila, tumingin tingin ako sa paligid. San kaya ako kukuha ng dragon egg? Azar wala bang map dito? Kaysa mag muni muni lumipad lipad ako hanggang makakita ako ng isang puno. Hindi sya basta bastang puno dahil ginto yung higanteng punong yun tapos may bungang mukang mga dyamante. Ang gonda!!
Dahil busy ako sa pag titigdun sa puno, hindi ko namalayang may dragon na pala dun sa likod ko. Naramdaman ko lang nung malapit na kong bugahan ng apoy. Walanjong dragong to may balak pa kong tustahin!! At dahil dragon yun may pakpak din, ako din may pakpak ngayon. Haha joke. Nag habulan lang naman kami nung dragon. Lenchak super pagod nako promise.
"TIMEOUT MUNA!!" sigaw ko habang hinahabol parin ako nung dragon.
Hindi nya parin ako tinigilan. Seriously hindi ba nakakaintindi ng timeout at salitang pahinga yung mga creatures dito? Sinubukan ko sa dragon yung mga spells na ginamit ko kanina sa mga centours pero wa epek lang.
Teka! Teka! Kung may dragon, may itlog!! Wah!!! Asan kaya itlog nito? Oyy! Hindi yung naka kabet ha. Yung baby egg. Green~ Green~ ng utak nyo.
Habang nag hahabulan kami na parang mataya-taya lang, nag masid masid ako sa palgid. Napansin kong tuwing dumadaan kami dun sa may sanga ng puno, humihina yung buga nung dragon ng asul na apoy.
Sinadya ko pa ulit na dumaan dun, Jackpot!! Meron ngang itlog dun kaso lang pano ko papatigilin tong dragon nato? Alam ko na. Maze! Tama!! Tapos biglang teleport, para makuha ko yung dragon egg tapos yung maze ulit. Pero panigurago neto mauubos na nang tuluyan yung energy ko. Bahala na.
"et murus forma" napakalaking maze nun.. at nararamdaman ko na yung pagka hilo, agad na kong nag teleport papuntan dun sa nest. Nakita ko na yung itlog, kaso lang yung dragon mga ilang pader nalang at maaabutan nya na ako. Kaya binilisan ko na yung kuha nung itlog. Kaso lang biglang may spikes na lumabas dun sa itlog na hawak ko kaya nabitawan ko ulit. Matinding sakit yung naramdaman ko dun sa kamay ko. Ang daming dugo. Tumindi rin yung pagka hilo ko. Gumawa ako ng water ball at kinulong dun yung itlog kaso lang nahuhulog sya. Papalapit na ng papalapit yung ingay nung dragon. Natataranta na ko, hindi ko alam kung pano ko kukunin yung dragon egg idagdag mo pa yung pagkahilo ko.
Lalong lumalapit na yung dragon. Mga limang pader na lang at matutunton nya na ko. May nahagip ako na crest ng venofious dun sa may puno na pinaglalagyan ng dragon nest.
Crest ng venifious? Teka. Ngayon ko lang napansin, yung puno na to. Yung paligid. Ito nga yung puno na ako mismo ang nagpatubo. Yung unang pagkakataon na ginamit ko yung absolute tounge eto yun eh!!
May nakalagay na mga sulat dun. Isang ancient scripture. Nababasa ko naman sya kaso lang napaka raming energy ang kakailanganin neto. Isa ngang spell yung scripture na yun, to be more exact, isa yung seal. Pero sino naman nag seal neto? Bahala na nga. Binasa ko yung scripture at lumabas yung napakalaking pentagon na rainbow yung kulay. Sinisipsip nun yung enerhiya ko. Nauubusan nako ng lakas.
Lumiliit ng lumiliit yung pentagon hanggang mawala na ito at yung scripture sa puno at umilaw. Palaki ito ng palaki. Palapit din ito ng palapit sakin, hanggang sa kumapit na ito sa balat ko.
"Aggggghh!!" mainit. Napakainit. Parang sinusunog yung balat ko. Huminto yung scripture sa likod ko at dun tumigil. Hindi na kinakaya ng katawan ko.
Hilong hilo na ko. Kaya kinuha ko na yung dragon egg, iba na ito. Gumaan at wala nang patusoktusok.
Nabarag na ng dragon yung huling pader ng maze. Mabilis akong nagteleport palabas ng Valkeria forest.
Nandun na ako sa may entrance pero may kung anong creature ang sumulpot sa harapan ko at inatake ako. Nakailag ako ng konti pero inabutan parin yung balikat ko. Madaming dugo. Nagdidilim na yung pangin ko.
"SANTHE!/ANJU!" sigaw nila. Anju? Si Mikielo?
Nasa saktong labas nako ng Forest pero aatakihin nanaman ako nung halimaw na may espada. Hindi nako nakaiwas dahil hindi na kaya ng katawan ko. Pumikit na ng tuluyan ang mga mata ko.
Elle's POV
" PRE!! LAHAT NG ELEMENTO KAYA NYANG I-CAST NG SUNOD-SUNOD!!"eksaheradong sigaw ni Ray sa katabi nyang si Timothy. Napatakip naman to ng tenga. Kahit kami shock den, kasi hindi biro ang mag cast ng mga spell na ibaibang element kahit na kaya mong gamitin ang ibatibang element. Kahit ang mga kilalang tao na may maraming element ay matagal nag-eensayo para magamit ito ng sabaysabay o sunodsunod.
"sigurado kabang hindi pa nakakatungtung yang kapatid mo dito?" tanong ni Ray
"oo- ewan. Baka ?" hindi siguradong sagot ni Timothy.
Sumunod naman yung Mala-great wall of china na maze na kinast nya. Hindi biro yun ah!! Maraming enerhiya at ensayo ang kailangan mo para ma-cast mo ang ganung klaseng spell.
Lahat na yata kaming nanonood ay nakanganga kahit ang counsil.
"Yung punong yun. Yun yung tirahan nung dragon. Yung dragon na tinuturing na dyos ng mga dragon." Sabi ni Ran na nakatingin lang dun sa screen.
"deus draco?" sabi ni Ane habang nakatitig din dun sa Screen.
"oo, wala pang nakakakuha nyang dragon na ganyan ang breed." Sabi ni Ran.
"Sht." Napatingin ako kay Timothy na napamura. Nakatitig lang din sya dun sa screen. Napatingin din tuloy ako. Namutla ako dahil yung dragon egg ay nagkaron ng maraming spike habang hawak pa ni Santhe.
"buti nga." Sabi ni Astrid, hindi ko nalang pinansin baka mapatay ko pa to ng wala sa oras eh.
Natataranta na si Santhe dahil malapit na yung dragon sakanya, may parang tinitignan sya dun sa puno. Tapos parang may naalala sya, muka syang nag-aalinlangan tapos may kung anong spell nanaman syang kinast. Lumabas yung napakalaking ancient pentagon, napakaganda nito dahil kulay bahaghari ito. Nakakamangha talaga pag si Santhe yung pinapanood dahil marami kang makikita na hindi mo na inaasahang makita pa.
"WOW! Ancient spell."sabi ni Ane. Pareho silang geek ni Ran. Bagay nga sila.
"Isang seal spell?" sabi ni Ran na nakatitig maigi.
Paliit na ng paliit yung pentagon kanina, hanggang sa may matira na lang na letters na hindi ko mabasa.
"Ancient scripts." Sabi ni Ran.
"bakit kaya?" tanong naman ni Ane.
Biglang sumigaw si Santhe, dun ko lang napansin na dumidikit sa balat ni Santhe yung scripts daw.
Pagkatapos mawala nung script ay kinuha ni Santhe yung itlog at nagteleport palabas ng forest. Isang hakbang nalang ay nandun na sya sa labas. Pero may biglang sumulpot na kung ano at natamaan sya sa balikat. Bumaon yung espada nung ewan na creature sa balikat ni Santhe, lahat kami ay napasiggaw at napatayo ng upuan. Namutla naman si Timothy. Yung bwisit na Astrid na yun naman ay parang nanalo pa sa lotto kung maka palakpak. Bwisit ang sarap tuhugin.
Nakalabas na si Santhe dun sa gate, pero aatakihin nanaman sya nung creature, sa pagkakataon nato hindi na sya umilag siguro hinang-hina na sya. Lahat kami ay hindi humihinga at nakatutok lang dun sa entrance ng forest. Papalapit na yung espada na tatama dun sa may leeg ni Santhe kaso may sumalag nun. Hindi ko kilala pero.
"COUNCIL HEAD!!" sumigaw yung nanay ni Pierre.
Pinakita dun sa screen ng malapitan yung mga kaganapan. Si Counsil head Francois Paradeux!? Yung lolo ni Astrid. Mukang alalang-alala ito. Nagteleport ulit sila, ngayon nandun na sila sa may upuan ng mga council. Nagkakagulo dun dahil inutos ni council head na gamutin sa Santhe.
Biglanamang nawala si Timothy. Nakita kong nandun na din sya kay Santhe, kasama si Thunder emperor pati yung kambal na yinyang. Maputla silang lahat at nanlalaki yung mata. Nagkakagulo na dun sa ibaba.
~~
Antagal ng UD noh, natigang yung utak ko eh.. sorry ha. :]
BTW. San pwedeng mag-download ng guy best fried.. I really feel so lonely. TT__TT
Happy secons anniversary EXO :) Chanyeol and Kai <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro