Chapter nine
Chapter 9: All star
Thimothy's POV
"Grabe naman yung kapatid mo bro. Buti nalang mahigpit na pinagbabawal ang paggamit ng magic sa mundo ng mga tao kundi baka sa ospital na ang bagsak ng kapatid mo." wika ni Luigi.
Nag hahanda na kami para sa ball. Nakansela din ang pagbubukas ng time capsul dahil ni-request ng isang VIP na mamayang mid- night nalang daw bubuksan, hindi naman nakatanggi si Tita dahil bigatin yung nag request.
"Ewan ko ba dun. She's so stubborn! buti nalang talaga nakapagtimpi pa si Pierre, Knowing na his hot tempered." wika ko. Nako naman kasi si Santhe kung anong gustong sabihin sasabihin, wala syang pakealam kung may magalit o masaktan man sya. Buti na lang talaga.
"Sa susunod nga sisiguraduhin kong hindi na sila magkakasalubong, kundi baka magka War of the worlds." naiiling ilikng kong sabi.
"Boys are you ready?" tanong ni Mommy.
Nakasilip si Mommy sa may pintuan.
oo nga pala may sasabihin pala ako kay mama tungkol dun sa Debut ni Santhe.
"Mom can I talk to you?" Seryosong sabi ko
"Sure iho what is it?" nagtatakang tanong ng nanay nya.
"Pre saglit lang, kakausapin ko lang si Mom." paalam nya kay luigi
Tinignan lang sya nito at sumenyas na okay.
"Mom its about Santhe's Debut. Malapit na yun 2 weeks nalang" sabi ko
"AY! oo nga pala, How on Earth did I forgot that?" napakamot ng ulo ang nanay nya.
"Mom balak kong kumuha nalang ng mga party organizers, then surprise natin sakanya" sabi ko
"Good Idea Iho. Buti hindi lang babae ang laman nyang kokote mo." nakangiting sabi ng nanay nya
"Mom ang hard naman." sabi ko
"Ay hard ba? sorry ah. Pero truth hurts. Ge anak paka pogi ka ha, maraming chicks na dadalo." Pinat lang sya neto sa ulo.
Nailing nalang ako. Alam ko na kung san nagmana si Santhe.
"Brad tara na." Inaya nako ni Luigi.
**
Caelestis Hall.
Bawat campus ay may kumakatawan na Element. Ang West ay sa Ignis o Fire, Ang East ay ang Lympha o Water, Ang south naman ay south naman ay Terra o Earth,at Ang Main naman ngayon or North ay Zephyrus. Meron pang isang campus, pero sabi nila Urban Legend daw yung kasi wala pang nakakakita talaga dito mismo. Sa ancient scroll lang sya nakasulat. Sabi sa legend, ang piling tao lamang ang makakakita at makakapasok dito pwera nalang kung payagan kayo ng taong nag seal sa campus na yun.
sabi rin nila maraming nakatagong kayamanan duon, Dahil ang campus na yun ay kumakatawan sa Elemento ng Caelestis o Sky element. Balibalita na sa kalagitnaan daw ng magic realm nakalagay ang campus na yun.
"Bro, dun tayo oh. Nandun na yung kambal." Turo ni Luigi sa table malapit sa Isle.
Pumunta kami dun.
"Pre balita ko pupunta yung mga fortis wizards ah." Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Really!?" legends na kasi sila. Isipin mo nasa harap mo lang yung mga taong nabuhay nung second great wizard war, yung mga taong lumaban sa evil queen.
"oo mayamaya nandito na sila." si Luigi
Si Ran nagbabasa ng libro, Si Ray pumoporma sa mga chicks, si Luigi naka-kalumbaba.
Boring.
Santhe's POV
Kahit anong pilit kong matulog hindi ako makatulog, kanina pa ako biling ng biling dito.
Anong oras na. alas tres y media na ng umaga.
Uminom kaya ako ng sleeping pills?
Pero san meron? sa kwarto ni kuya? nila mommy?
nakakahiya namang gisingin pa sila nanay para manghingi lang sleeping pills.
Nagsimula akong maghanap. Pero nakakandado yung mga pinto ng kwarto nila.
May isang kwartong nakaagaw ng pansin ko, yung kaisa-isang kwartong hindi ko pa napapasukan sa buong buhay ko. Yung kwarto na may itim na pinto.
Natutukso akong buksan ang pintong yun at malaman kung ano ba talagang nilalaman ng silid na yun.
Pinihit ko yung pinto tinignan ko kung bukas.
*Click
Bukas nga!! finally!
Dati pa ko na ko-curious dito eh.
Tumambad sakin ang mga gamit na tinatakpan ng mga telang puti. Isa-isa ko ng tinganggal yung mga laman nun, mga paintings pala. Tinitigan kong mabuti ang mga paintings, pawang pamilyar lahat ng paintings sakin. Mga senaryo, gera, isang painting na may nagpapakitang nagkakagulo at ang painting na may dalawang naglalaban. Isang may putting liwanag ata ang isang may itim na liwanag.
Nakita ko na to. Pero san?
Tanong ko saking sarili. Saan ko nga ba sila nakita?
Bigla nalang sumakit ang ulo ko. Pakiramdam ko binibiyak yung utak ko. Napahawak ako sa pasilyo. At tuluyang nawalan ng malay.
Timothy's PoV
Nagsimula na ang programa. Marami akong namumukhaan mga sikat na personalidad ng magic realm pero ni isang Fortis wizard wala akong nakita.
Mag hahating gabi na at malapit na ding buksan ang time capsule.
"Magandang gabi sainyong lahat. Masaya ako at nakadalo kayo sa ating malaking pagtitipon. Ikinagagalak ko na sa ilang sandali ay bubuksan na natin ang time capsule na ang laman ay pag-aari pa ng mga ninuno natin. Isang milyong taon na ang nakalilipas mula ng pangalawang digmaan ng mabubuti at masasamang wizard. At bilang karangalan nandito ang isa sa nakaligtas sa gerang iyon. Please Welcome Mr. Francois Paradeux." Napatingin ako sa stage.
Isang matandang nakabaston ang nagtungo dun sa stage. Kung hindi ako nagkakamali ang nanay nya dati ang namumuno ng buong magic realm. Isa din sa mataas na opisyal nuong great wizard war. Sya din ang kaisaisahang nabubuhay na Fortis wizard ang ranggo nya ay isang Deus. Tama isa sya sa dalawang may ranggong deus.
Nagpalakpakan ang mga panauhin. Isa lang ang reaksyon nila ang pagkamangha.
"Magandang gabi sainyong lahat. Ikinararangal ko ang pagbubukas ng Time capsule na pag-aari pa ng mga kaibigan kong sumakabilang buhay na. Kung kayo man ang pinili ng mga gamit na nasa loob ng time capsule na yan ay sana alagaan nyo at gamitin nyo sa mabuti." Tapos ng matanda.
Ilang segundo nalang ay sisimulan na ang casting ng spell.
"please proceed to the Gardens of war" sabi ni Tita.
Lahat ng wizards ay nag teleport na, Syempre ako din. Kung lalakarin kasi yun malamang isang oras na paglalakad bago makapunta dun.
Nandun na ang lahat. Pumunta ko dun sa kinaroroonan ng barkada ko.
"Oh man im excited. I might get some legendary item." Ray
"tumahimik ka nga." Luigi
Buo kaming 5 kings kaso nakadikit kay Pierre yung fiancee nya na si Lucille na apo ng isa sa mga Deus na si Francois Paradeux.
"Im excited." Masiglang bigkas ni Astrid na nakakapit kay Pierre na naka poker face lang. Kawawa naman sya, I mean pag naka bilang ka sa Royal family, bago ka palang ipanganak ay may nakatakda ka nang mapang-asawa. Buti nalang ako kahit kasali dun ay binigyan ako ng freedom makapang-asawa ng gusto kong babae basta isa ding wizard.
3rd person's POV
Lahat ng panauhin ay nakatuon sa matandang binibigkas ang kanyang spell para buksan ang isang libong taon na time capsule.
Umihip ang malakas na hangin at umalog ang lupa. Napakapit tuloy lalo ng mahigpit si Astrid kay Pierre.
Ilang minuto din ang hinintay at nabuksan na ang nasabing time capsule.
Nakakabulag na ilaw ang nasaksihan ng lahat at wala silang nagawa kundi magtakip ng mata. Nabawasan ang liwanag ng ilaw at kumawala dito ang ibat ibang ilaw.
"Bro yan na ata yung mga item." Sabi ni Luigi
"ayan na nga!" sabi ni Timothy na nakatingala dun sa time capsule.
Isa-isa silang nakatanggap ng bagay. Ang kay Timothy ay isang magic wand,kay Luigi naman ay isang bracelet na kulay green na may nakaukit salikod, kay Ray ay isang mapa at panulat, Kay Ran ay isang libro, Kay Astrid ay isang baul na maliit, Kay kay Pierre naman ay isang espada at isang kwintas na may pendant na kulay blue-ng rosas. Napakaganda ng rosas na iyon, kumikinang pa na nakaagaw naman sa pansin ng dalagang fiancee.
"WOW! Can I have it?" masiglang pagkukumbinsi ng babae.
Napaisip naman si Pierre.
"sige." Kinuha naman yun ng dalaga, pero ilang saglit lang ay nagtititili ito.
"AW! AW! Ang init. " sigaw ng dalaga.
Kinuha ulit ni Pierre ang kwintas.
"Satingin ko hindi ko pwede ibigay sayo to." Tapos kinuha nya ulit yung kwintas na nagyelo dahil sa dalaga.
"urgg!! I hate that necklace!! Tignan mo ang laki ng paso sa kamay ko.!!" Nagiwan ng malaking paso sa kamay ng babae ang kwintas.
"Luigi." Sinenyasan ni Pierre ang lalaki. Nakuha nya naman ang gustong sabihin.
"wag kang malikot." Kinuha nya ang kamay ng dalaga at ginamot.
"aw!" protesta ng babae.
"pshh. O yan na." ibinalik ni Luigi ang kamay ng dalaga. Kakababata din nila to pero hindi ito mashadong close sakanya dahil para kay Luigi napaka arte at mashadong perfectionist to.
"Guys look oh." Ran
Napatingin naman sila dun sa isang malaking ilaw na kulay ginto. Nakalutang lang ito sa ere at may lumabas na isang pentagram tapos nagkaroon ng portal ay pumasok ito duon.
"Does that mean na meron pang wizard sa labas ng magic realm?" tanong ni Timothy
"I think?" Ran.
"Bro okay ka lang?" tanong ni Ray sa kakambal.
"Psh." Hindi na ito muli nag salita at nagbasa nalang ng librong nakuha nya.
"Woah! I can't believe it! Kay Alexis Woods tong Item na nakuha ko!" sigaw ni luigi.
Nagsilapitan naman ang mga kaibigan nya.
"Oo nga noh!" Ray.
"Hoy Timothy! Tulala ka dyan?" Si Luigi.
"Guys pamilyar sakin tong wand na to." Binatukan naman sya ni Ray.
"Yun lang pala eh." Ginantihan naman sya ng batok ni Timothy.
"Aray! Bat ka nambabatok?" Ray
"malamang ba mamaya kung kaninong importanteng wand to."sabi ni Timothy
"Hoy! Ran diba ikaw expert sa academics at history ng wizard, Tingin mo kanino to?" sabay turo dun sa wand.
"Patingin." Lumapit naman ang binata dunsa nasabing wand.
"Pamilyar ang nakasulat." Sandaling nag isip ang binata.
"kay Ysir yan." Sabi ni Ran
"Sino yun? Tanong ni Ray
"si Ysir ay isa sa mga importanteng tao sa magic realm, kabilang din sya sa Fortis wizard yung Original ha." Sabi ni Ran
"WOAH ! Bro jackpot ka ha!" Ray
"eh sayo Ran?" tanong ni Ray
"ah.. yung potion book ni Ciel Chadwick." Sabi ng kakambal nya
"Woah isa ding legendary." Si Luigi
"Eh sayo Ray?" tanong ni Timothy
Inusisa ni Rany yung mga gamit na nakuha nya. Isang mapa at panulat?
"ewan kung kanino yan." Walang ganang sabi ng binata
"patingin." Sabi ng kakambal nya.
"This map is Jared Phantomhive's" sabi ni Ran
"Weh?!"
"Yap. Jared is the strategist of ESC, also the strategist noong second great war." Sabi ni Ran. Nabuhayan naman ang kakambal nya.
"Yun naman pala bro eh! Eh sayo Pierre?"
Lahat sila ay naka tingin kay Pierre.
"A sword and a necklace." Simpleng sabi nya.
"Eh sayo?" tanong nila kay Astrid.
"An Old small box" disappointed na sagot ng babae.
"eh anong laman?" tanong ni Ray
"Donno. It wont open." Sabi ng dalaga.
"Come on balik na tayo sa hall" sabi ni Pierre at isa-isa silang nagteleport papuntang hall.
**
Santhe's POV
Nagising ako sa sinag ng araw. Nandito na ko sa kama ko.
How come na nandito nako? Naalala ko pumunta ko dun sa kwartong may itim na pinto.
Sinipat ko yung salamin ko. At pumuntang Cr. Naligo at naghanda na papasok na sa school. Tapos na kasi yung sem break namin eh. Balik skwela nanaman.
Napagdesisyunan kong magsalamin at hindi magcontacs ngayon.
Bumaba na ko para mag almusal.
"Nay nanjan na po ba sila mama?" tanong ko kay nanay na busy sa paghahain ng umagahan.
"Wala pa iha, ang kuya mo naman ay tulog pa." sabi ni nanay
"Ah ganun pu ba. Sige po pag tapos kong kumain gigisingin ko nalang si kuya."sabi ko
"o sige." Sabi ni nanay
Pagtapos kong kumain naisip ko nanaman kung sinong nagdala sakin papuntang kwarto ko. Baka si Kuya tutal malapit yung kwarto nya dun sa kwartong may itim na pinto.
Kung ganun yari ako! Bawal pa naman akong pumasok dun.
Kinatok ko si kuya. Bahala na kung mapagalitan.
"Kuya gising na!"
Bug Bug bug.
Pakatok ko sa pinto.
Joke lang hindi na katok yun kasi ang lakas haha.
"KUYA ANO BA!?" hindi nako nakatiis at pinasok ko na sya.
Tskk. Nakahandusay pa sya dun sa higaan.
"urrg." Pshh lasing siguro.
Mukang malabong magising to kaya sumuko nako at pumasok mag isa.
**
SCHOOL
Pagpasok na pagpasok ko sa classroom ay sinugod ako ng yakap ng magpinsan na Elle at Ane.
"ackk..Hindi na ko makahinga.. Bitaw!" sus parang isang linggo lang naman kaming hindi nagkita eh.
"Wahhh!! Namis ka namin!! Bat hindi mo manlang kami tinawagan at saka bat muka ka nanamang nerd?!" tanong ni elle.
Teka parang nag iba sila? I mean yung ayos.
"Teka nagpatorture din kayo?" tanong ko
"Torture?" nagkatinginan silang dalawa.
"You mean make-over?" sabi nila
"yeah.. what ever you call it" sabi ko
"duhh! Oo nagkita kasi kami nung tita naming stylist at pinatapon lahat ng damit namin sa Wardrobe sabi nya kasi pang manang yung mga damit namin kaya pinalitan nya lahat. Okay naman diba?" sabi ni Ane
"oo okay naman eh." Sabi ko
"yey!! Mall tayo pagtapos ng class." Sabi nila
"okay, dala ko naman yung kotse ko eh" sabi ko
"Really you have a car?"
"yeah kaso two lang yung upuan kasi sports car" sabi ko
"WOW! Anong model?"
"ewan, basta veyron." Sabi ko
"wow!! Ang daya! Gusto ko din nun kaso ayaw ni daddy kasi mashadong matulin eh" sabi ni elle
Kumaway nalang ako kay Nat at Oen. Madalas silang tahimik eh. Kaya mas close ako kay Elle at Ane.
Nagsimula na ang klase. So far bored pa din ako, absent nga pala si Anthony. Baka nasa ibang bansa pa yun or out of town pa.
"Class Malapit na ang foundation day kaya mag-isip na kayo ng magandang booth. T utal last year nyo nato, pwede na kahit ano." Sabi ng homeroom teacher namin. 6th year na nga pala kami.
Hay hindi ko pa rin alam kung anong kukunin ko ng course. Nakakalito eh.. basta gusto ko exciting.
Pero malamang nyan sa isa sa kumpanya ako ng parents ko babagsak.
*criing *cring
Break na pala, sa sobrang ka boredan ko hindi ko namalayan.
"Tara cafeteria." Aya ko sa kanila.
"Tara!! ^____^" magpinsan. Feeling ko kambal sila eh..
Nagpunta na kami dun sa canteen. Mukang sumabay sa break yung collage ah.. buti nalang nakahanap ako ng upuan.
"kayo nalang umorder, walang tatao dito eh." Sabi ko
"Oki!! Anong order nyo ni Nat?" tanong ni Elle
"Akin blue berry cheese cake at strawberry milk in can Tatlo ha!" sabi ko
"Adik. Akin ganun den pero chocolate yung drinks." Nat
"psh.. o sige.. jan lang kayo ha.."sabi ni Oen
"Pare balita ko dito daw nag-transfer si thunder emperor?'' Guy one
"sabi nga daw. Sana wag silang magka section ng kapatid ko mashadong mapanganib ang isang yun." Teka si kuya yun ah. Siguradong kasama nya ang kanyang mga barkad which include mister Privacy.
Nilingon ko sila, Tama nga ako sila nga pero wala si Mr. Privacy.
"oy sino tinitignan mo ha?!" Elle
"Ay Privacy!" nagulat ako. Nandito na pala sila
"Sinong Privacy?"
"Ah Wala tara kumain nalang tayo." Iwas ko sa kanila
**
AWTSU! Haha sorry tagal ng update ko. Busy kasi eh..
Pero malapit na talaga si Anju tumae lang daw sya.. konting kembot nalang na LBM eh.
AHAHAHA XD salamat po sa patuloy na pag suporta sa huling book ng SELFEIDE(Selfeyd) ACADEMY.
:""" > IM really really happy!
Baka next week tatlo o dalawang chapter ang i-upload ko. Pa-birthday ko man lang.. ahahaXD
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro