Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter fourteen

Hi!! after many weeks nakapag open din.. grabe sobrang busy tapos wala pang net..

Sorry po sa mga nag hintay.. lels.

~~

                                                                      Chapter Fourteen:

"Haaay! Kapagod!!"   sabay inat ko. Kanina pa ko dito nag-gagawa ng lesson plan. Tama lesson plan nga, as in. Ka-bad trip naman kasi yung bwiset na tropa ng kuya ko eh! Binastos ba naman yung prof, yun nag kasagutan. Ang kinalabasan eh yung prof yung umalis. Kalabanin mo ba naman yung anak ng isang major stock holder ng school eh....sino pa ba ede si Fill-este Pierre.

Speaking of him parang nag-iba na sya. Naging kabaliktaran ng dating Fille, yung dati kasi eh gentle man kahit na masungit, eh yung ngayon walang pakielam eh. Parang walang nakikita. For example nalang yung babaeng nabangga nya kanina, hindi manlang tinulungan pulutin yung mga gamit nya na nagkalat dun. Ako pa talaga yung tumulong dahil naawa ako dun sa babae.

"Oy! Tama na nga yan gabing gabi na oh! Matulog ka na!" tinatanong nyo kung sinong istorbo yung parang nanay kung umasta? Si Toshi lang naman!! Nasa bahay nila ko eh.. as in sa kanilang kambal lang..ewan ko ba sa baliw na kambal na to.. well ditto ko ngayon matutulog dahil ayaw nilang pumayag na dun ako sa bahay namin matulog... ewan ko ba pero sobrang na-attach sila sakin, specially si Toshi.. kahit maangas sa iba yan pero pagdating sakin at sa kakambal nya nagiging sobrang caring at sweet, Insta nanay nadin.

"Eeeehhh!! Saglit na lang please? *Puppy eyes*" Madala ka sa pagpapacute ko~ dalina~ konti nalang bibigay na... hindi naman ako nyan matititiis eh...

"Fine! 30 mins ka nalang jan ha! Kukuha muna kita ng Strawberry milk mo." Tapos nun bumaba sya para kumuha ng strawberry milk. Nga pala hindi ko pa nakukwento kung pano kami nagging close ng gantong bongga! Ganto kasi yun, diba dinala ako nila mommy nun sa London para ipagamot? Yun pagkagising ko dun sa ospital wala akong kasama kaya lumabas ako ng kwarto ko tapos pumunta ko dun sa garden ng ospital para mag chillax at magnilaynilay, eh ang ingay nila as in super ingay! Ngumangawa ba naman kasi si Shio tapos si Toshio naman sinesermonan si Shio na lalo pang ngumawa! -_- really ang weird nila.... Pero may naalala ako kaya naiyak tawa ko, yun sinabihan ako ni Toshio na "Miss okay ka lang? nakawala ka siguro sa bantay mo..... tsaka sa kabilang building yung mental department ah? Ang layo naman ng nalakbay mo." G@gu lang? napagkamalan pa tuloy akong baliw... tas yun sinabi kong may naalala lang ako... tas dun na bumalik yun alaala ko bila Anju... dahil sa kanila, tapos tinanong ko kung anong problema nila tas yun sabi nila malala na daw yung bunsong kapatid nila, sabi ko dalawin namin..yun napagtanto ko ding hindi sila normal na tao..... mga mage din sila... tapos ginamot ko yung kapatid nila... yun dun na nagging close na kami... technically hindi pa ko talaga nakakabalik ng magic realm... -_- sa panaginip ko palang hehe.

*Yawn* " Hime-chan? Bat hindi kappa tulog?" tanong ni Shio na nagkukusot pa ng mata.

Ang cute talaga nito!! Halos magka age lang kami... mas matanda lang ako ng month? Sa kanilang kambal, kahit hindi nila sabihin sakin alam kong may mga sekreto pa rin silang hindi sinasabi sakin...pero mapagkakatiwalaan naman sila..

Nga pala hindi pa nila alam na isa kong Sky Element ^_____^ !!

Madaya kasi pag sinabi ko, ede wala na kong secret... nga pala hindi din nila alam na ako si Anju,  dahil effective din sa kanila yung spell nung bruha! Speaking of bruha, maghanda handa na sya babalikan ko sya... hintayin nyang ma regain ko lahat ng ala-ala ko at lakas! Hm!

"Hmm? Ah, tinatapos ko lang yung lesson plan," *yawn

"ahhh... tsugoi! Magiging sensei ka?" tanong nya

"opo. Sadly kailangan kong mag sub" sabi ko

"oww... gambatene! (goodluck) uyasumi!(goodnight)" sabi nya tapos nahiga na ulit dun sa kama nya.

Isang room lang kami natutulog, pero malaki yung room tapos may tatlong bed.. isa sakin, tapos yung kanila. Ganun kami ka close! Haha!!

"Hime-chan, eto na oh! Hihintayin na kitang matulog, sabay na tayo... baka pag nauna ako abutin ka na ng umaga jan." sabi nya sakin.

Naalala ko tuloy nung julalay ko pa si Fille....he used to be like this..

"Something wrong?" seryosong tanong ni Toshi. Natulo na pala yng luha ko. Anebeyen!!

"Nothing may naisip lang.. sige tatapusin ko na to para makatulog na tayo."

Toshio's POV

Napangiti ako ng matamis habang pinag mamasdan si Hime'ng nag gagawa ng lesson plan, napaka masayahing tao nya...kahit na malaki yung problema nakangiti paden... such a strong girl. She's still a mystery to me, pero parang matagal na kami magkakilala.... Nung unang kita ko sakanya walang reaksyon yung muka nya pero pag tumingin ka sa mga mata nya...makikita mong napaka raming emosyon...mostly kalungkutan... I know unang kita ko pa lang sakanya may malaking problema na sya.... Kaya nga nagtaka ako ng bigla sya nung nag iyak tawa eh.. kala ko takas sya nun sa mental...

She's somewhat very much special to me. Ewan ko din para ngang kakambal ko din yun eh..

Basta kahit anong mangyare, I'll be on her side no matter what.

"Done!! Finally!! Toshi tulog na tayo!!" masigla nyang sabi..

Grabe.. actually 2:30 am na..

"Hep hep!! Tooth brush muna!" paalala ko sakanya.. babaeng to kung hindi ko pa papaalalahanan hindi pa kikilos..gaya kaninang umaga, kung hindi ko pa sabihan na maligo hindi talaga sya maliligo.

"opo, appa! Hohoho dapat strawberry flavour yung tooth paste ha!! Kundi susumbong kita sa tooth fairy ko!" napakamot nalang ako ng ulo! Sus! Ang babaeng may fetish sa strawberry! Balak ko ngang magpatayo ng strawberry farm eh! Tapos I-reregalo ko sakanya.. malamang gumulonggulong yan sa tuwa!

"oo na.. kulay pink na den yung tooth brush mo, kaya wag mo na akong I sumbong sa tooth fairy mo, Dalian mo na inaantok nako." Sabi ko sakanya..

"Aye! Aye! Captain!" hay parang five years old!! Matutuyuan ako ng dugo sakanilang dalawa ni Shio!! Susmaria makiling!!

Kinabukasan.........

"OHAYOOOO!!!"

\^O^/   \^o^/

Yan mga anak ko!! Hay susmariyosep! Hindi sila sumasablay sa pag si-sync tuwing umaga. Parang nagkaron ako ng dalawang anak na kinder.

"Good morning den. Kumain na kayo't maleleyt na tayo." Sabi ko

"Aye! Aye! Captain!!" pareho ulit sila. -_- seriously? Si Santhe sobrang talino pero parang kinder kung umasta. Si  Shio naman ubod ng babaero pero parang infant na abnoy!

"Oy! Toshii~ bat dili ka nakain?" Santhe.

"tapos na." inihahanda ko na yung bag ko. Tapos naman i-iinstruck ko yung katulong para sa gagawin nila mamaya.

"tsugoi oni-san!" tignan mo yang si Santhe, nagiging alien talaga sila ni Shio minsan eh. Kung anu-anong lenguahe yung ginagamit. Mga abnoy.

-_-

"yah! May tumatawag sayo." Puna sakin ni  Santhe.

Sinagot ko yung tawag. "hello?"

[Yow! Ngayon nga pala yung punta ko jan sa school nyo]

Speaking of another pasaway.

"ah, k. bye" walang gana kong sagot.

[nice talking pre. So, kinalimutan nyo na talaga ko porket may bago na kayong bestfriend]

"selos ka?"

[hindi naman, konti lang]

"ah. K"

[psh. Magkita na nga lang tayo mamaya]

Binabaan ko na. Yun nga pala yung anak ng isa pang Minister of magic class one. Si Jared, best friend namin ni Shio, kababata naden.

Ano ba yan!! Dumadami na yung mage sa school. Tsk... yung isang yun kaya kelan dadating. Hindi nako magtataka kung sumulpot nalang yun isang araw.

"oni- san pwedeng ako nalang yung mag drive?" tanong ni Santhe.

"bahala ka." Marunong pala tong mag drive? Kala ko hindi eh.

Santhe's POV

Hahaha *_* matitikman nyo yung lupit ng pag dadrive ko.

"o sya tara na baka ma late pa tayo." Sabi ni Toshi.

Fast forward.....................

"SANTHE I SWEAR HINDI KA NA ULIT MAKAKAPAG-DRIVE!!" bulyaw sakin ni Toshi pagkababa naming ng kotse. Si Shio nahihilo pa rin ata eh.

"What! At least hindi katulad mong mag drive, parang pagong." Pagtanggol ko sa sarili ko.

"di bale nang parang pagong kesa naman sayo parang nasa bingit ng kamatayan ako pag ikaw ang nag mamaneho!" pasigaw nya paring sabi sakin.

"oh shoot!! Ge Toshi maleleyt nako sa klase ko, kita nalang tayo mamaya!" sabay karipas ko ng takbo.

Pupunta pa nga pala ako sa faculty para kunin yung sched ko na sched dati nung teacher na pinalitan ko.

Tumakbo ako hanggang makarating ng faculty.

"Miss Choon, ikaw pala. Eto na nga pala yung sched mo." Sabay bigay sakin nung papel na may laman ng mga schedule.

"ay!! Oo nga pala, required din ng naka uniform ka para malaman na ikaw yung prof. eto o, nanjan nadin yung ID mo." Fudge! Ayaw ko pa naman mag uniform.

Binigay sakin nung secretary yung paper bag.

"may 30 mins kapa bago yung unang subject  mo Ms.Choon. Good luck sayo sana mapatino mo sila." Sabi nung secretary. Maybe pertaining dun sa klase ng kuya ko. May experience nanaman ako dun at masasabi ko ngang mahirap silang patinuin.

Lumayas na ko dun sa faculty tapos dumeresto ako dun sa CR malapit sa faculty, hindi yun nagagamit mashado kasi malapit nga sa faculty. Maraming teacher na nananaway sa mga estudyanteng mashadong maiksi yung skirt.

Sinoot ko na yung "uniform" daw ng mga prof. Nakakainis dahil body fit. Eh hindi kaya ako sanay sa mga ganto, yung mga palagi kong damit at shirt at jeans lang.

Yun pencil skirt na pagka-fit sakin, feeling ko mababastos ako neto eh. Hindi sa hindi ako sexy ah, remember pumayat na ko. Hindi ko lang talaga trip tong gantong damit. May top sya na kulay fuschia na spaghetti strap tapos may coat.

At dahil wala na kong magagawa sinuot ko nalang +_+ titiisin ko nalang, tsaka ang laki kasi ng sweldo ditto eh, gusto ko pa naman mag pundar ng bahay na sariling sikap ko. Kaya kakayanin ko to.

Pinony tail ko nalang yung buhok kong umaabot na sa may balakang, tapos instead ng contact lens yung suot ko nag glasses nalang ako para mas mukang professional.

Criinnnngg!!!

Nako paktay!! Bell na. Dali-dali akong lumabas ng cr at kumaripas papuntang class room ng kuya ko..

Yun sakto lang pala yung dating ko dahil nag papasukan palang sila.

Pumasok nadin ako. Grabe lalo yata ng lumala yung klaseng to.

Nagliliparan yung papel, nag kukulitan, daldalan, payabangan ng suot, landian, yung iba tulog, yung iba naman kumakain, nag sa-soundtrip at iba pang kalokohan.

"OKAY CLASS SETTLE DOWN!" sigaw ko. Nagtinginan naman sila sakin, yung iba hined to foot pa ko!! Aba langya ah!

"at sino ka naman?!" maarteng tanong sakin nung babaeng kasapi yata ng kilusang suso? Taas pa yung kilay eh.. tignan natin yung galing nyo mamaya.

"Im you're new professor." Nakangiting sabi ko.

"really? Ano nanaman bang pakulo to? Kasali ka ba sa mga babaeng desperada mapansin lang ng Kings?" abat! Papansin!? Pweh! Never!

"Miss, look im not that pathetic. So guys will you just settle down so I could start our lesson?" mahinahon kong sabi.

"really? Guys, matigas to oh." Tinuro pa ko nung babae.

Santhe calm down~

"Miss kung ako sayo umupo kana bago pa ko tuluyang mabwiset at mag pa long quiz." Mahinahon kong sabi ulit.

"you're still pushing that?" nakakainsultong tawa pa nila. As in karamihan. San ba kase yung kuya ko? Isa syang patunay eh.

Ngumisi ako ng pagkasamasama. " Ayaw mo talagang maniwala ah. So, wanna bet? Pag napatunayan kong ako yung prof nyo, ibabagsak kita sa good moral at may long quiz pa kayo." Sabi ko

Namutla naman yung babae.

"ano na?" tanong ko namamawis na sya eh.

"h-how would you prove that then?"   nauutal na

"ede papapuntahin ko ditto yung principal and he would confirm it." Sabi ko

"tss. Haha. Insane?" sabi nya

"ano na payag?" sabi ko

"pano naman kung hindi pala totoo?" hamon nya sakin

"do whatever you like, make my llife a living hell if it please you." Hamon ko sa kanya

"fine then." Nakapameywang nya pang sabi.

Kinuha ko yung cellphone ko at nagdial ng number.

[Principal can you go to my class? It seems that they don't believe me.] sabi ko

Tapos binaba ko na.

"lets wait." Sabi ko

"you're just waisting our time" sabi nung iba.

"no, im not." Sabi ko

"psh.. uuwi nalang kami." Sabi nung isa.

"Monte Carlo right? Mahilig mag cutting. No wonder." Sabi ko

"are you insulting me?" sabi sakin nung lalake

"no, not really. Its not an insult if it's the truth." Sabi ko tapos nag smirk.

Biglang may pumasok sa pinto. Si principal pala.

Yun nga nga silang lahat. Well exclude my brother and his gang dahil may sariling mundo sila.

"Miss Choon, what is it?" tanong nung principal sakin

"hindi sila naniniwala na ako yung prof. so mag-quit nalang ako." Sabi ko

"no! definitely not. Class sya yung prof nyo, si Ms. Cristhy Santhe Choon." Sabi nya. Sapilitan lang naman kasi kung bakit ako yung prof eh.. naawa lang ako dun sa principal dahil halos maglampaso na sya dun sa office nya para lang mapapayag ako.

"see. Thankyou Mr. principal." Paalam ko dun sa principal.

"so gaya ng pinag usapan bagsak ka na sa character Ms. Bonifacio. Plus a long quiz for every one." Sabi ko

"hindi naman yata makatarungan yan!" protesta nya sakin.

"a bet is a bet, and I have all the rights to fail you if I want to. Binastos mo din naman ako kanina kaya bagay lang yun." Sabi ko

Umupo na ko dun sa teacher's table.

"i-rereklamo kita!!'' sabi nya pa.

"go! The door is very much wide open. Do whatever you like." Sabi ko.

Tapos nagwalk out yung babae.

"everyone bring out 2 sheet of yellow pad." Sabi ko.

"SANTHE?!" oy? Kuya ko pala.

"bakit?" tanong ko

"what are you doing here?"

"giving a long quiz?" sabi ko

"what?!" sabi nya

"hindi ka marunong mag- English?"

"Marunong pero bakit ikaw?" tanong nya. Ay oo nga pala busy silang mag babarkada kanina.

"ay oo nga pala busy kayo jan kanina." Sabi ko

"and?" tanong nya pa.

"Detension 3 hours for you." Nginitian ko pa sya ng sweet.

"Ha?" sabi ko

"Pre ang slow mo. Prof natin sya." Sabi ni Ray

"WHAT!?" kuya ko. Na aning na ata to eh.. puro what yung alam sabihin

"by the way detension din for you Mr. Ray." Sabi ko

"bakit?"Ray

"eating while in the class room." Sabi ko

Tapos tumayo na ko at nagsulat ng given.

"yan you have 50 mins to answer that." Sabi ko.

Mga 50 items lang naman yung quiz nila eh.

"what the eff is that?! Bakit biglang may quiz." Kuya

"another word Mister,madadagdagan yan." Sabi ko

Yun tahimik na sila.

Hanggang sa mag bell at matapos yung oras.

"pass your papers" sabi ko.

Yun hanggang sa makalabas na silang lahat.

Napaatingin naman ako nung may nag pasa pa ulit ng papel.. si Pierre pala.

Nagkatinginan pa kami sa mata.

Biglang tumibok yung puso ko ng mabilis, halos hindi na nga ako makahinga eh..

"psh." Yung lang yung sinabi nya tapos umalis na.

Lumipas man ang isang milenio siya parin pala yung mahal ko. Hay! Alam mo yung gusto mong yakapin dahil mis na miss mo na kaso lang hindi pwede.

Hayy! Kelan kaya?

Here we come. Come with me there's-

"hello?"

[Santhe. San ka na ba? Kala ko ba pupunta tayo sa bahay ng tita ko. Sya yung gagawa ng gown natin para sa ball] aish oo nga pala nakalimutan ko. Hay!

"pwede bang after lunch nalang tayo pumunta? May klase pa ko ihh" si Elle nga pala yung kasama ko.

[okay sige. Since week end naman, sleep over ka na din tapos papasyal kita dun samin.. masaya yun!] excited nyang sabi.

"okay, sige papaalam lang ako kila Toshi"

[ay speaking of those hot twins, sama  mo nadin yung mga yun.] malanding hagikgik ni Elle.

"Lundehh! Hoy winawarningan kita ah! Yung mga yun ay delikado. Mga chick boy yun."

[and so? Sus! Gusto ko lang naman silang makitang naka topless eh] maktol nya

"what!!?"

[hahaha ikaw naman I-share mo naman yung biyaya ng Diyos sayo. Masama yang madamot]

"owright!! Fine! Tatano ngin ko na sila" sabi ko

[YES! Ahahaha!! Tamang taman long week end dahil holiday sa Monday at Tuesday.] sabi nya

"okay sige na bye na papasukan ko pa yung huling subject ko"

[ ay oo nga pala prof ka ngayon.]

"oo geh na bye"

Paalam ko.

Hay maka pasok na nga.. mabuti nga yung pumunta ako sa kanila para makapag bonding nadin at makapag unwind. Nakakastress ma BH.

Tinawagan ko si Toshi at si Shio tinanung ko kung sasama sila. Yun lam na. Inseperrable kami eh.. kung san ako dun sila. Kung san sila bahala sila hahaha ako yung boss!

------------------------end of chapter 14--------------                                                                                                                            

Next po. "bitch este beach pala"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro