Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter fifteen part one

Chapter fifteen part one: byaheng langit (FilAnju| Sairre)

Santhe's POV

"Anu bayan! Isang oras na tayong nag-hihintay wala pa rin! Bwisit!" Paghuhurumintado ni Elle. Pano ba naman hinihintay namin yung pinsan nyang sasabay daw papuntang province nila.

Napakamot nalang ako ng ulo. Buti nalang hindi naiinip sila Toshi.

"Oy, may Idea ako." Pag piprisinta ko.

"what is it?" tanong sakin ni Ane

"Iwanan  nalang natin  yung pinsan nyo." Sabi ko.

"hindi pwede! Naku! Kung pwede lang baka kanina pa tayo umalis!!" iritadong sagot ni Ane.

"bakit hindi pwede?" tanong ko

"eh kasi kabilinbilinan ni tita na isama namin yung pinsan naming yun eh." Teka teka! Sino nga ba ulit yung pinsan nila? Parang wala akong natatandaan na may pinsan sila.

"eh sino ba yung pinsan nyo na yun?" tanong ko. Habang inaabutan  ako ni Shio ng Mogu-Mogu.

"thanks." Sabi ko.

"WHAT!!!!!!!!????? YOU MADE US WAIT FOR NOTHING!!" bigla namang may tumawag sa kanyang cellphone. At feeling ko sasabog na yung mga ugat nya sa ulo.

"NAKU!! JARED MAYK GARFIIIIEEEEEELD!! MAKAKALBO TALAGA KITA PAG DATING NAMIN JAN!!" panggagalaiti ni Ane.

Padabog nyang nilagay yung cellphone nya sa bag nya.

"Tara na guys yung pesteng pinsan namin kanina pa daw sila nandun!" lukot pa din yung muka ni Ane.

Wala na kaming nagawa kundi sumakay dun sa mini bus na gagamitin namin papuntang province nila mga 4 oras daw ang byahe kaya dinala ko yung unan ko.

^_^ matutulog muna ko.

Dun ako pumwesto sa may bintana tapos sinuot ko na yung eye mask ko wala na kong pake kung sino man yung makatabi ko.

After 5 minutes naghihilik na ko..

(O-O)   ZZZzzzz...........

After 50 thousand years.....chos!

Tinignan ko yung cp ko. 2 oras din pala akong tulog.

*grrrr! *kruuuuuu (hilik yan ah.)

Sino ba kasing naghihilik, parang may katabi ako helicopter.

-_-  <_<   naka unan pa sa balikat ko.

Hulaan nyo kung sino.

Shutang Interns! Baka nananaganip pa ko. Wag nyo na kong gisingin please!

Shems yung amoy nya na nakakamelt! Yung muka nyang Perfectly sculpted, yung WHOOO!

*DUG *DUG *DUG

Yung feeling na paarang sasabog kana. Yung parang... ayt basta hindi ko ma-explain!!

"Uy! Tignan mo nga naman, baka matunaw si Pierre nyan." OMG! Nakakashock! Alam mo yung feeling na nahuli ka na may ginagawang krimen! MEN! Kahit kelan talaga si kuya!! Panira!!

Teka! Teka! Si kuya? Si KUYA?!

"what are you doing here?!" napasigaw tuloy ako.

"Bakit ikaw lang ba ininvite?!" kaloka tong kuya ko parang may dalaw!

"pweh! Eh bakit ko naman katabi to?" tapos tinuro ko si Fi- este Pierre na masarap paring natutulog sa balikat ko.

"Sus! Kunware pa, gusto mo naman ih!! Makatitig ka nga parang gusto mong kainin ng buhay si Pierre." Tapos ngumisi pa ng nakakaloko.

Nakakabwiset. Rawr!

"baka gusto!" inirapan ko lang sya.

"Hmmmm~ nu bayan wag kayong maingay natutulog yung tao eh~" SHOMAI!! Yung husky voice nya.. shems tunaw na panty ko!! Ang sexy!! Promise kung kayo nasa kalagayan ko baka kanina nyo pa to hinalay!!

Sinundot ko yung pisnge nya pero nahuli nya lang tapos hindi na binitawan. Tas eto pa!! sumiksik pa lalo sakin ng bongga!! sh@#$%^&* anu bah!! Babae lang ako marupok!.

"enjoy your trip." Ngumisi nanaman sakin ng nakakaloko si Kuya.

"whut ever!! Paalisin mo nga to." Tinuro ko ulit si Pierre

"yoko nga. Sakin ba nakasandal? Chaka baka sakin pa magalit yan dahil ginising ko sya." Sabi ni kuya

Yung upuan nya ay yung katapat na upuan namin wala syang katabi.

|kuya|vacant||     ||Pierre|me|

"Dali na!" kahit mabigat sa loob ko na hindi samantalahin tong moment na to, kailangan ko paring magkunwaring hindi affected.

"hindi yan nagigising basta basta, lalo na puyat yan... kaw kasi eh ang hirap ng quiz na binigay mo, yan tuloy nag eextra effort sya para mag aral.. yan puyat." Nangonsensya pa ang magaling kong kuya.

"o sige, sa susunod hindi ko na hihirapan."

"talaga?" his face lighten up.

"oo, sobrang hihirapan ko pa. para magkasakit kayo sa kaka aral at nang wala ng BI sa klase ko." Now its my time to smirk on him.

"sus! Kala ko naman dadalian na. Bwisit!" pabulong nyang sabi pero naririnig ko pa naman.

"narinig ko yun!" sabi ko.

Teka muna bat ang tahimik? Nasan kaya sila Shio bakit pumayag silang si Pierre yung katabi ko?

"Shhhh~ wag kang maingay please.. gusto ko pang matulog." Did he just say PLEASE? As in?

Fuschia!! Lalo pa kong niyakap!! Anong trip neto?! Gawin ba naman akong unan? Pero okay lang..Lunde! >,< pero mahirap nang matulog ng naka ganto..

Dousho~

Timothy's pov

Nagtataka siguro kayo kung pano kami kasama nila Santhe... ganto kasi yan.

"Guys, sama kayo sa province nila Jared?" prenteng prente akong nakaupo dito sa malawak na sofa ng aming lair habang nanonood ng basketball, sabi na nga ba San Mig yung mananalo eh!! Galing kaya ni Barroca!!

Napatingin ako sa bagong dating na si Lui.

"Jared? Sinong Jared?" tanong ni Pierre na kumuha ng coffee at naupo ulit dun sa upuan ng study table nya. Puspusan na nga pala ang pag aaral nya dahil ayaw daw nyang mapahiya dun sa Kapatid kong terror. Psh.. he doesn't care kung anong mang impresyon sakanya ng mga tao, ngayon lang... my sister is really something. And that something is very much dangerous for her. Hindi dapat sya lumalapit kay Pierre, mashadong delikado. As the heir to the throne, maraming umaaligid na mage sa kanya.. at lahat ng yon ay desperado.. Pierre is a total package. Kaya nga ang swerte nya eh.. Pierre's first love.

Kaya hanggat maaga pa dapat mapigilan kong hindi mainlove si Santhe kay Pierre kundi she'll end up broken. Dahil si Pierre ay para lang sa kanya.

"Jared Garfield, yung anak ng isa pang council." Sabi ni Ran.

"o, ano wanna come? Atleast makakapag relax tayo." Sabi ni Lui

"I have to study" matigas na sagot ni Pierre

"san nga ulit yung province nila?" tanong ko.

"sa  Villa Luz." Sabi na nga ba dun din sila Santhe eh.

"anong pangalan nung resort?" baka pareho lang kami ng pupuntahan, atleast mababantayan ko si Santhe dun sa Kambal na yun. Masyado na silang close!!

"Blueux deu Ville." So pareho nga!! Masaya to

"count me in!" masaya kong sabi

"why so sudden, hindi ka naman mahilig sa mga resort." Tanong ni Pierre

"dun kapatid ko eh, kailangan kong guardiahan." Simpleng sagot ko habang nag sscan ng palabas sa TV.

"count me in." sagot nya din. Napatingin tuloy ako sakanya.

"bro, seriously do you have something for my sister?" tanong ko. Sana wala.

"you can say that." Sabi nya

"don't pare, kahit ganun yun ayaw kong masaktan yun." Sabi ko

"Don't worry hinde, Malabo dun sa babaeng yun. Gusto ko lang syang pag tripan." Sabi nya

Habang naka ngiti pa.

This is bad. Hindi ko na mapipigilan si Pierre. Si Santhe nalang yung babantayan ko.

"then all in na!!" masiglang sabi ni Ray

Sinarado na ni Pierre yung book na binabasa nya tapos tumayo.

"oh san ka pupunta?" tanong ko

"mag eempake." Hindi ren excited eh no.

"bilisan nyo aalis na yung bus within 50 minutes" sabi ni Lui

"bilis naman, habol nalang tayo" sabi ko

"wag na sabay na tayo sakanila, tipid gasoline den" number one sayangero kaya si Pierre!

"O dali na kilos na!! ano pa hinihintay nyo? Pag empake pa kayo ng yaya nyo?" sabi ni Lui.

"ikaw ba nakapag empake na?" tanong ni Ray kay Lui.

"oo tapos na, nasa bus na nga gamit ko eh."

"bilis naman."

"alam ko namang payag kayo eh"

Sa bus.....

"Oy!! Ang gulo gulo nyo naman eh!! Manahimik na nga kayo!!" sigaw nung bugnuting pinsan ni Jared na tropa ng kapatid ko, elle ata pangalan nun eh.

"San ba kasi kami pupwesto?" tanong ko

"bahala na nga kayo!" ginulo nya yung buhok nya. Para nag tatanong lang eh!!

Nga pala nasan na yung YinYang, yung kambal baka mamaya mag katabi parin sila ni Santhe.

Hinanap ko, yun so may balak pa syang tabihan si Santhe na tulog na tulog na.. kaya lumapit ako dun at naki pag palit. Ayaw pa ngang pumayag eh -_- sabi ko. Kapatid naman ako ni Santhe!! Tas nag debate pa kami yun nanalo naman ako. Tas nun ede prenteng nakaupo na ko sa tabi ni Santhe ng pumasok naman sa eksena tong si Pierre at pinalayas ako sa pinaglaban kong upuan. Nakakainis kasi kung makikipag talo ako jan siguradong ako naman yung sunod na target nyan.. matindi pa naman mang trip yan.

Tapos yun na nga, nung una pa sound trip sound trip pa si Pierre tapos yun pag tingingin ko ulit nakasandal na sya kay Santhe.. hayop talaga tong galawan ni Pierre, parang balat ko so smooth!!

Ah! Basta kung kailangan kong pigilin ang bullet train para lang hindi masaktan si Santhe gagawin ko!!

~~

NEXT PART: Bleux deu Ville Vacation

Teaser:

Santhe: WAHHHHH!! AYAW KO!! NEVER!!
Ane: Dali na!!

Elle: Oo nga saying yang pinaghirapan mo kung hindi mo ipapakita!!

Oen: oo nga naman dalii!! Ang kinis mo pa naman!!

Nat: psh. *smirk habang tinitignan yung sarili nya sa salamin

Ane: Girls I think kailangan natin gamitan ng tali to!!

Santhe: anong gagawin nyo sakin!! HELP!! SOS!! BANTAY BATAAAAAAA!!
*santhe pinasok sa dressing room at sapilitang pinag suot ng swimsuit*

Santhe: AAAAAAAAAAA!! Dapat diba may dala kayong Foods? Nasan na yung FOOOOOOOOODS!!

\(>O<)/

**

A/N: hindi ko pa po natatayp ng yung sunod na part. Super dami ko po kasing tatapusing requirements.

pagoda na naman ang lola mo =_=

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro