Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter eighteen

A/N: Guys!! sorry ngayon lang ako naka-ud. Na broken eh, haha nag emote muna ko ng bongga. Sorry sa mga naghintay ng super tagal. well hindi ko masasabi na maganda to or kung ma-mmeet ko ba yung expectation nyo. Impromtu lang lahat ng to at walang plano akong nagawa. hahaha Masabaw pa utak ko eh :(( sorry.

Enjoy!! God bless you all. :*

**~~**~~**

Chapter Eighteen: Complicated meh :3

"N-name?" san kaya ako uupo? Wala naman akong kauri eh.

"Santhe Cae." Sabi ko sana kaso lang parang may sariling utak yung bunganga ko. Nag-iinaso nanaman.

Kaya " ANNESSA JUNO CAELESTIS WARLOCK A.K.A. ANJU!!" sinigaw ko pa ng bongga!! Hay~ it's nice to be really back. Though malamang hindi ako makakatulog ng mahimbing dito.. malamang nagpakilala akong Anju eh.. Kikilos na Yun malamang. Dito na ko eh...bukod kay Mikielo, may isa pang nakakaalam ng past. Yun ay yung kalaban, which is nanjan lang sa tabi tabi.. pero okay din to kasi malalaman ko kung sino sya dahil nakakabasa ako ng thoughts pero limmited time lang.

Well back to seat..san nga ba? Nabalik ako sa sarili ko at napatingin sa mga Audience.

Lahat ng tao ngayon ay nakanganga paden! Sana lang nag toothbrush sila no!!

Hindi ko alam kung saan ako uupo kasi nga diba lahat naman ng element meron ako. Kaya napag disisyunan ko nalang na itanong dun sa announcer.

"Ahm ano kasi... saan ba ko uupo?" tanong ko dun sa announcer na nakatitig lang sakin.

Pinitik ko yung daliri ko sa hangin, baka sakaling magising sya.

"Oy! San po ako uupo?" tanong ko ulit. Yun sa wakas natauhan din sya. -_-

"ah..." kinausap nya muna yung mga judge na katabi nya tapos sinabing dun daw muna ko uupo sa table ng counsil.

Sobrang awkward kasi lahat ng tao dun ay sinusundan ako ng tingin. Binilisan kong maglakad tas dun ko lang din na realize na kaduktong pala ng table ng counsil ay yung table ng 5 kings a.k.a. yung tropa ni kuya. Yan tuloy katabi ko si walanjong Pierre.

Nakatingin lang sya sakin. Or he's staring at me is more appropriate para dun sa ginagawa nya. Mga ilang minuto pa ang nagdaan nakatitigpadin sya sakin. Dun nako nailang ng bongga!

"Staring is rude." I said it using a cold tone. Naiinis pa din ako sakanya. Kala nya siguro hindi ko alam na pinapagtripan nya ko. Excuse me lang, i could read minds kaya. Pero ngayon ayaw ko muna... psh.. sayang energy.

"how come?" nagtatakang tanong nya sakin. Bumaling naman ako sakanya para tignan sya sa mata. I wonder, if I still feel de same or it's just that nasa mind set ko nalang na mahal ko pa sya. It's been a millennium any way.

"Everybody has their secret to keep, that happens to be a part of mine." Binigyan ko sya ng nakakalokong ngiti habang nakatingin parin sa mata nya.

The feeling is still there, pero hindi na ganun katindi. Sa 1-10, siguro mga 3 nalang. Siguro dahil may something sakanya nakulang.....something na kahit masama ugali nya ngayon ay kaya nya parin yung taglayin kaso wala talaga... hindi ko na ma-feel yun..basta ewan ko kung ano yun.

Bumaling nako sa ibang direksyon. Hanggang ngayon nagpupulong paarin ang counsil. Lets try to read your minds..

"How come na may venifious pa? I thought they are extinct?"

"I know, kahit ako nag tataka den, kahit nung panahon ng second wizard war, wala nang natirang lahi ang mga Venifious o ang Caelestis."

"So, anong gagawin natin? Diba galing sya sa Realm ng mga tao?"

"posible kayang may nagtakas sakanya dati bago pa maubos ang lahi ng Venifious?"

"pero imposible napakatagal na nun"

"Aww!" binatukan ni Mom si Dad.. Ohh my parents... even them hindi alam na mage din ako simula pagkabata.

"malalamang kaapo-apuhan na sya! Idiot!"

"Enough.  Sa anong house ba natin sya ilalagay. Lahat naman kaya nyang gamitin though mukang hindi pa sya bihasa sa paggamit ng mga ito dahil galing sya sa Realm ng mga tao?"

" ede sya nalang papiliin natin."

"pero kailangang may magbabantay sa kanya, mahirap na baka maisahan tayo ng kalaban."

"We've known her, hindi sya masamang tao"

"You say you know her? How?"

"we...uhmm... kinda adopt her.. so"

"WHAT?! Parte pa naman kayo ng counsil, kayo pa yung unang lumabag sa batas?!" galit. Nanay ni Pierre..

"Pero mage naman sya eh."

"kahit na!? Gosh!! You dont even know na mage sya. Not until now. Maswerte kayo at mage sya dahil kung nagkataon.. malamang mahatulan kayo ng parusa.. alam nyo naman yun." Pagalit parin na sabi ng nanay ni Pierre.

"sorry." Sabi ni Dad. Asa namang mag-sosorry si Mom. -_-

"fine, well it's decided. Sya nalang ang pipili sa dorm or house na kakabilangan nya."

Dun natapos yung convo nila. Hay~ san naman kaya akong house? Tinignan ko isa-isa yung mga Houses.

Wind, Nope..mukang mga perfectionist. Fire, mukang mahirap silang pakisamahan. Water, as usual ayaw ko. Mga bitches! Earth, No. nandun si Jared, machi-chismis agad ako.. ayaw ko.

Well I guess dun nalang. Tama!! Dun sa venifious mansion.. kaso kalog ako, mag-isa lang ako.. hayahay.

"May I have your attention please!" sabi nung annnouncer kanina.

"Our welcoming party is over. The regular students shall proceed to their dormitory, well announce any further information about your schedules. Your Boxes shall be delivered to your room latter this midnight." Tas yun nagsi-alisan na yung mga students. As for me, hindi pa kasi nga hindi ko pa alam kung sang dorm ako. Sila Pierre hindi pa din tumatayo.

"S-class and A-class with Ms. Warlock, please proceed to the Curia."

[a/n: Curia=meeting room]

Nilapitan naman ako nila kuya at mga friends ko. Nag tataka parin sila, pero nginitian ko nalang sila at nagteleport na kung saang Curia man yun, susundan ko nalang yung energy nila.

~~

*CURIA*

Wow, haba ng lamesa dito ah. Wala bang pagkain?

"Please seat down Ms.Warlock." sabi nung counsil leader ata yun. Basta yung nanay ni Pierre, satingin ko kasi si Ren parin yung counsil head, speaking of him, nalaman kong apo nya si Astrid. Bat kaya hindi nya namana yung ugali ni Ren? Hay~

Umupo ako dun sa may gitna kasi yung mga counsil dun sa may gilid eh, yung mga A-class at S-class which is kasama pala si Astrid at si Jared, ay dun sa kabilang dulo nakaupo. So gitna ako. Walang choice. Katabi ko tuloy si kuya sa Left tapos yung mama ni Jared sa right ko, kaharap ko naman si Astrid na katabi si Pierre, umirap pa sakin. Kala mo naman gusto kong kaharap yung pagmumuka nya. =_=

"As we all know extinct na ang mga Venifious wizards at isa paring misteryo samin kung papaano ka naka survive. Can you explain that to us Ms. Warlock." Sabi ng mama ni Pierre. Well, well, well. Like mother like son. Parehong bossy.

"Parang ayaw nyo naman sa existence ko sa tono nyo po." well kala nyo ha! Like mother like daughter den! Tumaas tuloy yung kilay ng mama ni Pierre.

"well anyway, I dont recall den kung papaano. I just discover na may mga mage, lalo na nasa paligid ko lang pala." Sabi ko tas tinignan sila isa-isa. Nagtatampo lang ako ng konti.

Napayuko naman yung mga bestie ko.

"kung ganon useless din pala to, let's just call this a day. Pagod nako." Kumulo lahat ng dapat kumulo sakin nung sinabi yun ni Astrid.  Tama lahat kasi gutom na ko.

Nakakainis lang ngayon!! Parang yung mga may posisyon ay super paimportante kahit hindi naman sila importante. Lagot ka talaga sakin Astrid!! Haha XD dito na magsisimula ang pang-ttrip ko sayo.

"Oh, is that so. One last thing. Sang dorm po ba ko tutuloy?" tanong ko.

"sa S-masion nalang kaya." Suggestion ni Mom.

"What!? No way!! Para sa mga royal bloods lang yun!" sabi ni Astrid. FYI lang ang mga venifious ay ROYAL BLOOD, kaya nga we are called the rulers eh!! Basa-basa din kasi ng History book. Napaghahalataan!!

"technically, Royal blood ang lahat ng Venifious. Kaya lang naman naging Royal blood ang Paradeux kasi na-extinct ang mga Venifious. You should read your history book." Sabi ni Ran. Nice one!! Ano ka ngayon Astrid BASAG!! HAHAHAHA XD gusto ko sana tumawa ng napakalakas dahil sa ka engotan ni Astrid. Grabe ang epic ni Ran.

Namula si Astrid at nag count-down pa ko ng 1 to 5, haha walk-out si Astrid eh.

"I'll just go follow her." Sabi ni Pierre kasi tinignan sya ng masama ng nanay nya.

Haha takot sa nanay!! I should take note of that. Si Pierre takot sa nanay!!

"Well, Mr. Ran make sense. Dun nalang sya." Sabi nung isang counsil.

"Wala pa syang title." Tutol ng mama ni Pierre. I'll be a Biatch on her. Take note of that. -_-+

"sa A-masion kaya" suggestion ni Dad.

"Hindi sapat ang kakayahan nya." Tutol ulit yung nanay ni Pierre. I really know i biatch when i see one.

"sa-" pinutol ko si Mom

"Don't worry dun nalang ako sa Venifious Mansion. I like the privacy there."sabi ko

"What are you saying, walang ganung place dito." Sabi ng isang counsil na naka green.

"That's what you think." Sabi ko

"what do you mean?" tanong ng nanay ni Pierre.

"It's not visible to your kind. As the mansion's name, para sa mga venifious lang yun." Sabi ko. Bitch talaga ko sa mga bitch den.

Napataas yung kila ng nanay ni Pierre.

"well it's settled then." Sabi nung seryosong lalake. Tatay ata nila Ran yun eh.

"wala kang kasama dun." Sabi ni mama.

"meron naman, si Toshi pati si Shio." Sabi ko. Shempre alam nila balak ko. Pero hanggang dun lang muna.

"Yin-yang of ministry of magic?" tanong ni Dad.

"Yep." Sabi kong nakangiti.

"well then dismis-."

"Ms. Warlock." Oh i forgot, meron pa palang isa pa  na immune sa spell na nag papakalimot sa existence ko. Si Ren. WOW he looks so young again.

" Counsil leader?" nagtataka yung lahat ng taong nandun except sakin. Magkakonekta kasi yung sumpa sakanya tsaka yung existence ko. As long as I exist, the curse on him will be still effective, kaya bumata ulit sya. As for Fille's curse ganun den.

"What happen to you? You are young again?" nagtataka sila.

"it's the curse. I don't have to elaborate anymore." Ma-atoridad  nyang sabi kaya natikom nalang yung bibig nila. Nakatitig lang sya sakin.

Sinensyasan ko naman sya na wag muna magsalita na parang magkakilala kami.

"Shall I accompany you to the Venifious mansion." Sabi nya.

"can we come?" tanong nung iba.

"sure. Whatever." So we end up na lahat na sumama pati yung mga council.

Nagteleport kami dun sa Elite ville kung nasan nakatayo den ang S-masion at A-Masion. Kapit bahay lang pala eh.

Pumunta ko dun sa may tapat ng mapunong lugar. Hay~ yung mata ko pala. Psh pano ko makikita kung nasan yung pinto? Hay..

Tinignan ko yung buwan.. hmmmn.. pwede nang gawin yung ritual ngayon, sakto lang pala eh.

"By the wind of the east." Biglang humangin ng malakas.

"fire of the north." May ipo-ipo ng apoy ang lumitaw.

"water of the west," may tubig na nabuo sa may kanan ko.

"earth of the south," biglang lumindol ng mahina lang naman tapos nag crack yung lupa sa may part ko.

"and by the blood flows through my veins, Comprecatus sum meus ditio." Lumabas yung pentagon na five sided sa may harapan ko. Alam ko, bilog madalas ang mga pentagon pero iba to kasi ewan ko din eh. Haha c:

Na-extract yung pentagon at pumasok sa katawan ko. Na-ffeel ko na yung kapangyarihan.. gaya ng inaasahan ko hindi kakayanin ng katawan na to kaya naghanda ako ng energy seal/regulator. Isa yung tatoo ulit. Muka na talaga akong adik -_- .

Pero yun pala invisible yung tattoo kaya happy ako. Haha c:

"Woah~ astig bro." sabi ni Ray kay Ran na nakatitig lang sakin. Malamang para sa research nya yan.

Napatingin ako kay Ren. Alam kong first time nya din to. Haha C:

Lumaki yung mata nya. Naningkit naman yung mata ko. Bakit kaya.

"You're-"

"Anju. Haha Peace XD" baka madulas pa eh."

Bigla naman sumulpot yung kambal pati si Mikielo.

"Ay! Sayang hindi natin nakita yung ritual!! Ang bagal mo kasi eh!!" naka pout pa si Shio kay Toshi.

Hanep ang outfit nila ngayon ah infairness!! Astig muka silang army na may badge pa, ganun din si Mikielo na tahimik lang nakatitig den. Naka black sila. Astig talaga ng uniform nila.

"Kasalanan ko ba kung napuyat ako, ang harot mo kasi eh. -_-" malamang babae nanaman yan. Hindi nya naman kinakama, yun nga lang nag lalaro sila. Ewan ko kung ano yun. Ayaw kong tignan.

"heh! KJ ka lang kasi!!"

"aish! Ingay nyo po, moment ko kaya to!" sigaw ko dun sa kambal.

"w-woah! Santhe?" napanganga pa si Shio at Toshi.

Ano ba problema nila? "problema nyo?" tanong ko.

"i think you should fly." Biglang sabi ni Mikielo. Bigla kong napansin na umiinit yung pakiramdam ko.

Tae sabi na eh.. "ngayon ba yung-" taanongin ko pa sana si Mikielo.

"oo, Blue moon ngayon." Sabi nya, oo nga. Kanina hindi naman ah.

"Scapulae angelus!" bigla ako nagkaroon ng pakpak ng anghel.

Nakalimutan ko. Hindi ko naman kasi alam na Blue moon ngayon dito. Pag blue moon, nag-uumapaw yung kapangyarihan ko kaya kailangan kong ilabas.

Nang nasa himpapawid nako tsaka ko lang nilabas yung enerhiya ko. " Resolvo" at sumabog na nga yung enerhiya ko. Marahil lahat ay naramdaman yun.

"Foederare." Nailabas ko na ang sobra.

Pagkatapos nun ay bumaba na ako.

Mikielo's POV

Titig na titig ako kay Anju. Pano ba naman kasi nag-goglow na yung mata nyang kulay blue na papuntang gold.

Hindi kakayanin ng katawan nya ngayon ang enerhiya nya, hindi kagaya ng dati nyang katawan.

"i think you should fly." Biglang sabi ko

"ngayon ba yung-" pinutol ko yung sasabihin nya.

"oo, Blue moon ngayon." Sabi ko nang nagmamadali. Baka dito pa sya sumabog. Ang epekto pa naman nun ay parang atomic bomb.

Nag-summon sya ng pakpak, namiss ko tuloy yung pakpak ko. :((( yung pakpak nya ay iba saaming mga arkanghel, ang kanya ay kumikinang. Yung ibang klaseng kinang.

Lumipad si Anju at dun nag release. Grabe sobrang taas na ng niliparan nya pero ang lakas parin ng impact dito.

"what was that!" tanong ng isang counsil.

"Too much power, she need to release." Sabi ni Ren.

"what? I dont understand."

"you dont need to understand. Lahat ng venifious ay may angking kapangyarihan, iba-iba ang mga specialty nila." Sabi ni Ren habang nakatingin kay Anju na pababa pa lang.

"Woah! Grabe, ganun na ba talaga ang enerhiya kong naiipon?" nagpunas pasya ng pawis nya sa noo.

Bumalik na rin ang kakaibang mata nya, yung may dalawang kulay. Nag-gglow pa din sya. Tanda ng pinipigilan nya parin yung enerhiyang natira sa katawan nya.

"kapagod yun ha! Well back to the mansion." Sabay tingin nya dun sa mga puno.

Sya lang naman nakakakita ng mansyon na yan eh. Palagay ko yan yung castle-like na sinasabi dun sa history. Maraming reliks and artifacts jan kaya sobrang tibay ng seal na nilagay jan. tapos lahat lang ng invited yung makakapasok. -_-

"Disseravi" tumambad samin yung napakalaking bahay, castle-like nga pero mukang modern. Hanep.

"teka bakit modern yung design?" tanong ko.

"bakit kala mo ba tao lang ang pwedeng maging fashionista?, syempre pati bahay pwede maging fasionista den no!!" wag mong sabihing?!

"MS. JUNO!! WELCOME HOME!!" nagsalita yung mansyon!!

"Hi! Asgard!! Nga pala I have friends na dito tutuloy." Kinakausap ni Anju yung mansyon.

"hoy! Dito ka din ha!" sabi sakin ni Anju.

"the three of them." Tapos tinuro yung kamba pati ako.

"YES! MISTRESS!" sabi nung mansyon.

Tapos may biglang seal yung lumabas sa braso namin, parang tatong invisible.

"ano to?" tanong ni Shio.

"Gate pass pre. Tara na. inaantok nako eh." Sabi ni Anju. Tapos pumasok na sya.

"Wait! Pwede bang pumasok?" tanong nung counsil na nanay ni Pierre.

"No Bitch allowed!" sabi nung bahay.

"Good Asgard." Sabi pa ni Anju habang nakapamulsa pa.

"Eh kami?" tanong nung mga friends ni Anju pati na yung Kings.

"kayo? May pagkain ba kayo? Kung wala chupi! Si Ran lang pwede." Sabi ni Anju. Grabe ang laki talaga ng appetite netong babaeng to.

"why? Andaya naman eh." Naka pout lahat ng kaibigan nya.

"bakit si Ran lang?" tanong ng kuya nya.

"ewan, tanong nyo nalang sa pagong." Bored look pa.

"dami pa namang cool things dito. Like mga items na ginamit ng ninuno ko, tapos napakalaking closet, tapos mga extinct na halaman and many more." Nang-aasar pa si Anju.

"wah!! Kuha tayo ng maraming pagkain!!" nagmadali na sila Elle syempre ganun din yung kings.

"hep, hep. Bukas nalang pwede ba. Inaantok nako eh. Ran bukas ka nalang mag tour ha-" tapos nun nawalan na sya ng malay. Nasalo naman sya nung lalaking medyo namumukhaan ko.

Kilala ko talaga to eh. San nga ba-

"Gariel?!" napasigaw pa ko.

"Michael?!" ginaya nya pa tono ko.

"Hoy! Pano ka napunta dito?" pumasok na kami. Lanjo tong lalaking to hindi ako pinansin. Sahalip ay dumungaw dun sa may gate na sarado na ngayon.

"pinapasabi ni Master na bukas nalang kayo bumalik." Cold na boses ni Gabriel.

"What!? Sino ka ba?" tanong ni Ane.

"her spirit guard, Dale." Lanjo may nickname pa?

"bakit muka kang tao?" tanong ni Luigi.

"kase gwapo ako." Pilosopo.

"ako den eh." Sinagot pa ni Luigi. Maysira den ang ulo.

"kdot" siraulo talaga tong lalaking to.

Tinalikuran nya na yung mga kaibigan ni Anju at yung mga council.

This is the safest place para kay Anju, bukod sa immune ang bahay na to sa mga spells (parang naka divine armour lang) meron din  tong malakas na shield na ginawa pa ng mga magagaling na wizard na venifious den. Shempre yung kaninang energy ni Anju ay napunta din sa barrier ng bahay na to. Kala nyo pinamigay nya na no. haha hindi.

Grabe napaka laki netong mansyon na to. As in! Sa garden pa lang ilang kilometro na eh, lahat yata ng specie ng halaman at puno nandito na eh. Shempre pati yung mga extinct na. pagdating dun sa malaking pintuan ng bahay i mean palasyo, may mga maids na sumalubong samin tapos may butler pa sa pinaka dulo. Ewa ko kung san hinire ni Anju ang mga yun. She's Annessa Juno Warlock eh. Expect the impossible to be possible.

"this way Sirs." Tapos tinuro na samin nung mga maid yung magiging kwarto namin.

"WoW." Sabi ni Shio. Kabilang kwarto lang sila eh. Magkasama silang kambal. Teka san matutulog si Gabriel? Wag mong sabihing tabi ni Anju!!

"Oy san ka pupunta?" tanong ni Toshi.

"Kay Anju."

"anju? Sino yun?" nagtataka si Shio.

Kinonyatan sya ng kapatid nya. "Engot!! Hindi ka pala nakikining sa mga dada ko kahapon!! Sayang laway ko!! Limang beses ko pang inulit-ulit sayo yun!! Anju ang tunay na pangalang ni Santhe!! Bwiset!!" mukang nabadtrip si Toshi ah.

"Boring kaya nya magsalita. Psh." Tapos nun pumasok nadin sya dun sa room nila.

Pumunta naman ako dun sa kwarto ni Anju, aba isang ballroom ata to eh! Ang lawak!!

Nakita ko si Gabriel.

"Hoy Gabriel!! Bat jan ka matutulog??!" tanong ko.

"e kasi dito." Hay buhay, bat ba kasi ganto to sumagot?

"umayos ka nga." Inalog alog ko pa sya.

"psh, malamang dito ko kasi Spirit guard nya ko." Sabi nya

"and so? Lalaki ka pa den!!"

"fine dun ako sa katabing room nya. Happy?" tapos nun lumabas na kami.

"pinadala rin ako dito dahil lumakas at dumami sila." Sabi nya.

"ramdam ko nga. Sa paligid lang sila."sabi ko.

Pumasok na kami sa sari- sarili naming kwarto.

Bukas ay briefing na para sa mga freshmen. I wonder kung may title na ibibigay ang council kay Anju.

Pero satingin ko wala naman syang pake dun eh. And im quite sure gagamitin nila ang pinakamamahal ni Anju para mapatay sya.

Nasaan kaya ang totoong Fille? Sigurado akong hindi si Pierre yun dahil hindi manlang sya nag react nung magkatabi sila ni Anju. Dapat namimilipit na sya sa sakit, dahil naipon ang isang milenyo.

___

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro