chapter 11
Chapter Eleven.
(timothy special)
Timothy's Pov
Abat ako pa talaga yung may gusto sa kapatid ko?! hindi ba pwedeng caring brother muna?
Naku! kung hindi lang talaga ikaw si Thunder Emperor kanina pa kita binatukan.
"Wala ah, baka ikaw?" Balik kong tanong sakanya.
"We're friends, Pero malay mo?....... she's different." seryoso nyang sagot habang nakatingin kay Santhe.
She's different. Oo nga naman, very much different. Teka bat merong 'pero malay mo?'
"What? are you saying na gusto mo yung kapatid ko? At tsaka bakit sa dinamidami ng section na papasukan dun ka pa sa section nila Santhe? Tsaka diba mag-kasingtanda lang tayo eh bat dun ka?" Its still a mystery to me.. kaya tanungin na natin sya habang may chance.
"Woah. Easy, Pwede, Unang kita ko palang sa kapatid mo nakuha nya na kaagad yung atensyon ko, yes mag-kasing age tayo, dun ako kasi interested nga ako sa kapatid mo." Hay.. nakahanap ng soulmate si Santhe. Pag tinatanong ko kasi sya ng ganyang sunod sunod, ganyan din yun sumagot eh.. bagay sila mga 'genius'. Pweh!
"Basta, kung ano man yung tingin mo jan sa kapatid ko, Pwede bang protektahan mo sya? tutal mataas naman ranggo mo eh. Tsaka nakita mo ba yung fiancee ni Pierre? sigurado akong hindi pa yun nakukuntento sa ginawa nya kay Santhe kaya babalikan nya pa yung kapatid ko." Ito na din siguro yung pinaka maiging gawin.
"Kahit hindi mo na sabihin I will still protect her. Speaking of that kailangan ko papalang magimbistiga, bilang kasapi ng Minister of Magic hindi ko mapapalampas ang mga pangyayaring to." Minister of Magic? Akalain mo yun! kasapi pala sya dun? ano kayang posisyon nya? Sabagay kasali sa Royal family tong si Thunder Emperor eh.
[A/n: Bello!! matagal tagal na din akong hindi nakakaganto.. anyway ang Minister of Magic ay isang sangay ng Pamahalaan sa magic realm, kumbaga Judiciary ang katumbas nya sa pamahalaan natin. May roong Limang pinaka Pinuno ito.. malalaman nyo kung sino sa mga susunod na chapter. ]
"Sige, maya-maya nandito na sina Mommy." nagpaalam na si Thunder Emperor.
Speaking of that kailangan kong makausap yung taong eksperto sa mga seal.
Si Dionne Coal.
Mayamaya dumating na sila mommy. Puro sermon nga yung natanggap ko eh.
Tapos tinanong pa ko kung sino yung may gawa daw nun. Ede sinabi ko, wala naman silang magagawa eh.. malakas ang implowensya ng pamilya nila Astrid lalo na isa sa Fortis wizard yung lolo nya.
"Dont worry mom may tutulong naman satin eh"
sabi ko sakanila.
"who?" tanong ni mom
"guess what, mukang may gusto kay Santhe si Thunder Emperor." naka ngisi kong sabi.
"HOY! hindi yung love life ni Santhe yung topic dito!! malanding bata to! sino ba kasi yang sinasabi mo?" Binatukan pako ng malakas. Tchh.. pareho na pareho talaga sila ni Santhe.
"oo nga po pero tutulungan daw tayo ni Thunder Emperor.. pati merong seal na nakakabit jan kay Santhe kaya hindi nagamot ni Luigi.. pinagtataka ko nga sabi ni Ran mataas na antas daw ng mahika yung ginamit jan at mashadong komplikado yung spell.." sabi ko
"yun naman pala eh.. Seal ba kamo?" mukang may alam si mom
"may alam po ba kayo?" tanong ko
"wala, pero baka may kinalaman yun sa nakaraan nya...na sya lang ang nakakaalam." oo nga pala five na si Santhe nung kinupkop namin sya. Walang sino mang nakakaalam kung ano ang nakaraan nya.
"kung hindi sya magising sa loob ng 48 hours, were gonna leave for London. Nandun ang makakatulong sakanya" Sabi ni Dad. London?
"yeah.... yun na nga siguro ang sulusyon." sabi ni Mom
Umuwi muna ko para mag pahinga.. Ano nga ba ang nakaraan mo Santhe?
+-------------------^-------------------+
Fast forward(2 days after)
Dalawang araw na ang nakalilipas simula nung ma confine si Santhe. Under provation naman si Astrid dahil sa nangyari.
Nag desisyon na sila Mommy na ilipat si Santhe sa London gamit yung private Jet namin.
Shempre nalungkot yung mga amasona nyang ka-tropa.
Ewan ko nga kung kelan makakabalik yung si Santhe, may portal din sa London papuntang magic realm kaya walang magiging problema sila Mommy, yun nga lang sa ibang castle ka mapupunta.. Pero satingin ko nagawan na nila ng solusyon yun.. its either nagpalipat sila or mag teteleport nalang sila..
Any way ang boring ng mga araw ngayon dahil walang excitement? yun parang walang bagong nagyayari pag wala si Santhe.. gaya ngayon.. ang pag pipigil ni Pierre na masapok ang Fiancee nya dahil dikit ng dikit... hays mahirap talaga maging sobrang gwapo...
naiiling nalang ako.
Nandito kami ngayon sa Lair namin.. yun si Ran todo research, na-curious daw sya dun sa seal na nakita nya kay Santhe.. kung alam ko lang concern lang yan eh.. naalala ko tuloy nung una silang nagkita.. si Ran pa mismo ang nagpakilala sa sarili nya.. eh ni hindi nga nyan maalis yung mata nyan sa libro eh.. kahit magkagera na sa harap nyan hindi nya papansinin dahil wala talaga syang pakielam.. Si Luigi naman todo aral den dahil malapit na yung exams... si Ray ayun nag lalaro ng X-box, -_- kahit kelan talaga yun.. ako eto dumadaldal este Nanononood ng basketball.
Hay..
*beep *beep
May nag text. Hulaan nyo kung sino. Si Nathalie yung amasonang tropa ni Santhe.. kinukulit ako na sabihin yung lokasyon ni Santhe, ang weird nga eh..hindi ko naman sakanya binigay yung number ko...oh well ganun talaga pag malan- gwapo.. ahaha muntik na. Muntik ko nang maamin sa sarili ko. :P
To: Amasonang Nat.
Hindi ko nga alam eh. -_-
From: Amasonang Nat
Weh!! wala kang kwenta!! -_-
To: Amasonang Nat
Nye nye!! kahit alam ko yun hindi ko sasabihin sayo :P
From: Amasonang Nat
Heh! sana malasin ka!! bwisit!!
To: Amasonang Nat
ASA. :P
Ang sarap talagang pikunin nun.. haha.
"HUY!" sigaw sakin ni Ray.
"ANO!" sigaw ko din. Ang lapit lapit nya na nga sakin sisigaw pa eh noh!! para isang upuan lang yung pagitan namin.
"naaning ka jan?!" sigaw ulit sakin
"Baka naaaning!?" siagaw ko ulit.
"Manahimik nga kayong dalawa jan ha!! ang lapit lapit nyo sa isat-isa nag sisigawan kayo." sermon samin ni Luigi.
"Sorry po Tay." we said in chorus.
"Pweh! sa library na nga lang maka pag review!" Nainis? bago yun ah.
"problema nun?" tanong ni Ray
"malay ko, hindi naman ako sya." bored kong sagot
Tinignan nya lang ako ng masama.
WEW 12345678910.. ang boring talaga..
Ma text na nga lang yung chikababes ko.
TO: Amanda.
I miss you babe. Wanna hit the bed tonight?
Message sent...!
*beep *beep
From: Amasonang Nat
Gago mo!! anong babe?! Wanna hit you face on the floor?
kasuka ka!! manwhore!! MALANDE!! PWEH *WITH FEELINGS, PASSION AND CONVICTION!*
CHOCCO BANNA FUDGE! Tae sa lahat ng maro-wrong send-an sa amasonang yun pa!!
"Hoy! anyare nanaman sayo. Muka kang natatae na namumula. Okay ka lang ba talaga?" tanong ni Ray.
"SHET!" yun lang yung nasabi ko..
"mag banyo ka na!! baka dito ka pa abutan!! HUY!!" tinusok tusok pa ko. Mukang seryoso.
"GAGO NA WRONG SEND LANG AKO!! BWISET!" sa sobrang taranta ko.
Teka bat ba ko natataranta? I need to compose my self.
To: Amasonang Nat
ASA KA NA WRONG SEND LANG AKO!
From: Amasonang Nat
Sus! palusot mo chong luma na.. isip-isip din ng bago pag may time.
Aasdfghhhhhjk!! EDE WAG KANG MANIWALA!
To: Amasonang Nat
EDE WAG KANG MANIWALA!! SUS GUSTO MO DEN NAMAN EH!! WELL SORRY KA PERO HINDI AKO PUMAPATOL SA MGA MUTE.
mute naman talaga yun eh.. sa text lang madaldal.. bilang ko nga lang sa kamay kung ilang beses ko yung narinig magsalita eh.
From:Amasonang Nat
ABA! Hindi din naman ako pumapatol sa mga manwhore.. baka magka Aids pa ko!!
Mga lalake talaga ngayon mas maladi pa sa babae.
To: Amasonang Nat
HOY WALA AKONG AIDS NOH!! TSAKA IM JUST SHARING SOME HAPPINESS!
From: Amasonang Nat
Happiness bakit clown kaba? o comedian? baka naman Coke ka? haha XD anong pinaglalaban mo?
ARRRRRG!! EWAN BWISET!! NAKAKAPIKON!! Nabato ko tuloy yung Phone ko.
"Hoy ingat-ingat den, muntik na ko dun!" Ray. muntik ko na pala syang masapul sa ulo.
Nag walk-out nalang ako! nakaka pikon talaga yung babaeng yun!! matutulog na nga lang ako!!psh!! ewan ko ba nawalan na din ako ng "gana".
Makauwi na nga!
------------------------------------
ayan na magsisismula na ang mga magic magic echoss!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro