PROLOGUE
𝐒𝐄𝐈𝐍 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐏𝐑𝐄𝐂𝐇𝐄𝐍: 𝐇𝐈𝐒 𝐏𝐑𝐎𝐌𝐈𝐒𝐄
"Hey, why are you crying?" tanong ng batang lalaki ng makita ang kasing edad niya lang na batang babae na umiiyak sa ilalim ng puno.
"UWAAAAAHHHH" mas lumakas ang pagngawa nito at naging mas masakit sa tainga ang boses.
"WAAAHHHH PAPA KO WAAAHHHHHH" malakas na iyak nito habang tumutulo ang sipon at luha sa maamong mukha.
Na alarma naman ang batang lalaki, hindi malaman kung ano ang dapat gawin at kung paano ito patatahanin.
"Bata wag ka nang--"
"WAAAAAAAAAHHHHHHH HUHUHU PAPA"
Hindi pa natapos ang dapat niyang sabihin ng sumigaw na ito sa iyak...
sobrang dungis na rin nito at basa na ang damit dahil sa luha.
"G-ganito na lang, wag ka nang umiyak kakantahan kita. Okay?" medyo huminahon na man ito na naging hudyat upang kumanta ang batang lalaki.
ᵖˡᵉᵃˢᵉ ᵖˡᵃʸ ᵗʰᵉ ˢᵒⁿᵍ ᵇᵉˡᵒʷ, ᵃˢ ʸᵒᵘ ᶜᵒᵗⁱⁿᵘᵉ ʳᵉᵃᵈⁱⁿᵍ ᵗʰᵉ ˢᵗᵒʳʸ. ᵗʰᵃⁿᵏ ʸᵒᵘ.
🎶Tahan na~
Tahan na~
Tahanan mo ang yakap ko...
Tahan na~
Tahan na~
Punasan na ang mga luha 🎶
Tuluyan na nga itong tumahan na ngayon ay matamang nakatitig lang sa mukha ng batang lalaki. Kumurap-kurap pa ang mapupungay nitong mga mata.
"Bata, bakit kaba nandito? Bakit ka umiiyak? Anong pangalan mo?" Magkasunod na tanong ng batang lalaki pagkatapos umawit.
Kinusot naman ng batang babae ang mata saka suminghot-singhot muna ito bago nagsalita.
"Ang papa ko, nangako siya sakin na babalik siya pero sabi ni mama wala na daw si papa ko hindi na daw ito babalik pa. Waahhhhh," muli na naman itong umiyak pero agad na tumahan din.
"Nasan na ba ang papa mo ngayon?" Anang batang lalaki.
"S-sabi ni mama m-may i-ibang family na daw si p-papa at kaya hindi na daw ito babalik dahil m-mas love daw nito ang bago niyang family. Nangako siya sakin na kami lang yung l-love niya pero ngayon may iba na." pahikbi-hikbing kwento nito.
Tumango naman ang batang lalaki na tila ba'y naiintindihan niya ang bawat sinasabi ng batang babae.
"Alam mo bata kahit may bago nang family yung papa mo hindi ibig sabihin na hindi kana niya mahal. Maniwala ka sa kanya mahal ka niya." Pag-aalong sabi ng nito ngunit kumunot lamang ang nuo ng batang babae.
"Kung mahal niya ako, hindi niya ako iiwan... kami ni kuya ko."
Tila hindi na man malaman ng batang lalaki ang isasagot sa sinabi nito.
"Basta darating ang tamang panahon at maiintindihan mo rin ang lahat- tika ano nga ang pangalan mo?" Yun na lang ang sinabi niya at tiningnan mabuti ang mala anghel na mukha ng batang babae.
"Ako si Lliannie Samantha Vergara, 4 years old na ako. Ikaw ba, sino ka?" mahinang sabi nito na ikina ngiti naman ng batang lalaki.
"Ako si Cloud Madriaga. 4 years old din ako."
---
"Passengers please fasten your seatbelt for we are about to land. Thank you."
Agad naman siyang napaayos ng upo pagkarinig sa babaeng flight attendant na nagsalita sa speaker.
Agad rin niyang inayos ang hand bag at iba pa niyang gamit. Nakatulog pala siya habang lulan ng eroplano.
"Thank you for flying with us. And welcome to Philippines." Muli niyang narinig ang boses ng flight attendant at sa pagkakataong iyon tuluyan nang naka lapag ang eroplano...
At muli niyang naramdaman ang maiinit na klima ng Pilipinas.
It's been what?
8 years?
and now she's finally back.
A/n: Hey!
Your feedback/comments are highly appreciated. Thank you😚
Ito po yung picture nong puno kung saan umiyak si Lliannie.👇
At yung title po nang kinanta ni Cloud ay...
Tahanan byTJ Monterde
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro