Chapter 34
“Saan ka po pupunta, Ma'am Gab?”
Nahinto sa paglalakad si Gabriella at mahigpit ang hawak sa bike. Nilingon niya ang security guard nila na alam niyang may rules na namang binigay ang kaniyang Daddy dito.
“Sabi ng Daddy niyo, hindi ka raw po puwede na lumabas.”
At ‘yon ang rules, aniya sa sarili at napabuga na lang siya ng hangin.
Of course, akala kasi ni Daddy, baby pa ‘ko. Nakalimutan niya yatang matanda na ang nag-iisa niyang anak, dagdag pa niya.
Kinawayan niya ang security guard at ngumiti. Ano namang gagawin niya sa loob ng bahay, aber? Makipagtitigan sa cellphone niya hanggang umuwi ang Daddy niya na hindi na naman niya alam kung saang planeta pumunta?
“Hindi mo ako madadala sa smile, Ma'am. I'm just following the rules.” Nag-whistle ito at nag-sign sa isa nitong kasama na security guard na i-lock ang gate. “Lock the gate.”
Binitawan niya ang bike at naglikha iyon ng ingay.
“Daig ko pa ang isang princess na bawal lumabas,” bulong niya at mabilis na tumakbo palabas sa gate. “Lucky! I'll be back, Sir! Just give me a minute,” sigaw niya at hindi niya hinayaang mahabol siya ng security guard nilang napakalaki ng tiyan.
*****
Ilang minuto ang lumipas ay narating na ni Gabriella ang plaza. Gusto niya sanang mag-ikot-ikot habang sakay ng bike niya pero heto’t naiwan pa niya ang bike dahil sa napakahigpit nilang guwardiya.
Napabuntonghininga na lang siya at dinama ng kaniyang kamay ang magaspang na upuan ng plaza. Hindi na rin niya matandaan kung kailan ang huling punta niya sa lugar na ‘to. Ngayon lang siya nakabalik mula nang pumasok siya sa college. Nawalan na siya ng panahon para sa sarili niya. Binuhos niya ang lahat ng oras niya sa pag-aaral, sa pagbabasa, at sa pagmo-move on.
Pinagmasdan niya ang mga batang naglalaro. Ang saya talaga maging bata. Iyong tipong wala kang iniisip na problema. Iyong tipong akala mo masaya na lang palagi. Iyong tipong paglalaro lang ang aatupagin mo.
At sa parte niya, gusto niyang bumalik sa pagkabata. Iyong tipong hindi pa niya alam na hindi pala nagmamahalan ang mga magulang niya.
Bakit kasi naging gano’n? Hindi ba talaga puwedeng bumalik sa dati ang pamilya niya? Maayos naman sila noon eh. Bakit kailangan na magkawatak-watak pa ang pamilya niya?
“Mama, gusto ko po ng ice cream,” masayang sabi ng bata na hinihila pa ang Mama nito palapit sa tindero ng ice cream. “Kahit isa lang po.”
“Anong sabi ng Papa mo bago niya tayo pinayagan na pumunta rito?”
Napalabi ang bata at bumitaw sa kaniyang Mama. “Sabi niya bawal akong kumain ng ice cream.”
“Good girl—”
“Pero wala naman si Papa eh. Baka puwede akong kumain kahit one cup lang?”
Napailing na lang siya habang pinagmamasdan ang batang nagpupumilit na kumain ng ice cream. Gano’n din siya noon kapag sinasamahan siya ng Mommy niya sa plaza. Ice cream at cotton candy agad ang gusto niyang kainin kahit wala iyon sa plano nila. Pero walang magawa ang Mommy niya kun’di ang pagbigyan siya.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone at kumuha ng larawan sa mga batang naglalaro. Isa lang talaga ang gusto niyang hilingin ngayon, ang makalimutan kahit sandali ang mga problema niya pero alam niyang mahirap iyong mangyari.
“Natatandaan mo noon? Mahilig ka rin sa ice cream.”
Natigil siya sa pagkuha ng larawan nang may biglang tumabi sa kaniya. Mabilis niyang tinago ang kaniyang cellphone nang makitang ang Mommy niya ang tumabi sa kaniya.
“Pati ba naman dito susundan mo ‘ko?” malamig niyang tanong sa kaniyang Mommy.
“Hindi kita sinundan, nakita lang kita.”
Napaikot niya ang mga mata. Sino kaya sa tingin nito ang maniniwala sa ibinigay nitong rason? Kahit pa siguro bata, hindi maniniwala.
“Napakahilig mo talaga sa ice cream no’n kahit—”
“Wala akong time na makipagchikahan sa’yo. Pumunta ako rito para magkaroon ng peace of mind. Will you please —”
Hinawakan siya ng kaniyang Mommy. Pinisil nito ang kaniyang kamay na nagpatigil sa kaniyang pagdadrama.
“Puwede bang pakinggan mo ako kahit ngayon lang? Pagkatapos nito, hindi na kita kukulitin.”
Kitang-kita niya kung paano nagbago ang mood ng Mommy niya. Kung paano nabuo ang luha nito sa mga mata at hanggang sa pagtulo niyon. Isa sa kahinaan niya ang makitang may umiiyak, hindi niya kayang pigilan ang luha niya. Bago siya madala sa pag-iyak nito ay nag-iwas siya ng tingin. Alam na alam talaga ng Mommy niya kung paano kunin ang loob niya.
“I’ll give you a minute. Spill it.”
“But before that—” Tumayo ang Mommy niya at binigyan siya ng yakap.
Wala siyang nagawa para pigilan ito. Tila naging bato ang kaniyang katawan at hindi niya maigalaw iyon para umalis sa yakap ng kaniyang Mommy. Ang pagpikit ang tangi niyang nagawa at gumanti ng yakap dito. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon.
“I miss you, Gabriella. I miss you badly, baby.”
I miss you too, Mommy, mahina niyang bulong.
Pumikit siya at hinayaan ang sarili na madala sa pag-iyak ng kaniyang Mommy. Hindi naman masamang ipakita ang totoong nararamdaman niya. Gamit na gamit na sa lahat ang kasabihan na, “Baliktarin man ang mundo, Ina niya pa rin ito.”
“I’m so sorry, Gabriella.” Patuloy pa rin sa paghaplos ang kaniyang Mommy sa kaniyang likod. Pakiramdam niya, pilit na pinupunan ng kaniyang Mommy ang mga taon na wala ito sa kaniyang tabi.
Napahikbi siya. Hindi na niya alam kung sino ang mas malakas umiyak sa kanilang dalawa. Ang Mommy ba niya o siya.
Hinigpitan niya ang kaniyang yakap. Gusto niyang damhin pa ang yakap ng kaniyang Mommy. Gusto niyang mapunan lahat ng mga pagkukulang nito sa isang yakap lang. Gusto niyang umiyak, gusto niyang manumbat. Gusto niyang itanong dito kung bakit mas pinili nitong umalis. Gusto niyang itanong kung bakit nagawa nitong iwanan siya.
Pero ngayong yakap-yakap niya ang kaniyang Mommy ay hindi niya alam kung saan magsisimula o anong dapat unahin. Ang gusto niyang gawin ngayon ay ang yakapin ito nang mahigpit.
“Kahit hindi niyo ako patawarin, gagawin ko ang laha—”
“Mommy?”
“Yes, baby?”
Dahan-dahan siyang kumawala sa yakap nito at tiningnan ang basa nitong mukha. Pinagmasdan niya ang mukha ng kaniyang Mommy.
“Bakit ngayon ka lang bumalik?”
“Anak, nahihiya ako sa inyo. Nagdadalawang-isip ako kung matatanggap niyo pa rin ba ako—”
“Bakit mo piniling iwanan kami?”
Natigil sa pagsasalita ang kaniyang Mommy at huminga ito nang malalim bago sinagot ang tanong niya.
“Akala ko kasi iyon ang tamang panahon para piliin ko ang sarili ko. Ilang taon din akong naging sunod-sunuran sa mga bagay na hindi ko talaga gusto—”
“You mean, hindi mo talaga ako gusto? Hindi mo—”
Agad nitong pinigilan ang kaniyang kamay at iginiya siya palapit dito para yakapin. Gulong-gulo ang isip niya at hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kaniyang Mommy.
“Ikaw at ang Daddy mo ang isa sa mga tamang ginawa ko. Hindi ko pinagsisihan na sinunod ko ang Lolo at Lola mo, Gabriella. Pero patawarin mo ako kung ngayon ko lang naintindihan ang lahat. Hindi ko kayang mawala kayo ulit.
“Matagal ko ng gustong bumalik sa inyo, pero hindi ko alam kung matatanggap niyo pa rin ba ako. Ang laki ng kasalanan ko, Gabriella. At nahihiya akong bumalik. Pakiramdam ko, ang dumi-dumi ko. Hindi ko alam ang dapat kong gawin no’ng mga panahon na ‘yon.”
Tumayo siya at tinalikuran ang kaniyang Mommy. Litong-lito ang isip niya at hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala.
“Gab.” Hinawakan ulit nito ang kaniyang kamay at iginiya siya nito paharap.
Nakita niya ang kaniyang Daddy na nakatayo sa likuran ng kaniyang Mommy. Hindi niya alam kung kanina pa ba ito nakikinig sa kanila at kung kailan pa ito nakauwi. Minsan talaga, ang weird ng Daddy niya.
Huminga siya nang malalim at siya ang humawak sa mga kamay ng kaniyang Mommy.
“Wala ako sa tamang puwesto para mag-decide kung tatanggapin ka ba ulit namin o hindi. Pero may gusto lang akong itanong sa’yo, Mommy. At ngayon ko lang ito itatanong.”
“Go ahead, sweetheart. Ano ‘yon?”
Tiningnan niya ang kaniyang Daddy bago nagtanong sa kaniyang Mommy.
“Mahal mo ba si Daddy?”
“Yes. No’ng nagkalayo tayo, maniwala ka man o hindi, anak. Ikaw at ang Daddy mo ang laman ng isip ko. Kaso hindi ko kayo mabalikan dahil—”
“Dahil?”
Natigil sa pagsasalita ang kaniyang Mommy nang marinig ang boses ng kaniyang Daddy. Mabilis itong tumalikod para makita ang Daddy niya.
“Dahil dinala ako ni Melvin sa province nila, Franco. At wala akong pera para bumalik dito. Mahabang kuwento pero—”
Hindi natapos sa pagsasalita ang kaniyang Mommy nang niyakap ito ng Daddy niya. Nakita pa niyang hinalikan ng kaniyang Daddy ang noo ng Mommy niya.
“Alam ko ang pinagdaanan mo, Gladys. At ang pamilyang tumulong sa’yo ay ang pamilya ng pinsan ko.”
“What?” gulat na tanong ng kaniyang Mommy.
“Pinahanap kita.”
“Ginawa mo ‘yon?” nauutal na tanong ng kaniyang Mommy. “Ginawa mo ‘yon para sa’kin?”
“Ginawa ko ‘yon para sa pamilya natin.”
Tinakbo niya ang pagitan ng kaniyang mga magulang at masiglang sumigaw.
“Group hug!”
Sa wakas, buo na ang kaniyang pamilya.
“Kaya pala palagi kang wala, Dad. May secret ka pala,” aniya na pinabaunan ng tawa.
“At pinahirapan pa talaga ako. One week akong nasa labas lang ng bahay!”
“I just want to teach you a lesson, Gladys.”
“Lesson your ass!”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro