Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

“Rey Jhon for you. Don't tell me, ayaw mo rin sa’kin.”

Tila natigil sa paggalaw ang lahat ng nakapaligid kay Gabriella. Hindi niya kayang ibuka ang bibig para sabihin kay Rey Jhon na ayaw niya rito. Hindi niya kayang igalaw ang kamay niya para isarado ang pinto nang hindi na niya makita ang mukha ng binata. Hindi niya kayang ihakbang ang mga paa at tumakbo palayo rito.

Anong nangyayari sa kaniya?

Tinitigan niya lang si Rey Jhon. Tinitigan niya ang magandang mga mata ng binata. Pinagmasdan niyang maigi ang maiitim nitong mata na para bang hinihigop ang lahat-lahat sa kaniya. Parang may nais itong iparating na hindi niya kayang basahin.

Pababa nang pababa ang kaniyang tingin at kinabisado ang lahat. Dumaan sa matangos nitong ilong, sa medyo mapula nitong pisngi, hanggang sa mapula nitong labi. Natural na mapula, parang pinahiran ng lipstick.

Bakla nga, bulong niya sa sarili at hindi mapigilang mapaismid.

Humakbang siya palapit dito. Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay at inabot ang mapulang labi ni Rey Jhon. Gamit ang kaniyang hintuturo ay hinaplos niya ang labi nito. Isang salita ang pumasok sa utak niya.

Malambot.

Malambot ang labi ni Rey Jhon at sa tingin niya ay...

“Gab,” tawag nito sa pangalan niya na nakapagpabalik sa kaniyang katinuan.

Mabilis siyang humakbang paatras at inilagay sa likuran ang kaniyang kamay. Muli niyang tiningnan si Rey Jhon nang mahimasmasan siya.

Anong ginawa niya? Bakit niya hinawakan ang labi ni Rey Jhon?

Umatras siya at inabot ang door knob ng pinto at isinarado iyon. Narinig pa niyang kumatok si Rey Jhon pero hindi na niya ito pinansin. Tumakbo siya patungo sa hagdan.

“Don’t open the door, Jona!” utos niya sa kasambahay na nakasalubong niya at tinahak ang kaniyang kuwarto.

Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Bakit naman niya hahawakan ang labi ni Rey Jhon? Kahit pa pulang-pula iyon ay wala siyang makuhang dahilan para hawakan ang labi nito. Ano ‘yon? Nainggit siya kasi mapula ang labi nito tapos ang kaniya ay—

Padabog niyang sinarado ang pinto at sumigaw dala ng iritasiyon.

“Ano bang pakialam ko kung mas mapula ang labi niya? Bakla siya eh, siyempre. Duh!”

Sinabunutan pa niya ang sariling buhok at humiga sa kama. Kumukulo ang dugo niya sa inis at hindi talaga siya makapaniwalang ginawa niya ‘yon.

“And who cares?” Muli siyang napaungol. “Sinabi pa niya talaga kanina na baka hindi ko siya gusto. Hindi talaga! Hindi! Never!”

Kinuha niya ang unan niya sa gilid at binato iyon patungo sa dingding. “At hindi ako insecure sa lips niya! Buwesit!”

Hindi naman talaga insecure ang nararamdaman mo. Gusto mong matikman ang lips niya, that's it, bulong ng utak niya.

Muli siyang natigilan at pinagmasdan ang reflection sa salamin.

“Gusto kong matikman ang lips niya?” mahina niyang bulong pero pagkaraan ng ilang segundo ay napangiwi siya. “Ew! Over my dead body!”

Nakarinig siya ng katok kaya natigil siya sa pag-iinarte. Nasundan pa iyon ng pagbukas ng pinto at ngiti ng isang kasambahay nilang bagong hire.

“Hi, Ma'am Gab. I'm Loisa,” nakangiti pa nitong bati sa kaniya.

Mabilis niyang napaikot ang mga mata at napabuga ng hangin. Ang lakas din ng tama nito at nakuha pang magpakilala sa kaniya.

“What do you want?”

“May naghahanap po sa inyo sa labas.”

Agad na sumagi sa isip niya si Rey Jhon. Inutusan pa talaga nito ang kasambahay niya na tawagin siya.

“Ayoko siyang makita—”

“Pero, Ma'am Gab—”

“Sabi ko, ayoko siyang makita—”

“Mommy mo raw po siya.”

*****

Dahan-dahan na tinahak ni Gabriella ang hagdan pababa sa sala kung saan naroon daw ang Mommy niya. Nagpasiya siyang harapin ang Mommy niya ngayon na gustong-gustong bumalik sa poder nila. Hindi niya alam kung deserve ba nitong tanggapin nila ulit ng Daddy niya pero kung siya ang tatanungin, hindi siya papayag.

Limang taon na ang nakakaraan nang umalis ang Mommy niya at piniling sumama sa ibang lalaki na ang sabi pa nito sa kaniya ay ang lalaking totoong mahal daw nito.

Mahal? Duh! Aniya sa sarili at mabilis na pinaikot ang mga mata.

Mahal tapos babalik sa'min? Akala ko ba mahal niya? Muling sigaw ng utak niya.

Nagpatuloy siya sa pagbaba at nang makarating siya sa pintuan ng sala ay dahan-dahan niyang sinilip ang kaniyang Mommy. Nakaupo ito sa sofa at nilalaro ang mga daliri.

Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit mas pinili nitong umalis kahit pa kaya namang ibigay ng Daddy niya ang lahat ng luho nito. Kayang ibigay ng Daddy niya ang mga pangangailangan nila. Hindi naman nagkulang ang Daddy niya kung financial ang pag-uusapan. Pero nang magtanong siya sa kaniyang Daddy ay doon niya naintindihan ang lahat.

Arrange marriage lang daw ang dahilan kung bakit naging ganito sila kamisirable. Hindi raw talaga mahal ng Mommy niya ang Daddy niya.

Pero, bakit umabot pa ng ilang taon bago naisipan ni Mommy na umalis? Wala ba talaga siyang feelings kay Daddy? Tanong niya na para bang may makukuha siyang sagot.

Huminga siya nang malalim at pumasok na sa sala. Kitang-kita niya na itinaas ng kaniyang Mommy ang ulo nito at pinagmasdan siya. Tinitigan niya rin ang kaniyang Mommy. Sa loob ng limang taon, ngayon lang niya ulit nakita sa malapitan ang kaniyang Mommy.

Marami siyang gustong sabihin at itanong dito. Gusto niyang isumbat lahat dito ang mga hinanakit niya. Gusto niya itong pagalitan at ipamukha na hindi niya ito kailangan kaya wala na itong rason pa para balikan sila.

Kahit pa ilang luha ang makita niya sa mukha nito, hindi mabubura sa isipan niya na hindi ito dumalo sa debut party niya dahil mas pinili nitong samahan ang bata na hindi naman nito anak. At iyon pa ang naging dahilan kung bakit sumama siya kay Rey Jhon no’n at naging simula ng kaniyang kasawian.

“Bakit ka nandito?” tanong niya sa kaniyang Mommy nang makalapit siya. “Ang galing mo talaga sa timing, ‘no? Alam na alam mo kung kailan wala si Daddy.”

“Gab, anak—”

Mapait siyang tumawa. “Anak talaga? Anak mo ba ‘ko? Mula nang umalis ka rito at sumama sa iba, hindi na kita Ina.”

“Gabriella—”

“That’s it. My name is Gabriella. Pero kung ikaw ang pumili ng name ko, baka papalitan ko rin ‘yon.”

Tumayo ang kaniyang Mommy at hinawakan ang kaniyang kamay. Mabilis niyang binawi ang kaniyang kamay pero hinigpitan nito ang paghawak.

“Alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyo ng Daddy mo, Gab. At kahit pa ilang sorry pa ang sabihin ko, alam kong hindi niyo ako mapapatawad. Pero tao lang din ako, nagkakamali. Mabilis matukso. Nagbabakasakali akong—”

“Na baka may balikan ka?” Napaismid siya. “Sorry, pero kahit siguro si Daddy hindi ka—” Natigil siya sa pagsasalita at tiningnan ang kamay ng kaniyang Mommy na may pasa. “Bakit marami kang pasa?”

“Sinasaktan ako ni—”

“Ano ‘yan? Umalis kang kutis artista at babalik kang ganiyan? Deserve!”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro