Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Matuling lumipas ang halos isang buwan na pakikipagbakbakan ni Rey Jhon sa mundo ni Gabriella. Hindi niya namalayan na halos isang buwan na rin pala ang lumipas na palagi siyang stress kapag kasama ang dalaga, akala nga niya ay matatanggal na talaga ang matris niya. Hindi niya namalayan na medyo matagal-tagal na rin pala na nakikibagay siya sa lugar nito.

Palagi lang itong galit kapag kausap siya, na para bang may ginawa siyang mali. Pero may panahon din naman na tila sobrang bait ni Gabriella, pero ‘yang panahon na ‘yan ay kapag may gusto itong ipagawa sa kaniya o hindi kaya ay hindi niya ito kinokontra. Nagiging dragon lang naman ito kapag wala siya sa panig nito.

Natigil ang paggawa niya ng bulaklak gamit ang maliliit na papel nang bigla na lang tumabi ng upo sa kaniya si Gabriella at kinuha ang gunting na nasa mesa. Padabog nitong ginugunting ang mga natirang papel.

“Ano na namang nangyari sa’yo?” tanong niya at hinayaan na lang ito sa ginagawa, total pera naman nito ang ginamit niya para mabili ang mga papel na ‘yon. Mukhang may hindi na naman ito nagustuhan.

Sa loob ng ilang linggo rin na kasama niya ito ay medyo may alam na siya sa ugali nito at sa mga meaning ng mga galaw nito. Madali lang naman itong basahin, galaw lang ng mga mata nito ay malalaman na agad kung ano ang nararamdaman nito.

Nahuli niya ang paggalaw ng labi ni Gabriella. Mukhang tama nga ang hinala niya, may kaaway na naman yata ito.

“Ano ngang problema mo? May kaaway ka na naman ba? Hindi ka ba pinayagan ng Daddy mo na sumama ka sa mga minions mo na hindi ako kasama? Hindi ka ba binigyan ng pera?”

“Birthday ko bukas, right?” out of nowhere nitong tanong sa kaniya at tumigil sa paggunting.

Wala sa sariling napatango siya at inabot ang gunting, baka may maisip itong masama pero agad nitong inilayo ang gunting sa kaniya.

“Debut party ko bukas, right?”

Muli na naman siyang napatango. Ano na naman kayang drama ng babae na ‘to?

“Answer me!”

“Tumango ako, ‘di mo nakita? Akin na ang gunting, baka ano pang gawin mo diyan.”

Pero tumayo ito para mas mailayo ang gunting sa kaniya.

“18th birthday ko! 18th!” sigaw nito at itinapon ang gunting sa sahig. “Bakit hindi siya pupunta?”

“Sino?”

“Si Mommy.”

Napatigil siya sa sinabi nito. Ang Mommy nito ang tinutukoy nitong hindi pupunta bukas. Mula nang magtrabaho siya rito ay hindi niya kailanman nakita ang Mommy ni Gabriella. Marami rin siyang naririnig na chismis tungkol sa Mommy ni Gabriella pero hindi niya pinagtutuunan ng pansin.

“Mommy mo?” Pinilit niyang pakalmahin ang sarili kahit mas malakas pa sa sipa ng kabayo ang pagpintig ng puso niya. “Bakit daw?”

Huminga nang malalim si Gabriella at muling umupo sa tabi niya. “May sakit daw ang anak ng bago niyang asawa, that’s why.” Umismid ito at muli na namang dinamay ang kawawang mga papel.

So, totoo nga. May bago ng pamilya ang Mommy ni Gabriella.

“Intindihin mo na lang, Gab. Baka mas importante lang talaga—”

“Mas importante pa sa’kin, gano’n?” sigaw nito at itinapon ang gunting. “Debut ko ang hindi niya pupuntahan. Mas importante pa ba ‘yong bata na ‘yon na hindi naman niya anak? How about me? May space pa ba ako sa kaniya?”

“Hindi ko masasagot ‘yan dahil hindi ako ang Mommy mo.” Tumayo siya at inilahad ang kamay niya kay Gabriella. “Pero lumabas muna tayo, kausapin mo ang mga bisita at pinsan mo. Don’t stress yourself, dear. Sayang ang beauty care.”

“ANG cute niya, ‘no?”

Natigil sa pagpindot sa cellphone si Rey Jhon nang magsalita si Gabriella. Mabuti na lang talaga at nadala niya ang dalaga na lumabas muna sila saglit. Baka kapag nag-stay sila sa kuwarto nito ay mas lalo lang itong kainin ng stress.

“Sino?” tanong niya at tumingin sa swimming pool kung saan naliligo ang iba nitong bisita.

Hinampas nito ang hita niya.

Lokang babae ‘to! May pahampas-hampas pa. Baka kung totoong lalaki ako, kinagat ko na ‘to eh. Pasalamat siya, pogi ang hanap ko.

“Ayan kasi! Inuuna ang girlfriend kahit nasa trabaho. Panay chat kaya hindi nakikinig sa’kin.” Umismid ito at kinuha ang cellphone niya. “No phone when you're with me. Got it?”

Hindi na lang siya sumagot. Umaandar na naman ang katarayan ni Gabriella.

“Sino ba kasi ang cute?” tanong na lang niya.

“Wala na. Umalis na! Hindi ko man lang nalaman ang name niya. Kainis ka kasi eh!”

“Bisita mo pero hindi mo kilala? Seryoso?”

Tumango ito. “Yep! Invited lahat ng classmates ko maliban doon sa tatlong bruha.” Tukoy nito sa tatlong minions nito noon. “Iyon nga lang, hindi ko naman kilala lahat ng classmates ko eh.”

Napanganga na lang siya. Hindi nito kilala ang ibang classmates nito? Ilang taon na halos nagsama pero hindi kilala ang ibang classmates?

Kaloka!

“But anyways, look!” May tinuro itong apat na babae na nasa gilid ng pool. Naka-swimsuit at panay kuha ng picture. “Mga cousins ko ‘yan. Pretty, right? Who’s your bet?”

Pero wala roon ang utak niya kun’di nando’n sa tatlong lalaki na malapit lang din sa puwesto ng mga pinsan ni Gabriella. Walang damit na pang-itaas at umiinom ng beer. Kailangan niya yatang hilahin paitaas ang underwear niya, baka malaglag.

Uhm! Ulam!

“I said, who’s your bet!” muli na namang sumigaw si Gabriella at ibinagsak ang lata na hawak nito.

“Abs!” gulat niyang sagot pero agad siyang tumikhim. Si Gabriella naman kasi bigla-bigla na lang sumisigaw.

“Abs?” Napatigil si Gabriella at tumingin sa kaniya. “You like abs? OMG!”

“Gaga! Hindi! Sabi ko, paano sila nagkaroon ng abs? Gusto ko rin magka-abs eh.”

Pero parang hindi yata naniniwala si Gabriella sa kaniya dahil tumango-tango lang ito pero hindi yata kumbinsido.

“Abs pala ha? Gusto mo ng abs.”

“Gusto magkaroon,” pagtatama niya pero parang wala lang itong narinig.

“Abs.” Humagikhik ito at itinuro ang mga pinsan nitong tinitingnan niya kanina. “Who’s your bet?”

“'Yong naka-red boxer shorts—” Pero agad niyang hinampas nang mahina si Gabriella. Naisahan siya! “Hindi nga sabi ako bakla! Ang kulit mo!”

“Hindi ko sinabing bakla ka, I'm just asking kung sinong bet mo. What’s wrong with that?” Humalakhak na naman ito at lumapit sa kaniya. “Are you gay?”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro