Chapter 11
Kanina pa pinipilit ni Rey Jhon si Gabriella na pumasok sila ng klase. Kulang na lang ay hilahin niya ang babae pa rang pumasok ito sa klase. Nadadamay na kasi siya sa pagiging maarte nito. Isang subject ang hindi niya napasukan ngayong umaga dahil sa kaartehan na rin ng amo niya.
“Ayoko ngang pumasok, you’re so kulit!” Nagdadabog pa si Gabriella nang sabihin niyang papasok sila ngayon. Itinapon pa nito ang shoulder bag sa sahig.
Hindi pa nga sila nakararating sa sasakyan pero hindi na maipinta ang mukha ni Gabriella. Padabog pa itong maglakad nang makalabas sila sa mall, parang wala itong pagod habang nilibot nila ang lahat ng store sa mall. Pero agad nagbago ang timpla ng mukha nito nang sabihin niyang pupunta sila sa university.
“May pasok ka diba? May pasok din ako.”
“Edi, magpasukan tayo. Problema ba ‘yon?” Muli na naman nitong pinaikot ang mga mata.
Kumawala ang ngiti niya sa labi. Ibang pasukan yata ang gusto ng senyorita na ‘to. Kung hindi lang siya baliko baka iba na ang magawa niya.
Pero matino ka, Rey Jhon! Huwag mong kalimutan!
“Ibang pasukan yata ang iniisip mo.” Umaksiyon na namang sisipa si Gabriella kaya automatic siyang napaatras. “Joke lang!”
“BRING my bag.”
Napaismid na lang si Rey Jhon nang marinig ang utos na iyon ni Gabriella. Mukhang magsisimula na naman ang kalbaryo niya. Himalang natanggap ng dalagita ang kagustuhan niyang pumasok sila ngayon. Pero iyon nga lang, bumalik na naman ito sa pagiging senyorita na utos doon, utos dito.
“Here na po, Madame,” paarte niyang sabi kay Gabriella na nakatalikod sa kaniya at hinihintay na iabot niya ang bag nito na binili nila kanina.
Hula niya ay wala na naman iyong laman na notebook o ‘di kaya kahit papel man lang sana.
Nanatili lang itong nakatayo at nakatingin sa gate ng university kahit naibigay na niya ang bag nito. Hindi ito humakbang papasok, mukhang wala talagang balak na um-attend sa klase.
“What are you waiting for?” tanong niya na ginaya pa ang boses ng dalagita. “Pasok na.”
“Bumalik na lang kaya tayo sa house. Mas maganda sa house, promise.” Kumindat pa ito sa kaniya. “Do you love movies? Mag-movie marathon tayo, may free fries pa.”
Hinawakan nito ang pulsuhan niya at iginiya siya pabalik sa kotse pero pinigilan niya ito. Hindi niya maintindihan ang ginagawa ng dalagita. Parang hindi na tuloy siya kumbinsido na ayaw lang talaga nitong pumasok.
“'Di ba papasok tayo? Bakit parang takot ka?”
“I’m not afraid!” sigaw nito sa kaniya at agad na binitawan ang kaniyang pulsuhan. “Hindi ako takot sa kanila!”
Sabi ko na nga bang mukhang may hidden meaning sa mga galaw niya eh. Natatakot din naman pala ang maarte na ‘to.
Itinaas niya ang kilay at kinuha ang atensiyon ni Gabriella. Hindi raw takot pero ayaw pumasok. Sinong niloloko nito?
“Hindi ka naman pala takot eh.” Siya naman ang humawak sa pulsuhan ni Gabriella. Nahiya tuloy ang kulay ng balat niya sa kaputian ng dalagita. “Tara na, pasok na tayo. You’re not afraid, remember?”
May isang katanungan ang tumatakbo sa utak niya. Sino kaya ang tinutukoy ni Gabriella? Hindi kasi kapani-paniwala na may kinatatakutan ang babae na palaging bumabasag sa golden egg niya.
Nagpahila na lang sa kaniya si Gabriella. Hawak niya ang pulsuhan nito hanggang sa makarating sila sa department ng high school. Naintriga lang talaga siya sa taong kinatatakutan ng amo niya at bakit ayaw nitong pumasok sa klase nito.
Bawat estudyante na madadaanan niya ay pinagtitinginan sila. Sanay na siya sa atensiyon na binibigay ng mga college students sa kaniya, lalo na ang mga kasama niya sa department. Pero hindi niya alam na pati pala sa high school ay may titingin din pala sa kaniya at ang mas malala, ang iba ay nagbubulungan pa.
Biglang hinila ni Gabriella ang kamay nito kaya nabitawan niya ang dalagita. Nakarating na sila sa classroom nito. Ang tatlong minions ni Gabriella ang sumalubong sa kanila sa pinto at nakapamaywang pa ang tatlo.
“Got a new boy toy, huh? You’re amazing, Gabriella.” Nakataas ang kilay ng nasa gitna. Ito ‘yong babae na panay kapit kay Gabriella noong unang araw na nilapitan niya si Gabriella.
New boy toy? Mukha ba ‘kong lalaki?
“I guess, Carlo is not her favorite flavor of the month anymore. But we still have 10 days left,” maarte na sagot naman ng isa na sobrang pula ang labi. “What’s your secret, Sis? Ang mag-best friend pa talaga ang nabingwit mo. How did you do that?”
“Stop!” sigaw ni Gabriella at hindi pinansin ang pag-aalburoto ng mga minions nito.
Parang nag-iba yata ang ikot ng mundo. Hindi na niya yata minions ang tatlong ‘to.
“Stop your ass!” sigaw ng nasa gitna na may hawak palang gunting at target na nito si Gabriella.
Mabilis niyang napigilan ang pagtapon nito sa gunting. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ng maarte na frog at kinuha ang gunting nitong hawak.
“Saktan mo na ang lahat pero huwag ang girlfriend ko!”
KANINA pa naghihintay si Rey Jhon na matapos ang last class ni Gabriella. Nasa dingding lang siya ng classroom ng dalagita at nakasandig ang likod niya habang naghihintay na matapos ang klase nito. Pero halos trenta minutos na rin siyang naghintay pero patuloy pa rin sa pagsasalita ang teacher ni Gabriella.
Panay ang tingin niya sa cellphone, nagbabakasakali na mabasa ni Gabriella ang chat niya na maghihintay siya rito. Pero hindi pa rin nito nabasa ang chat niya kahit online naman ito sa messenger.
Baka nakikinig talaga sa klase. Himala!
Muli siyang nag-type ng message pero hindi pa rin nito nababasa ang chat niya. Isinuklay na lang niya ang buhok gamit ang mga daliri hanggang sa natapos ang klase ng dalagita.
Ilang estudyante pa ang nakalabas bago nakita niya si Gabriella. Nakasimangot na naman ito nang makita siya at nilampasan lang siya. Matapos niyang isigaw na girlfriend niya si Gabriella ay biglang nagbago ang timpla ng dugo ng dalagita at hindi na siya nito pinansin.
“Gab!” tawag niya sa babae at binilisan ang paghakbang para mahabol ito. “Nasaan ang bag mo?”
Pero hindi pa rin ito nagpatinag, patuloy ito sa pag-iwas sa kaniya at hindi man lang nito nagawang sagutin ang tanong niya.
Gusto niya palang hinahabol eh. Girl, ayokong may hinahabol pero dahil may suweldo ako sa paghahabol sa’yo kaya sige, gora!
“Gabriella! Ano ba!”
“What!” Huminto ito sa paglakad at binigyan siya ng nakamamatay na tingin. “What do you want?”
“Nasaan ang gamit mo?”
“Nasa classroom, balikan mo.”
“Balikan ko?”
“Yes, balikan mo ang bag ko.” Humakbang ito palapit sa kaniya. Bawat hakbang nito ay parang may ibang tensiyon na dumadagdag sa dibdib niya. “I’m your girlfriend, right? Then, be gentleman. Kunin mo ang bag ko, ‘wag kang tanga!”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro