Seduce # 24
~
NAKAHINGA NA ng maluwag si Jack nang malaman niyang maayos na ang lagay ni Amanda at ng bata sa sinapupunan nito. Grabe ang pag aalala niya kanina ng makita niya itong duguan sa living room ng dalaga. Mabuti nalang at mabilis silang nakrating ng hospital kaya nailigtas ang buhay ng mag ina. Tinawagan niya na din ang fiance ni Amanda. At on the way na daw ito. Mukhang iiwanan nito ang importanteng ka-meeting nito sa ibang bansa. Tama lang iyon para may magbabantay kay Amanda.
Hindi naman nagtagal ay dumating na ang kapatid ni Amanda na si Stacey. Napakataray talaga ng itsura ng isang iyon. Sa totoo lang ayaw niya dito dahil minsan itong naconfine sa mental hospital. Tsk. Nagpaalam na siya dito. Balak niya kasing sumunod sa welcome party nina Sony at Sync. Miss na miss na niya ang inaanak niya iyon. Minsan iniisip niya, paano kaya kung nabuntis din si Cherry Anne. Siya na siguro ang pinakamasayang tao dahil makakabuo na siya ng pamilya kasama ang babaeng mahal niya.
Tinext niya nalang si Kurt. Sabi nito ay nasa bahay na daw sila ni Sync at siya nalang daw ang kulang. Dali-dali tuloy siyang nagpunta sa bahay ng kaibigan niya.
Naabutan niya ang mga ito sa may bandang pool area nina Sync. Naroon din ang fiance ni Frey na si Jasmin kaya naman yamot na yamot naman ang itsura ni Frost sa kakambal. Nakita niya din ang half-sister ni Clarkson-- ang sikat na news anchor at abogada -- si Felicity Dela Monte McLeos. Si Kenneth at Clark naman kabi-kabila ang babae. Si Hunter naman ay may kausap sa phone, ganoon dim si Kent. Pansin niyang wala dito ang fiance nitong si Arra Louisa. Oo nga pala, may double celebration din sa mansion ng mga Domingo, ngayon nga pala ang dating ng babaeng mahal niya.
"J-jack !."
Napakunot ang noo niya dahil namumutla si Kurt. Ano naman nangyari sa isang ito at para bang nakakita ito ng multo. Ganoon din si Zane. Parang mga tanga lang.
"What ?." Maang na tanong niya sa mga ito.
Lalo siyang napakunot ng noo ng makitang nagpalitan ng tingin ang dalawa. Para bang may itinatago ito sa kanya.
"What ?." Muling tanong niya.
Si Kurt ang unang nagsalita. "Ano .. Kasi .. Puta ! Ikaw na nga magsabi, Zenaido.!" Frustrated na sabi nito kay Zane kaya napalingon siya dito. Tinaas niya ang kilay niya na para bang nagtatanong dito.
"Ahmmm .. Ano ! Nakita namin si --"
"JACK !" Anang tinig na pumutol sa sasabihin ni Zane.
Binalingan niya iyon. Napangiti siya nang makitang ang kaibigan nilang si Sync iyon. Medyo mahaba na ang buhok ng kaibigan niyang ito kumpara noong huli niya itong makita.
Lunapit ito sa kanila at nakipag hand fist sa kanya. "Kamusta na !. American boy ka na huh !." Biro niya.
"Eto, mas gwapo pa din sa inyo !." Anito.
"BAKA GAGO !." sigaw ni Frost. Narinig pa nito ang sinabi ni Sync. Tsk.
Binalingan naman niya sina Zane at Kurt. Tumingin siya dito na para bang tinatanong niya ang mga ito kung sino ang nakita nila.
"Aish !! Naiihi ako." Sabi ni Kurt at saka umalis. Binalingan niya si Zane.
"Tumatawag si Trix, sasagutin ko lang.!" Anito at umalis na din.
Weird.
"Tara na, dude. Lapit na tayo doon." Sabi ni Sync sa kanya. Tumango nalang siya at sinundan na ito.
NAKAUPO LANG sa isang tabi si Jack habang umiinom ng beer. Lasing na din ang iba pa niyang mga kaibigan si Frey lang ata ang hindi dahil hindi ito umiinom ng alak kapag kasama nito si Jasman. Things will do for love.
Binaba niya ang bote ng beer na hawak niya ng makita niyang papalapit sa kanya ang inaanak niyang si Sony. Mas lalo pa itong tumaba magmula noong huli niya itong nakita.
"Ninong ! Ninong Jack !." Anito at sala dinamba siya. Napangiwi siya sa sakit dahil hindi biro ang bigat ng batang lalaki.
"Ang bigat mo, big boy.!" Aniya.
Kumandong pa ito sa kanya. Okay lang naman iyon dahil kaya naman niya ang bigat ng inaanak niya. Ang inaalala niya lang ay baka mapisa ang itlog niya dahil sa bigat nito.
Bumaba ang tingin niya sa malalaking binti ng bata hanggang sa madako ang tingin niya sa anklet nitong kulay pula. Bigla ay naalala niya si Cherry Anne. Red is her favorite color.
"Who give that to you, big boy ?." Tanong niya sa bata habang nakaturo ang gitnang daliri niya sa suot nitong angklet.
"My Mama Anne po." Sagot nito.
"Your dad's girlfriend ?." Kunot noong tanong niya. Alam naman niya kasi ang tunay na pangalan ng ina ni Sony. At hindi Anne ang pangalan noon. So he assumed that it's Sync's girlfriend.
Marahang umiling ang bata. "No po, she's just my daddy's friend. She hate my dad because he is pangit daw po. You know what Ninong, she is very pretty. She's the empress.!" Anito.
"Empress ?." Naalala niya tuloy si Cherry Anne. She's the real empress of his life.
"Yes po, she's Uncle Sean's empress. And she's pregnant.!" Sabi pa nito.
Sean. A very familiar name. Hindi niya nalang iyon pinansin. Umalis na din kasi sa kandungan niya si Sony at tumakbo na ito papunta kina Clarkson.
Pinag tuunan nalang niya ng pansin ang alak na iniimon niya. Bago siya bumulong sa hangin.
"Cherry ..."
**
MADALING ARAW na nakauwi si Jack sa mansion nila. Paniguradong tulog na ang kapatid at ang ama niya pero laking gulat niya ng wala pa ang sasakyang gamit ni Janella. Sinilip niya tuloy ang kwarto ng mga trabahador nila at wala pa din doon si Mang Nestor - ang driver nila. Hindi pa din pala tapos ang welcome party ni Che ?
Nailing nalang siya at umupo sa mahabang sofa nila sa may living room. Hindi naman nagtagal ay narinig na niya ang ugong ng sasakyang ginamit ni Janella. Mukhang nandito na ang kapatid niya.
Tumayo na siya at siya na mismo ang nagbukas ng maindoor para salubungin ang kapatid.
"Bakit ngayon ka lang ?." Salubong niyang tanong sa kapatid.
Hinagkan siya nito sa pisngi. "Sorry, Kuya. Napasarap kasi ang kwentuhan namin ni Maya. Tapos naka-idlip pa ako sa kwarto niya. Sorry po." Anito.
Ngumiti lang siya at binalingan si Mang Nestor. Tinanguan niya lang ang driver nila at inakbayan na niya si Janella papasok ng mansion nila. Sa totoo lang ay gusto niyang magtanong kung kamusta ni si Cherry Anne. Kung maayos na ba ang lagay ng babaeng mahal niya. Pero sa halip na magtanong siya, nanatili nalang siyang tahimik.
"Kuya, nood muna tayo sa sala. Nawala yung antok ko e,. Gawa ka ng vegie salad." Aniang kapatid niya.
Ngumiti siya at ginulo ng bahagya ang buhok ng kapatid niya. "Sige, una ka na doon. Susunod ako.!" Aniya.
Nakatingin lang siya sa likod mg kapatid niya habang naglalakad ito papuntang living room. Siya naman ay dumiretso na ng kusina para magawa ang request ng kapatid niya. Hindi pa naman siya inaantok at para mawala na din ang konting pagkahilo niya dahil sa espirito ng alak. Gumawa na din siya ng black coffee para sa kanya, apple juice naman para sa kapatid niya.
Binaba niya ang tray na hawak niya sa coffee table sa gitna ng living room nila. Nakabukas ma ang flat screeb nila at nanonood na ang kapatid niya.
"Kamusta na si Sony tabachingching.!" Basag ng kapatid niya sa katahimikan.
Napangiti lang siya. "Ayon. Mabigat pa din." Bahagya siyang natawa ng maalala niya ang pagkandong niya sa bata.
Sandali nanamang namayani ang katahimikan sa kanila. He really want to ask about Cherry Anne. And Janella seem oblivious about it. Pero sa huli, ang kapatid niya na din ang nag-kwento.
"Ate Cherry is six months pregnant. Ang laki laki na ng tiyan niya. Hindi naman ako makalapit sa kanya kasi parang ilang siya sa akin, Kuya. I really missed him. I just wanted tohug her kanina pero lagi naman kasing nakabantay si Kuya Sean sa kanya.!"
Sa dami ng sinabi ng kapatid niya, isa lang ang nakapag bigay ng atensyon sa kanya. Cherry Anne is six months pregnant. Could it be ...
"Alam mo Kuya, feeling ko yung Kuya Sean ang nakabuntis kay Ate Cherry Anne. Masyado kasi silang sweet sa isa't isa kanina. Hindi ko na tinanong si Maya dahil nahihiya ako. Baka sabihin niya, chismosa ako." Sabi pa nito.
No, hindi siya naniniwala. Malakas ang kutob niyang sa kanya ang dinadala ni Cherry Anne.
"I need to see her, again."
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro