Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Seduce # 23

~

Ninoy Aquino International Airport ..

IT'S BEEN six months nang huling makita niya ang Pilipinas. Tsk. Ganoon pa din, wala pa ding pinagkaiba. Siya lang naman ang naiba na ngayon dahil halatang halata na ang malaking tyan niya. Ilang buwan nalang din ang bibilangin at manganganak na siya. Gusto niya kasing kasama niya ang ina kapag manganganak na siya kay umuwi na din siya ng Pilipinas kahit na ayaw pa siyang payagan ng ama. Sa huli, sumama nalang ito sa pagbalik ng Pilipinas, kasama din nila ng pinsan niyang si Sean at ang mag amang sina Sync at Sony.

Nagpaalam ang ama niya na mauuna na sa sundo nila. Kinuha na din ng head security niya na si Kiko ang nga bagahe nila. Nagulat pa nga ang matanda ng makitang malaki ang tiyan niya. Wala pa din kasing alam ang pamilya niyang naiwan dito sa Pilipinas na buntis siya.

"Sweetness, I'm going to comfort room for awhile. Come, I'll take you to the car first.!" Anito.

Mabilis siyang umiling. Balak niya ksing puntahan ang mag ama. Humiwalay na kasi ang dalawa ng makalapag na ang eroplanong sinasakyan nila. Hihiramin sana niya si Sony kay Sync. Tutal at may welcome party sa kanila. Isasama niya nalang ang bata.

"Pupuntahan ko lang sina Sync, saglit lang ako.!" Paalam niya.

Sinamahan naman siya ng isa sa mga bodyguards na kasama ni Kiko na sumundo sa kanila. Ilang saglit lang siyang palinga linga sa paligid ng mahagip ng mga mata niya si Sony. Napangiti siya.

"Nong ! Ninong Kurt ! Tito ! Tito Zane ! Big boy po ! Me !." Dinig niyang sabi nito.

Doon niya lang napansin si Ortega may kasama itong binata na kung titignan naman ay hindi nagkakalayo ang edad at itsura ng dalawa. Nanatili lang siya sa kinatatayuan niya. Kinakabahan kasi siya na baka bigla nalang sumulpot si Jack sa tabi. Nandito si Ortega at alam naman niyang madalas magkasama ang dalawa. After all, kaibigan ni Sync ang mga mokong.

"Akala ko si Jack ang kasama mo.!" Tanong ni Sync kay Ortega.

So, dapat pala ay nandito si Jack. Mabilis siyang napalingon sa paligid. Kasing bilis noon ang pagbabago ang tibok ng puso niya. Para siyang kinakabahan na ewan. Ganito pa din pala ang epekto sa kanya ni Jack.

Nakipag handfist naman si Ortega at ang kasama nito kay Sync. "May emergency.!" Iyong kasama ni Ortega ang sumagot.

"Anong emergency ?."

Kurt rolled his eyes. "Dinudugo si Amanda. Alam mo naman, buntis."

Para siyang natulos na kandila sa narinig niya. Buntis na pala si Amanda at sigurado siyang si Jack ang ama. Hindi naman ito mawawala sa pagsundo kay Sync kung hindi naman importante ang nangyari. Then, reality hit her. Nakabuo na nang bagong buhay si Jack. Bakit ganoon ? Napakadaya ng tadhana. Siya, hindi pa din nakaka-move on. Nakakulong pa din siya sa nakaraan pero ang lalaking mahal niya, obvious naman na may sarili na itong buhay.

"MAMA ANNE!!"

Sabay sabay silang lumingon sa gawi niya ng sumigaw si Sony. Nakita na kasi siya ng bata at excited itong tumakbo papalapit sa kanya. Sinalubong naman niya ito ng mainit na yakap.

NANLAKI ANG MGA mata ni Kurt ng makita si Cherry Anne. Nagulat na nga siya nang tawagin siyang 'Mama Anne' ni Sony pero mas ikinagulat niya ng makitang malaki ang tiyan ng dalaga. Ibig sabihin ba nito ay nagbuntis ang dalaga habang nasa America ito.

Maang siyang napatingin kay Sync. Alam din niyang nakatangang tulad niya si Zane. "A-anong .. Pa-paanong .. Putang ina ka, Sync !!."

Natawa lang naman si Sync sa naging reaksyon niya at ni Zane. Naglakad na ito papalapit kay Cherry Anne na yakap yakap na ni Sony.

Binalingan niya si Zane. "What the fuck is happening ?." Tanong niya.

"Tang ina mo !! May alam ako." Puno ng sarkasmo ang pananalita nito.

Inirapan niya ang kaibigan at sumunod nalang ito kay Sync kahit na puno pa din ng katanungan ang isip niya.

"Hihiramin ko sana si Sony. May double celebration kasi sa bahay.!" Dinig niyang sabi ng malditang si Cherry sa kaibigan niyang si Sync.

"Bukas nalang. May hinanda din kasing welcome party ang mga kaibigan ko para kay Sony." Paliwanag naman ni Sync.

"Ang pangit mo. Bwesit." Sagot ni Cherry Anne sa kaibigan niya.

Wala naman silang magawa ni Zane kundi ang mapanganga lang. Alam naman kasi nila kung gaano kagalit si Sync sa mga babae at alam din niya kung gaano kataray si Cherry Anne sa mga tao. But they seem too close to each other. Iniisip niya tuloy na may relasyon ang dalawa.

"Loose that stare, Ortega ! I might melt." Inis na sabi nito sa kanya. Napakurap pa siya dahil bigla nalang bumalik ang kamalditahan nito.

"B-buntis ka."

Binatukan naman siya ni Zane. "Bobo ! Alangan namang props lang yan tyan niya ! Malamang buntis yan ! Malaki nga yung tyan e.!" Bulong nito sa kanya.

Cherry just rolled her eyes. "Sync, can you please tell to that moron .." tinuro nito si Kurt. "... that stop staring at me. Kasing pangit mo siya ! Nakakayamot kayo ! Gago." Inis na sabi nito.

"Mama Anne ! Bad po !"

"Sorry, baby." Hinalikan pa nito sa pisngi ang inaanak niya. Again. What the fuck is happening ?.

"Girlfriend mo ba siya, Sync ?." Hindi na napigilan ni Zane na magtanong.

"Tito ! Tito ! She's not my daddy's girlfriend. She's my Mama Anne.!" Anang paslit sa kanila.

Tumawa nanaman si Sync dahil hindi pa din makapaniwala ang mga itsura nila. "Kiddo, say goodbye to your Mama Anne na, bukas nalang ulit kayo magkita.!" Sabi pa nito sa bata.

"Bye bye po Mama Anne. Bye bye little baby." Sabi ng bata habang nakahawak sa malaking tyan ni Cherry Anne.

Cherry smiled at the kid and lightly pinch his cheek. "Hihiramin kita bukas kay panget ha.." nag angat ito ng tingin at tinaasan nanaman niya ng kilay si Kurt at Zane. ".. make sure that you two, won't tell to that Jack that you saw me here.!" Babala nito.

"Okay." Sagot naman ni Zane. "No problem."

"S-sync ! Ikaw ba ang nakabuntis kay sexy bitch ?." Bulong ni Kurt kay Sync.

CHERRY ANNE rolled her eyes hearing that stupid question. Bumulong pa si Kurt e, halos nadinig naman yata nilang lahat ang sinabi nito kay Sync. This guy is really stupid. Parehas sila ni Sync na pangit sa paningin niya. The fuck !

"Wag kang tanga, Ortega ! Anim na buwan lang akong nawala. Doon palang alam mo na ang sagot diyan sa walang kwenta mong tanong.!" Inis na sabi niya dito. Binalingan nalang niya si Sync. "Isasama ko nalang si Sean bukas. Una na ako. Ang pangit mo kasi ! Ugh !." Matapos noon ay nagmartsa na siya paalis.

Naiinis siya sa mga kaibigan ni Jack. How dare that Ortega thinks na si Sync ang nakabuntis sa kanya. Hindi naman siya kasing dumi ng mga babaeng kinakama nito. Isa lang naman ang lalaking nakasama niya at pinag alayan niya ng katawan niya. Argh ! Ang papangit nila ! Bwesit ! Kararating niya palang ng Pilipinas, bwesit na agad siya.

Tahimik lang siya sa loob ng limousine habang bumabyahe sila papuntang Empress mansion. Napansin din yata ng pinsan at ng ama niya ang sobrang katahimikan niya kaya hindi na din kumibo ang mga ito.

IYONG MALAPAD na ngiting sinalubong sa kanila ng kanyang ina pagpasok palang nila sa loob ng mansion ay napalitan ng pagkagulat ng makita ang nalaking umbok sa kanyang tiyan. Ganoon din ang reaksyon ng mga pinsan niyang sina Arra Louisa, Amaya at Emilito. Malalaki ang mga mata nito sa sobrang pagkagulat. Animo'y lalabas ang mga eyeballs nito kaya napairap naman siya.

"Para kayong mga tanga !." Inis na sabi niya.

Ang ina niya ang unang nakahuma sa mga ito. "Bu-buntis ka ... Paanong .. Richard ! Bakit buntis ang anak mo ! At hindi mo man lang pinaalam sa akin ? Anong klase kang asawa. !" Nag he-hesterical na sabi ng ina niya.

"Honey, I'm sorry, that's the empress requested. She wanna surprise you.!" Paliwanag naman ng ama niya.

"Na-sorpresa nga ako !." Napahawak pa ang ina niya sa ulo nito. Umakto ito na parang hihimatayin. "Jusmiyo ! Kailangan ko ng tubig ! Tubig ! Ahhh !." Tuluyan nang bumagsak ang kanyang ina. Mabuti nalang at nasalo ito ng kanyang ama.

"Auntie."

Hindi niya alam kung matatawa siya o ano sa reaksyon ng kanyang ina pero isa lang ang nasa isip niya ngayon. Kung nasaan ang Lolo niya. Napag alaman niya kasing nakalavas na din ito ng hospital.

"My empress." Anang tinig sa bandang gilid niya.

Agad siyang napalingon dito. Ganoon nalang ang paglambot ng puso niya ng makita ang kanyang Lolo na nakaupo sa wheelchair habang tulak tulak ng isang nurse. Mukha itong pumayat pero nakikita naman niya ang recovery ng Lolo niya.

"Lo !." She exclaimed. Dinaluhan niya ang Lolo niya at kahit na hirap siyang yumuko ay niyakap niya pa din ang miss na miss niyang Lolo. "I missed you.!" Aniya.

"Youre pregnant.!" Anito sa kanya. Ngiti lang ang sinagot niya dito.

Sa totoo lang ayaw niya pang pag usapan ang tungkol sa bagay na ito. Alam naman niyang kukulitin siya ng mga ito tungkol sa kung sinong ama ng anak niya. Hindi pa siya handang sabihin sa mga ito.

Dumiretso na sila sa hapag kainan. Halata namang pinaghandaan ng mga ito ang pagbabalik nila.

"Nasaan nga pala ang fiance mo, Arra ? Bakit wala siya dito ?." Tanong ng kanyang ina.

"May importante daw pong aasikasuhin, Auntie." Sagot nito.

Tahimik lang siyang nakikinig sa mga ito habang kumakain. Maya maya ay lumapit ang mayordoma kay Amaya at may ibinulong ito. Nakita niya pa ngang umaliwalas ang mukha ng dalaginding at dali daling tumayo. Hindi na nga ito nakapag paalam sa kanila.

"Lolo, I invited Janella here."

Para siyang nanigas sa kinauupuan niya ng marinig ang sinabi ng pinsan niya. Narito ang kapatid ng lalaking mahal niya. Kinabahan siya bigla na baka kasama ng dalaginding ang kapatid nito. Hindi pa siya handang makita ang kapatid nito.

"Are you okay, sweetness ?." Tanong ni Sean sa kanya na napansin siguro ang pagka-tense niya.

"Yeah."

"Welcome back Ate Cherry. Good to see you again Lolo Max.!" Masayang bati sa kanila ni Janella. Nakahinga siya ng maluwag ng makita niyang wala itong kasama.

Thanks God !.

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro