Seduce # 22
~
"KUYA, saan ka nanaman ba pupunta ?." Anang isang malambing na tinig sa kanyang likuran.
Hinarap niya ang may ari ng tinig na iyon. It's his sister. Nagdadalaga na talaga ang kapatid niya at kamukhang kamukha ito ng mommy nila.
Lumapit siya kay Janella at ginulo ang buhok ng kapatid. Nakita niya pang napairap ito sa ginawa niya. "Kuya ! Hindi na ako bata para ganyanin mo. I'm a lady now, look at me." Anito.
Natawa naman siya sa sinabi ng kapatid. "Pupunta lang ako sa Bar nina Frost.!!"
"Bar nanaman." Nakasimangot na sabi nito.
"Princess, alam mo namang iyon lang ang past time ni Kuya.!" Aniya.
Umirap lang ang kapatid niya sa kanya. Thankfull naman ang pamilya niya at hindi na siya gaanong nagkukulong. Minsan pa nga, sinabi sa kanya ni Kurt na puntahan niya si Cherry Anne sa America. Umayaw naman siya, alam niyang kailangan ni Cherry Anne ng space at hindi na siya umaasang pagbalik nito ay matatanggap pa siya nito sakaling manghingi pa siya ng isa pang pagkakataon. Halos mag a-anim na buwan na din magmula ng huli niya itong makita.
"Paano pag nagpunta nanaman dito si Amanda-bitch.!" Nayayamot na sabi pa ng kapatid.
Ngumiti siya dito. "Princess, I told you to be nice to her, alam mo namang buntis iyong tao.!"
Inirapan nanaman siya ng kapatid niya. "Nayayamot ako sa kanya, Kuya. Pupunta nalang ako kina Maya.!"
"Okay, pahatid ka kay Mang Nestor ha.!" Paalala niya.
He's okay with Amanda now, ilang buwan na din ang nakalipas nang ayain niya itong magpakasal. Iyon na siguro ang pinakamaling desisyon na ginawa niya. Well, wala naman talagang kasalang naganap. Umamin kasi si Amanda sa kanya na hindi naman talaga sa kanya ang bata. After that, the wedding is off. Naging mabuti nalang silang magkaibigan. Mas mabuti ma daw iyon sabi ni Amanda na hindi naman itinatanggi sa kanya kung gaano siya nito kamahal. Iyon nga lang ay sinukuan na siya nito. Alam naman daw kasi ni Amanda na kahit kailan ay hindi ito mananalo kay Cherry Anne pagdating sa puso ng binata.
Sumakay na si Jack sa LaFerrari niya. Balak nilang mag bar hoping ng mga kaibigan niya sa bar nina Frost. Malpit na din kasi ang pagdating ni Sync at ng anak nito, malamang ay pag uusapan nila ang tungkol dito at kung sino ang mga sasalubong dito.
Pinark na niya ang sasakyan niya sa labas ng bar. Nahagip na din ng mga mata niya ang mga sasakyan ng mga kaibigan niya na naka-park na din doon. Malamang, nasa loob na din ang mga ito.
"Jack !." Nakipag hand fist sa kanya ang mga ito.
Tama nga ang hinala niya, halos narito na ang lahat at nag uumpisa na sa inuman. Tumabi siya sa bakanteng upuan katabi ni Kenneth.
"Balita mga bopols ?." Panimula niya.
Clark raised his middle finger. "Eto ! Gwapo pa din ! Whooo !."
Binato naman ni Frost ang ilusyunadong si Clark ng ice cube. "Nangarap pa ng gising.! Mas gwapo ako sayo, gago.!" Anito.
"Sumbong kita kay, Fel ! Lul.!" Anito. Alam naman nilang lahat na nagkaroon ng relasyon sina Frost ang ang half-sister ni Clark na si Fel. Ewan nalang ngayon kung may something pa sa kanila.
"Tumigil nga kayo.!" Saway naman ni Kent.
"Asan nga pala si Zane ?." Tanong ni Jack nang mapansin niyang wala doon ang kaibigan niyang iyon.
"Hindi sumama. Hindi pinayagan noong fiance niyang isip bata.!" Sino pa ba ang sumagot sa tanong niya ? Edi ang ever chismoso niyang kaibigan na si Kurt.
"FIANCE ??." sabay sabay nilang tanong. Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat.
Tumango naman si Kurt sa kanila. "Oo, fiance.!"
"Tang ina ! Naka-move on na siya kay Graciella ?." Hindi makapaniwalang tanong ni Hunter.
"Imposible ! Sino naman ang fiance ni Zane ? Ulol yun ah ! Hindi man lang nagsasabi.!" Segunda pa ni Kenneth.
Tinapik naman ni Kent ang balikat ng kapatid. Iiling iling pa ito. "Bro, hindi daw kayo close.!" Biro nito.
"Fuck you !."
Pansin niyang wala din si Frey ngayon. Mukhang busy din ito sa fiance nitong si Jasmin. Tsk. Ilan sa mga kaibigan niya ay may balak na din mag settle down. Siya ? Hindi niya pa alam at ayaw niyang alamin dahil alam niya sa sarili niya na hindi na siya magmamahal ng iba kundi si Cherry Anne lang.
Hindi naman nagtagal ay napag usapan na nila kung sino ang susundo kina Sync at sa anak nitong si Sony. Siya at si Kurt nalang dae ang susundo at sina Kenneth, Kent, Clark naman ang bahala sa surprise nila para sa mag ama. Si Frost, Frey at Hunter naman ang bahala sa mga pag kain. Si Zane ? Hindi pa nila alam pero baka tumulong na din ito kina Kenneth.
MAAGANG UMUWI si Jack matapos ang walang kwentang pagpupulong nila ng mga kaibigan niya. Nauwi lang kasi sa inuman at pangbabae ang usaping iyon. Tsk ! Wala siyang panahon saga babae kaya umuwi nalang siya. Isa pa, medyo may tama na din siya dahil nakailang bote din siya ng beer. Mabigat pa naman iyon sa tyan.
"Hello Kuya !." Bungad sa kanya ng kapatid niya. Nakaupo ito sa sofa saay living room nila. Mulhang kararating lang din nito.
Naglakad siya palapit dito at saka tumabi sa kapatid.
"Kauuwi mo lang, princess ?." Tanong niya.
"Yuck ! Kuya ! Amoy alak ka pa ! Ewww !." Reklamo nito ng akmang hahagkan niya ito sa pisngi perp mabilis nitong nilayo ang mukha sa kanya.
He chuckled. Napalingon siya sa second floor ng bahay nila. Nakabukas ng bahagya ang pinto ng private office ng ama. Mukhang may ginagawa pa ito dahil nakasindi pa din ang ilaw noon.
Magmula kasi ng maibalik na sa kanila ang lahat ng controls. Naibalil na din sa kanila ang sarili nilang kompanya, and Ferrer Corporation. Tinutulungan niya ang ama niya sa pagpapatakbo nito pero hindi niya pa din binibitawan ang Domingo Hotels, umaasa kasi siya na magkikita pa silang muli ni Cherry Anne.
Napabuntong hininga nalang siya nang maalala niya ang babaeng mahal niya.
"Kuya.." pukaw ng kanyang kapatid sa kanyang pansin. Tinaas niya ang dalawang kilay niya. "Magaling na yung Lolo nila Maya, happy nga siya e. Makakalabas na daw ng hospital yung Lolo niya, they also invited me for their big celebration. Double celebration daw dahil babalik na daw si Ate Cherry Anne. I'm so excited to see her again. Ini-stalk ko nga yung IG niya everyday para may maibalita ako sayo pero mukhang hindi naman siya mahilig mag post sa IG niya. Miss mo na din ba siya, Kuya ?."
Sa haba ng sinabi ng kapatid niya, isa lang ang nakapagbigay ng pansin sa kanya. Iyon ang pagbabalik ni Cherry Anne. Babalik na ng bansa ang babaeng mahal niya. Anong dapat niyang gawin.
"Kuya ! Yuhooo ! Okay kalang ?." Winagayway pa niyo ang palad nito sa tapat ng mukha niya.
"Y-yeah ! I'm good. Kailan daw ang b-balik niya ?." Tanong nito.
"Di ko pa alam, Kuya. Tatanungin ko si Maya sa school bukas."
**
MAAGANG NAGISING si Jack. Ngayon na kasi nila susunduin ang mag amang Evangelista. Actually, kanina pa nga nasa living room niya si Kurt at inip na inip na sa kanya. Alam mo naman, palaging early ang lolo niyo.
"Tang ina mo, Jack ! Ang kupad mo talagang kumilos.!" Singhal nito sa kanya.
"Kuya ! Ang pangit ng kaibigan mong yan ! Nakakainis. Panay pa ang mura.!" Ani ng kanyang kapatid.
Doon niya lang napansin na nasa living room din pala ito. Salubong ang kilay ng kanyang kapatid at halatang nayayamot kay Kurt. Tsk. Natawa pa siya nang magmartsa ito paalis sa harapan nila.
"Ang sungit ng kapatid mo, dude ! Pero maganda."
Sinuntok niya ng mahina sa balikat si Kurt sa sinabi nito. "Tang ina mo ! Wag ang princess namin. Bata pa, yun. Ililibing talaga kita ng buhay, Kurt. Hindi ako nagbibiro."
Kurt just chuckled. "Okay ! Okay !"
Walang salitang lumabas sa kanila ng makarating sila sa garahe. Ang SUV na puti ni Kurt ang gagamitin nila papuntang airport para sunduin sina Sync. Hindi niya alam pero medyo kinakabahan siya ngayon. Hindi niya nga maintindihan ang sarili niya kung bakit parang may mangyayaring hindi maganda.
Sumakay na sila sa loob ng SUV. Si Kurt ang magmamaneho. Sa likod naman nila ay nandoon si Zane na mukhang yamot na yamot din. Kasama pala nila ang gago.
"Nandito ka pala, bata !." Bati niya sa kaibigan.
Tinirik nito ang mata sa kanya at sakatinaas ang gitnang bahagi ng daliri nito. Tumawa lang siya sa inasal ng kaibigan niya.
Pinapasibad na ni Kurt ang sasakyan palabas ng garahe nila ng mag ring ang cellphone niya. Si Amanda iyong tumatawag.
"Hello, Amanda ?." Sagot niya.
"Jack ! Help !. Help me !" Frantic na sigaw nito sa kabilang linya.
Napakunot ang noo niya. Mukhang napansin naman ni Kurt ang tensyong nagaganap kaya itinigil muna nito ang sasakyan.
"What happen ?." Kinakabahang tanong niya.
"Jack. Dinidugo ako ! Tulong!"
"Fuck !." Napamura nalang siya, agad niyang tinanggal ang pag kaka-seatbelt niya at saka binalingan si Kurt. "Hindi ako makakasama, dinidugo si Amanda. Kailangan niya ako. Kayo nalang ni Zenaido ang magsundo." Aniya.
Tinanguan lang siya ng mga ito. Dali dali siyang bumaba at tinakbo ang pagitan nila ng LaFerrari niya. Susunod nalang siguro siya sa Welcome party nila Sync. Kailangan siya ngayon ni Amanda. Mahirap na, wala pa naman ang ka-live ni Amanda sa bansa ngayon. Tsk.
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro