Seduce # 21
Three months later ...
"MAMA ANNE ! Mama Anne !."
Tumayo agad si Cherry Anne ng marinig niya ang matinis na boses ng batang lalaki na papalapit sa kanya. It's sunday, at inaya siya nina Sync at Sony na mamasyal. Kaya naman hindi na siya nagulat na narito ang mag amang iyon sa bahay nila. Nasanay na din ang daddy niya na nandito sina Sync at Sony. Madalas pa nga siyang tinutudyo ng ama kay Sync. Napapairap nalang siya sa usaping iyon. Sync and Cherry are good friends now, kahit na sobrang naiinis siya dito. Ayaw niya talaga sa pagmumukha ni Sync. Mabuti pa si Sony na walang kasing cute.
Akmang dadambahin siya ni Sony na tuluyan ng nakapasok sa loob ng mansion nila. "Sony, don't jump to your, Mama Anne. She's pregnant, remember ?." Saway ni Sync sa anak nito.
"Yay ! Sorry po."
Ngumiti siya at ginulo ang buhok ng bata. Natutuwa talaga siya sa tuwing dinadalaw siya ni Sony. Madalas niya kasi itong hinihiram kay Sync, which is okay with him dahil palagi namang may kung anong importanteng pinag uusapan sina Sync at Sean. Medyo halata na din ang baby bump niya, thirteen weeks na din kasi ang tyan niya. At sobrang maingat na siya sa mga kilos niya. Madalas nga siyang magsuka tuwing umaga, mabuti nalang at nakaalalay sa kanya ang ama niya at si Sean na dito na namamalagi sa mansion nila. Lahat ng gusto niyang kainin ay naibibigay agad ng ama at ng pinsan niya. Wala pa ding alam ang mommy niya tungkol sa pagbubuntis niya. Ilang buwan lang naman ang bakasyon niya dito sa America. At isa pa, gusto niyang sorpresahin ang ina.
"So, let's go." Nakangiting aya sa kanya ni Sync. Inirapan niya naman ito bago bumaling kay Sean na nakasalampak sa sahig habang sumisims ng kape at nanonood ng TV. Wala ang daddy niya ngayon dahil nasa Domingo Hotel ito - America branch.
"Sean, are you sure ? Youre not coming with us ?." Muling tanong niya.
Nakailang ulit na nitong tinanong ang pinsan niya. Ayaw kasi nitong sumama dahil may importanteng bagay daw na aasikasuhin ang pinsan niya sa race track nito.
"Yeah, sweetness. Just be carefull and enjoy." Nakangiting sabi nito. "Evangelista, please take care of my empress.!" May pagbabanta naman sa boses nito.
Sync just chuckled and raised his middle finger towards her cousin. Nanlaki naman ang mata niya dahil ginaya iyon ni Sony. Inis na sinampal niya si Sync.
"My god, Sync ! Ginagaya ka nung bata ! Sungalngalin kita dyan, e."
"Sorry."
She just rolled her eyes. Inabot na niya ang kamay ni Sony para mauna nang makalabas ng mansion nila. Makapal ang suot nilang Jacket dahil sobrang lamig na ng klima sa America. Umuulan na ng snow. Kaya balot na balot siya, ayaw niyang sipunin ang baby niya.
"Mama Anne, can you carry me up ?."
Natawa siya dito. "Sony, I can't. Uhmmm. You see, youre too big. Kawawa naman si baby.!"
Mas natawa pa siya mg ngumuso ng mahaba si Sony. Maya maya ay dumating na din Sync. Mukhang nag usap pa sila ni Sean dahil medyo natagalan pa ito. "Tara na.!"
Sumunod na sila kay Sync na pinagbuksan pa sila ng pinto sa dala nitong sasakyan. Balak nilang pumuta sa amusement park para mamasyal.
MABILIS LANG ang naging byahe nina Cherry Anne. Ito ang maganda sa America, hindi uso ang traffic. Nagtatatalon pa nga sa tuwa si Sony nang marating nila ang amusement park. Panay gusto nitong magpakuha ng litrato kasama siya. Kaya ang ending, si Sync nagmumukhang photographer lang nila.
Ilang saglit pa ay nagyaya si Sony na mag ice skating. Since hindi siya pwede dahil baka madulas siya at ayaw naman ni Sync, hinayaan nalang nila si Sony doon. Nakabantay nalang sila sa sa kanya. Naupo pa nga sila sa isa sa mga blechairs doon.
"You seem so much happy, Anne." Basag ni Sync sa katahimikan.
"May dapat ba akong ikalungkot kung ganon ?." Mataray pero mabiro niyang tugon sa kaibigan.
Magmula noong nalaman niyang buntis siya. Bukod sa daddy at pinsan niya, nariyan din si Sync para bigyan siya ng moral support. Naging malapit na silang magkaibigan mula noon. Inis man siya sa pagmumukha nito, alam niya sa sarili niyang minahal na din niya ito bilang kaibigan.
"Meron." Seryosong saad nito.
Doon lang siya napatingin kay Sync. Seryoso ang mukha nito. Hindi mabasa ang ekspresyon habang nakatitig ito kay Sony na masayang naglalaro.
"Jack is getting married. He invited me a fews days ago."
Hearing his name makes her wants to cry. Sa tagal ng panahong wala siyang balita dito, malaki pa din pala ang epekto ng ex-boyfriend niya sa kanya. Pakiramdam niya ay binibiyak ng paunti unti ang puso niya. May kung anong matalim na bagay ang tumatarak dito at pinapatay ang puso niya. Hindi niya alam pero, nag uunahang kumawala ang mga luha niya sa mga mata. Hindi na niya kinaya at tuluyan nalang siyang napayakap sa bisig ni Sync. She never moved on. Hindi niya pala kaya.
"Shhh .. don't cry, masama iyan sa baby mo.!" Alo sa kanya ni Sync.
She can't. Masyado siyang masasaktan para pigilan ang mga luhang gustong kumawala sa kanya. Mahirap magpigil ng nararamdaman dahil masakit iyon sa puso at mahihirapan kang himinga. Nilunok niya lahat ng pride niya, kahit kailan hindi niya ginustong umiyak sa harap ng ibang tao maliban sa mga kapamilya niya because she is the empress. A very powerful woman af their family. Alam ng lahat kung gaano siya katapang, pero dahil kay Jack, nagiging mahina siya.
"Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanya ang totoo ?. Umuwi tayo ng Pilipinas, ipaalam mong buntis ka at siya ang ama."
Mariing siyang napailing sa tinuran nito. "No .. ayokong bumalik siya sa akin dahil magkakaanak na kami..." Huminga muna siya ng malalim "... sa tingin mo, ganoon niya ba talaga kamahal si Amanda para pakasalan ito ?." Umiiyak na sabi niya.
Hindi niya talaga mapigilan ang sarili niya. Parang pinipiga sa sakit ang puso niya. Bakit Jack ? Bakit mo ba ito ginagawa sa kanya. Ganoon ba talaga kamahal ng binata si Amanda para pakasalan ito. Hindi man niya aminin pero sa araw araw na ginawa ng Diyos, umaasa siyang pupuntahan siya ni Jack dito sa America. Alam naman niyang madaling malalaman ni Jack ang kinaroroonan niya dahil sa kaibigan nitong si Kent na fiance ni Arra Louisa.
"Mama Anne ! Why are you crying ? Did Papa made you cry ?!" Nagulat siya ng suntukin ni Sony sa maselang bahagi ng katawan ni Sync. Napa-igik pa ang binata sa sobrang sakit. "Why did you made my Mama Anne cry ?."
"Awww. Baby, I am your father. Fuck !." Mahina itong napamura. "I didn't, napuwing lang ang Mama Anne mo. Geez. Anak kita pero mas kinakampihan mo pa siya. Napaka-brutal talaga.!' Namimilipit sa sakit na sabi nito habang nakahawak sa crotch area nito.
Malakas siyang humalakhak dahil sa namimilipit na itsura ni Sync. Halatang nasaktan ito. Binalingan niya si Sony at nakipag high five dito. Sabay silang humagikgik sa itsura ni Sync.
"Sige ! Aww ! Pagtawanan niyo pa ako.!"
Tumakbo na si Sony para maglarong muli. Siya naman ay bumili muna ng makakain nila sa mga booth na nakatayo doon sa amusement park. Pagbalik niya sa blechairs na kinauupuan nila ni Sync kanina, mukhang okay na ang binata. Nilapitan niya ito at unabot ang isang footlong na binili niya.
"Don't laugh. Masakit talaga.!" Anito kaya hindi na niya napigilan ang matawa.
Umupo na siya sa tabi nito. Gaya ni Sync ay tinanaw din niya si Sony na gumagawa ng snowman. Bigla ay may naalala siya.
Binalingan niya ng tingin si Sync. "Sync, can I ask about his ..."
"She left us." Putol nito sa sasabihin niya. "Matapos niyang manganak, kinaumagahan wala na siya sa hospital suite niya. Inakala namin noon na baka nag CR lang ito or kinailangang may gawing test at kinuha ng mga doctor pero ni anino niya sa hospital na iyon wala na. Honestly, hindi niya gustong magkaanak. Nasira ang career niya dahil sa amin ni Sony,." Mapait na sabi nito.
Hinawakan ni Cherry ang kamay nito at marahang pinisil iyon. "Malay mo may ibang dahilan kaya niya ginawa iyon.!"
Marahang umling ang binata. "No. Una pa lang alam kong ayaw na niyang magbuntis. Mahal ko siya at pinilit ko siyang magkaroon na kami ng pamilya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit niya kami iniwan ni Sony."
"Pagbumalik pa siya, tatanggapin mo pa ba ?." Tanong niya.
"Galit ako sa kanya. Hindi man lang siya nagmalasakit para kay Sony. Alam mo bang binalak niyang patayin si Sony noong baby pa ito, too long story at ayoko ng balikan pa. Galit ako sa kanya. Tapos ang usapan."
Nagkibitbalikat nalang siya. Hindi naman nagtagal ay nag aya ng umuwi si Sony. Mabuti na din iyon dahil medyo bumabagsak na ang mga snow. Mahirap na baka magka snow storm at ma-trap sila sa isang lugar. Buntis pa naman siya.
Nakatanaw siya sa labas habang marahang nagmamaneho si Sync. Nakatulog na si Sony sa backseat. Tahimik lang siya, maraming bagay ang pumapasok sa isip niya. Isa na doon ang lalaking mahal niya.
"Jack..."
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro