Seduce #18
~
MASAYANG MASAYA sina Jack at Janella sa naging hatol ng korte para sa kanilang ama. Sa wakas at makakalaya na din ito. Ito na ang matagal na panahong hinintay nila. Sabi nga nila, worth the wait.
"Malaya na ang ama mo, Ferrer. But it doesn't mean na malaya ka na din sa akin. Akin ka lang Jack. Sa akin ka lang." Bulong sa kanya ni Amanda.
Ayaw niyang mapalitan ng inis ang natatamasa nilang kasiyahan ng kapatid niya, kaya hindi nalang niya pinansin ang mga sinasabi ni Amanda. Masaya siya ngayon at iyon ang dapat na isipin niya. Pagkatapos nito ay balak niyang habulin si Cherry Anne sa airport. Hindi man niya ito malapitan, gusto niyang makita ito sa huling pagkakataon.
"Kuya ! Kuya ! I'm so happy." Masayang sabi ni Janella sa kanila kahit na kanina pa ito umiirap kay Amanda. "Salubungin na natin si Daddy. Tara na Kuya !."
Nagpahila na siya sa kanyang kapatid. Halatang masayang masaya ito sa kaalamang makakalaya na ngayon ang Daddy nila. Siya din naman, ang kaso lang ay may kulang. Mas masaya sana kung nandito sa tabi niya ang babaeng mahal niya, hindi ang babaeng umiipit sa kanya. Tsk. Too bad, alam niyang wala na siyang pag asang mabawi pa si Cherry Anne.
DUMIRETSO na sila sa mansyon ng mga Ferrer. Malapad ang ngiti ng kanyang ama na nakalanghap na din ng sariwang hangin mula sa labas ng selda. Kasama pa din nila si Amanda, alam naman niyang hindi komportable ang kapatid at ama niya kay Amanda pero hindi naman niya pwedeng iwanan nalang ito ng basta. Ano pa man ang mangyari, malaki pa din ang naitulong nito sa kanila para makalaya ang ama niya.
"I want to talk to my daughter and son privately, Miss Amanda." Ma-awtoridad na sabi ng kanyang ama.
Nakita niyang ngumisi lang si Amanda. "I'll wait for you in your room." Bulong nito sa kanya.
Tango lang ang sinagot niya sa dalaga at saka sumunod na siya sa private office ng kanyang ama na siya ang gumagamit noong nasa bilangguan pa ito. Sinarado niya ang pinto at tumabi sa sofa na kinauupuan ng kanyang kapatid habang nakatanaw naman sa malaking glass window ang kanyang ama.
"Tell me, Jack. Who is she ?." Panimula ng kanyang ama.
"Papakasalan ko siya, dad." Walang buhay na sagot niya.
Nanlaki naman ang mga mata ng kapatid niyang si Janella. "Tange ka ba kuya ? Bakit mo pakakasalan ang babaeng yon ? Akala ko ba si Ate Cherry Anne ang mahal mo ?."
Umiling nalang siya. "Tinulungan tayo ni Amanda para makalaya si Daddy. I need to marry her in return."
Tumikhim ang kanyang ama kaya sabay sila ng kapatid niyang napatingin dito. Hindi niya mabasa ang mukha ng kanyang ama. Kung kanina bakas ang saya nito sa paglaya, ngayon ay parang hinahalukay ang ekspresyon ng mukha nito.
"Jack. Wala akong kasalanan. Alam iyon ng babaeng yon. Hindi mo kailangang isakripisyo amg kaligayahan mo dahil wala ka namang dapat isakripisyo. Anak, alam mong malinis ang konsensya ko."
Nagyuko siya sa ama. "Dad, hawak niya lahat ng controls ng account natin." Pag amin niya.
"Let me handle it, son. Now, go and run for your love."
Nabuhayan siya ng loob sa sinabi ng ama. Agad siyang tumayo at tinakbo ang pagitan nila ng pinto ng private office ng kanyang ama. "Go ! Kuya !." Dinig niya pang sabi ng kanyang kapatid. Napangiti nalang siya. Now, kailangan niyang habulin ang babaeng mahal niya. Kailangan niyang bawiin ito by hook or by crook. Wala na siyang pakialam kung nasayang niya ang huling pagkakataon na ibinibigay nito sa kanya. Kung kinakailangang lumuhod siya sa harapan nito ay gagawin niya makapiling lang muli ang babaeng mahal na mahal niya.
"Hello, Kurt ?." Sabi niya ng sagutin ni Kurt ang tawag niya.
Tinawagan niya ito para samahan siya sa airport. Alam naman niyang sa kanilang magkakaibigan. Ito lang naman ang mahilig sumama sa ganito para maki-chismiss. Tsk.
"Saang Airport ?." Tanong nito sa kabilang linya.
"NAIA." Aniya saka binaba ang tawag.
Sakay ng LaFerrari niyang kulay itim pinasibad niya ito paharurot papuntang Ninoy Aquino International Airport. May kung anong ngiti sa kanyang labi pero mas nangingibabaw pa din sa kanya ang kaba. Natatakot siya na baka hindi na niya ito maabutan. Kagaya sa mga teledrama ngayon, kapag hinahabol ng bida iyong ka-loveteam niya madalas itong hindi na aabutan. Ayaw niyang mangyari iyon sa kanya. Kailangan na niyang itama ang mga mali.
"Tangina Pre, dalian mo." Sabi ni Kurt ng makababa siya sa kotse niya. Mukhang kanina pa ito inip na inip na naghihintay sa kanya.
"Nakaalis na ba ?." Habol ang hiningang tanong niya.
Binatukan siya ng kaibigan niya. "Bobo ! Makakaalis na talaga kapag hindi ka nagmadali. Tara na !."
Tumakbo sila papasok. Mahabaang palinawagan pa ang ginawa nila sa mga gwardya, mabuti nalang at ninong ni Hunter ang may ari ng NAIA kaya napapasok sila. Mabuti nalang at may pakinabang sa kanya ang mga kaibigan niya.
Takbo. Hanap. Takbo. Hanap. Lingon dito. Lingon doon. Naghiwalay na sila ng direksyon ni Kurt para mas madali nilang mahanap pero mukhang hindi madaling hanapin ang hinahanap nila.
"Fuck." Hingal na napamura siya sa sobrang pagod kakatakbo. Sandaling bumawi muna siya ng hininga bago siya nag angat ng tingin.
Mabilis na sumilay sa kanyang mga labi ang tagumpay na ngiti nang makita ang babaeng mahal niya na nakasuot ng pulang dress na hanggang tuhod. May nakapatong na itim na blazer dito, maging ang malaking takong nitong sapatos ang kulay pula. Akmang lalapitan niya ito ng maunahan siya ng pamilyar na americanong lalaki. Nagbaba siya ng tingin sa hawak nitong maleta. What the fuck ? Kasama ito ni Cherry na aalis ng bansa.
"Sweetness, sa bahay ko nalang tayo tumuloy pagdating natin don.!" Dinig niyang sabi nito kay Cherry Anne.
Para siyang natulos na kandila ng makita niyang nginitian ni Cherry Anne ng ubod tamis ang ameeicanong hilaw na kasama nito. Pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya. Ganoon siya naabutan ni Kurt.
"Oh ! Huli na ba tayo ?." Hingal na tanong nito sa kanya.
"Sobrang huli na." Iyon lang ang nasabi niya at tumalikod na.
Hindi niya kayang makita ang babaeng mahal niya na may kasama nang iba at handa ng magsimula ng bagong buhay ng wala siya.
The fuck.
JACK is hurt. Nakailang bote na siya ng alak pero hindi pa din nawawala ang sakit na narardaman niya. Sinamahan na din siya ng iba pa niyang mga kaibigan. Hindi niya pinakikinggan ang kwentuhan ng mga ito. Basta nalang siyang lagok ng lagok ng alak.
"Arra told me what happened, pare. Bakit hindi mo sundan sa America ?." Tanong ni Kent sa kanya.
Napailing nalang siya tapos tumunggang muli ng alak. "I lost my last chance, dude. Kasalanan ko.!" Mapait na sabi niya.
"But it doesn't mean na tapos na kayo. Patunayan mo sa kanya na karapat dapat ka pang bigyan ng isa pang pagkakataon." Hunter said. Alam naman niyang may pinanghuhugutan ang kaibigan niyang ito. Kaya wagas kung maka-payo.
Tinapik siya ni Frost. "Isa pa, pare. Mahirap kalimutan lalo na kapag alam mong siya talaga ang mahal mo."
"Hugot." Sabay na sabi nina Clark at Kenneth kay Frost. Nailing nalang si Frey.
"Sabihin mo lang kung ipapa-kidnap natin si Amanda tapos ipapatapon natin sa Bermuda Triangle.!" Biro pa ni Zane.
"Teka ! Teka ! Naasiwa na ako sa inyo ! Puro kayo lablyp ! Haha tarang man-chicks." Singit ni Clark na assusual naman ay babaero.
Si Frost ang sumama dito, dahil si Clark at Frost lang naman ang pinaka babaero sa mga ito. Tsk ! Hindi pa din nag titino. Palibhasa hindi pa nahahanap yung mga katapat nila.
"Seriously pare, wag mo muna siyang puntahan. Ler her find herself first. Magulo ang isip niya ngayon. You see, tinanggihan mo ang huling pagkakataon na binibigay niya para sayo. So now, tell me, kung pupuntahan mo ba siya ngayon sa tingin mo ay makukuha mo siya ? Mapapapayag mo siyang bumalik sayo ?. Think of it, man." Payo ni Frey sa kanya.
He is right. Cherry needs space kaya ito umalis. At isa pa, siya naman ang may kasalanan kung bakit ito umalis. Pinapili siya nito at sa ika-ilang beses na pag kakataon, hindi nanaman niya ito pinili. Fuck ! Why life is this so cruel ? Bakit kailangan niyang pag daanan ang mga bagay na ito.
"I'm fuck up."
"No your not. You're just inlove, man."
Yeah. His inlove with the woman who let him leave. Bullshit.
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro