Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Seduce #17


~

"ARE YOU sure about it, Empress ?."

Nakailang ulit na tanong ng kanyang ina sa kanya. Hindi kasi ito makapaniwalang naghihingi siya ng bakasyon dito kahit ilang buwan lang, lalo na ngayon na nasa hospital pa din ang lolo niya. Perp anong magagawa niya ? Masakit ang puso niya. Pakiramdam niya ay may ilang milyong karayom na nakatusok dito na para bang unti unti nitong pinapatay ang puso niya.

Masakit. Sobrang sakit ma sa ika-ilang pagkakataon, hindi nanaman siya ang pinili ni Jack. Bakit niya narardaman ang sakit na ito ? An Empress like her doesn't need to be treated like this. Kahit na sino pa iyon, pero putang ina lang. Mahal niya pa yung taong bumalewala sa kanya.

"Yes, ma. Later, pupunta ako ng office para iligpit yung ibang gamit ko dun." Walang buhay na sagot niya sa ina.

Patuloy pa din siya sa pagtutupi ng mga damit niya at nilalagay iyon sa kulay pula niyang maleta. Pwede naman niya itong ipagawa sa mga maids nila but she felt doing it. Kaya siya nalang ang gumagawa.

"Tell me what happen, Cherry Anne.?" Napatigil siya sa ginagawa niya ng tanungin siya ng kanyang ina. All this time, ngayon lang siya nakaramdam ng pag aalala mula sa kanyang ina. Lumaki siya sa Lolo niya at ito lang ang nagmamalasakit sa kanya. "I know that I am not good enough to stand here and be a mother for you, baby. Ilang taon ka ding namin hindi napagtuunan ng pansin ng dad mo. But believe me, empress. Your dad and I loves you. Kahit na hindi namin madalas na simasabi sayo but we're doing all of it for you. I want you to stand by your own and be the woman of your own. I want you to be strong , baby. I just only want what's best for you. Ayokong matulad ka sa akin na sobra ang naging inggit ko noon kay Ate Arianna, ang gusto ko, ikaw naman ang kaiinggitan pero hindi ko ginustong maging kasing tigas ng bato ang puso mo."

Hindi na niya napigilan ang sarili niya. Inilang hakbang niya ang pagitan nila ng kanyang ina bago ito ginawaran ng isang mahigpit na yakap. Naiiyak siya, kailan niya ba huling naramdaman ang init ng yakap ng isang ina. Kailan niya ba huling naramdaman ang pagkalinga nito ? Taon din ang binilang niya para mangyaring muli ito. All this time, binuhay niya ang sarili niya na may galit sa mga magulang niya dahil pakiramdam niya, ang Lolo niya lang ang nagmamalasakit sa kanya. But now, her mom .. her mom is here for her. "I just need a few months to fund myself mom. I just need space .. I love you.!" Humihikbing sabi niya.

Hinaplos ng kanyang ina ang kanyang mahabang buhok. "You can go to your father, matutuwa iyon kapag sa kanya ka tumuloy.!"

"I will, mommy."

Siguro nga, kailangan na niyang mag umpisang muli. Kailangan na niyang simulan ang bago niyang buhay without Prince Jack Ferrer. Kailangan na niyang burahin ang ex-boyfriend niya sa sistema niya.

DUMIRETSO muna si Cherry Anne sa Ramirez Hospital para dalawin ang kanyang Lolo Maximo. Gusto niya muna itong makita bago siya umalis ng bansa. Gusto muna niyang magpaalam sa taong nag alaga sa kanya. Anim na buwan lang naman ang hinihiling niyang bakasyon pero pakiramdam niya ay taon ang itatagal niya sa pupuntahan niya.

Napangiti siya ng maramdaman niya ang mainit na kamay ni Sean sa kamay niya. Napapailing nalang siya, kaya sila napag kakamalang mag nobyo dahil sa sobrang ka-sweetan ng pinsan niyang ito. Kasama niya din ito pabalik ng America. Nangako kasi si Sean sa kanya na tutulungan siya nitong makapag simulang muli.

Si Sean na ang nagbukas ng pinto para sa kanila. Pag bungad niya palang doon ay nakita niya ang walang kulay na mukha ng kanyang Lolo. Nasasaltan siya dahil pakiramdam niya ay unti unti na itong nanghihina, perp ayaw niyang sumuko. Alam niyang fighter ang Lolo niya.

"Nandito pala ang babaeng menopose.!"

Doon niya lang napansin na nandito din sa loob ng silid ng Lolo niya ang mga pinsan niyang sina Arra Louisa at Maya. Bumitaw si Sean sa kanya para hagkan sa pisngi ang pinsan nila. Napairap nalang siya, ayaw niya pa din sa mga bubwit na iyan. Dumiretso nalang siya sa gilid ng kama ng kanyang Lolo at hinawakan ang kamay nito.

"Lo, I'm leaving for awhile. Just promise me that If I'll comeback, your not here anymore. Your in the Domingo Hotels, managing our company again. Please Lolo, I want you to wake up and be my hero again.!" Napasinghot siya. Hindi na niya napigilan ang sarili niyang umiyak kahit na sa harap ng mga pinsan niya pa. They all know how strong she is, but this time, her heart is weak. Her soul is fucking hurt because of only one person.

"Ate, magugunaw na ata ang mundo, umiiyak si Cherry the bitch.!" Dinig niyang bulong ni Maya sa kapatid nito pero hindi na niya ito pinansin.

"Amaya, magtigil ka na!" Saway ni Arra Louisa sa kapatid.

Tumayo na siya at pinahid ang mga luha niya bago siya humarap sa dalawang bubwit niyang pinsan. Tinaasan niya ng kilay ang mga ito. She even heard Sean chuckled.

"I'll be leaving for awhile. Take care of my Lolo, that's an order. I still hate the both of you, isama mo pa yung kapatid niyong lalaki.! Ugh.!" Inis na sabi niya.

Ngumiti si Arra Louisa sa kanya na lalo niyang kinainis. "Hindi mo na kailangang sabihin, aalagan namin si Lolo kahit na anong mangyari."

"Yeah. Whatever.!" Inirapan niya na ang mga ito bago lumapit kay Sean at pinulupot ang braso sa pinsan niya. "Let's go."

"Where to ?"

"Domingo Hotels." Tipid na sabi niya. Alam niyang magkikita sila doon ni Jack and she badly need to calm herself specially her heart.

**

"PUTANG INA, Kurt. Tumigil ka nga. Isasampal ko sayo itong folder na hawak ko.!" Inis na sabi niya sa kaibigan niyang praning.

Jack is pissed. Kanina pa mainit ang ulo niya, sinabayan pa iyon ng kaibigan niyang si Kurt na parang tangang kumakanta ng Nanghihinayang nakailag ulit niya na din itong nabato ng kung ano-ano. Asar na asar siya, ano pa kaya kapag nandito ang iba pa niyang mga kaibigan, mabuti nalang at nasa office siya, kundi malamang ay siya na ang tumpulan ng asaran sa kanilang mag babarkada.

Oo, nanghihinayang siya para sa huling pagkakataon na in-offer ni Cherry Anne sa kanya, pero mas manghihinayang siya kung k
hindi makakalabas mg bilangguan ang ama niya dahil lang sa pansarili niyang kaligayahan. Ayaw niyang maging unfair, lalo na kay Janella. Alam niya kung gaano kagusto ng kapatid niya na makalaya ang ama nila. At tutuparin niya ang kagustuhang iyon ng kapatid.

"Dude, may bored meeting tayo ngayon." Tumingin pa ito sa relos niya. "Thirty minutes from now, so be ready. Makikita mo ang sexybitch ng buhay mo.!" Tudyo sa kanya ng kaibigan niya. Hindi niya nalang ito pinansin.

Pinagpatuloy niya ang mga dapat niyang pipirmahan. Mamayang hapon kasi ang huling hiring ng kanyang ama at kailangang present siya sa paglaya nito. Dumating na din ang panahong matagal na nilang hinihintay. He knows that Janella will be so happy about it.

"Let's go." Aya niya kay Kurt papuntang conference room.

Pagpasok nila doon, nakita niyang kumpleto na ang board members. Nandito na dim si Mrs. Mavis. Napatingin siya sa wristwatch niya, five minutes nalang pala at mag uumpisa na ang meeting pero bakit ang aga yata ni Mrs. Mavis, madalas kasi itong nagpapahuli kapag may meeting.

Bumati sila sa lahat at umupo na sa swivel chair na naka-assign para sa kanila. Alam naman nilang mag uumpisa na ang meeting maya-maya lang. Saglit muna siyang napatingim sa iphone niya, may isang message doon. Galing iyon kay Amanda, nire-remind siya sa paglaya ng ama niya later.

"Good morning everyone." Binalik niya agag ang iphone niya sa bulsa niya ng marinig ang boses ng babaeng mahal niya, hindi ito nag iisa. Kasama nito yung lalaking kasama niya sa restaurant ni Clark. Sino ba ang lalaking ito sa buhay ng babaeng mahal niya.

"Umiiyak ang puso ko't sumisigaw ... Maging ang isip at damdamin ay humihiyaw .." palihim niyang sinuntok ang hita ng kaibigan niyang si Kurt ng bumulong at kumanta ito sa kanya.

"Shut up."

Tinawanan lang siya nito. Ngumisi naman siya at pinagtuunan ng pansin si Cherry Anne sa harap nilang lahat.

"Gentlemen, I am here to say that I am leaving rhe positiom for awhile."

Lahat yata ay nagulat sa inanunsyo ng dati niyang nobya. Maliban nalang sa ina nito at sa pinsang nitong si Arra Louisa. Maging sila ni Kurt ay nagpalitan ng tingin. Bakit naman ito aalis ng kompanya nila ? Alam niya kung gaano nito binabakuran ang posisyon niya dito sa hotel.

"Oh please ! Don't be over reacting.!" Umirap pa ito sa harap. Bitchmode on nanaman yata. "I'm only leaving this company for six months but I'll be monitoring it everyday even if I am not here. My mom, is here to replace my throne fo awhile. Thank you." Iyon lang ang sinabi niya na para bang dini-dismiss na niya ang usapin tungkol sa pag alis niya.

"Let's go, Sean."

Fuck. Mas lalong nag init ang ulo niya ng makita niyang umakbay iyong Americanong hilaw kay Cherry Anne. Is she leaving with that guy ?. Ganoon nalang ba kabilis na palitan siya nito sa buhay niya. Fuck it ! Siya ang nang iwan kaya wala siyang karapatang makaramdam ng ganito.

Kinuyom niya ang kamao at nagpipigil ng galit. Galit siya sa sarili niya dahil hinayaan niyang mangyari ang bagay na 'to.

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro