Seduce # 11
~
"WHAT'S THIS Cherry Anne Domingo Mavis ?."
Sigaw ni Mrs. Cherry Maxine Domingo-Mavis sa kanyang anak. Kahapon lang ito dumating galing America. Siya lang ang nakauwi dahil hindi nakasama ang asawa nito, business matters. Napasugod lang ang ginang sa Pilipinas ng makita ang kumakalat na pictures ng unica hija niya sa internet. She swear halos patayin na niya iyong piloto para lang bilisan ang pag papatakbo ng eroplano. Gustong gusto niyang sampalin ang kagagahan ng kanyang anak.
"Hindi kita pinalaki ng ganyan Cherry Anne. The hell, hindi ko alam na ikaw ang sisira sa pangalan ng mga Domingo ! Nakakahiya ka !?." Galit na galit na sabi ng kanyang ina. "Ano ba ang pumasok diyan sa kokote mo at naging careless ka ng ganito. !" Binato niya pa ang tab na hawak hawak nito.
"Mom, masakit pa po iyong ulo ko. Mamaya niyo nalang po ako pagalitan.!" Walang ganang sagot ni Cherry Anne sa kanyang ina.
"Don't bitch me out Cherry ! Kahapon pa ako nagtitimpi sayo ! Pack up, iuuwi kita ng America.!"
Napabalikwas siya ng bangon sa sinabi ng kanyang ina.
"No way !!"
"Yes way Cherry. Let your cousin Arra take over you and help your Lolo here. I need to take you in America.! Nakakahiya ka.!" Angil ng kanyang ina.
"I'm freakin old enough to make my own decision mom. I'm not sorry but I'm staying here.!" Taas kilay na sabi niya sa kanyang ina. "This is the Empress's mansion and I have throned the Domingo Hotels so I'm staying here.!" Dugtong niya pa.
Isang linggo na din siyang hindi nakakapasok sa hotel. Kailangan niya muna kasing mag lie-lo para hanggang sa lumamig na ang usap usapan sa kanya. Hindi naman siya nahihiya sa ginawa niya. She's a bitch at wala siyang kinahihiya. Hindi niya pa kasi kayang harapin si Jack. Kailangan niya pang mag-gain ng lakas ng loob.
"Your unbelievable !!"
"I guess you already know the feeling mommy. You're a bitch like me when you were at this age.!"
Tumayo na siya sa kanyang kama at saka pumasok sa kanyang banyo. Hindi na niya pinansin ang kanyang ina. Tss. Ang aga aga ay binubulabog siya nito. Kararating lang pala ng kanyang ina hindi man lang siya sinabihan ng 'I miss you!' Iyong Domingo Heiress Scandal na agad ang binungad nito sa kanya.
Nakakapang init lang ng ulo kaya nagpalamig muna si Cherry Anne sa pamamagitan ng pag shower. Napag isipan niyang pumasok nalang sa Domingo Hotels at harapin ang mga press na nag aabang sa kanya doon kaysa naman maghapon niyang maririnig ang mga sermon ang Mommy niya sa kanya. Buti pa ang Lolo niya, cool lang ng malaman iyon. Pinagsabihan lang siya kaunti. Matanda na daw kasi siya at alam na niya ang tama sa mali.
Pagkatapos niya maligo at magbihis ng empire office attire ay bumaba na siya sa dining area. Napairap siya ng makita ang mga pinsan niya. Tsk ! Isama mo pa na nandito ang kanyang ina kaya lalong parang ayaw niyang sumabay sa pag almusal.
Naupo na si Cherry sa tabi ng kanyang Lolo.
"Good morning Empress.!" Bati ng matanda.
"Morning too Lo.!" Tipid na sagot niya pagkatapos ay humigop ng kape. "Ghaad ! Napaka tamis ng kape. Sino bang tontang nagtimpla nito ? Argh ! Ang aga aga.!" Bitchmode again.
"Palitan niyo na ang kape ni Cherry.!" Utos ng kanyang ina sa mga kasambahay.
"Isang pack ba ng asukal ang inilagay niyo sa kape ko ? Mga boba !" Singhal ni Cherry sa mga katulong.
"Your mouth Cherry Anne Mavis !!" Usal ng kanyang ina pero tinaasan niya lang ito ng kilay. "Tinaas ko ang posisyon ni Arra sa Hotel. Your being unfair Cherry. Ginawa mo siyang secretary mo ?." Tanong ng kanyang ina.
"She deserves it.!"
"Tss. She's the new finance Vice president.! Kumuha na din ako ng bago mong secretary.!"
"Yeah. Whatever.!"
Tumayo na si Cherry Anne at humalik sa pisngi ng kanyang Lolo bago ito umalis. Nawalan na siya ng gana ng marinig ang mga sinasabi ng kanyang ina. Wala na siyang pakialam kung bigyan ng kanyang ina ng posisyon ang pinsan niya sa hotel kayang kaya naman niya itong patalsikin. Sigurado namang kakampihan siya ng Lolo Maximo niya.
**
DINUMOG ng madaming press si Cherry Anne ng makarating siya sa hotel. Mabuti nalang at naka sunod sa kanya si Kiko at ang iba pang mga body guards ng mga Domingo. Walang nakakalapit sa kanyang mga reporter dahil kahit anong pilit ng mga ito ay full force ang tatlongpung bodyguards nito. Alam naman ng mga ito na ayaw na ayaw ni Cherry Anne na mahahawakan siya ng mga reporters na ito.
Mga chismoso lang naman ang mga taong ito na gusto makuhanan ng scoop ang tungkol sa kontrobersyal na Domingo Heiress Scandal. Tss.
Sinuot niya ang shades niya habang taas noong naglalakad sa hallway ng Domingo Hotels. Hindi na nakapasok ang mga press dahil hindi na sila hinayaang makapasok ng security.
"Kiko, linisin niyo ang mga nakakalat na bubuyog sa labas.!" Utos niya.
"Copy young lady.!"
Nagpatuloy na siya sa paglalakad at katulad ng dati ay lahat ng mga empleyadong nakaksalubong niya ay nag yuko kahit na ang ilan sa mga ito ay nagulat. Ilang araw ka ba namang hindi nagpakita eh.
"Good morning young lady, I'm Blessirine Gonzaga, your new secretary.!"
Well trained.
Magaling talagang mag hire ang mommy niya. Alam talaga ng kanyang ina ang mga papasok sa panlasa nito.
"Okay. Schedule for today.!" Sabi niya at umupo sa swivel chair niya at inumpisahang asikasuhin ang mga files niya sa loptop niya.
"You have a nine am meeting at the board young lady. You also have a lunch meeting with Mr. Prince Jack Ferrer with the most important client. And you have a three pm --"
"You may leave.!"
"Yes young lady.!"
Inalis ni Cherry Anne ang tingin niya sa loptop niya ng makaalis na ang bago niyang secretary. Kailangan ba talagang makasama niya si Jack sa schedule niya this day ?.
Ugh. Kakapasok niya lang ulit at naasar siya sa schedule niya. Hindi niya nga din alam kung bakit ba siya nagkakaganito. Makikita niya lang naman ang dati niyang nobyo na tinanggihan siya.
Tsk. How awful she is. Sinabihan niya na nga ito ng I love you pero ang babaeng retokada pa din ang pinili ng dati niyang nobyo. Iniisip niya na hindi na tama ang ginagaw niya. Parang lumalabas na pinag sisiksikan niya ang sarili niya sa dati niyang nobyo. Hindi naman na tama iyon, maraming lalaki diyan na mas deserving sa kanya tapos ay naghahabol lang siya ?.
Argh. Frustrating !
Nang sumapit ang alas nuebe ay nag simula na siyang ayusin ang mga gamit niya para umattend sa board meeting. Approval nga pala ngayon ng project nila sa Palawan. Which is hindi naman niya pinayagan iyon.
"The young lady is here.!" Rinig niyang sabi ni Kiko sa loob ng conference room.
Pumasok na siya at lahat ng mga board members ay binati siya. Inirapan niya lang ang mga ito. Even si Arra Louisa ay nandoon na din sa loob. Siyempre new VP of finance office.
"I already said that I am against about this Palawan project. Nawala lang ako ng one week, approval na agad.!" Mataray na sabi niya. Ni hindi niya tinitignan si Jack na kanina pa titig na titig sa kanya.
"Tita Maxine approved about it. Pinirmahan na niya ang mga contracts.!" Paliwanag ni Arra Louisa na lalong ikina init ng ulo niya.
Her mother. Ugh.
"Ready na din ang budget for the Palawan project.!' Singit pa ng isa sa mga board member. Who ever he is.
"All of you decided about this without my approval ? God damn it !!."
"We are all here for your approval Ms. Mavis." Sagot ni Kurt Ortega. "But wether you like it or not. Majority wins.!" Patuloy pa nito.
"I'm not asking for your opinion Ortega.!' Galit na sabi niya.
Doon lang napalingon si Cherry Anne kay Jack magkatabi kasi ng upuan ang magkaibigan. Napataas ang kilay niya ng makita ang cut nitong labi at ban aid sa eyebrow nito may pasa din ito sa gilid ng labi. Bigla ay nakaramdam siya ng pag aalala. Anong nangyari sa Ex-boyfriend niya. Bakit may mga pasa ito at sugat sa mukha. May benda din ang kamao nito. Nakipag suntukan ba ito sa sanggano ?.
"Done checking Mr. Ferrer ?." Nakakalokong tanong ni Kurt Ortega kaya bumalik siya sa katinuan.
"I'm not checking him and I don't care about him. I'm here to discuss about this Palawan project.!" Pag tanggi niya.
Nagkibit balikat lang si Kurt Ortega sa sinabi niya. Ang kaibigan ni Jack na ito ang pinaka conceited. Ugh. Masyadong pakialamero.
Sa huli ay wala ng nagawa si Cherry Anne about sa Palawan project. Ang magaling niyang ina ay dumating para kontrahin siya. Ugh. She feels so defeated pero mas nangingibabaw sa kanya kung bakit bugbog ang mukha ng kanyang dating nobyo.
Argh. I think Cherry badly needs a drink.
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro