Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 6


Matapos mahatid ni Bryan ang magulang sa labas, tinawag niya ang katulong sa na si manang Nena para samahan si Christy sa kanyang tutulugan. Pagkatapos umalis na ito. Kinakabahan na i-excite ang nararamdaman ni Christy dahil bukas ang umpisa ng trabaho niya, pinapanalangin niya na sana maging maganda ang unang trabaho niya bukas.

Pero hindi sumang-ayon ang kapalaran.

"Hindi ka marunong gumamit ng Fax machine?!" singhal ng lalaki kay Christy

Bigla tuloy ninerbiyos ang dalaga. Sa itsura ng boss niya ay parang gusto na siya nitong lunukin ng buhay.

Kaya lang ay hindi naman siya ang tipo ng tao na madaling magpadala sa takot niya. Malakas ang loob niya. Kaya nga siya nakarating dito sa Manila ay dahil sa tapang niya.

"Hindi nga ho, Sir. Kung marunong ba ako magpapaturo pa ako sa inyo kung paano iyang gamitin?" papilosopo niyang sabi

"Nag-apply kang personal assistant ko nang hindi ka marunong man lang gumamit ng fax machine? Baka hindi ka rin marunong gumamit ng computer?"

"Hindi nga ho. Kasi'y wala naman fax machine at computer sa Baryo Initao. Masyado nang liblib ang baryong pinanggagalingan ko. Sa bayan meron pero sa amin, kalabaw at mais ang marami. I'm sure dito ay wala no'n"

Inis na tinabig ni Bryan ang flower vase at nahulog iyon sa sahig. Mabuti na lang at carpeted ang kabuuan ng sahig kaya hindi ito nabasag. Ang cute pa naman ng vase.

Agad na pinulot iyon ni Christy.

"Umalis ka na"

"Ho?"

"Sabi ko umalis ka na. Bumalik ka na kung saan mang lupalop ka nanggaling. Hindi ko kailangan ng sekretaryang BOBA!"

Aray ko! Ang sakit no'n ah!

Tumayo agad si Christy.

"Ang sakit n'yo namang magsalita, sir Bryan. Para sabihin ko sa inyo walang taong BOBO. Dahil ang lahat naman ay natutunan. Wala lang fax machine at computer sa amin kaya hindi ako marunong gumamit niyan" tiningnan niya ang bagay na tinutukoy....nagpatuloy ulit siya

"Pero kung meron at nakahawak na ako ng mga iyan, tinitiyak ko sa inyong mas magaling pa ako'ng gumamit niyan kesa sa inyo!" inis na saad ni Christy

Nagngingitngit talaga siya ng mga sandaling iyon.

"Ang akala mo'y ang tali-talino niya, hindi ka nga makalakad ng diretso diyan" bubulong-bulong na sabi ni Christy

"Ano'ng sinasabi mo?" naniningkit ang mga matang tanong ni Bryan sa dalaga

"Wala ho, Sir. Ang sabi ko turuan n'yo muna ako ngayong araw kung paano gumamit ng fax machine at ng computer. Madali ho akong matuto"

"Kapag bukas ay hindi pa ako marunong mag-operate ng dalawang iyan, saka n'yo na ho ako paalisin"

Napabuntong-hininga si Bryan.

"Okay, you win. Tuturuan kita ngayon. Pero bukas kapag nakatunganga ka pa rin diyan ay kakaladkarin kita palabas ng bahay" pagbabanta niya ito

"Deal" mabilis na pasang-ayon ni Christy sa lalaki

Bahagyang kumunot ang noo ni Bryan. Sa wari'y nagtataka ito sa dalaga. Si Christy lang kasi ang namumukod-tanging hindi nangingilag sa kasungitan niya.

Napansin din niyang hindi siya nito tinitingnan na parang naaawa sa kanya. Sa palagay pa nga niya sa tuwing titingnan sa kanya ang dalaga ay parang may crush ito sa kanya.

Gustong matawa ni Bryan sa sarili.

Sa kalagayan niya ngayon, maski ilan pa ang babaeng magkagusto sa kanya ay wala ring epekto sa kanya. Mawawalan lang ng gana ang babae at iiwan siya kapag nalamang impotent siya.

Walang silbi.

Nang sumunod na lingo ay dumating na ang pamangkin ni Manang Nena na si Ivy. Kasing-edad lamang pala ito ni Christy kaya tuwang-tuwa ang bagong dating nang Makita siya.

"Hindi na ako maiinip dito kasi may kakuwentuhan na ako kapag walang ginagawa. Kasi noong wala ka pa'y wala akong kausap dito" magiliw na sabi ni Ivy kay Christy

"Si Tiya Nena ay laging busy sa pag-aasikaso kay sir Bryan. Saka matanda na iyon para kuwentuhan ko ng tungkol sa boys" malaki ang ngiti habang nag-iisip

"Baka kurutin pa ako no'n sa singit" napahagikgik na sabi ni Ivy sa kanya.

Tumawa si Christy.

"Oo nga"

"Si Manong Lito naman, naku masyado ring seryoso iyon at lagging napapanisan ng laway. Ayaw kasi halos magsalita" pambubuking nito. Natawa na lang si Christy.

"Lalo na si Sir"

Naging seryoso bigla ang mukha ni Christy. Seryosong nakinig kung anong sasabihin.

"Kapag nagsasalita ay pulos pabulyaw, pasinghal. Kung minsan kapag nakikita ko iyon ay parang gusto ko nang magtatakbo. Mabuti't hindi ka natatakot na bigla na lang ibalibag sa iyo 'yung malaking mesa ro'n sa study room kapag may tinatrabaho kayo?"

"Bakit naman niya ako babalibagin ng mesa?" kunot noo tanong ko

"Baka maburyon. Kasi'y broken-hearted si Sir" sagot nito

"Ah! Oo nga naman broken-hearted pala si sir Bryan"

Nagpatuloy ulit nagsalita si Ivy "Iniwan noong girlfriend niyang si Patricia. Dapat ay pakakasal na sila ng babaeng iyon"

"Ooh! Muntikan na pala silang magpakasal"  naisip tuloy niya

"Ipinagawa niya nga ang bahay na ito para kay Patricia. Nagsasama na sila sa iisang bubong dati, do'n sa condo na dating tinutuluyan ni sir Bryan. Pero nang maaksidente siya, ayun, iniwan ng girlfriend niya"

Nakakaawa naman ang kwento ni Sir Bryan. Kung totoo man ito o hindi masakit pa rin talaga kapag iwanan ka ng mahal mo, pero ang mas-masakit ay iyong iiwan ka lang dahil sa aksidente.

"Iyon lang naging bitter na siya? Ang daming babae riyan" saad ni Christy.

"Eh, ang kaso nga ay wala nang silbi ang pagkalalaki niya. Menopause na siya---"

"Ano'ng menopause?" maang na sambit ni Christy.

"Baka impotent" pagtatama niya

"Temporary lang naman iyon, Gagaling din siya. Babalik sa normal ang buhay niya"

"Sabi ng doktor. Eh, pwede niya ba namangsabihin iyon sa babaeng magugustuhan niya kung sakali? Siyempre'y mahihiya siya. Kung magkaroon man siya ng lakas ngloob na magtapat, maniwala naman kaya ang babae na pansamantala lang iyon? Maging ang doctor ay hindi rin nakakatiyak do'n. Tao lang iyon 'no, pwedeng magkamali"

Hindi nakakibo si Christy.

"Kaya si sir Bryan ay nabuburyon" sabi pa ulit ni Ivy

"Kasi'y hindi na siya umaasa na babalik pa sa normal ang lahat pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa kanya. Gwapo siya, mayaman, matalino pero ang sabi nga ng iba'y hindi lahat ay ipinagkaloon sa atin ng Diyos"

Parang ayaw tanggapin ng isipan ni Christy ang sinabi ni Ivy na wala nang pag-asang gumaling si Bryan.

-----------------

Napasukan niya sa study room si Bryan na naninigarilyo habang nakaharap ito sa bintana.

Marahang humakbang patungo sa malaking mesa si Christy dala ang isang tray.

"Sir, magmeryenda na ho muna kayo"

Humarap si Bryan sa kanya. Kitang-kita ni Christy na tila nag-aapoy ang mga mata nito sag alit. Madilim na madilim ang anyo ng lalaki. Halatang galit na naman ang lalaki.

Bakit? May nagawa ba siyang mali?

"Sino ang nagbigay sa inyo ng karapatang pag-tsismisan ako, ha?"

"Ho?"

"Kayong dalawang ng Ivy na iyon na kapareho mong estupida---sino ang nagpahintulot sa inyong pag-tsismisan ako ha?"

Natigilan si Christy.

Narinig sila ng lalaking ito nang nag-uusap kanina ni Ivy sa kusina?

Oh My God!

"Sagutin mo ako!"

Napakislot si Christy. Putlang-putla siya no'n. Parang ibig niya nang maiyak sa sobrang nerbiyos. Kaya lang, nangako siya sa sarili na hindi siya magpapasindak kay Bryan Santillan.

Kailangang-kailangan niya ang trabaho ito. Para makapag-aral siya at umasenso baling-araw. At para na rin makilala ang kanyang tunay na ama.

"H-hindi ka naman naming pinagtsi-tsismisan, sir Bryan" umpisa niyang paliwanag

"At ano ang tawag mo sa ginagawa n'yo ni Ivy, aber?"

"Napag-uusapan lang naming ang nangyari sa inyo, sir. Totoong nangyari iyon kaya hindi tsismis. Nagpapalitan kami ng opinion at wala akong nakikitang mali ro'n"

"Puwes, ako meron. Mind your own business, okay?"

"Eh, di sige ho, sir. Mula ngayon ay hindi ka na naming pag-uusapan pa. Promise iyon. Huwag na lang kayong magalit sa amin, lalo na kay Ivy. Takot na takot ho iyon sa inyo, eh. okay lang na ako ang singhalan n'yo at pagalitan. Kahit murahin n'yo pa ho ako"

Parang natigilan si Bryan sa narinig.

"Kain n'yo na ho ang meryenda n'yo, sir. Lalabas ho muna ako" sabi ni Christy bago tinungo ang pinto

Pero nang bubuksan na ang pinto ay muli siyang humarap sa lalaki.

"Oo nga ho pala, Sir. Siguro ay narinig n'yo rin iyong sinabi ni Ivy na tao lang ang mga doctor at pwedeng magkamali kaya kayo ay hindi na umaasa na magiging normal pa ulit ang buhay n'yo. Na dahil gwapo kayo, matalino at mayaman pero hindi lahat ay ipinagkakaloob ng Diyos sa tao"

"Huwag n'yo hong intindihan iyon, Sir. Naniniwala ako na lahat ng pagsubok na dumating sa tao ay ibinibigay ng Diyos kung natin kakayanin. Na walang imposible sa kanya. Pwede siyang magbigay ng kaunti sa isang tao, ng mas marami at pwede rin niyang ipagkaloob ang lahat-lahat kung alam ng Diyos na karapat-dapat ito at kung iyon ang nakatakda"

Matagal nang nakalabas sa silid na iyon si Christy ay nag-iisip pa rin si Bryan.












ABANGAN.....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro