Part 5
Nakilala ni Christy ang ale na si Mrs. Lorraine Santillan, fifty nine years old at asawa ng isang mayamang negosyante na si Richard Santillan.
Mula sa napakayamang pamilya ang lalaki na isa sa tinitingala sa alta-sosyedad.
Hindi niya akalaing ganoon kayaman ang aleng hindi sinasadyang natulungan niya. Hindi pa rin siya pinapabayaan ng Diyos dahil nang tila gusto niya ng mawalan ng pag-asa ay nakilala niya si Mrs. Santillan.
Sa ngayon ay hindi muna siya dapat mamili ng trabaho. Maski iyong ayaw niyang pasukang trabaho, ang pangangatulong ay tatanggapin niya na kung iyon ang ini-offer ni Mrs. Santillan.
Bakit pa ba siya mamimili eh samantalang ang daming college graduate na walang trabaho?
Pwede naman siyang umasenso kahit na mamasukan siyang katulong.
Mukha namang mabait tlaga si Mrs. Santillan kaya kapag nagtagal na ay makikiusap siya na kung pwede ay makapag-aral siya sa kolehiyo.
Pagsusumikapan niyang makapagtapos para makapagtrabaho ng maayos. At isang araw ay uuwi siya sa Baryo Initao upang magbigay ng inspirasyon sa mga kababaryo niya.
Na maski mahirap lang sila ay may paraan upang umasenso.
Tila luting pa ang isip ni Christy sa kapapangarap ng gising nang lumapit sa kanya ang isnatser. Nakaposas na ang dalawang kamay nito.
"Tandaan mo ang mukhang ito" galit na sabi ng isnatser sa kanya
"Ito ang magbibigay sa iyo ng sakit ng ulo baling-araw. Kapag nakalabas ako rito ay hahanapin kita, pakialamera ka. Tatandaan koi yang pagmumukha mo. Gaganti ako sa iyo!"
May kabang pumuno sa dibdib ni Christy ng mga sandaling iyon.
"Huwag mo siyang pansinin" alo ni Mrs. Santillan sa kanya bago hinawakan ang isa niyang kamay.
"Galit nag alit siya samantalang siya itong may kasalanan"
Ang laki-laki ng bahay ng mga Santillan, mala-palasyo sa laki at sa ganda. Iyong lawn na nalalatagan ng berdeng-berdeng Bermuda grass ay halatang alagang-alaga ng hardinero.
Kasinlaki na yata ng plaza doon sa bayan nila ang kabuuan ng lawn.
Ipinakilala siya ni Mrs. Santillan sa limang katulong na sina Flora, Carmen, Juicy, Esang at Mina. Gayundin sa hardinero, dalawang security guards at dalawang driver.
"Ang dami ninyo na palang kasama rito sa bahay, Mrs. Santillan. At ang sabi nyo ho ay kayong dalawa na lang ni Mr. Santillan ang nakatira rito sa bahay dahil may asawa na ang mga anak ninyo...."
"Iyong isa kong anak, iyong bunso ay binata pa. Pero hindi siya dito nakatira. May sarili na siyang bahay. At ang gusto ko sana ay doon ka magtrabaho sa kanya"
"Wala ho siyang maid sa bahay niya?"
"Meron siyang isang kasamang maid doon si Nena. May pamangkin iyon na nagbakasyon sandali, si Ivy. Pero kahit bumalik pa si Ivy ay hindi nila kaya ang trabaho roon. Malaki rin ang bahay ng anak kong si Bryan. May sarili siyang driver na si Lito pero iyong mga phone calls, mga appointments ni Bryan na dapat niyang ayusin ay hindi nila maaasikaso"
"Para hong sekretarya ang gusto ninyong maging trabaho ko sa anak ninyo?"
"Parang ganoon ng nga" nakangiting sagot ni Mrs. Santillan.
Inaya siya nito na maupo sa lounging chair sa loob ng study room matapos magpakuha ng merienda sa maid.
Iginala ni Christy ang paningin sa kabuuan ng study room. Naroroon kasi sa pinakagitna ng dingding sa bandang kanan ng silid ang malaking litrato ni Mrs. Santillan kasama ang asawa nito.
Ang malaking litrato ay nakalagay sa magandang frame. Sa bandang ibaba naman ng litrato ng mag-asawa ay ang lima pang mga litrato.
"Sila ho ang mga anak ninyo, Mrs. Santillan?"
"Oo, lima sila. Si Nicole ang panganay, pangalawa si Scarlet, pangatlo si Carlo, pang-apat si Jonathan at si Bryan ang bunso"
Mas matagal na tinitigan ni Christy ang litrato ng bunsong anak ni Mrs. Santillan at parang may kabang bumundol sa dibdib niya habang pinagmamasdan ito.
Ang gwapo pala ng magiging boss niya.
"Gaya nga ng sabi ko sa iyo, Christy----gusto kong kunin kang personal assistant para sa aking anak"
Excited si Christy. Parang hindi siya makapaniwala. Tindera nga lang sa palengke ang inaaplayan niya, heto at magiging sekretarya pa siya. Ang mabubuti talagang tao ay laging pinagpapala, naisaloob niya.
"Teka lang ho, Mrs. Santillan" may biglang naalalang sabi ni Christy
"Wala po bang sariling office ang anak n'yo kaya sa bahay siya nag-oopisina?"
"Meron siyang opisina sa Makati. Isang contruction firm iyon. Engineer kasi ang anak kong si Bryan. Pero buhat nang maaksidente siya ay nasa bahay na lang siya"
"Kawawa naman pala ang anak nito"napaisip si Christy
"Wala po ba siyang sekretarya na mag-aasikaso?" tanong nito
"May sekretarya siya ro'n, si Mary. Sa kanya ka makikipag-ugnayan. Madalas kasi ang mahahalagang projects ay si Bryan pa rin ang gumagawa" sagot niya
"Iyon nga lang, sa bahay na siya nagwo-work. Buhat kasi ng naaksidente siya ay ayaw niya nang maglalabas ng bahay"dugtong na sabi
"Bakit naman ho?"
"Ayaw daw niya nang pinagtitinginan siya at kinaaawan"
"Bakit po, Mrs. Santillan? Naging imbalido ho ba ang anak n'yo? Pumangit ho ang itsura niya sa aksidente?" sunod-sunod na tanong ni Christy
"Hindi naman pumangit o naging imbalido si Bryan. Hindi naapektuhan ang mukha niya" natatawang sagot ni Mrs. Santillan
"Hays, buti na lang hindi siya pumangit. Masisilayan ko ang gwapong mukha nito." natutuwang kinikilig habang iniisip ni Christy
"Iyong paglalakad lang niya, nagtutungkod siya pansamantala pero magiging maayos din naman daw kalaunan. Ang masama ay naging impotent siya" biglang lumungkot ang mukha ni Mrs. Santillan
Natutop ni Christy ang bibig sa narinig at nalulungkot.
"Impotent ho? Kawawa naman ho pala ang anak n'yo. Hindi na siya makakapag-asawa at magkakaroon ng anak"
"Kaya nga naging bitter sa buhay ang anak kong iyon. Naging masungit at parang galit na galit sa mundo. Hindi niya matanggap na nagkaganoon siya. Iniwan siya ng girlfriend niya na mahal na mahal niya"
May girlfriend pala ang maging amo niya, pero iniwan rin pala sa huli. Ano kayang dahilan kung bakit siya iniwan? May kinalaman ba sa aksidente?
"Pero ang sabi naman ng doktor ay pansamantala rin lang naman daw iyong pagiging impotent ni Bryan. Kaya lang ay tila nawalan nang pag-asa si Bryan. Hindi siya naniniwala na isang araw ay magiging normal ulit ang lahat para sa kanya. Kaya ikaw na sana ang bahalang umunawa sa kanya kapag masungit siya"
"Wala hong problema, Mrs. Santillan"
Nang ngumiti si Mrs. Santillan sa kanya ay nguimiti rin siya rito.
Hinintay nilang dalawa ang pagdating ng asawa nito bago tuluyang dinala siya sa bahay ng anak na si Bryan. Nang dumating si Mr. Santillan ay agad siyang dinala ng mag-asawa.
Totoo nga palang ang laki rin ng bahay ni Bryan. Halos kasinlaki ito ng bahay ng mga magulang ng magiging boss niya.
Nakaupo silang tatlo sa sofa, si Christy at ang mag-asawang Richard at Lorraine nang pumanaog si Bryan.
Sinabi agad ni Mr. Santillan ang sadya at halatang natigilan si Bryan nang maupo ito sa katapat na sofa.
Nakaharap niya sa wakas si Bryan Santillan. Gwapo ito sa litrato pero mas gwapo pala ang bunsong anak ni Mrs. Santillan sa personal. Sobrang lakas ng appeal kaya lang bukod sa may tungkod nang bitbit ay balbas-sarado pa ito.
Kaunting pahab na lang ng balbas nito ay ermitanyong-ermitanyo na ang dating ng boss niya. Lihim na napahagikgik si Christy dahil sa naisip.
Pero agad ding napawi ang ngiti niya dahil napansin niyang sa kanya nakatuon ang pansin ni Bryan. Titig na titig ito sa kanya.
"Hindi ko kailangan ng personal assistant dito sa bahay, Ma. Narito naman sila Manang Nena"
"Busy sa mga gawaing-bahay sila Nena at Ivy. Kapag may phone calls na nakaligtaan nilang sabihin sa iyo o kaya ay transaksiyon at hindi nila alam ang gagawin nila"
"Nagagalit ka sa kanila kapag nangyayari iyon samantalang hindi naman talaga iyon ang trabaho nila rito"
"That's why ikinuha kita ng personal assistant" mahaba at giit na paliwanag ni Mrs. Santillan sa anak.
"Tama ang iyong Mama, Iho" dugtong ng ama nito.
"Gastos lang iyan. Mas marami pa akong pasusuwelduhin" inis na pakli ni Bryan
"Ang sungit talaga ng loko, parang ipinaglihi sa ampalaya kaya laging nakasimangot" bulong ni Christy sa isip
"Huwag kang mag-alala sa sweldo ni Christy, Iho. Nakapag-usap na kaming dalawa. Ako ang magpapasweldo sa kanya. Ngayon kung maganda ang kanyang pagtatrabaho at gusto mo siyang bigyan ng bunos, it's up to you" nakangiting paliwang rito sa anak.
Hindi nakakibo si Bryan. Ipinapalagay na ni Christy na pumapayag na ito. isang pagsuko ang hindi pagkibo. Wala na itong magagawa dahil iyon ang gusto ng parents nito.
Saglit lamang ang mag-asawa sa bahay ng anak nito, kung kaya nagpaalam na itong umalis.
"Iiwan na namin dito si Christy"
Tumango si Bryan sa ama pero nang sumulyap ito sa gawi ni Christy ay tila naramdaman ng dalaga ang galit sa mga mata nito.
Hindi niya tuloy maiwasang kabahan.
ABANGAN.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro