Part 4
Noong nagdaang gabi ay muntik na siyang napag-samantalahan tapos ay sinaktan pa ni Mrs. Gonzales, kinabukasan ay may swerteng dumating kay Christy.
Binayaran na siya ng gustong bumili ng bahay at lupa niya. Kaya naman kinabukasan ay agad ng kumuha ng ticket para sa pagtungo ng Manila si Christy. Inihatid pa siya nina Emilie at Alden sa may bus terminal sa kanilang Baryo.
Almost thirty thousand pesos ang dala niyang pera. Inilagay niya ang twenty five thousand pesos sa pinakagitna ng dala niyang malaking maleta. Ang five thousand pesos ay sa bulsa ng pantalon niyang suot.
"Mag-iingat ka doon Christy" Emilie said
"Oo naman, mag-iingat ako Emilie"
"Kung magbago man ang isipan mo Christy, tawagan mo lang ako sa telephono. Alam mo naman ang number ko" Alden said
"Salamat sa pag-alala Alden, tawagan kita kung kailangan ko ng tulong. Sana ay ingatan mo rin ang kaibigan kong si Emilie" makahulugang sabi ni Christy
"Ako na ang bahala ni Emilie" tumingin si Alden kay Emilie, ngunit umiwas ng tingin nito kay Alden.
Pagkaraan ay umalis na ang bus, masakit mawalay sa mga kaibigan nito ngunit alam niyang para sa kinabukasan ang gagawin niya sa kanyang buhay. Halos isa't kalahating oras nakarating si Christy sa Cagayan De Oro, kung saan sasakay naman ng jeep papuntang pier para Manila.
Nine in the evening when she settled inside the ship, inilapag ni Christy ang kanyang maleta sa tabi ng higaan nito. Kina-umagahan ay nagpasya siyang ikutin ang loob ng barko. Habang abala siya sa pagtitingin sa paligid, bigla may bumungga sa kanya kaya't napa-upo si Christy.
"Sorry. Sorry Miss hindi ko sinasadya na mabangga ka" sabi ng isang baritonong boses
Masakit ang pagka-upo ni Christy kaya dahan dahan siyang tumayo, tinulungan naman siya ng nakabangga nito.
"Sorry talaga, Miss" sabi-ulit ng lalaki
"Ok lang, hindi naman ako nakatingin eh" pinagpag ni Christy ang dumi sa puwet, tapos tumingin siya sa lalaki.
"Hmm, infairness may angking kaguwapohan" Tsk, ano ba yang inisip niya.
Sa pagkakataon iyon ay ngumiti ang lalaki.
"Bakit?" pinagtatawanan ba niya ang nangyari.
"Huh!" nagtaka ito
"Bakit ka nakangiti, pinagtatawanan mo ako dahil sa napaupo ako?"
"Hindi miss. Napangiti lamang ako dahil napakaganda ng nakabangga ko"
SuS! Bolero nito, purket guwapo ganoon na ang sinasabi. Hindi na niya ito pinansin, nilagpasan lamang ito. Buti nalang at hindi sumunod sa kanya. Maganda sana ang mood niya sa pagsisilip at pagtatanaw sa ng barko ngunit hayon nga ang nangyari kung kaya't bumalik na lamang siya sa higaan.
Alas-deise na ng umaga makarating si Christy sa Manila. Dalawang araw ang layag ng barko para makarating sa Manila. Ang ganda pala ng Manila, wala siyang nakikitang lupa ang dinadaanan sa halip ay pulos sementado. Ang daming buildings at ang daming sasakyan. Ang daming taong naglalakad at ang daming nagtitinda sa kalsada.
Gutom na gutom at uhaw na uhaw na si Christy dahil simula nang naglalakad siya sa kabuuan ng Manila hindi pa siya kumakaain. Naghahanap siya ng makakainan. Iyong mumurahing kainan lang, nakakita naman siya malapit sa bus terminal na doon siya napadpad.
Agad siyang lumapit sa counter at kumuha ng baso.
"Pahingi hong tubig"
"Kakain ka ba? Kung hindi ka kakain ay may bayad ang tubig, piso isang baso. Mineral water iyan,eh"
Natigilan si Christy pero saglit lang. iba'ng klase pala rito sa Manila, ultimo tubig ay binibili. Samantalang sa kanila kapag may nakikiinom ng tubig, bukod sa basong ipagagamit sa nakikiinom ay isang pitsel na tubig ang iaabot sa iyo.
Ibang klase pala rito sa Manila. Kawawa ka kapag wala kang pera.
"Kakain ho ako"
"Ano'ng kakainin mo?"
"Isang order ho ng kanin, pritong tilapia at pakbet. Pero painom ho muna ng tubig. Uhaw na uhaw na kasi ako, eh"
Saka lang siya inabutan ng maliit na pitsel ng babae. May tubig na iyong laman.
Binayaran na agad ni Christy ang inorder niya. Sandali lang siyang kumain. Ang gusto niya kasi ay makahanap agad ng matutuluyan ngayong gabi. Mahirap ng abutin siya ng dilim dito sa kalsada.
Paglabas ni Christy sa kainan ay nag-iisip siya kung saan pupuwedeng makahanap ng matutuluyan nang biglang may humablot sa dala niyang maleta. Nakipag-agawan siya sa lalaking humihila ng maleta niya. Hindi niya pwedeng ibigay iyon ng basta-basta. Twenty five thousand pesos ang halagang nasa loob 'yon. Ang katumbas no'n ay ang pamana sa kanya ng lola Annie niya at ang kinabukasan niya.
Subalit higit na malakas ang lalaki kaya naagaw ng tuluyan kay Christy ang malaking maleta. Nanlulumong napaiyak sa mga palad niya si Christy. Wala na ang twenty five thousand pesos niya.
Ang tanga tanga niya.
Sana ay sa loob na lang ng underwear niya itinago ang pera. Pero magsisi man siya ay huli na. Wala na ang pera niya.
Sa isang mumurahing motel siya tumuloy ng sumapit ang gabi. Bukas na bukas din ay mahahanap siya ng matutuluyan at ng mapapasukan na ring trabaho.
Habang nakahiga siya sa kama ay nakatitig ang dalaga sa lumang ceiling fan na halos pupugak-pugak na. Parang ibig nang sumuko. Mainit ang ibinubuga ng hangin at parang makina ng sasakyan sa ingay.
Naikumpara niya tuloy ang sarili sa ceiling fan. Para ring gusto niya ng sumuko ngayon. Kaya lang kung susuko siya ay papaano pa siyang mabubuhay samantalang nawala na ang malaking halaga sa kanya. Ang natitira ngayon sa kanya ay two thousand four hundred seventy pesos matapos niyang magbayad dito sa hotel para sa pag-i-stay. Hindi na siya pwede pang bumalik sa Baryo Initao. Wala na siyang babalikan doon. Mag-isa na lang siya sa buhay at naibenta niya na ang bahay. May mga kaibigan nga siya roon pero alangan namang magpa-ampon siya sa mga ito? Hindi naman pu-pwede iyon.
Iisa lang ang pwede niyang gawin kung babalik siya sa Baryo Initao----ang pakasalan si Alden. Pero hindi niya gagawin iyon. Ni ayaw niyang tawagan ngayon, na sabihing ninakawan siya at mauubos na ang pera niya. Lalo na ayaw niyang magpakasal sa isang lalaking hindi naman niya mahal.
Kaya hindi siya dapat sumuko.
Kaya niya ito.
Kakayanin niya.
Pigil ang hininga ni Christy habang matamang pinagmamasdan ng matabang ale na siyang may-ari ng grocery na iyon sa palengke. Nagkikilo ito ng asukal habang kausap niya.
"Ilang taon ka na?"
"Twenty four po"
"Tapos ng high school?"
Tumango siya, mabilis pa sa alas-kuwatro
"Opo"
"Tagasaan ka?"
"Sa Baryo Initao ho sa Misamis Oriental"
"Saan ba iyang lugar?"
"Sa Mindanao po. Malapit sa Cagayan de oro"
"May dala kang diploma?"
"Bakit ho kailangan ng diploma?"
"Aba'y para makasiguro ako na naka-graduate ka nga ng high school"
Paano ba iyan? Eh, iyong mga mahahalagang bagay na dala niya gaya ng diploma at iba pang requirements para sa trabaho ay nasa maleta na inagaw sa kanya.
"Bukod sa diploma ay kailangan ko rin ang NBI clearance mo, police clearance, barangay clearance" sabi pa ulit ng matabang ale
"Eh, kasi ho---"
"Oh ano? Asan ang mga iyon. Wala kang dala?"
"Naagaw po kasi iyong dala kong bag kahapon ale. Naroroon ho iyong---"
"Wala ka naman palang dala kaya hindi kita pwedeng tanggapin dito"
Napabuntung-hininga si Christy. Kailangang-kailangan niya talaga ng trabaho. Bukod do'n ay ng matutuluyan. Baka pwedeng stay-in siya rito. Dahil kapag naubos na ang hawak niyang pera ay tiyak na sa kalye na siya mapipilitang matulog.
"Eh, manang baka pwede naman hong tanggapin ninyo muna ako sa trabaho? Pangako po kukunin ko iyong mga requirements na hinihingi ninyo. Kasi ho'y wla akong mtutuluyan dito....."
"Walang requirements walang trabaho" malamig na sabi sa kanya ng babae. Ang taray naman nito.
"Eh, naagaw nga ho iyong bag ko, ale. Kaya kapag tinanggap ninyo po ako ay saka na lang ako kukuha ulit ng NBI clearance at kung anu-ano pa" nagpaliwanag ako sa kanya
"Lumang style na iyang naagaw kunwari ang bag. Na kesyo nawala ang ganito, ganyan. Lagi na iyang idinadahilan dito kaya gasgas na, ineng. Kung wala kang maipapakitang requirements sa akin ay hindi kita tatanggapin sa trabaho, tapos ang usapan. Ngayon umalis ka na dahil iniistorbo mo ako"
Laglag ang balikat na humakbang palabas ng grocery si Christy.
Saan na siya ngayon pupunta? Pang-sampu na yata itong pinag-aplayan niya o higit pa. Pero laging ganoon ang ginagawa sa kanya. Ipinagtatabuyan siya.
Nang magtanghali na ay kumain sa turo-turo si Christy. Kailangan niyang tipirin ang perang hawak niya.
Hustong pang-limang araw niya na sa Manila. Iyong suot niya ay laba suot na lang, may binili siyang mumurahing blouse at leggings ganoon din ng underwear. Sa tuwing aalis siya sa umaga sa motel na tinulugan ng nagdaang gabi ay may dala-dala siyang maliit na paper bag na ang laman ay ang damit na isusuot niya para kinabukasan, toothpaste, sabon at tootbrush.
Lalong lumalaki ang problema niya ngayon dahil sa isang-daang pesos na lang ang pera niya. At parang gusto niya ng mawalan ng pag-asa. Baka kasi sa susunod ay mamulot na lang siya ng basura o di kaya ay mamalimos.
Tahimik naglalakad si Christy. Tanghaling tapat nun. Tanaw na tanaw niya ang nagtutumayog na shopping mall habang nasa bandang parking area siya. Sinubukan na rin niyang mag-aaply doon. May nakuha na siyang NBI clearance pero wala siyang barangay clearance dahil hindi na siya makakuwi sa Baryo Initao. Wala na siyang pera.
Gutom na siya dahil dalawang hopia lang at isang basong tubig ang inilaman niya sa sikmura simula pa kaninang umaga. Pero ayaw niya ng gastusin pa ang natitirang pera. Hindi na nga ito kakasya kung tutuloy ulit siya sa mumurahing motel mamayang gabi.
Nasa ganoong pag-iisip si Christy ng bigla siyang matigilan ng makarinig siya ng sigaw ng isang babae.
"Magnanakaw! Isnatser! Tulong! Tulungan ninyo ako...!"
Isang may edad na babae ang natanaw ni Christy sa di-kalayuan. Humihingi ng saklolo.
Sa kinaroonan ni Christy tumakbo ang isnatser kaya ng mapadaan ito sa kanya ay pinatid niya ang lalaki.
Napahiga sa semento ang isnatser. Nang Makita ito ng dalawang security guards na nakatalaga sa may parking area ay mabilis na hinawakan ang mga ito kaya nasukol ang isnatser. Nabawi mula rito ang bag ng ale. Ilang hakbang mula sa kinatatayuan niya ay napansin ni Christy ang isang kuwintas. Mukhang mamahalin iyon.
Mabilis niyang dinampot ang kuwintas at ng palapit na ang ale upang kunin ang bag mula sa isang security guard ay saka iyon iniabot ni Christy.
"Sa inyo ho yata ito, ale"
Ngumiti sa kanya ang may edad na babae.
"Naku, maraming salamat, iha. Ito lang naman ang mahalaga sa akin kaya ako sumigaw. Wedding present kasi ito sa akin ng mister ko"
"Ganoon ho ba? Ingatan ninyo hong mabuti sa susunod"
Hinawakan siya ng ale sa kamay.
"Paano ba kita mapapasalamatan?" tanong nito saka kinuha ang wallet mula sa bag.
Iniabot kay Christy ang limang libong piso
Kung kukunin niya iyon ay malaking tulong iyon sa kanya. Magkano na lang ba ang pera niya. Kaya lang ay hanggang kalian tatagal ang perang iyon?
"H-huwag nyo na po akong bigyan ng pabuya sa nagawa ko para sa inyo, ale. Hindi ko ho matatanggap iyan. Mas mabuti ho sana kung trabaho ang maibibgay ninyo sa akin"
"Gusto mo ng trabaho?"
Mabilis na tumango si Christy.
"Opo"
"Doon na tayo sa kotse dahil susunod tayo sa presinto para ireklamo ang isnatser"
Mabilis na tumalima si Christy sa ale. Puno ng pag-asa ang kanyang puso.
ABANGAN.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro