Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 3


Humahangos si Christy patungo sa hospital matapos niyang nabalitaan mula sa kapit-bahay na nasa hospital ang kanyang lola Annie.

Hindi siya pinapasok ng mga nurse sa loob ng Intensive Care Unit.

"Doctor! Ano po ang nangyari sa lola ko?" nag-alalang tanong ni Christy matapos niya itong lapitan

"She is in coma right now" nagulat ako sa sinabi ng doctor

"Ano po? Pero bakit po doctor?"

"Ang nangyari sa kanya ay heptic encephalopathy o iyong tinatawag na heptic coma. It is a degenerative disease of the brain associated with liver failure"

"Doc, gagaling pa po ba ang lola ko?"

"Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya" sabi ng doctor sa kanya bago siya marahang tinapik sa balikat

Mula sa salamin sa labas ng ICU ay pinagmasdan ni Christy ang kanyang lola. Maya maya ay idinikit niya ang isang palad sa salamin.

"Huwag niyo po akong iiwan, lola. Mag-isa na lang po ako. Huwag niyo akong iiwan. Natatakot akong mag-isa. Kayo na lang po ang natitira sa akin" umiiyak niyang sabi

"Ang laki naman ng kailangan mo, Christy" gulat na sabi ni Mrs. Gonzales

Nagkatinginan ang magkaibigang Christy at Emilie.

"Tita, babayaran naman po kayo ni Christy. Pahiramin nyo na po siya, ako po ang gumagarantiya sa inyo" sabi ni Emilie sa tita si Mrs. Anastasya Gonzales

"Ok, sige" napabuntung hininga sabi nito

"Pero para makabayad ka sa akin agad ay dito ka magtatrabaho sa fruit farm, ha Christy?"

"Sige po, Mrs. Gonzales. Kung iyon po ang gusto ninyo"

Kumuha si Mrs. Gonzales sa wallet ng twenty thousand at inabot iyon kay Christy

"Oh, ayan. Ipagamot mo agad ang lola mo"

"Salamat po, Mrs. Gonzales" kinuha niya ito agad.

Mabilis na nagtungo ang mag kaibigan sa hospital. Binayaran ni Christy ang bill ng kanyang lola Annie sa cashier.

"Sana naman ay gumaling na ang lola para hindi na ako nag-alala ng ganito, Emilie"

"Oo nga, eh. Sana ay gumaling na si lola Annie"

Matapos makuha ang resibo ay diritso nagtungo na sila papunta sa ICU.

"Na miss ko na siya Emilie. Siya lang kasi ang kasama ko sa bahay at ngayon nandito siya sa hospital" mangiyak na sabi

"Kung bakit kasi ayaw mo pang sagutin si Alden at mag-pakasal na kayo" biglang sabi ni Emilie kay Christy. Nagulat siya

"Sus, alam mo naman na mas bata ng isang taon sa akin si Alden"

"Eh, ano kung mas bata siya sa iyo? Ano na lang ba iyong isang taon?" katwiran naman ni Emilie

"Mas bata siya sa akin saka wala akong gusto sa kanya. Kayong dalawa ni Alden ang magkasing-edad kaya mas bagay kayo. Isa pa noong high school pa lang tayo noon ay may crush ka kay Alden, di ba?" pangbubuko ni Christy

Pinamulahan ng mukha si Emilie sa sinabing iyon ni Christy.

"High school pa tayo noon, ano ka ba?"

"Huwag mong sabihing wala ka nang gusto sa kanya ngayon?" makahulugang tanong ni Christy kay Emilie

"Kahit naman sabihin kung meron ay wala rin naman akong magagawa. Ikaw ang gusto ni Alden, eh" Emilie said

Christy noded, alam niya na pinipilit talaga siya ng kaibigan ngunit hindi ko talaga kayang mahalin. Ang turing ko lang kay Alden ay isang matalik na kaibigan. Sa ngayon hindi ko pa priorities ang mga pag-ibig na yan.

Nagmamadaling nagtungo sa ICU sina Christy at Emilie. Pagpasok, nagulat ang mag kaibigan ng makita nila na wala ang kanyang lola Annie sa higaan. Nakita nilang inayos na ng nurse ang higaan sa loob.

"N-nurse, nasaan iyong pasyente rito?" naguguluhang nagtanong si Christy sa nurse

Tumingin ito "Iyong matanda?"

"Oo, iyong lola ko po. Inilipat niyo na ba siya sa ibang kwarto? Stable na po ba ang lagay niya?"

Iyon ang nagtatanong sa isipan ni Christy. Kung wala ang kanyang lola dito, ang ibig sabihin iyon ay gumagaling na ang lola nito. Maligayang makaka-uwi na sila sa bahay kung saan doon makakapagpahinga ang lola niya.

Tumingin siya sa kanyang kaibigan, kita niya na masaya rin ito. Pero dapat hindi pa muna siya maggagalak hindi pa sinagot ng nurse ang tanong niya.

"Hindi, Miss" sabi ng nurse

Biglang naging seryoso ang mukha ni Christy.

"Anong ibig mong sabihin nurse? Saan po ba ang lola ko?" kinakabahan na si Christy

"Dinala na siya sa morge, Miss"

"Ha? Pero bakit? Ano ang nangyari?" tarantang tanong ni Christy sa nurse. Hindi siya makapaniwala sa narinig.

"Patay na ang pasyente. Heart Failure ang ikinamatay niya"
¤
¤
¤
¤
¤
Habang nakatitig si Christy sa kabaong ay hindi pa rin makapaniwala ito na patay na ang kanyang lola. Nag-iisa na lang siya ngayon.

Limang na araw lang ibinurol si Lola Annie. Nang ika-anim na araw ay ipinalibing na ito ni Christy.

Hindi naman niya gaanong naubos ang perang hiniram niya kay Mrs. Gonzales para sa pagpapagamot sa kanyang lola.

Nabawasan lang iyon ng halos Eight thousand para sa pagpagamot ng lola nito sa hospital at ang two thousand pesos para sa paglilibing sa kanyang lola dahil malaki-laki rin naman ang nalikom niya mula sa abuloy ng mga kapit-bahay at kaibigan. Kaya ang ten thousand pesos ay isinauli niya kay Mrs. Gonzales.
¤
¤
¤
¤
¤
Nine o clock when Christy woke up. Tahimik siyang pumanaog ng bahay at nagtungo sa likod bahay. Dati-rati kapag gumigising siya ay maabutan niya sa likod-bahay ang kanyang lola nagpapahinga.

Pumanhik ulit siya at nagtungo sa kusina. Nagsimula siyang magluto ng almusal.

"Christy! Christy....!"

Nagluto siya ng piniritong isda ng marinig ang boses ng kaibigang si Emilie sa labas. Iniwan niya ito saglit at dumungaw sa malapit na bintana.

"Pasok ka na, Emilie. Nandito ako sa kusina" sigaw ko nito kay Emilie

"Sige"

Ilang sandali ay katabi niya na sa harap ng mesa ang kaibigan.

"May dala akong almusal para sa iyo"

Inilapag ni Emilie ang dala niyang basket sa mesa.

"Ano ba iyan?" curios ito

Ngumiti at kinuha ang laman sa loob "Puto at kutsinta. May niyog na ring kasama. Mainit-init pa dahil kaluluto lang"

"Wow, mukhang masarap iyan ah!"

"Teka at isasangag ko lang itong kaning-lamig. Tapos saluhan mo akong mag-almusal, Emilie?"

"Oo ba, ikaw pa" sabi ni Emilie bago inayos ang dala-dala sa mesa. Kumuha ito ng plato para sa puto at kutsinta, kumuha rin siya ng platito para lagyanan ng niyog.

"Magtitimpla na rin tuloy ako ng kape natin" hirit ni Emilie

"Sige, ikaw na ang bahala, Emilie"

Magkasalo na sila ng kaibigan na mag-almusal pagkaraan ng ilang sandali.

"Paano tayo niyan, Christy? Nagsara na ang patahian ni Aling Susan, kaya wala na tayong trabaho ngayon"

Napabuntong-hininga si Christy matapos sumubo ng pagkain. Pagkanguya at paglunok niyon ay saka siya nagsalita.

"Oo nga eh. Una namatay ang lola tapos nagsara ang shop. Parang nagkasunod-sunod ang kamalasang dumarating sa akin"

"Ano ngayon ang balak mo?"

"Problema ko pa ang iyong utang kung Ten thousand pesos sa Tita Anastasya mo. Siguro ito ang hudyat para lumuwas na ako ng Manila. Baka sakaling makakita ako ng magandang trabaho doon. Ano ang malay mo, doon ko pala matatagpuan ang magandang kapalaran ko, di ba?"

"Naku, huwag mo ng isipin iyang pagpunta ng Manila, Christy" Emilie said matapos itong humigop ng kape

"Dito ka na lamang sa Baryo Initao. Maatim mo bang iwan ako. Sige nga"

Ngumiti si Christy sa kaibigan pero pagkaraan ay naging pormal ang usapan nila.

"Gusto kong maging maayos ang buhay ko, Emilie"

"Bakit maayos naman ang buhay mo rito sa baryo natin, ah!"

"Melody, hindi ganitong buhay ang gusto ko. Hindi naman sa minamaliit ko ang mga kababaryo natin pero nalulungkot ako kapag naiisip kong parang hindi marunong mangarap ng mas mataas ang karamihan dito sa atin. Naging kuntento na ang mga kalalakihan sa pagtatanim at pagsasaka. Kapag may bagyo hindi sila mag-kapera, minsan mangungutang nalang. Ang mga kababahian ay pag-aasawa ang pinaghahandaan inatupag. Mamatay ka lang sa kahirapan dito. Naiintindihan mo ba ang ibig kung sabihin?"

"Oo naman" napabuntong-hininga sabi ni Emilie

"Kaya lang ay ikaw lang naman ang may kaisipang ganyan. Matalino ka kasi. Hindi katulad ng karamihan dito sa atin na tamad mag-aral kaya nga naging bobo na ang utak"

"Wala naman taong ipinanganak na bobo, Emilie. Kung mahina man ang utak ay dapat magpursige silang mag-aral o magbabasa sila, hindi ba?"

Dapat ganoon ang ipapakita ng mga kabataan ngayon, dapat silang maging maunlad sa sariling sikap. Dapat yung tradisyon na nilikha dito sa Baryo nila ay dapat na mawala. Paano uunlad ang Baryo kung hindi nila tulungan ang sarili nila?

"So, ang gusto mo talaga ay pumunta ng Manila?"

"Oo. Pero babayaran ko muna ang utang ko sa Tita Anastasya mo. Ibebenta ko itong lupa at bahay para may baon akong pera sa pagpunta ko sa Manila"

Habang hindi pa na ibebenta ang bahay at lupa na minana pa ni Christy sa kanyang lola Annie ay nagtrabaho muna siya sa farm.

Kapag walang gaanong ginagawa sa farm ay sa bahay siya ni Mrs. Gonzalez maninilbihan. Pansamantala lamang iyon. Two thousand five hundred pesos kada buwan magpasahod ng trabahador si Mrs. Gonzales kaya ang utang niyang Ten thousand pesos ay pagtrabahuan niya ng apat na buwan.

Kapag medyo napa-aga pa ang pagbebenta sa bahay at lupa ay titigil na siya sa pagtatrabaho roon at ibibigay niya na ang kakulangan sa utang kay Mrs. Gonzales.

Isang buwan at sampung araw na siya nagsisilbi si Christy sa fruit farm at bahay kay Mr & Mrs Gonzales. Nanging mabait naman ang pakikitungo nila sa kanya kaya medyo naging panatag ang kalooban ni Christy ngunit naghihintay niya pa rin ang pagbebenta sa bahay at lupa para makapunta na siya sa Manila.

Nang gabing iyon ay pinakiusapan siya ni Mrs. Gonzales na doon matulog sa bahay nito dahil may pupuntahang pagtitipon ang mag-asawa at walang maiiwan sa dalawang anak nito.

Matapos pakainin at patulugin ang dalawang bata ay natulog na rin siya sa isang maid quarters si Christy. Wala ang mga katulong sa bahay dahil rest day nila. May sariling naman susi ang mag-asawa kaya hindi niya na kailangang pagbuksan pa ang mga ito.

Hindi gaanong mahimbing ang tulog ni Christy dahil hindi siya sanay na makikitulog sa ibang bahay.

Biglang naalimpungatan si Christy ng maramdamang may humahaplos sa binti niya pataas sa kanyang hita. Hindi niya inintindi iyon dala ng antok. Pero tuluyan na siyang nagising ng tila maramdamang parang may bigat na pumaibabaw sa kanya.

"Huh!" gulat na gulat si Christy ng makitang nasa ibabaw niya si Mr. Gonzales

Ngunit bago pa siya nakasigaw ay agad na nitong tinakpan ng kamay ang bibig niya.

Panay ang piglas ni Christy. Gusto niyang manipa, mangalmot pero tila napakalakas ng lalaki kesa sa kanya.

"Sshhh, pumayag ka na Christy. Minsan lang naman. Walang makakaalam nito"

Sunod-sunod na umiiling si Christy. Hindi pa siya makapagsalita pero nanlalaban siya ng husto. Kinilabutan siya ng husto ng hinalikan siya sa leeg ng lalaki. Hindi nila namalayan na bumukas ang pinto kaya....

"Ano ang ibig sabihin nito?"

Sabay nagulat sina Mr. Gonzales at Christy ng marinig ang boses ni Mrs. Gonzales. Agad na umalis sa ibabaw ni Christy ang lalaki at tumayo mula sa kama.

Tumakbong lumapit si Mrs. Gonzales kay Christy at galit na sinabunutan siya nito.

"Halika rito, haliparot ka!"

"Aray po, Mrs. Gonzales, wala ho akong kasalanan. Ang asawa nyo po, gusto akong pagsamantalahan....." masakit ang sabunot si Mrs. Gonzales dahil napapangiwi siya

"Akala mo ba ay maniniwala ako sa iyo, babae ka?" sabi ni Mrs. Gonzales habang hinihila siya nito sa buhok patayo sa kama

"Inakit mo ang asawa ko...!"

"Hindi po totoo iyan!" iwinaksi ni Christy ang dalawang kamay ni Mrs. Gonzales at ng mabitawan siya nito ay itinulak niya ang babae. Saka siya nagtatakbo palabas ng bahay.

Iyak siya ng iyak ng makarating sa sarili niyang bahay. Hindi na ulit siya nakatulog, hinintay niya nang mag-umaga habang nag-iimpake ng mga gamit.












ABANGAN.....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro