Chapter 12
Chapter 12
"Alam mo ba, Christy na magpapakasal na si Sir Bryan?"
Muntik nang mahirinan si Christy sa sinabing iyon ni Ivy. Kumakain kasi sila no'n.
"Ano'ng sinabi mo?"
"Si sir Bryan, magpapakasal na"
"Sino'ng may sabi?"
"Si Mang Lito at Manang Nena ang narinig kong nag-uusap. Nagpunta raw kasi sa isang couturier si Sir at nagpapadala ng mga catalogues ng wedding gown sa office niya. Noon kasing madalas na umalis si Sir ay pumupunta na pala siya sa opisina niya sa Makati. E, noong minsan daw ay napadalaw do'n si Ma'am Patricia"
"Patricia? Iyong dating girlfriend ni Sir Bryan?"
"Mismo" mabilis na sagot ni Ivy sa kanya.
"Tapos lumabas sila at lagi na raw nagkikita. Wala tayong kamalay-malay nagkabalikan na pala ang dalawa. Ang akala ko ako ang tsismosa rito mas malala pa pala ang tiyahin ko at si Mang Lito"
Parang hindi na naririnig ni Christy ang iba pang sinasabi ni Ivy ng mga sandaling iyon. Parang luting ang utak niya.
Nakipagbalikan na pala si Bryan sa dati nitong nobya at siya'y ginagawa lamang nitong parausan.
"Sama ka sa akin sa grocery, ha, Christy?"
"Sige"
Gusto niyang libangin ang sarili kaya sumama si Christy kay Ivy sa paggo-grocery pero kung tutuusin ay hindi naman ito sakop ng trabaho niya. Baka kasi mabaliw lang siya sa kaiisip kapag nasa bahay siya.
Nasasaktan siya ng husto.
Pero ano ba ang ini-expect niya? ang mahalin sin ni Bryan katulad ng nararamdaman niya para rito? Hindi pa naman siguro ito hibang para mahalin ang isang katulad niya. Bukod sa alangan na ang estado nila sa buhay ay may mahal ding iba ang lalaki.
Parausan lang siya para rito.
"Mabuti naman at nagkita ulit tayo"
Nagulat sina Ivy at Christy nang may isang lalaking humarang sa daraanan niya palabas ng supermarket.
"Christy, sira yata ang ulo ng mamang iyan"
"Hindi mo na ako natatandaan?" kay Christy nakatingin ang lalaki
Napaawang ang mga labi ni Christy nang alisin ng lalaki ang sombrero nitong suot. Ito iyong isnatser na nanghablot sa kuwintas at bag ni Mrs. Santillan noon.
Nahintakutan sila nang maglabas ng patalim ang lalaki.
"Sabi ko naman sa iyo ay tandaan mo ang mukha ko, di ba? Dahil tinandaan mo ang pagmumukha mo. Lintik lang ang walang ganti!"
Bago pa nakatakbo ang dalawa'y nahagip na ng lalaki ang isang braso ni Christy at saka siya nito inundayan ng saksak sa tiyan. Pero naisangga niya ang braso niya kaya doon tumama ang patalim.
"Christy.....!!"
Sa ospital na nagkamalay si Christy. Si Ivy ang nadatnan niyang naroroon at ang lalaki na alam niyang ang kanyang ama.
"Christy, anak...."
Nang umangat ang kamay ng lalaki ay kinuha iyon ni Christy. Naramdaman niya ang mahigpit na pagkahawak nito sa kamay niya, kasabay ng pagpatak ng luha mula sa mga mata ng lalaki.
Maging siya ay napaiyak din.
"Papa...."
"Magpagaling ka agad, anak. Huwag kang mag-alala, mula ngayon ay wala nang mananakit pa sa iyo. Andito na ang Papa. Hindi kita pababayaan. Lagi kitang poprotektahan"
Niyakap siya ng Papa niya.
Parang malulunod siya no'n sa sobrang tuwa.
Pero may dinaramdam pa rin ang puso niya.
Si Bryan.
Alam niyang hindi siya magagawang mahalin ni Bryan pero napakasakit na Makita itong kapiling ng iba kaya aalis na lang siya sa bahay nito.
Mas masakit pa ang kabiguang dulot nag pag-ibig sa kanya kesa sa sugat na tinamo niya sa braso.
Malaki ang bahay ni James Tan sa Murphy. May dalawang maids, isang hardinero at isang driver.
Mayaman ang Papa niya at natutuwa si Christy dahil makakapag-aral na siya.
Maayos siyang nagpaalam kay Mrs. Santillan pati na asawa nito. Ang kalahating milyong ay hindi niya tinanggap.
Wala katapat na halaga ang pag-ibig niya.
Kay Bryan lang siya hindi nagpaalam. Baka maiyak lang siya habang nagpapaalam dito.
"Ma'am Christy---"
Inilapag ni Christy ang binabasang magazine at nilingon ang maid na tumawag sa kanya. Pero hindi lang si Maya ang nalingunan niya.
Naroroon din si Bryan!
"Iwan mo na kami, Maya"
"Oho, ma'am"
Nang magsolo na sila ni Bryan ay pinaupo niya ito sa sofa. Sa single couch puwesto si Bryan.
"Bakit hindi ka nagpaalam sa akin na aalis ka na pala?"
"Hindi naman ikaw ang nagpapasuweldo sa akin, bakit ako magpapaalam sa iyo?" pasarkastiko niyang sabi sabay irap upang maiwasan niya ang mga mata ni Bryan na matamang nakatitig sa kanya.
"Pero ako ang boss mo at boyfriend mo ako"
Gulat na napatingin si Christy sa lalaki.
"Ano'ng sinabi mo?"
"Boyfriend mo ako, di ba?"
Hindi makapagsalita si Christy, ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib niya lalo na nang tumabi sa kanya sa mahabang sofa si Bryan.
"I love you" sabi ni Bryan sa kanya matapos siyang dampian ng halik sa labi
"Pero si Patricia-"
"Wala na kami ni Patricia. Nagkita kami ng dalawang beses, inaamin koi yon. Wala naman akong dapat itago. Wala akong ginagawang masama. Nagkumustahan lang kami at nagkapatawaran. Ikakasal na siya next week sa isang Dutch national. Noong Makita ko siya'y hindi na ako nakaramdam ng galit. Kasi'y iba na ang mahal ko"
"Totoo ba, Bryan?"
"Yes, aanhin ko naman ang isang babaeng duwag at may hangganan ang pagmamahal samantalang natagpuan ang isang babaeng handing isugal ang lahat para sa akin, at ikaw iyon, Christy"
"Paano kapag nalaman mong may kasunduan lang kami ng iyong Papa para akitin ka?"
"Sinabi na sa akin ng Papa't Mama ang totoo at alam ko rin na hindi mo kinuha ang perang napagkasunduan n'yo. Alam ko at nararamdaman ko na mahal mo rin ako kaya wala na akong nagawa kundi ibigin ka rin"
"Pero ang sabi ni Ivy ay magpapakasal ka na raw. Nagpapadala ka ng catalogue ng mga wedding gowns"
"Para sa iyo. Bakit, ayaw mo ba akong pakasalan?"
"Bryan, hindi pa rin ako makapaniwala"
"Just say Yes"
Naiiyak na niyakap niya si Bryan.
"Mahal na mahal kita, Bryan. At Oo, pakakasalan kita" sabi niya saka paulit-ulit na dinampian ng halik sa labi ang lalaki.
"Christy---"
"Bakit?"
"Saan tayo puwedeng magkaroon ng privacy?"
"Andito ang papa"
Halatang nalungkot si Bryan sa sinabi niya pero napangiti itong bigla sa sumunod na narinig.
"Pero kung gusto mo akong masolo, itakas mo na lang ako"
"Ngayon na?"
"Oo ngayon na"
Magkahawak-kamay sila nang lumabas ng bahay at tumungo sa kotse ni Bryan.
E...N...D
Hi Guys,
Thank you! Thank you po sa lahat ng nagsubaybay sa kwento nito.
Thank you sa paghihintay ng last chapter. ^__^
Sana po ay basahin ninyo paulit-ulit ang kwento. Salamat sa supporta. Salamat sa pag-vote and comment.
Sana po ay basahin ninyo ang ibang story na naka-Publish...
Thank You! Thank You Po!
Marami pa po akong e Publish na bagong kwento ngunit maghintay lamang muna kayo Guys.... Sana supportahan ninyo rin...
Love you Guys...
♡♡♡♡♡♡♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro