Kabanata 2- Cinderella
One week ago...(After the flashback)
ATHENA'S POV
Nang dahil sa matinding pagkainis ko ay hinablot ko ang isang kapares ng aking tsinelas at itinapon ito sa baba ng hagdan, sabay padabog na bumalik sa aking kwarto.
Wala man lang may gumising sa akin...Nakakainis lang talaga!
Maya-maya't pa'y may kumatok na sa aking pintuan.
"Athena anak, bumaba ka na at kumain na. Ikaw nalang ang hinihintay nila."
Nang marinig ko ang boses ni yaya Isabel sa likod ng pintuan ay bigla nalang nawala ang aking pagkayamot. There's just something about her that always soothes me up instantly. Para ko na rin kasi siyang nanay, given na namatay ang sarili kong mama nung isilang niya ako.
Wait, sabi niya ako nalang ang hinihintay nila...So ang ibig sabihin ba nito ay andito...siya?
Kahit magulo ang aking buhok ay hindi na ako nag-aksaya pang tumingin sa salamin. Nabasa ko kasi sa isang pocketbook na kung mahal ka talaga ng isang tao, tatanggapin ka niya kahit ano pa ang itsura mo.
At dahil si Kuya Chad ang aking Prince Charming ay hindi na ako magpapaganda pa. Okay na rin siguro itong bestida kong kulay pula kahit na nagmukha akong true to life na Annabelle doll, chubby and cute version nga lang. Sabi ni papa maganda daw ako, so no need nang magpaganda.
Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni yaya.
"Ikaw talagang bata ka, kanina pa ako katok ng katok sa pintuan mo, pero napasarap yata ang tulog mo." pagmamaktol nito.
"Talaga yaya? Hindi ko po namalayan eh." Totoo talagang hindi ko namalayan ang pagkatok niya kanina. Napasarap nga talaga siguro ang aking tulog dahil napuyat ako kagabi sa kakapanood ng Cinderella.
Mga ika-69 beses ko nang napanood iyon pero hindi ko alam kung bakit hindi makuha sa isip ko si Cinderella. Ang ganda-ganda kasi nito... at saka napakagwapo din ng kanyang Prince Charming. Yung tipong hinanap talaga siya ng prinsipe gamit lang ang kanyang sapatos para pakasalan siya..
Kaya laking inis ko nang hindi man lang kinuha ni Kuya Chad ang aking tsinelas.
Siguro...marami pang twists na mangyayari sa aming love story but eventually, he will marry me when I grow up. He should, you know. Dahil ang gwapo ay para sa maganda lamang, at ako iyong maganda. Bonus pa na cute ako.
"Pasensya na ho, yaya. Nanood kasi ako ng---"
"Cinderella na naman?" Hindi na nito ako pinatapos dahil alam na niya ang karugtong nito. Hinayaan ko nalang siya saka lumapit ako sa kanya at pabulong na nagtanong,
"Nandoon ba sa baba ang bagong gelpren ni papa saka iyong...kuya ko?"
"Oo, at kanina ka pa nila hinihintay." Dali-dali nitong sagot na labis na nagpakilig sa akin. Nanginginig ang aking mga ngipin at kamay sa antisipasyon habang pababa kami ng hagdan. Pabalik-balik kasi sa aking isipan ang nakakatunaw na ngiti ni kuya noong unang sandali na nagtama ang aming mga mata.
Nang marating na namin ang komedor ay parang kinuryente ang buong katawan ko nang makita ko ang aking prinsipe na maganang kumakain kasama ang mommy niya at ang daddy ko sa rectangular dining table.
"Oh, nariyan na pala ang aking mailap na dalaga." nakangiting sabi ni papa. Nakaupo ito sa may ulo ng mesa, ang stepmother ko naman ay nakapwesto sa kaliwang side, habang si kuya gwapo ay sa opposide side.
"Pagpasensiyahan niyo na at ngayon lang iyan lumabas sa kanyang lungga. Masyado kasing mahiyain ang aking unija hija." dagdag pa nito.
Napatigil sa kakasubo si Kuya Chad saka napatingin sa akin. Dali-dali itong tumayo saka hinila ang upuan sa tabi nito para sa akin.
Gwapo na, gentleman pa...
"Halika dito, kumain ka na." nakangiting pag-aalok nito. "Athena pala ang name mo..."
Nanginig bigla ang aking gallbladder sa accent nito. Ang ganda din ng boses, ang lamig at ang sexy lang...
Wagas na nakatitig lang ako sa kanya habang paupo ako.
"Ang cute naman talaga ang anak mo, Miguel." narinig kong sabi ni Alyana sa papa ko.
"May dumi ba sa mukha ko?" nakangiwing tanong ni Kuya Chad sa akin. Siguro ay naco-conscious ito sa mga titig ko. Parang luluwa na din kasi ang aking mga eyeballs mula sa sockets nila. Ganun siya kagwapo mga besh!
Ganyan kasi ang sabi nila eh. 'Pag nakatingin daw sa iyo ang crush mo ay macoconscious ka kaya I understand my kuya. Sadyang nagagandahan lang din siya siguro sa akin.
Well, the feeling is mutual din pala...
"Wala naman. Ang gwapo-gwapo mo lang kasi. Para kang isang artista sa Hollywood. Sigurado akong magiging magaganda at gwapo ang ating mga anak 'pag hindi na ako babygirl." dire-diretsong sabi ko.
At dahil umiinom ito ng tubig ay muntik na niya itong maibuga sa mukha ko. Nagsimula na rin itong maubo na parang nabilaukan.
"Okay ka lang ba kuya?" Lumapit ako sa kanya at hinagod-hagod ang kanyang likod na may kasamang malanding pag-diin. Habang ginagawa ko iyon ay pasimple kong sininghot ang kanyang amoy. Grabe ang bango niya...parang amoy future husband ko.
Napatikhim si papa habang pumipigil naman sa pagtawa si Alyana.
"Ahm, Athena, anak, siya ang Kuya Chad mo simula ngayon. I repeat, kuya mo siya at hindi boyfriend. Magkapatid, hindi magkasintahan. Do you understand anak?" parang nahihiya pang pagpapaliwanag ni papa, na pinatagos ko lang sa kabilang tainga ko.
"Hayaan mo na ang anak mo, Miguel. Ang cute-cute nga niya eh." komento ni Alyana habang mahinhin na kumakain.
"Siyempre kanino ba naman mag-mamana yan?" My papa proudly shrugged his shoulder as he said that.
Nang mapansin kong napasulyap sa akin ang aking prinsipe ay dali-dali akong ngumiti, iyong tipong pilit na pinapalabas ang non-existent dimples hanggang sa mas lalalim pa sa core ng Earth ang mga ito.
Habang kumakain kami ay nagpatuloy na rin ang kuwentuhan. Siyempre, ako naman ay pabibo palagi para ma-impress si koya pogi. Infairness naman ay mukhang mabait si Alyana, ang bago kong mommy. Hindi ito katulad nung sa mga nababasa at napanood ko na mga evil stepmoms na kinamumuhian ang kanilang mga stepchildren dahil kaagaw ng mga ito ang atensiyon ng kanyang bagong asawa, and of course, iyong mga kayamanan, mga mana, at kung anu-ano pa.
Pagkatapos naming kumain ay bigla na lang akong napadighay ng malakas.
"Oops! Sorry." Nag peace sign ako sa kanila sabay himas ng tiyan ko. Napatawa nalang ang mag-ina. Sayang naman ang pa demure-demuran ko kanina habang kumakain para lang hindi ma turn-off si Kuya Chad sa akin kahit na parang gusto ko nang kainin lahat pati ang mesa mismo sa gutom. Halos buong araw kasi akong hindi nakakain at paborito ko pa ang mga inihanda nilang mga putahe.
"Nakakatuwa naman talaga ang anak mo, Miguel. Sigurado akong magkakasundo talaga sila ni Chad." komento ni Alyana.
"Naku naman po, you're already stating the obvious." Pa-demure na sabi ko sabay ipit ng ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga.
"Yeah, I like you already."
Ako naman ang muntik nang mabilaukan sa tugon ni kuya. Naging kasing kulay ng pulang damit ko ang aking mukha sa kilig. Ang ganda talaga ng accent niya, parang sa isang Amerikano lang ba.
"See Athena? Nagustuhan ka kaagad ng kuya mo." komento ni Alyana.
"The feeling is mutual naman po...Mommy Yana." malanding tugon ko kay Alyana. Ngiting-ngiti lang si kuya habang nakatingin sa akin na tila naaaliw sa akin. It's a good start, really. Paunti-unti kong kukuhanin ang kanyang loob, he'll see.
Maganda din dahil magkasama kami sa isang bahay...
Pagkatapos naming kumain ay nagyaya na si kuya na matulog. Iimbitahin ko pa sana siyang makipaglaro ng jackstones sa kwarto ko, pero mukhang inaantok na ito.
Ihahatid ko sana siya sa kwarto niya para dagdag moments na din pero tinawag muna ako ni papa.
"Athena, both of them will be staying here simula ngayon. So that means they will be a part of our family from now on. Kaya behave ka ha?" he lovingly pats my head as he says that.
"Behave naman po ako palagi, papa." sabi ko. Alam kong hindi ito sumasang-ayon, pero napilitan nalang ngumiti.
"I know, anak. And one more thing...Chad is your kuya, okay? Not your boyfriend. I guess I have to talk to your yaya. Hindi ko alam kung bakit ganyan na ang mga iniisip mo."
"Papa naman, nagjo-joke lang ako. Oo na po, he is my brother."
And my future husband...Pagpapatuloy ko sa aking isipan. Inihatid na ako ni papa sa aking kwarto saka hinalikan sa noo bago niya akong iwan doon.
Pagkalipas ng ilang minuto ay pabaling-baling ako sa aking higaan. Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa kuya ko. Gustuhin ko mang magbasa ng libro or manood ng kung anong movie ay hindi ko magawa, because I am utterly distracted.
Lintek na pag-ibig 'to oh. Ganito pala ang ma-in love in real life? Nakakaexcite na ewan. Dati-rati ay nababasa ko lang ito sa mga libro, ngayon ay real life experience ko na.
Iyong tipong alam mo na nasa kabilang room lang yung crush/soon to be husband mo, at simula ngayon ay titira na kayo sa iisang bahay lang... Para siyang isang leading man sa mga nobela na nabuhay.
Kagat-kagat ang dulo ng aking unan ay iniimagine ko ang feeling na nakayakap siya sa aking likuran habang nakasakay kami kay Timothy.
Hindi na talaga ako makapaghintay bukas para ilibot siya sa buong Hacienda at i-orient sa klase ng pamumuhay rito.
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang katok sa pintuan. Napatingin ako sa wall clock. Alas dose na ah? Ba't masyado na atang late si yaya? Gabi-gabi kasi ay pumapasok ito sa aking kwarto para painumin ako ng gatas bago patulugin, pero kanina ay hindi niya ako sinipot.
"Sandali lang yaya...Andiyan na." mahinang sabi ko habang pababa ng kama ko. Nakasuot ako ng pajamas ko na may ruffles at malaking print ni Dora the Explorer saka ng unggoy nito na si Boots sa harap. Buhaghag rin ang aking buhok dahil sa kakabaling-baling sa kama kanina pa.
Nang binuksan ko ang pintuan ay napaatras ako sa gulat.
"Hi..."
Si Kuya Chad pala ito!
Naka-suot lang ito ng puting sando na nagso-showcase ng katamtamang biceps nito at mala-ulam na dibdib. Naka-itim siyang jogging pants at medyo magulo ang buhok pero...
...my gosh. Ang hot niya! Those bedroom eyes, and his toned body...
"K-Kuya Chad..." nauutal na sabi ko. Biglang nag-shut down ang utak ko sa hotness niya, pati na rin ang kakayahan kong magsalita ay parang pansamantalang nagbakasyon sa Paris.
Pinasadahan nito ng tingin ang aking kabuuan habang nangungusap ang mga mata na tila nagugustuhan niya ang kanyang nakikita. A small smile is also forming on his lips na tila may kahulugan.
Oh, my, God. Gusto ba niyang makipag-sex? Mga ganitong oras kasi ay...you know.
Alam kong nagtatalik ang dalawang taong nagmamahalan, pero ang sabi ni yaya ay pagkatapos lang daw iyan ng kasal ginagawa. Isang malaking kasalanan daw iyan kay Papa God 'pag ginawa niyo bago kayo ikasal kaya hindi pa pwede ngayon...
"Kuya Chad...b-baby pa ako, huwag muna." sabi ko sabay ekis ng mga braso ko sa aking katawan para takpan ito.
Kumunot na naman ang noo nito.
"What?" he asks.
"Sabi ko huwag muna..." pabulong na sabi ko, pero parang hindi pa rin nito naintindihan. Lumapit ako sa kanya, saka bumulong sa tainga niya habang naka-tiptoe.
"Virgin pa ako."
Pagkatapos kung sabihin iyon ay bigla nalang itong humalakhak na parang wala nang bukas.
"Oh man, of course you are!" maluha-luha nitong sabi pagkatapos makarecover sa tawa. "Ba't ganyan na ang iniisip mo? Baby ka pa nga talaga."
"Ahm...Ikaw kasi eh.l" sabi ko sabay kagat ng kuko ng pinky finger ko. It's a habit I can barely remove.
He chuckled once again. "From now on, Babygirl na ang tawag ko sayo, alright?" sabi nito sabay pisil ng baba ko.
"Okay..." kinikilig na sabi ko. "So bakit ka pala napakatok sa room ko?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. Of course, gusto niya lang masilayan ang likas kong kagandahan.
"Ah...oo nga pala." Nang iniangat nito ang isang kamay niya ay saka ko lang nakita ang hawak nitong tsinelas ko. "This is yours, right?"
"Oh my God, oo!" Napahawak nalang ako sa aking dibdib sa saya.
Oh my God talaga! Ako nga talaga si Cinderella!
"Isuot mo sakin bilis!" Excited na sabi ko sabay alok sa kanya ng isang paa ko.
Kahit nakakunot ang noo nito sa pagtataka sa aking inasal ay agad-agad din naman itong lumuhod sa harap ko at kinuha ang aking paa saka isinuot ang tsinelas dito.
Nang masuot ko na ito ay dali-dali kong kinuha ang isang pares nito sa ilalim ng kama ko saka ngiting-ngiti na napayakap sa kanya.
"Maraming salamat, oh aking prinsipe!"
"Ahm, Athena..." paimpit na sabi nito. Huli ko nang marealize na napahigpit pala ang aking yakap sa kanya. Agad-agad din naman akong kumalas sa kanya.
"Sorry kuya, masaya lang ako dahil ikaw nga talaga ang aking Prince Charming."bulalas ko.
"Prince Charming?"
"Oo, iyong nag-sauli kay Cinderella ng kanyang sapatos."
"Ahhh...That fairytale movie?" Nakangiwi lang ito, and I don't know why. Agad-agad akong napatango. Mukhang umaayon ang fairytale na iyon sa aking buhay. Wala nga lang akong mga daga saka pumpkin na karwahe.
"Uh, I guess babalik na ako sa room ko...Sleep ka na ha?" parang nahihiya pang sabi nito sabay abot sa door knob ng pintuan ko.
Papano ako makakatulog nito?
"Good night, Babygirl." matamis nitong sabi sabay kindat sa akin.
Sobrang kilig yata ang magiging sanhi ng aking pagkamatay. Unang araw niya palang dito ha, papano na 'pag official na kami?
"Good night din sa iyo, Prince Charming ko." lalapit pa sana ako sa kanya para sa isang good night kiss or hug pero tuluyan na nitong isinira ang pintuan ko sa gitna namin.
Pero okay lang naman, inaantok na talaga siguro siya, at may forever pa naman kami para sa first kiss ko.
Nang umalis na si Kuya Chad ay saka namang dumating si yaya. Kainis, mag-lulundag-lundagan pa sana ako sa kama ko sa kilig.
May dala-dala itong isang glass ng fresh milk.
"Naku, bebe, nakatulog ako kanina! Nakalimutan ko tuloy painumin ang aking paboritong alaga." sabi nito habang pumasok sa aking kwarto. Psh, paborito? Eh nag-iisang alaga lang naman niya ako.
Nakita kaya nito na kagagaling lang ni kuya dito?
"Yaya, papano mo malalaman pag siya na nga talaga ang Prince Charming mo?" bigla kong tanong sa kanya. I just want to make sure bago ko ibigay ang buong puso ko sa kanya.
"Ano ka ba namang bata ka, ba't ba yan na ang iniisip mo?"
"Sa tingin ko kasi ay nakilala ko na siya." ngiting-ngiti na sabi ko.
"Diyos mahabagin! Kay bata-bata mo pa ineng! At sino naman iyan? Si Lucas ba?" Pagtutukoy nito sa kababata kong si Lucas na nakatira sa di kalayuan. Anak siya ni Mang Andres na pinakamasipag na trabahante sa aming Hacienda.
Nalukot ang aking ilong ng isipin kong maging boyfriend si Lucas. "Hindi noh! Eww! Bestfriend ko lang iyon! At saka, hindi ko siya type noh! Ang payat-payat niya at nagmukha pang kwago dahil sa eyeglasses niya." pagmamaktol ko.
Hindi ganun ang pinapangarap kong prinsipe. Tanging si Kuya Chad lang ang nakakuha ng saktong mukha ng aking ideal man. Bukod sa mala-anghel nitong mukha ay parang mabait din ito, at parang tulad ko ay nararamdaman din nito ang nakakakuryenteng koneksyon sa pagitan naming dalawa.
Napakunot-noo si yaya. "Eh sino pa nga ba? Kilala ko ba iyan? Naku, ikaw talagang bata ka, makukurot talaga kita sa hita diyan. Mukhang nasobrahan yata ang panunuod mo ng fairytales at pagbabasa ng mga pocketbooks."
Biglang uminit ang aking dibdib ng maalala ko ang mga istoryang nabasa ko na. Hindi ako makapaniwalang sa wakas ay natagpuan ko na rin ang aking leading man.
"Huwag kang mag-alala yaya. Alam ko po namang babygirl pa ako, at saka, hindi ko pa naman isusuko ang aking Bataan kay Kuya Chad--"
"Naku po!" Lumapit ito sa akin at kinuha ang aking mga kamay saka tinitigan ako ng mabuti sa aking mga mata. "Athena anak, kapatid mo si Chad, at hindi kayo pwedeng dalawa, naiintindihan mo ba ako? At saka, masyado ka pang bata para sa kanya."
I just rolled my eyes at my yaya. Pare-pareho lang sila ng sinasabi ni papa. Paulit-ulit nalang. Nakakarindi na.
Baka nakakalimutan nila na isa akong spoiled brat?
What Athena wants, Athena gets. Wala akong pakialam kung magkapatid kami or hindi. Gusto ko siyang maging boyfriend, at sisiguraduhin kong papakasalan niya ako balang araw.
••••••To Be Continued••••••
A/N:
Pasensya na talaga at medyo boring pa ang first parts ng story, at kung medyo matagal akong mag-update. Hindi ko pa kasi talaga nakuha ang momentum 😅Present time will start at around Chapter 6 or 7 pa.
Thanks for reading!
VOMMENTS (Votes+Comments) are greatly appreciated! ♥️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro