Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

•Kaguluhan 35•

Leo Gozon

***

"Shit! Manganganak ka na?!" taranta akong nagpabalik-balik sa harapan niya.

Samantalang, ang asawa ko nama'y kalmadong nakaupo at humihinga lamang ng malalim. Patuloy ako sa pagpapabalik-balik hanggang sa pumasok sa utak ko ang tumawag ng tulong.

Pvta! Hindi talaga gumagana ang utak ko kapag kinakabahan!

Dinial ko ang number ni Jenny at wala pang ilang segundo ay sinagot niya na agad ang tawag ko.

[Ano? Nasa duty ako bobo, istorbo ka!] ismir niyang bungad.

"Jenny! Manganganak na si Celenn!" hestirikal kong sigaw dahil nakita ko ang pag-agos ng tubig mula sa hita ng asawa ko.

[Ano? Manganganak? Teka, 'diba Obgyne 'yang asawa mo? Anong itinataranta r'yan? Siguradong, kalmado ngayon si Doc Celenn! Kumalma ka, Leo. Ikalma mo 'yang katangahan mo,]  natatawa niyang aniya.

Binabaan ko siya ng tawag.

Napatigil ako sa paglalakad at saka tumingin sa kalmadong mukha ng asawa ko. Tumingala siya at tinaasan ako ng kilay.

"Pwede bang dalhin mo muna ako sa hospital. Kanina ka pa palakad-lakad." aniya. Tumango-tango ako bago siya binuhat papunta sa sasakyan.

Halos sampung minuto lang ang lumipas bago namin narating ang Demoando Hospital kung saan siya nagtarabaho. Sinalubong kami ni Jenny na nakaduty ngayon at mabilis na tiningnan ang asawa ko.

"Mukhang gusto ng lumabas ng anak mo, Doc." sambit ni Jenny. Biglang nanlamig ang bwat pawis sa noo ko. Shet, parang akong yung manganganak sa kaba ko.

"Sinong Obgyne doctor ang nakaduty ngayon, Nurse Santos?" tanong ng asawa ko. Napapangiwi siya minsan dahil siguro humihilab ang tiyan niya. Kung pwede niya lang i-share sa'kin ang sakit eh, bakit hindi?

"Si Doc Montenegro po," nakangiwing sagot ni Jenny.

Natigilan ako at hindi makapaniwalang tumingin kay Jenny. Tiningnan niya rin ako pabalik at pinandilatan.

"Teka, Jinipir, wala bang ibang obgyne na doktor na babae?" pakikisabat ko.

Umiling si Jenny. "Meron kaso may pinapaanak siya ngayon."

Napakamot ako sa batok at tumingala sa ilaw ng pasilyo.

"Call Doctor Montenegro, Nurse Santos. Manganganak na 'ko," wika ng asawa ko kaya napapikit ako ng mariin.

"Sasama ba 'ko sa loob?" tanong ko. Tumingin siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay.

"Of course." sagot niya.

Tumango-tango ako habang nakapamewang sa harap niya.

"Doc Montenegro is a professional Obgyne. Stop thinking about him, besides he have a wife," ani ni Celenn. Napalunok ako ng laway at labag sa loob na tumango.

"Geez, napakaseloso mo naman," natatawa nito sabi.

"Masakit ba?" puno ng pag-aalala ang pagtatanong ko.

"Yup. It hurts but I can endure,"

"Gaano kasakit?" kuryuso kong tanong.

"I can't explain. Basta masakit,"

Magsasalita pa sana ako kaso biglang dumating si Ian at Jenny.

"Take her to the Delivery Room." utos nito kay Jenny at sa isa pang nurse.

Agad namang kumilos ang dalawa at dinala ang asawa ko sa delivery room. Nag-aayos sila ng mga kagamitan habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Celenn.

Pumwesto si Ian sa gitna ng binti na asawa ko na nakataas pareho. Sumisilip siya doon bago tumingin sa'min.

"I can see the head of your baby. You need to push harder, Doc." wika nito.

"I know," bulong ng asawa ko at naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang paghawal sa kamay ko.

"Ummmmmmmm!"

Pawisan ang noo niya habang patuloy na umiiri.

*Baby Cries

"It's a baby girl. Congratulations, Mrs and Mr. Gozon." anunsiyo ni Ian.

Mabilis na nanubig ang mata ko habang nakatingin sa anak ko na karga karga ni Jenny. Paglingon ko sa asawa ko ay nakapikit na ito.

"Magpapahinga muna ako, Leo. Don't stress yourself too much, we're both fine. I love you," mahina niyang aniya na ako lamang ang nakarinig.

"Rest, Celenn. Kailangan mo 'yun. Ako na mag-aasikaso ng kailangan," hinaplos-haplos ko ang buhok niya.

---

Pabalik-balik ako sa paglalakad habang hinihintay na dalahin ng nurse ang baby namin. Gusto ko siyang mabuhat at makita ang kaniyang mukha.

Nakatalikod ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Jenny habang karga-karga ang anak ko. Mabilis akong lumapit sa kaniya pero iniwas niya ang anak ko nang akmang kukunin ko na.

Hindi ako makapaniwalang sinundan siya ng tingin papunta sa nagising kong asawa.

"Here's your baby Doc Gozon," nakangiting ibinigay  ni Jenny ang anak ko kay Celenn.

Malawak ang ngiti ng asawa ko habang pinagmamasdan ang anak namin.

"Hindi mo kamukha, ew walang ambag sa kagandahan ni baby," napalingon ako sa nagsalita sa tabi ko.

Umingos ako kay Jenny at inirapan siya. Narinig ko ang tawa niya bago ako tinapik-tapik sa likod.

"May anak ka na, isa ka ng ama, Leo. Goodjob and goodluck! Huwag sana magmana ng ugali sa'yo," napipikon na 'ko sa babaeng 'to.

Tinaasan ko siya ng kilay at magsasalita sana pero biglang pumasok sa loob ang asawa niya. Hindi na nakasuot ng puting coat at bitbit na ang bag.

"Hey, let's go." untag nito kay Jenny.

Nagwait sign si Jenny bago nagpaalam kay Celenn.

"Wait, ano pa lang pangalan ni baby?" pahabol niyang tanong. "Please, huwag Lea." dugtong niya.

Tumawa ang asawa ko kaya binalingan ko siya at tinaasan ng kilay. Napatikhim siya at tumigil sa pagtawa.

"Lea na kinuha sa pangalan ng ama, Leo. Pangit no'n, p're. Panget name mo," pang-aasar ni Jenny na bumelat pa.

"Panget ka rin," pagbabalik ko.

"Lesenn Caye Gozon. She's our little Lesenn,"

Pumalakpak ang kamay ni Jenny at akmang lalapit ulit kay Celenn pero nahila ni Ian ang braso niya.

"We need to go home. Change your clothes first," wika nito kaya lahit ayaw pa umalis ni Jenny ay napilitan itong sumama sa asawa.

"I really like your circle of friends. Nakakatuwa sila at mababait pa,"

"Mabait kapag tulog, kamo,"

---

4 months later...

Lesenn Caye Christening

"Regalo muna bago kain," anunsiyo ko habang nasa mini-stage na inihanda namin kanina.

Karga ko ang anak ko na nakasuot na magandang white dress at mahimbing na natutulog sa braso ko.

"Pakilapag ng regalo bago kumuha ng pagkaain, maraming salamat," sigaw ko ulit.

"Buraot mo. Kawawa si Caye dahil buraot ang panget niyang ama!" sigaw ni Iguel na naglapag na maliit na kahon sa isang lamesa.

Umismir ako sa kaniya. "Bawal magreklamo ang may maliliit na regalo. Mga walang kwenta," sigaw ko.

"Mahal 'yung regalo ko, tanga!" depensa niya sa sarili. Hindi ko siya pinansin at bumaba sa minis stage.

Kinuha ni Mama ang anak ko at siya na ang kumarga rito. Lumapit ako kay Jia na karga-karga ang anak niya.

"Pogi naman ni Berting na 'to!" kinurot ko ang matabang pisnge ng anak niya.

"Anong Berting? Bryte 'yun, gago," inis na sabi ni Jia.

"Ah, Bryte pala akala ko kasi ay Berting," bago pa ako masapak sa mukha ay umalis na agad ako at lumapit kay Hale at Eyan na nagkekwentuhan. Nasa kandungan ni Hale ang anak niyang si Jino.

"Jino, sabihin mo 'po-gi-ni-nong' dali," pang-uuto ko at hindi ako pinansin ng dalawa.

Inosente akong tiningnan ng bata bago umiwas ng tingin. Aba'y nandedma pa nga.

Tumayo na lang ako dahil mukhang walang balak si Jino na pansinin ang pogi niyang ninong. Tumingin sa paligid at nakita ko sila na masayang kumakain o masayang nakikipag-usap.

May kaniya-kaniya na kaming pamilya at lahat kami ay masaya. Hindi man tulad na dati na lagi kaming nagsasama-sama pero masaya pa rin ako sa nagkakasama-sama pa rin kami s amga ganitong okasyon.

Kasal. Binyag. Birthday o kung ano pang pwedeng i-celebrate.

Maraming panahon na ang lumipas. Marami na ang nagbago pero hindi ang samahan namin.

"Group picture raw!"

"Sige!"

"Bet!"

"Teka, ako sa gitna!"

"Jenny, doon ka sa likod!"

"Hindi ako makikita sa picture kapag nasa likod ako!"

"Wala kaming pakialam!"

"Tarantado ka, Kian!"

"Wait, umupo kayong mga boys para makita ang lahat!"

"Upo na!"

"Okay, 1...

...2

...3"

*Click

***

(End of Kaguluhan 35)

Next update will be the Epilogo :>

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro