Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

•Kaguluhan 27•

Jia Lendell

***

Natapos ang 18th birthday party ni Hale ng halos alas-dose pasado na, kaya ang ending, lahat kaming mga nandito pa ay dito na pinatulog nina Tita (Mama ni Hale).

Malaki ang venue na nirentahan nila at mayroon ding mga kwarto na para sa mga bisita. Kaya sa isang kwarto, lima kaming magkakasama.

Ako, si Jenny, si Nena, si Sofia, at si Vicca.

Sa kabilang kwarto naman ay sina Klea, Elise, at si Dianne. Apat sana sila kaso sinundo ni Anton si Eyan kaninang mga alas-otso ng gabi, dahil hindi pwedeng mapuyat ang buntis.

"Sheyt, aalis nga pala kami tomorrow," biglang ani ni Nena kaya lahat kami ay napatingin sa kaniya.

"Bakit? Sa'n ang lakad mo, girl?" tanong naman ni Jenny na nakadapa sa malaking kama. Kasyang-kasya kaming lima r'yan.

"Sa probinsya kami magpapasko, 'diba? Tradisyon na nina Mama 'yun eh," sagot niya sabay irap sa kisame.

Napatawa ako dahil sa ginawa niya at pumwesto sa dulo ng kama. Inaantok na rin ako dahil ang dami rin ng ginawa namin kanina.

"Ikaw naman ang susunod na mag-e-18th birthday sa Jan 4, 'diba Jia?" siniko ako ni Vicca na siyang katabi ko sa higaan.

Nasa gitna si Sofia, sunod ay si Jenny at ang nasa kabilang dulo ay si Nena na mukhang  nakatulog na ka-agad. Antok na antok ang meme niyo!

"Wala akong paparty. Mahirap lang kami," pambabara ko sa kaniya.

"Bobo, sinong mahirap? Ang papa mo bang may-ari ng restaurant?" pilosopo niyang sagot sabay yakap sa akin.

Ang bigat ng binti niya, pvta.

"Ayuko nga magpaparty. Baka konting salo-salo na lang with family," sagot ko. Iyon naman talaga ang gusto ko, ayuko ng masyadong magastos.

"Ngek, edi hindi kami kasama d'yan?" ismir na tanong ni Jenny na nakatigilid paharap sa amin.

"Hmmm, ipagte-take out ko na lang kayo," natatawa kong sagot.

"Ayaw mo bang isuot ang sarili mong gawa? Sayang, ang gaganda pa naman ng mga gown na nagawa mo! Basta 'pag ako nag-18th birthday, ikaw gagawa ng gown ko," himutok ni Sofia.

Tumango-tango ako para sumang-ayon sa huli niyang sinabi.

"Sure. Pwede na 'kong magnegosyo nito!" nagtatawa kong sabi pero 'yun naman talaga ang balak ko sa future.

"Ako rin. Ipagawa mo ako ng gown sa birthday ko," wika rin ni Vicca kasabay ng paghihikab niya.

Dahil do'n ay humikab din ako at matiing ipinikit ang mata.

"Matulog na tayo, inaantok na si magandang ako," narinig kong mahinang wika ni Sofia.

"Goodnight, girls."

"G'night!"

---

Nakauwi sa bahay pasado-alas otso ng umaga. Sinalubong ako ni Mama at binigyan ng isang mangkok na champorado.

Pagkatapos kong kumain ay dumeritso ako sa kwarto at ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagod mula kahapon.

Tumulong din kasi kami sa pagwewelcome ng mga bisita ni Hale tapos tumulong din kami sa pagseserve ng mga inumin at pagkain.

Grabe. Kaya sobrang sarap ng tulpg naming lahat  kagabi at nahirapan sina Tito na gisingin kami. Nakakahiya lang at sobrang gulo ng pwesto namin nang pasukin nila kami.

"Wala pa si Papa, Ma?" tanong ko kay Mama nang makababa mula sa hagdan.

Kakagising ko lang pasado alas-dose na ng tanghali. Ang init-init kaya nagising ako. Idagdag pa na ang ingay-ingay sa kapitbahay.

Juskoo.

"Wala pa. Mamayang hapon ang uwi no'n, anak." sagot niya. "Siya nga pala, may nakahain na sa kusina, kumain ka na kung nagugutom ka," dugtong pa niya.

Tumango ako at dumeritso sa kusina. Tama nga si Mama dahil nakita ro'n ang isang mangkok na may laman na Tinolang manok.

Kumain muna ako bago naghugas ng nakatambak na plato sa lababo. Pagkatapos ay bumalik muli ako sa kwarto para magfacebook.

Nag-sscroll ako sa newsfeed nang makita ko ang post ni Nena na nasa probinsya na. Nakasuot siya ng yellow dress habang ang nasa likuran niya ang malawak na karagatan.

Nakita ko rin ang mga comment nina Dianne sa post niya.

Elise Fernando: Ganda yarn? Mukhang pating eh!

Dianne Cheng: Sabi ko akin na lang 'yang dress. Kaya pala ayaw mo ibigay kasi ipagyayabang mo d'yan. Panget kabonding!

Eyan Perez: Girl, pasalubungan mo 'ko ng sariwang bangus :>
    Jennifer Santos replied to Eyan Perez ...
Jennifer Santos: Dianne Cheng, 'pag walang bangus, dinamita na lang daw hashahaha!
Eyan Perez: Jenniffer Santos tanginamo sagad sa buto!

Jennifer Santos: bebeghurl ko!!!!

Vincent Basdien: Dalaga na si Nena.

Dino Damus: Gusto ko ng isang kilong tilapia...

Kian Abudabo: Pasalubong. Mwuah.<3

Sofia Villa: Gunthe!

Napailing at napatawa ako sa mga comments nila. Mga walang magawa dahil bakasyon.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa sigaw ni Papa mula sa baba. Mabilis akong napabangon kaya grabeng hilo ang naramdaman ko. Ang sakit ng ulo ko, pvta!!!

"JIAAAA! GUMISING KA NG BATA KA!!!" rinig ko na namang sigaw niya.

Napapikit ako at humiga ulit sa kama.

"Teka! Gising na 'ko! Bakit ba?" sigaw ko pabalik habang sapo-sapo ang ulo.

"PUPUNTA TAYO SA LOLA MO! MAGBIHIS KA NA D'YAN!" sigaw niya na nagpadilat sa dalawa kong mata.

"Talaga?" sigaw kong tanong.

"Oo, kaya bilisan mo!" sagot ni Mama na pumasok sa kwarto ko.

Hinalungkat niya ang drawer ko at kumuha ng black pants at white crop top. Pagkatapos ay hinagis niya 'yun sa mukha ko. Napapikit ulit ako dahil sa pagtama no'n.

"Iyan ang ibihis mo. Dalian mo, Jia." sabi niya bago umalis sa kwarto ko.

Halos dalawang taon na simula ng hindi kami nakabisita kina Lola. Laging busy si Papa kaya 'di kami makauwi. Gustong-gusto ko talaga ang makabonding si Lola at ibang pinsan na hindi ko masyado ka-close dahil dito kami sa Manila nakatira.

Nakakatuwa at hindi ako matetengga sa bahay ng dalawang linggo. Sana lang at magtagal kami kina Lola. Gusto kong tumambay muna sa kanila.

"Bakit biglaan naman ang punta natin kina Lola?" nagtataka kong tanong nang makapasok sa passenger seat sa likod.

Habang si Papa naman ang driver at nasa tabi niya si Mama. Yung kapatid kong matanda sa'kin ng limang taon ay nagtatrabaho sa Canada, kaya wala siya rito.

"Wala kasing trabaho ang Papa mo kaya do'n na lang tayo magpapasko kina Lola mo," sagot ni Mama sabay ngiti sa'kin mula sa rear mirror.

Tumango-tango ako at nagchat sa group chat na hindi ako makakasama sa pamamasyal nila bukas ng hapon.

Ilang mura ang natanggap ko at paratang na mang-iiwan daw ako. Napa-ismir ako sa mga reply nila kaya nagsend ako ng f*ck u emoji sa group chat. Halos lahat sila ay tumawa sa sinend ko. Mga walang kwenta. Haystt.

Pasado alas-kwatro ng hapon kami nakarating sa bahay nina Lola at isang mainit na yakap ang natanggap ko mula sa kaniya.

"Kamusta na ang pinakamaganda kong apo?" nakangiti niyang pang-uuto.

Tumawa ako at nagmano sa kaniya.

"Si Lola naman. Eh ako lang naman ang babae niyong apo eh," natatawa kong sagot kaya natawa na rin siya.

"Siya nga? Pero maganda naman talaga ang Jia ko," aniya kasabay ng pagpisil sa dalawa kong pisnge.

Pagkatapos no'n ay nagkamustahan sila nina Mama't Papa bago kami nakapasok sa makaluma niyang bahay. Hindi gaano kalaki pero kasya kami. Ngek.

"Nagmeryenda na ba kayo? Nagluto ako ng suman kanina," tanong niya. "Jerome! Ihanda mo nga rito yung suman, nandito na ang tita at pinsan mo!" sigaw niya at mula sa kusina ay lumabas ang batang lalaki na may dala-dalang tray.

Tumayo ako at ngumiti sa kaniya. Siya si Jerome, ang nag-iisa naming pinsan na naulila na five years ago. Dahil nagkasakit ang Papa niya at na-aksidente naman si Tita.

"Hi, Jerome! Kumusta ka na?" tanong ni Mama.

"Ayos lang, Tita. Honor student po ako," masigla niyang sagot at tumabi kay Lola.

"Gano'n ba? Naku, sana gano'n din si Jia sa school," humalakhak si Mama sa sarili niyang sinabi.

"Ma naman!" reklamo ko kaya lahat sila ay napatawa.

Ilaglag ba raw ang sariling anak? Amp.

"Dito ba kayo magpapasko, ate Jia?" bumaling sa'kin si Jerome.

Ngumiti ako at tumango sa kaniya.

"Oo naman!"

***

(End of Kaguluhan 27)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro