•Kaguluhan 22•
Klea Beven
***
Hindi ako natinag habang sinasabunutan ang babaeng tumulak kay Eyan. Sinuntok ni Jenny 'yung mukha niya habang si Elise naman ay malakas siyang sinikmuraan. Habang mabilis namang lumipad ang kamao ni Vicca sa panga niya.
Hindi pa nakuntento sa kinalalagyan ng babae ay agad na sumugod si Jia gamit ang malaking bato na pinulot niya kanina. Hinawakan ni Sofia at Hale ang magkabilang braso nung babae kaya hindi siya makatakas sa amin.
"Hoy!" Napatapon ang isang fishball na isusubo ko na sana dahil sa sigaw ni Nena sa harap ko.
"Ano ba?" Irita kong sagot.
Nagtaka siya pero hindi na rin iyon pinagtuonan dahil mabilis niya akong hinila papunta sa bilihan ng isaw.
Nawala tuloy sa isip ko ang eksenang gusto kong gawin sa malditang babae na 'yun. Kung ako lang ang masusunod ay gusto kong gumanti sa kaniya. Gusto ko rin siyang itulak sa taas ng mataas na building. Mygod! Muntik na kayang makunan si Eyan, mabuti na lang at malakas ang kapit ng baby niya. Jusko, 'di ko ma-imagine ang mararamdaman ni Eyan kung nagkataon na nawala ang baby niya.
Nagulat ako at napatingin kay Nena nang kuritin niya 'ko sa tagiliran.
"Tangina naman, Nena," bwesit kong sabi.
"Libre mo nga ako, Klea. Balita ko nanalo ka raw sa lotto," aniya habang naghahanap ng masarap-sarap na isaw.
"Pa'no ako mananalo, eh 'di naman ako tumataya. Bobo mo," nakasimangot kong sagot.
"At saka, bakit ba sa'kin ka nagpapalibre? Nandoon si sofia oh, over there!" ngumuso ako. Sinundan niya iyon ng tingin at ngumisi sa akin.
"Nakahingi na rin ako sa kaniya eh, alam mo naman kayo ni Sofia, yayamanin," komento niya at humigop ng suka.
Hindi ko siya pinansin at binigay nalang kay kuya tindero ang bayad. Kumuha na rin ako ng dalawang piraso at kumuha ng plastic cup para lagyan ng suka.
"Hindi talaga natin masisisi si Eyan kung bakit siya maagang nabuntis," bulong niya sa akin. Kumunot ang noo ko at umingos sa kaniya.
"Anong pinagsasabi mo?" mataray kong ani.
Tumawa siya at tinuro ang direksyon ni Eyan at ni Anton na nagpakita rin sa wakas.
Noong sinugod si Eyan sa ospital ay dumating si Anton Cuevas at halata ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
Saksi rin kami kung paanong pinadugo ni Tito ang gwapo niyang mukha pero makalipas ang tatlong araw ay naging maayos na silang lahat. Sa pagkakaalam ko ay nag-usap silang apat sa loob ng kwarto ni Eyan ng masinsinan. Simula noon ay lagi ng hatid at sundo si Eyan sa school.
Naging maayos na si Eyan. Hindi na siya laging tulala at malungkot. Glowing nga si buntis eh.
"Nagpabuntis agad si Eyan para wala ng kawala si Pogi," walang kwentang sabi ni Nena.
"Bobo, kapag nakakita ka ng kasing gwapo niya, magpapabuntis ka agad?" Umirap ako sa kaniya habang ngumunguya.
"Hindi, 'no! Gagayumahin ko siya." humalakhak siya sa sariling sinabi.
"Mas maganda ang plano ko kesa kay Eyan," dugtong pa niya.
"Panget ka na nga, baliw ka pa," komento ko.
Umakto siyang na-offend sa sinabi ko. Pagkatapos ay dinuro niya ang mukha ko.
"Wow, Klea. Sino kaya ang lumalandi sa isang kalaban ng section niyo?" Nakataas kilay niyang aniya.
Ngumisi ako dahil doon.
"Mind your own business, bitch. Nasa stage pa lang kami ng getting ko know each other. Huwag kang kontrabida sa lovelife ko," tinaasan ko rin siya ng kilay.
"May alam akong tindahan ng mabibisang gayuma," bigla ay bulong niya.
Napatawa ako.
"Gago, 'di ko kailangan ng gayuma. Ang kailangan ko lang ay kagandahan. Ang kagandahang wala ka," pambabara ko.
"Gago 'to, mas maganda nga ako sa'yo eh," aniya.
Hindi ako naniniwalang tumingin sa kaniya.
"Huwag kang mangarap na malalampasan mo ang beauty ko, tanggapin mo na lang," nakangisi kong sabi.
"Ay, ang yabang." bubulong-bulong niyang sabi.
---
"Anong gusto mo?" Lumawak ang ngiti niya nang lumingon sa akin.
"Ikaw." malandi kong sagot. Bahagya siya natawa at lumapit sa akin.
"Hmm, ang ibig kong sabihin ay kung anong gusto mong pagkain?" ulit niya. Tumingin ako sa menu na nakasabit sa dingding.
Pagkatapos ay tumingin ulit ako sa kaniya.
"Ikaw nga," Nakangisi kong sagot.
Ngumisi siya at umiling-iling.
Hanggang sa sumingit ang isang bakla sa aming dalawa.
"Excuse me lang ah, kung maglalandian lang naman kayo ay huwag sa karinderya ko, pakiusap." pagkatapos ay tinarayan niya kami.
Malakas akong tumawa. Pero tinaasan lang ako ng kilay nung may-ari ng karinderya.
"Sorry, 'yung best seller niyo na lang."
"'Yun din ang akin, tol." pahabol ni Cyril.
"Tol?" taas kilay na lumingon sa kaniya yung bakla.
"I mean, miss." natatawang pagbawi niya.
Natawa rin ako bago umupo sa bakanteng mesa.
"Akala ko 'di ka sisipot dito," Una siyang nagsalita kaya ngumiti ako.
Lumabi ako at tumitig sa kaniya.
"Malapit lang naman sa amin itong lugar kaya, bakit hindi?" kibit balikat kong sagot.
Tumango-tango siya sa sinabi ko. Ang disente niyang tingnan. Sa isang tingin ay para siyang hindi mayabang sa loob ng court. Mayabang naman talaga siya at nakita ko 'yun. Ganun talaga ata ang mga lalaki, nagyayabangan sa isa't isa.
"Bakit?" taka niyang tanong dahil nakatitig lang ako sa kaniya.
"Wala naman. Nakakakita kasi ako ng future ng isang tao, pero huwag mong ipagkakalat ah,"
"Joker ka rin eh," natatawa niyang aniya habang umiling-iling.
Mabilis rin akong umiling at kinuha ang kamay niya. Pumikit ako at nagkunwaring hinuhulaan siya sa pamamagitan ng kaniyang kamay.
Pero siyempre, tumatsansing lang ako.
"Oh sige, anong nakikita mo?" panghahamon niya.
"Wait lang, huwag kang magulo. Nawawala ako sa concentration," saway ko. Narinig ko ang pag-chuckle niya.
"Spell, concentration." natatawa niya pang sabi.
Napakunot ang noo ko pero nanatili akong nakapikit.
"Siraulo ka ba? Huwag ka sabing magulo," asik ko.
"Okay, okay,"
"So, pangarap mong maging isang doctor sa hinaharap. Doctor sa puso ang nais mo sa totoo lang. Magiging isa kang magaling na doctor sa hinaharap dahil bukod sa marami kang nagamot na mga puso ay nasungkit at naalagaan mo rin ang puso ng babaeng sa tingin ko ay para sa iyo. Kung tatanungin mo kung sino 'yung babae ay nagsisimula sa letter K ang pangalan niya. Isang teacher 'yung babae na makakasama mo sa habangbuhay at paborito niya ang tinolang manok. Magiging masaya kayo kasama ang marami niyong supling," Humihingal ako nang buksan ko ang mata ko.
Nakita kong nakangiti siya habang nakatingin sa'kin.
"Anong masasabi mo sa kapangyarihan ko?"
"Amazing. Ang ganda pala ng future ko," nakangiti niyang aniya.
"Naman! I'm amazing, right?" nagyayabang kong sabi.
"But, I want to be a doctor of animals, not a doctor of heart. Gusto kong maging beterinaryo," natatawa niyang sabi.
Ngumiwi ako.
"Baka, nagkaroon lang ng glitch sa panghuhula ko. You know, kakasimula ko lang kahapon,"
"Saan ko kaya matatagpuan yung babaeng may letter K ang simula ng pangalan?" maya-maya ay tanong niya.
"Diyan lang sa tabi-tabi o sa harap-harap mo,"
***
(End of Kaguluhan 22)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro