•Kaguluhan 16•
Jennifer Santos
***
Napaawang ang maganda kong bibig nang makita ang isang pamilyar na bulto hindi kalayuan sa pwesto namin nina Hale. Napakagat ako sa labi ko nang makita ang kabuuan ng mukha niya.
Shems, ang gwapo pa rin. Pvta, pa'no ako magmomove on nito?
Narinig ko ang boses ng mga kasama ko pero wala akong maintidihan dahil nakatuon ang atensyon ko kay Ian na masayang nakikipag usap sa bago niyang mga kaklase.
Bakit kaya sila napadpad dito? Medyo malayo rin ang school nila mula dito eh.
"Jenny!" Nagitla ako at napatalon sa kinatatayuan.
Binalingan ko at sinamaan ng tingin si Klea dahil sa biglaan niyang pagkurot sa tagiliran ko.
"Ano ba?! Parang tanga," reklamo ko.
Kumunot ang noo niya at bahagya pa akong hinampas sa braso.
"Kanina pa kita tinatawag, gaga. Punta raw tayo sa Henyeon!" sigaw niya dahil lumakas ang ingay sa kinaroroonan namin.
Bigla kasing nagsidatingan ang mga Junior High at nakigulo sa nagtitinda ng mga kwek-kwek.
Wala na akong nagawa nung hilahin ni Klea ang braso ko para sumunod kina Sofia na nauna na papunta na sa Henyeon Park na hindi naman kalayuan dito.
Hindi ko tuloy nagawang sumulyap ulit kina Ian dahil ang bilis manghatak ng bruha.
Tamad ako nagpahila kay Klea at nagpabigat sa paghila niya. Hanggang sa bigla niya na lang ako bitawan at saktong bumunggo ako sa isang lalaki na nakatalikod sa'kin.
"Aray! Pucha!—Sorry po!" nakatungo ako habang nakahawak sa buong mukha.
Amputa, nakakahiya! Pesteng Klea!
Nang makabawi ay saka lang ako nag-angat ng tingin para makita kung sino ang nabangga ko.
Muntik pa akong matumba nang makita ang singkit na mata ni Ian Montenegro. Napatakip ako sa bibig ko dahil muntik na akong tumili.
Bago pa 'ko makapagsalita ay meron na namang humawak sa kamay ko. Pagtingin ko ay si Klea pala na nagulat din dahil nasa harap ko si Ian.
"Uy! Nandito ka pala? Nag-uusap ba kayo?" kunwari ay natatawa niya pang sabi at binitawan ang kamay ko pero hindi naman siya umalis. Mabuti naman.
Wala kaming pag-uusapan, gaga. Huwag mong gawing awkward.
"No, sinamahan ko lang ang mga classmate ko na kumain ng streetfood dito." seryoso naman na sagot ni Ian na alam kong nakatingin sa'kin.
No? Haha, ba't ko ba in-expect na pumunta siya para sa'kin?
Grabeng assumera ka pala, Jennifer! Kastigo ko sa sariling isip.
Hinawakan ako ni Klea sa siko at bahagyang hinila.
Peke pa siyang tumawa kay Ian.
"Ah, sige, batsi na kami ni Jennifer." Nakangiti niyang sabi pero pagkatalikod ay bigla niya akong nginisian.
Umirap ako at nagpatangay na lang sa paghila niya. 'Pag ako binitawan niya na naman, sasabunutan ko na siya sa anit.
"Ba't ang tagal niyo?" bungad ni Vicca na prenteng nakaupo sa nilatag nilang kumot.
Mukhang balak talaga nilang tumambay muna dito. Talagang nagdala pa ng panglatag.
"Nagkita si Jenny at Ian kanina!" Pangtsi-chismis agad ni Klea at lahat ng atensyon nila ay napunta sa akin.
"Rumupok ba?" pang-aasar ni Elise na naka-upo sa malapit na bench.
Sumimangot ako at umiling. Pa'nong rurupok eh wala namang ginawa ang kumag na 'yon! Ni hindi niya nga ako kinausap eh, kahit 'Hi' man lang!
"Pero sabi ni Ian hindi naman daw si Jenny ang ipinunta niya roon," dugtong pa ni Klea.
Saglit silang natahimik.
"Ouch! Legit pain!" sigaw ni Vicca at niyakap ako.
Kung ano-ano pa ang pinag-usapan namin bukod sa pagkikita namin ni Ian. Napag-usapan din namin si Eyan na hindi man lang nagrereply sa group chat o kahit sa private message namin.
---
Pasado alas-syete na ako nakauwi sa bahay at agad kong naabutan ang kuya ko na abala sa paglalaro ng mobile games.
Ni hindi man lang ako napansin na pumasok sa bahay.
"Si mama?" tanong ko bago umakyat sa hagdan.
"Wala. Umalis. Lumayas." walang kwenta niyang sagot. Umirap ako na hindi niya nakita.
Pagdating ko sa kwarto ay nagbihis na ako at mabilis na humilata sa higaan habang nags-scroll sa epbi dot com.
Dianne Cheng tagged you in a post.
Klea Beven and 3 others commented on the photo that you're tagged in.
Tiningnan ko ang post ni Dianne at doon ko nakita ang maikling video na makikita kaming lahat na tumatawa. Eto ata ang kanina na tumawa kami dahil sa kwento ni Nena na nangyare sa sagutan ni Dino at yung kay Naomi sa classroom nila.
Lahat kami ay tumatawa.
Binasa ko ang mga comment nina Klea.
Klea Beven: Wow, ganda naman tumawa ng katabi ni Sofia Villa.
Napa-ismir ako dahil wala naman siyang tinutukoy na iba kundi ang sarili. Nagbuhat ng sariling bangko, amputs.
Elise Fernando: Tawa lang mga bagsak sa Gen Math.
Hale Suarez: Ba't may video? Gagi, 'di ko ginandahan ang tawa ko!
Jia Lendell: Tawa ko lang talaga ang pang-dyosa, hays.
Vicca Diaz: G4nd4 n@m4N<3
Tumagal ako sa pags-scroll ng halos kalahating oras. Kung hindi pa ako tinawag ni Mama ay mukhang malayo ang mararating ng aking epbi dot com.
---
Araw ng linggo ngayon at kasalukuyan kaming nakikinig sa sermon ni Father. Medyo inaantok pa ako dahil ginising ako ni Kuya ng sobrang aga.
Pagkatapos ng misa ay pumunta kami sa mall. Hindi sumama si Mama at Papa kaya nagdate na lang kami ni kuya. Tutal binigyan naman kami ng pera ni Mama ay lulubusin na namin.
"Anong order mo?" tanong ni Kuya pagkapasok namin sa isang fast food chain.
"Kung ano na lang ang order mo," sagot ko dahil wala akong maisip na kainin. Bahala na lang siya mag-isip ng order namin.
Ako ang naghanap ng pwede naming pwestuhan at sa taas ako nakakita ng bakante. Dire-diretso akong umupo at naglapag ng sling bag sa katabing upuan.
Inabala ko ang sarili sa pagpindot ng cellphone at saka lang ako nag-angat ng tingin nang magtawanan ang nasa unahan ko.
Ganoon na lang ang higit ko sa aking paghinga nang magtama ang tingin namin Ian.
Pvta! Anong katangahan 'to, destiny? 'Di ka na nakakatuwa ah!
Kahit siya ay nagulat nang makita ako. Siya ang unang nag-iwas kaya inalis ko na rin ang tingin ko sa kaniya.
Sa dinami-rami ng pwedeng kainan niya ay dito pa! Nakaka-irita na nakakasakit sa totoo lang.
'Di ba alam ni destiny na nagmomove-on pa ako? Minsan nga iinform ko siya.
Sakto ang pagdating ni Kuya sa pwesto namin. Hindi naging awkward sa'kin ang kumain dahil naharang ni kuya ang unahan ko. Hindi ako makikita kapag ngumuya, mwehahaha.
Pagkatapos kong ubusin ang pagkain ay malakas akong napadighay. Binato pa ako ni kuya ng tissue at nandidiri pa ang ekspresyon ng mukha. Feeling 'di dumidighay, eh mas baboy pa siya sa'kin sa bahay. Psh.
"Punta lang akong CR..." mahina kong aniya at tumango lang si kuya.
Tahimik akong naglakad papunta sa restroom. Inayos ko lang naman ang sarili ko at naglagay ng kaunting pulbo at liptint sa labi.
Pero 'di ko inaasahan na paglabas ko ay makikita ko si Ian. Nakasandal siya sa gilid ng pintuan.
Hindi ko alam ang irereact ko, putcha.
"Who's that guy with you?" siya ang unang nagtanong.
Ano raw? Ba't english?
"Huh?" maang kong sagot.
Saka lang niya ako tiningnan sa mukha. Ramdam ko ang unti-unting pag-iinit ng mukha ko.
"Sino yung kasama mo?" Mahina pero may diin niyang tanong.
Teka, si kuya ba tinutukoy niya? Malamang, wala naman akong ibang kasama kundi siya.
"Si—a-ano..." hindi ko masabi, amputa. Bakit ba kasi ang lalim niyang tumitig? Parang sinisisid ang buong pagkatao ko.
"Who is he?" hindi makapaghintay niyang sabi.
Doon tuluyang kumunot ang noo ko. Teka, bakit ko ba siya kinakausap. Dapat hindi ako nakkikipag-usap sa isang stranger. Hmp.
"Wala kang pake kung sino ang kasama ko. Tinanong ba kita nung isang araw kung sino yung kasama mo?" Hindi ko mapigilang magtaray. Parang biglang umurong ang hiya sa katawan ko dahil natalo siya ng katarayan na meron ako.
"They're my classmates, I've told you that already," aniya. Pero umirap ako sa kaniya.
"Edi sorry, 'di kasi ako mahilig makipag-usap sa multo," Inis kong sabi at binunggo ang balikat niya.
"Wait—"
"Tse!"
***
(End of Kaguluhan 16)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro